Chapter 19

6K 186 57
                                    

Jema POV

"Love wala kang plano puntahan ngayon o kaya kahit bukas?" Walang pasok si Deanna dahil sabado. Gusto kasi nya itong makasama  sana na sila lang.

Sa nakaraang mga araw kasi masyado itong abala sa di nya malamang dahilan. Hindi man sabihin ng babae sakanya. Ramdam nya ang sobrang pagod nito sa tuwing uuwi sakanila. Kahit pa nga hindi ito nag kukulang ng atensyon sa kanya lalo na kay Uriel ay alam mo na may pinag kakaabalahan ito.

"Ikaw ba saan mo gustong pumunta?" napukaw sya sa sinabi nito.

Nakahiga pa sila sa kama habang magkayakap ng umagang iyon. Sa paborito nilang posisyon. Bahagya  syang nakadapa kay Deanna habang ang kamay nito ay nasa loob ng kanyang damit at  hinahagod iyon ng paulit ulit, pababa at pataas sa kanyang likod. Nakaunan sya sa braso ni Deanna. Multi tasking ang ginagawa nito  dahil ang brasong nakaunan sakanya ay bahagyang nakapulupot  sa kanyang leeg dahil banayad nitong hinahaplos ang kanyang batok at minsan ay hinihilot nito ang kanyang ulo at pinag lalaruan ang kanyang buhok. Sya naman ay nawiwili sa pakikinig ng pintig ng puso nito. Ito na ang pinaka magandang musika na kanyang narinig. Paulit ulit man ang ritmo ay tila ba iyon ay isang magandang tunog na gugustuhin nyang marinig ng paulit ulit. Alam nya kailan man ay hindi sya mag sasawang pakinggan iyon.

"Hindi kaba pagod?" ito na ang paraan nya para mag usisa dito kung bakit ba lagi itong aligaga. Lagi na lang itong may kausap sa Cellphone. Minsan nga gusto na nyang mag selos kung sino man ang kausap nito palagi.

"Hindi naman, why?" takang tanong ni Deanna sakanya.

"this past few days kasi nahahalata ko masyado kang pagod kapag umuuwi dito" pasimple nya itong tiningala. Ngunit sa gulat nya ay nakatingin din pala ito sakanya at ginulat pa sya.

"Wuaaaaaa!, hahahaha. Huli ka titingin kapa sa'kin ah" natatawa nitong sambit sakanya.

"Ano ba love, nakakagulat ka naman" natatawa rin nyang sambit dito habang hinahampas ito sa braso.

"Actually may tinatapos akong papers. Kailangan na kasi next week. Sorry kung sa tingin mo hindi ko kayo napag ukulan ng pansin" paliwanag nito sakanya. Hindi naman sya nag kulang kahit pa busy ito. Hindi nya pinardam na baliwala sila ng mga oras na iyon. Napansin lang nya ang sobrang pagod nito at pagiging aligaga. Ngunit hindi ibig sabihin non ay nag kulang ito sakanila.

"Hindi ka nag kulang kahit nga marami kang trabaho na dapat mong tapusin hindi mo parin nakalimutan kami ng anak mo. Sa tamang oras ka pa rin umuuwi. Sana sinabi mo sa'kin para sana natulungan kita." pag alala nyang sambit dito. Hinahaplos na nya ang mukha nito habang nakatitig sila sa mga mata ng isa't isa.

" No need na love, kaya ko naman para sa future natin" parang sirang plaka na paulit ulit na umukilkil iyon sa pandinig ni Jema.

"Para sa future"

"Para sa future"

"Para sa future"

"Para sa future"

"Para sa future"

"Para sa future"

Hindi nya alam kung ilang beses iyon na paulit-ulit na nag sumigaw sa kanyang isip. Hindi iyon nakakabingi bagkos isa iyong musika sa kanyang pandinig.

Pinag hahandaan na nya ang aming future. Napatingin syang muli dito. Kung tutuusin sa estado ng kanilang buhay ngayon ni Deanna. Kapwa parehas ng stable ang kanilang mga sariling buhay. Ang kulang na lang ay kasal. Sya kaya ng buhayin ang magiging pamilya sa tinayong sariling negosyo. Hindi na nya kailangan ng suporta galing sa magulang. Maging si Deanna ay ganoon din. Napaka lawak na ng narating ng GW Hotel Inc. Kahit pa  galing ito sa pamilya nila. Hindi ipag kakaila na dahil kay Deanna ay lumago iyon at ngayon ay kilala na sa buong bansa.

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon