Chapter 6

4.2K 150 24
                                    

Authors note: habang binabasa nyo to pakinggan nyo yong "walk you home"   OST po sya ng Tai Movie na "I'm fine thank you love you" ganda nya promise. Enjoy po. Salamat 😘

JeDean's POV

Nagising si Jema. Pinakiramdaman nya muna ang taong nasa tabi nya.

Totoo nga hindi lang panaginip ang nangyari kagabi. Si Deanna nga iyon. Sya nga ang humalik sa'kin. Akala ko guni guni lang iyon dahil kailangan nya ng atensyon nito. Kailangan nyang mawala ang sakit na ito ang may gawa at alam nyang ito rin ang gamot. Nag mulat nga ng mata si Jema. Ayon at leeg na naman ni Deanna ang una nyang nakita. Siksik na siksik na naman sya dito habang ang kamay  ayon at nasa likod na nito. Syempre nasa loob na naman ng damit. Biglang namula si Jema. Ramdam nya ang init ng katawan ng natutulog na babae. Ang amoy nitong natural. At ang tunog ng puso nito na lagi na'y musika sa pandinig ng dalaga. Bigla itong nangulila sa isiping iyon. Bahagya nitong inilayo ang sarili upang magpantay ang kanilang mga mukha. Ngayon na lang ulit nito Napagmasdan ng ganuon kalapit ang mukha ni Deanna. Napatingin naman ito sa alarm clock na nasa table na nakaharap sakanya. 2:30am ang aga pa pala.

Tumingin ulit ito kay Deanna may nag udyok sakanyang haplusin ang mukha nito.

Hindi nga namalayan ni Jema hinahaplos na nito ang parte ng mukha  ng babae.
Unang hinaplos nito ang kilay. Pababa sa ilong dumako sa mga mapupula nitong labi at doon na nga napako ang kanyang hinlalaki. Pinapadaanan ito ng daliri ni Jema. Ang lambot parang ang sarap halikan. Nag init ang buong katawan ni Jema sa isiping iyon. Pinilig naman nito ang ulo para iwaksi ang naisip. Nakapako lang ito sa mukha ng natutulog.

Kung dati ay ito ang sumasalubong sa umaga  ko. Ang yapos mo na napaka higpit. Ang halik mo   sa'king noo na nagpapataas lalo ng respeto ko sa sarili. Ang ubod tamis mong mga  ngiti na unang bubungad sa umaga ko. Yong mga simpleng bagay na ginagawa mo na kumokompleto sa pag katao ko sa simula pa lang ng araw.

"Love miss ko na yon, miss ko na yong yakap mo, mga salita at pangako  mo na ako lang, Love........ Miss na miss na kita yong "ikaw" yong "Tayo" ". May tumulong luha sa pagitan ng pag bulong nito kay Deanna.

Hindi naman namalayan ni Jema na naririnig sya ni Deanna sa pag kakataong iyon. May kung anong kurot ang nararamdaman ang babae sa bawat bulong nito sa mga salita. Para bang gusto nya itong yakapin alisin ang sakit nito. Ang banayad nang pag salita nito ngunit punyal na tumutusok sa kanyang puso. Nanatili lang nakapikit si Deanna. Ng bigla itong may maramdaman.


Uti-uti nga  nilapit ni Jema ang mukha  sa mukha ni Deanna. Humalik muna ito  sa noo at pinaglapat ang noo nya at noo ng babae. At hindi nga nag tagal unti unti nitong inilapit ang kanyang labi sa labi ni Deanna. Nanatili lang itong nakatikom. Natatakot na gumalaw baka magising nya ang natutulog.

Habang si Deanna ay unti unti na nyang nararamdaman ang pag lakas ng pintig ng puso. Hindi na nito kaya ang sensasyon na dumadaloy sa buo nyang pagkatao. Subalit hindi gumagalaw si Jema, parang hindi na sya makatiis gusto pa nyang palalimin ang halik nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ng biglang
.
.
.
.
.
.
.

Diniinan pa nga ng kaunti ni Jema ang mga labi nila paraan upang mas maramdaman nya ang mga labi ni Deanna. Ramdam nya ang init nito na tumatagos hanggang sa puso nya. At sa isang iglap nga ay nabura nito ang dalawang taon na pangungulila sa babae. Sa halik na iyon ay napawi bigla ang pagod at sakit sa dalawang taon na pag hihirap nya dahil sa pag hihiwalay nila ni Deanna.

Hindi na nga nakapag timpi si Deanna. Kusa na ngang gumalaw ang taksil nyang mga labi. Bahala na bukas. Ang tanging naisip ng naguguluhan na dalaga.

Nabigla si Jema ng gumalaw ito at ibuka ni Deanna ang bibig paraan upang lalong maglapat ang kanilang mga labi. Gumagalaw na ang mga labi nito. Gayong si Jema naman ay parang na istatwa sa ginagawang pag halik ni Deanna. Lalo pa itong pinalalim ng babae paraan upang mapaungol si Jema.

hindi pa rin gumagalaw si Jema. Mas lalo ko pang diniinan ang halik ko pinalalim iyon. Nasaisip ko lang kailangan ko iyong gawin kung hindi ay mababaliw ako sa mga sandaling iyon. At ng marinig nya ang mahinang pag ungol ni Jema ay bigla syang napangiti sa pagitan ng kanilang halik. Parang sumayaw ang kanyang puso sa paraan ng pag ungol nito. At pinag buti pa ang kanyang halik. Ngunit hindi parin ito gumagalaw.

Hindi nga namalayan ni Jema na nakaangat na ng kaunti  si Deanna sa higaan at bahagya pang  nakapatong ang katawan nito ng kaunti sakanya. Hindi pa rin ito tumutugon sa halik ng babae  paraan upang tingnan sya ni Deanna ng makahukugan. Kita ni Jema ang mapupungay na mata ng babae. Tila ba nangungusap na tugunin nya ang halik. Nanghihina na si Jema sa titigan nilang iyon. Para syang kandila na unti unting natutunaw sa init ng apoy. Siguro nga kung hindi lang  sila nakahiga ay paniguradong hindi nya kaya pang tumayo sa mga sandaling iyon. Unti-unti ngang inilalapit ni Deanna ang mukha nito sa kanyang mukha. Sa sandaling iyon ay napa pikit si Jema. Gusto nyang namnamin ang mga sandali. Kahit ngayong lang.

Hinaplos nito ang mukha ni Jema at sinimulang halikan ang noo ang makabilang mata pababa sa ilong sa magkabilang pisngi at mataman nitong  pinag masdan  ang nakapikit na babae. At sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan si Jema sa mga labi. Napaka banayad ng halik may pag iingat na wari ba ito'y isang  babasagin na mamahalin. Na baka kapag dininan ay mabasag na lang ito bigla. Sa bawat galaw ng labi ay dama ang purong pag mamahal. Doon nga ay nadala na si Jema tumugon ito sa mga halik ni Deanna. Nag tagal pa sila sa ganoon at ng pareho na sila kapos sa pag hinga ay kusa nilang binitiwan ang isat isa.

Pinunasan ni Deanna ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ni Jema. Alam ni Jema na dala lang ng alak iyon kaya nagawa syang halikan ng babae. Amoy kasi nito ang alak sa bibig nito ngunit hindi naman nabawasan ang bango ng hininga ng babae. Kahit pa nga nakainom ito.

Nagsalita nga si Jema.

"Sleep na tayo ulit" sa napaka banayad na boses. Tumango lang si Deanna. Inunan ang kanyang braso sa ulo ng babae bago ito tuloyang pumikit ay humalik muna ito sa noo nya at isa pang madiin na halik sa labi. Pagkatapos nga ay tumalikod si Jema kay Deanna. At sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na namang tumulo ang luha ng tumalikod na babae. Natulog ulit ang dalawa, nakayakap pa rin Si Deanna habang nakatalikod ang isa  pinagsalikop naman ni Deanna ang kanilang mga kamay. Ilang sandali pa ay mahimbing ng natutulog ang dalawa na may ngiti sa kanilang mga labi.

Bahala na bukas" usal ni Deanna sa isip.












Hi Guys. Sorry maikli lang po ito. Bigla ko lang naisip habang break time hehehehehe.

Ano kaya magiging ipekto nito sa dalawa. Patuloy pa rin bang masasaktan si Jema? Lalo bang madaragdagan ang puot sa puso ni Deanna? Abangan sa mga susunod na kabanatan. Expect the unexpected 😂😉

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon