Chapter 7

5.2K 155 19
                                    

Jema's POV

Nagising ako na parang may nakatitig saakin. Gusto ko ng magmulat ngunit pinakiramdaman ko muna ang paligid. Someone's hugging me? Nakaharap ako sakanya. What? could it be Deanna? Oo nga sya lang naman kasama ko dito sa bahay at kahit dito sa kwarto. Bigla akong na blanko ah. Sya nga lang pala kasama ko.

Dahil sa isiping iyon. Gusto namang kumawala ang kanyang puso sa orihinal na kinalalagyan nito.

"Please heart stop beating so loud baka marinig ka" suway ni Jema sa kanyang puso. Ramdam na kasi nito ang dahan dahang pag bilis at pag lakas ng kabog ng dibdib nito.

Nako naman ayan kana naman. Bakit ba sa tuwing alam ko na nasa malapit  ka lang eh bigla-bigla ng magwawala 'tong puso ko. Parang laging may libo-libong nag liliparan na butterfly sa loob ng stomach ko. Kaylan ko ba ito huling naramdaman? More than two years na din. Kaytagal nyong nahimlay ah. simula nang mawala saakin si Deanna.

naramdaman ko ang unti-unti nyong pagkamatay. At ngayon sa dalawang taon naramdaman ko ulit kayo. Masayang nag liliparan sa loob ko. Ngayon ko ulit naramdaman ito, yong feeling na nakaka kaba pero ang sarap sa pakiramdam. Para akong dinuduyan ng malakas at naiiwan ang puso ko na nakabitin sa ere at biglaan itong babalik  sa dibdib ko.

Matagal na nga na gising si Jema ngunit hindi pa nito minumulat ang mga mata. Ng bigla nitong maramdaman ang halik ng babae sa kanyang noo. Nagulat man sya ay pinanatili nitong nakapikit lang ang mga mata. Sobrang nag tatalon ang kanyang puso.

"wake up na" narinig na sambit ni Deanna . Napaka lambot ng boses tila ba nang aakit ito. Hindi pa rin sya nag mulat. Mahirap talaga gisingin ang taong dati na gising ano.

"Hi I said wake up na po" rinig ni Jema na sambit ni Deanna. Naramdaman ulit ni Jema ang pag halik nito sa noo nya pababa sa ilong dumako sa magkabila nyang pisngi. Bigla naman syang naalarma ng alam nya na ang susunod nitong gagawin. Gumalaw sya kunwari. Patay malisya itong tumalikod sa babae.

Gusto ko man ang ginagawa mo sa akin Deanna dahil ngayon mo na lang ulit ito ginawa kailangan parin nating itama ang lahat ng maling nangyayari saatin ngayon.

Pilitin man iwaglit sa isipan ni Jema ang mga bagay bagay. Ngunit hindi nya magawa. Nadadala man sya sa mga pag babago sa babae ngunit pilit pa rin nyang isinisiksik sa isip na hindi ito tama. Hindi tamang magpatangay sa labis na kasiyahan.

Nadadala si Jema sa bawat halik at haplos nito na ginagawa ngayon. Ito kasi ang pang gising nito noon na labis nyang na miss ng hindi na sila magkasama. Ngunit alam pa rin nya ang limitasyon nilang dalawa. May girlfriend pa rin ito. May masasaktan pa rin sila at alam iyon ni Jema.

Sa lahat kasi ayaw nito na may masasaktang iba. Mas mabuti pa dito na masaktan sya wag lang sya ang makasakit. Ganoon lumaki si Jema. Iniisip ang iba bago sya. Narinig na lang nito ang pag buntong hininga ng katabi at muli nitong naramdaman ang pag halik ni Deanna sa kanyang buhok.

Sorry love ayaw ko lang na magkasala ka pa sa girlfriend mo, kahit alam kong mali na itong ginagawa natin. Nag papadala rin ako, mas magiging mali ito kung pag bibigyan kita ng paulit ulit. Alam ko na nadadala ka lang sa sitwasyong meron tayo. Gusto ko man ang ginagawa mo dahil sobrang miss na kita. Pero hindi ito tama, hindi tama na may niluloko tayo. Tama na yong pagkakasala natin kagabi. Last na yon promise hindi na ako ulit mag ti-take advantage pa sayo at sa kung anong meron tayo ngayon. Tama na sakin yong nakikita kita araw araw masaya na ako doon.

Naramdaman nito ang pag tayo ng katabi. Dumiretso ito sa CR siguro mag hihilamos na. Wala naman itong pasok dahil linggo ngayon. Ng maramdaman nya ang pag sara ng pinto nang banyo ay nag mulat na sya ng mata. Napabuntong hininga na lang ito sa dami ng alalahanin. Dahil doo'y nakaisip ng paraan si Jema upang hindi na sila ni Deanna ulit umabot sa punto katulad ng naganap kagabi. Sya na lang ang iiwas dito. Hanggat maaari hindi nya hahayaan na mangyari ulit na katulad ng kagabi.

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon