TEASER

3.6K 134 40
                                    

12 midnight na wala pa si Jema. Hindi na mapakali si Deanna. Mula kasi ng pagkauwi nito  ay hindi na nito nakita si Jema. Nag aalala na ito ng sobra sa babae. Kahit pa  sinabi ni nanay Helen na kinuha ito ng mga kaibigan nila. Ipinag paalam naman daw ito kay nanay Helen. Pero kahit pa nga ganoon ay nag aalala pa rin sya dito. Lalo pa at alam nya na sa Bar ang mga ito pupunta.

Hindi na  nakatiis si Denna at tinawagan na nito si Jema. Nagbakasakali sya na iyon pa rin ang number nito 2 years ago. Dahil sya iyon pa rin ang gamit na number.

Nag ring iyon, labis na nag pasalamat si Deanna at active pa ang number ni Jema.  May sumagot na. Kinakabahan pa si Deanna.

"H-hello  l-love a-asan ka na?" nauutal na sambit ni Deanna.

"H-hello Deanns?" rinig nya sa kabilang linya.

"who are you? Asan si Jema?" irita nyang sambit sa kabilang linya.

"k-kasi Deanns, a-ano kasi" nag dadalawang isip mag salita.

"sino ba yang kring na tumawag kay Jema?" rinig nyang tanong ng kasama sa kabilang linya. Si kring pala sumagot ng tawag nya. Boses iyon ni Ate nya Jia kaya sobra syang kinabahan.

"si Deanna ate Jia" sambit ni Kring.

"akin na nga ako na kakausap" rinig ni Deanna  na sabi ni Jia. Labis iyong nagpakaba kay Deanna.

"Hello Wong" galit ang boses nito

"H-Hello po a-ate Jia, Si J-Jema po" kabadong tanong nya sa kausap.

Tumawa ito ng mapait. Ramdam iyon ni Deanna kahit pa hindi nya ito nakikita. "marunong ka din pala mag alala Wong" madiin na sambit nito.

"saan po kayo? sunduin ko na  po sya" sabi na lang ni Deanna. Natatakot na talaga sya kay ate nya Jia.

"Wag na iuuwi na namin si Jema. Wag kana mag abala pa. Nakakahiya naman sayo maiistorbo kapa!" mahabang litanya nito. Hindi makapag salita si Deanna. Ramdam ni Deanna ang pagiging walang kwenta nyang mapapangasawa.

"Jia tama na yan! Sobra na yang mga lumalabas sa bibig mo" boses iyon ni Ate nya Ly. At pinatay na nga nito ang  linya ng phone ni Jema.

Naghintay nga si Deanna sa labas ng bahay. Pabalik balik syang nag lalakad. Hindi ito mapakali kahit alam nya na kasama nito ang mga kaibigan nila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakaalis na  ang mga nag hatid sa babae.
Nakahiga na din si Jema sa kama. Lasing na lasing ito. Buti na nga lang kasama pala nila si Kuya Miguel ang boyfriend ni ate nya Jia.

Nilinisan  na nito si Jema. Naaawa sya sa babae.

"Love pagod kana ba sakin?"  tanong nya kay Jema. Biglang tumulo ang luha nya ng makita nyang tumulo ang luha ng babae at tumango ito.

End of Teaser 😉

Hi Guys. may pasilip ako sa next chapter. Hehehe abang abang lang kayo. Sige na bye 👋. Godbless po sa lahat.

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon