Chapter 5

5K 142 12
                                    

Authors note :(Para mas feel nyo play nyo yong Mush 2 Acoustic Love Hits para perfect 👌)

Jema's POV

Nagising ako sa tunog ng Phone ko.
Nanatili lang akong nakapikit. Parang ayaw ko pang bumangon. Ang sakit ng ulo ko. Siguro sa dami ng nainom ko kagabi.

Tsk about last night? What happened nga ba last night ? natatandaan ko lang pagkatapos ko na kumanta nagpaalam ako sakanila para mag cr. Hindi naman talaga ako literal na gagamit ng cr that time, but I feel that I badly needed to go on the place where I can release my feelings my emotions and comfort room ang isa sa lugar na pinupuntahan ko bukod sa kwarto na malaya kong nailalabas ang nararamdaman ko.

At kagabi doon ko naisipang pumunta. Pero ng pag tayo ko subukan ko man na ayusin ang pag lalakad ko subalit hindi ko magawa. Even ate Jia nakita nya ang pag struggle ko. Kaya she offered to help me. But I refused it coz' I feel that I need to be alone that time.

Tama ba ako sa naalala ko? Even Deanna nag offer na tulungan ako. Well siguro kasi nan'doon yong mga kaibigan namin.

(Sad naman dahil lang kasama ang mga kaibigan kaya nag malasakit) Author
-kaya nga author masyado mo na kong sinasaktan
(Hindi ah, igaganti nga kita. Trust me, wag kalang bumigay agad kilala kita eh hahahahaahah😉) author
-hoy Hindi ako marupok!
(okay sabi mo eh, sige na back to the story na bye) author

ayon hindi ko na alam ang sumunod na mga pangyayari. Nakaakyat ba ako ng maayos? Hindi ko talaga alam. My God Jema ano na nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. May nararamdaman akong kakaiba.
Nararamdaman ko ang bigat ng katawan ng isang tao. Nakayakap sakin.

Naaamoy ko ito hindi ako maaring magkamali.Si Deanna iyon, ito ang natural nyang amoy yung walang pabago at kahit anong pinapahid sa katawan. Kahit ang katawan alam kong sya. Napansin ko ang mga kamay ko na nasa likod nito at aba tong kamay ko may sariling isip nasa loob na naman ng damit nya. Nakakahiya ka talagang kamay ka. Alam mo naman na hindi na kayo. Lumakas tuloy kabog ng dibdib ko.

Dahan dahan ko iyon tinanggal baka kasi magising nya ito. Nag mulat na ako ng mata nakita ko naman ang leeg na...........

Wuaaaaaahhhhh naka siksik na naman pala ako sakanya. Pero ang bango talaga nya kahit walang nilalagay na pabango sa katawan. Nakaka adik talaga.

"hoy Jema tulog yan pinag nanasaan mo! Ikaw talaga pag may pag kakataon eh noh." shut up self ngayon lang.

Bigla naman akong nagulat ng tumunog ulit yong phone ko. Biglang gumalaw si Deanna. Ni rub ko ulit likod nya at ayon tulog na naman. Hahahaha galing ko talaga.

Dahan dahan kong tinanggal yong kamay nya sa baywang ko. May pag iingat ito paraan upang hindi sya magising. Nang matagumpay ko na itong matanggal ay kinuha ko kaagad ang tumutunog na phone ko. Dahan dahan ulit akong bumangon. Nakita ko naman na tumatawag si Nanay Helen. Kinabahan ako. "bat' kaya tumatawag si nanay?" lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pumunta ako sa direksyon na malayo layo sa bed namin ni Deanna baka magising ko ito.

Sinagot ko na nga ang tawag ni nanay. Kabado pa rin ako.

Jema: Hello po nanay Helen? Pabulong ito. Halata ang kaba dito .

Nanay Helen: a.....anak kasi......... Iniisip kung sasabihin ba dito.

Jema: Nay ano po iyon? Kabado na talaga ito.

Nanay Helen: p..... Punta ka d....dito. Nag dadalawang isip pa rin kung sasabihin.

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon