Marrying My Boss [Completed]

By chimchimimi

21.6M 257K 16.3K

Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How... More

Prologue
Chapter 1: "The Boss"
Chapter 2: Overtime
Chapter 3: He's Late
Chapter 4: His Reason
Chapter 5: That GIRL
Chapter 6: Her Crush
Chapter 7: What to do?
Chapter 8: Fiance? Really?
Chapter 9: Alice
Chapter 10: A night with...HIM?! (1)
Chapter 11: A night with...HIM?! (2)
Chapter 12: His Girlfriend
Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend
Chapter 14: The Agreement
Chapter 15: Meeting His Parents
Chapter 16: Unexpected Happenings
Chapter 17: The Text
Chapter 18: The Big Day
Chapter 19: First Night with Hubby!
Chapter 20: What Happened Last Night...
Chapter 21: Trip to South Korea
Chapter 22: City Of Seoul
Chapter 23: At the Mall...
Chapter 24: His Hug
Chapter 25: Continuation?
Chapter 26: Photograph
Chapter 27: Liar
Chapter 28: The Bitch is Back!
Chapter 29: After That Incident
Chapter 30: Meeting Him
Chapter 31: Everything is Fine
Chapter 32: Flowers For Her
Chapter 33: Community Immersion
Chapter 34: Warzone
Chapter 35: LOL
PLEASE READ!!!
Chapter 36:Meeting Them
Chapter 37: The Past
Chapter 38: Heartbreak
Chapter 39: Realizations
Chapter 40: Secret Feelings
Chapter 41: Jealous...
Chapter 42: Euphy's Uncle
Chapter 43: Feelings
Chapter 44: They're...OFFICIAL!
Chapter 45: Special Day
Chapter 46: Henry
Chapter 47: Best of Friends
Chapter 48: All About Them
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: It's Him
Chapter 51: The Truth
Chapter 52: Flashback
Chapter 53: False Issue
Chapter 54: Hospital
Chapter 55: Run Away
Chapter 56: Another Past
Chapter 57: Gracious Night
Chapter 59: Together Again?
Chapter 60: Mess
Chapter 61: I Pray
Chapter 62: Forever
Chapter 63: Respect
Chapter 64: Back
Chapter 65
Epilogue
Message
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

Chapter 58: Dreadful Storm

151K 3.1K 151
By chimchimimi

Yung totoo,  bakit di ko feel ang sembreak?

CHAPTER 58: Dreadful Storm

 

EUPHY’S POV

 

“What if hindi tayo naghiwalay, masaya pa kaya tayo ngayon?” tanong niya.

 

“Anong klaseng tanong yan?” medyo nagulat ako sa sinabi niya.

 

“Just answer it.”

 

“Hmm. Di ko alam. Marami na kasing nangyari at may mga tao tayong nakilala na hindi mo alam na magiging bahagi sila ng iyong buhay. Everything happens for a reason, may rason kung bakit pinaghiwalay tayo kasi hindi naman pala talaga tayo para sa isa’t isa. Ikaw na mismo nagsabi nun sa akin diba? Nakipaghiwalay ka kasi sabi mo gusto mong tuparin yung pangarap mo. I know it’s weird pero thanks to you kasi marami akong narealize noon. Ang bata ko pa para magseryoso sa mga bagay bagay at tama lang yung ginawa mo”

 

“Sa haba ng sinabi mo, hindi naman nasagot dun yung tanong ko” medyo naiirita niyang sabi sakin.

 

“Siguro oo, maaari namang hindi. Masaya ako na natupad mo na ang pangarap mo, tinuon mo ang sarili mo sa pag-aaral and I’m proud of that. Kung noon mo yan tinanong sakin, maaaring oo ang sagot ko pero ngayon? Oo pa rin ang sagot ko. Pero ngayon, oo, magiging masaya pa rin naman tayo kasi magkaibigan tayo diba?”

 

Pinisil niya ang ilong ko.

 

“Simpleng oo at hindi lang naman ang pwedeng sagot ang dami mong sinabi” sabi niya sa akin.

 

“Actually, kung tayo pa? Hindi eh. May mahal na kasi akong iba pero kung magkaibigan tayo, talagang masaya pa tayo. Yun ang punto ko” sabi ko sa kanya.

 

Nakita ko sa mga mata niya na para siyang nasaktan. Naging harsh ba ako sa naging sagot ko? Hindi naman ah. Naging straight to the point lang ako. Siya na rin nga mismo nagsabi na wala na siyang feelings sakin.

 

“Last question” sabi niya.

 

“Ano yun?” tanong ko.

 

“Answer me truthfully, did you ever love me before?” nagugulat na lamang ako sa bawat tanong niya. What has gotten to him?

 

“Alam mo na ang sagot diyan” naramdaman kong nanigas siya at maya-maya pa’y naaapakan niya ang paa ko habang sumasayaw kami.

 

“Masakit pala..” mahina niyang sabi pero narinig ko. Despite na may background music ay narinig ko ang sinabi niya.

 

Bigla siyang tumigil sa pagsasayaw kaya napatigil ako. Hinatid niya ako sa  kinauupuan namin kanina.

 

“Gabi na, mauna na ako, may gagawin pa pala ako. Hindi naman lasing si Father kaya makakadrive yan pauwi. Ingat na lang kayo” at pakasabi niya non ay tumalikod siya sa akin.

 

Medyo nakalayo na siya nang naisipan kong habulin. Papalapit na siya ng sasakyan niya nang tawagin ko siya.

 

“Aries!” narinig niya ang pagkasigaw ko kaya napalingon siya.

 

“Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka na doon, madilim dito baka mapano ka” sabi niya.

 

“Mababait ang mga tao dito, wala naman sigurong gagawa ng masama sakin” saad ko.

 

“Bahala ka” papasok na sana siya ng kotse niya ng pigilan ko siya.

 

“Aries teka nga. May problema ka ba? Kanina ang ganda ng mood mo ngayon nama’y parang nanakawan ka ng pera.”

 

“Ikaw kasi”

 

“Huh? Anong kinalaman ko?”

 

“ALAM MO BANG MA—“ bigla niyang pinutol yung sasabihin niya.

 

“ Ano?”

 

“Wala... Wala.. Alis na ako” papasok na sana siya ng sasakyan nang bigla itong tumigil at dali-daling naglakad papunta sa harapan ko.

 

“Aries—“ hindi ko na masabi sa kanya ang sasabihin ko dahil bigla niya na lang na hinawakan ang pisngi ko at nagulat ako sa ginawa niya dahil bigla niya lang akong hinalikan.

 

“NO!” napabangon ako ng wala sa oras. Wew! Akala ko totoo, panaginip lang pala. Ang weird nga eh, napanaginipan ko mismo yung mga nangyari nung sa disco, Totoong nangyari ang lahat ng iyon, yung sayawan, yung pag-uusap namin ni Aries except nga lang dun sa kiss. I mean, WTF? Hindi niya naman ako hinalikan nung gabing yun ah? Nagpaalam lang siya na aalis na siya. Eh bakit may kasamang halik?

Ako na ang may weirdong panaginip. Hindi ko nga iniisip yon tapos biglang lalabas sa panaginip ko?

Three days na pala ang nakakalipas mula nung magkita kami ni Aries sa sayawan. Mula nun ay di na kami nagkita.

Ilang araw na rin akong nag-isip isip kung babalik ako na ba ako ng Manila. Kahit paano naman, alam ko sa sarili ko na mali rin ang ginawa ko. Umalis na lang ako ng basta-basta. Umalis ako ng walang paalam.

Isa pa, bakit kaya hindi ko magawang magalit kay Charles? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap na niya kaya ako?

At dahil hindi na nga ako makatulog pa ulit ay napagpasyahan ko nang bumangon. Maingay na rin sa labas dahil sa lakas ng ulan na dulot ng bagyo. May bagyo kasi dito at ayon dun sa radyo kanina, posibleng umabot sa signal no. 3. Malakas ang hangin at dinig na dinig mo ang malakas na ihip nito. Nakakatakot nga.

Paglabas ko ng kwarto ko at pagpunta ko sa may altar ay nakita ko ang maraming tao sa loob ng simbahan. May mga tulog samantalang may mga gising namang iba.

“Euphy, gising ka na pala” sabi sakin ni tito. Nahalata siguro ni Tito ang pagtataka sa aking mga mata kaya nagsalita siya.

“Dito na pinaevacuate ng munisipyo ang mga tao sa kabilang baryo. Tumaas na kasi ang lebel ng tubig sa kanilang lugar. Puno na ng mga tao sa paaralan kaya dito na lang yung mga natirang tao.” tumango na lang ako.

“Ilang minute bago ngayon ay magdadasal kami ng sabay-sabay para sa ikagiginhawa ng pakiramdam” sabi nito.

“Sama po ako” ayun nga, nagdasal kami. Sa lakas ng hangin, nabasag nito ang bintana nung simbahan sa may dulo. Tulong-tulong naman kami para matakpan ang basag na bintana na kasalukuyang dinadaluyan na ng tubig.

Nasa kalagitnaan na ng bagyo nang may mga tao pang nagsisidatingan. Nawasak na daw yung bahay nila kaya napatakbo sila dito sa simbahan. Buti na lang at malaki-laki ang simbahan na ito at matibay ang pagkakagawa.

“Waaaaah! Ate, natatakot ako!!!” sabi sakin ni Pakz habang umiiyak. Binuhat ko siya at niyakap.

“Ssssssh. Huwag ka nang umiyak. Mag pray tayo kay God na hindi tayo mapahamak. At saka safe naman tayo dito sa loob ng simbahan, tingnan mo sila..” turo ko sa mga evacuees. “dito sila pumunta kasi alam nilang safe sila dito sa loob”

Tumango tango na lang ang bata habang pinupunasan ang luha.

“Punta ka muna sa nanay mo, magpapalit ka ng damit kasi na basa ng luha mo yung damit mo”

“Opo ate” tumakbo naman siya papunta sa nanay niya.

Actually, ito rin yung unang pagkakataon kong makaranas ng ganito kalakas na bagyo. Yung tila rinig na rinig mo ang lakas ng ihip ng hangin. Nakakatakot.

Nagyaya na si Tito na magdasal kami. Taimtim kaming nananalangin nang bigla na lang kami nakarinig ng malakas na kalabog sa pinto ng simbahan. Nung una akala namin mga kahoy lang na nililipad ng mga hangin, sa  kalaunan ay napagtanto naming may kumakatok pala. Habang tumatagal ay bumibilis ang katok.

Tumakbo papunta sa pinto ang tatay ni Pakz at sumunod naman ako. Baka kasi mga karagdagang evacuees na gusting makituloy sa simbahan.

Nang buksan na ang pinto ay taliwas naman ito sa mga inaasahan ko. Walang evacuees kundi limang tanod at ang isa sa kanila ay may akay-akay na lalaki. Nakayuko ito kaya di ko makita ang mukha. Lahat sila ay basang-basa.

Bigla akong kinabahan.

“Pasensya na Ma’am. Nakita ho namin yung kotse niya sa may kabilang kalsada na tumama sa may poste. Imposible pong madala namin siya sa ospital dahil sa lagay ng panahon. Nabasag yung salamin ng kotse pero braso lang naman ang natamaan. Pinagalitan nga ho namin kung bakit nagbyahe, eh may bagyo ngayon”

“O-o sige, ipasok niyo na siya. May gamot naman sa loob kaya pwede namin siyang mabigyan ng first aid” sabi ko.

“Ayos lang sabi ako. Ang importante ligtas ako. Ang importante nandito na ako” Bigla iyang itinaas ang ulo niya at tiningnan ako.

Hindi nga ko nagkakamali. Siya nga.

“Charles” sabi ko sa mahinang boses.

“Bitawan niyo ako!” Kumalas siya mula sa pagkakahawak sa mga tanod. Nakasuot ito ng jacket pero may punit ito sa may bandang braso siya at may mga dugo ito. Di ko pa sigurado kung ano ang tumama sa kanya.

“Ah eh. Sige na ho manong, k-kami na lang ho ang bahala sa kanya” sabi ko sa mga tanod.

“Oh sige iha. Mukhang matigas pa naman ang ulo ng lalaking ito. Aalis na kami, makikipagtulungan pa kasi kami sa mga rescue team” at umalis na nga sila.

Lalapitan sana nung tatay ni Pakz si Charles para tulungan pero bigla na lang itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Sa wakas nakita rin kita. I’m sorry Euphy”

Continue Reading

You'll Also Like

102K 1.9K 20
A bestfriends journey of friendship and love. Paano kung ang isang taong nangakong magiging kakampi mo sa lahat ng bagay biglang iwan at layuan ka ng...
1.9M 27.1K 27
When September Sison was twelve, her mother married billionaire Dante Antonio. She was accepted and loved by the Billionaire except for his seventeen...
146K 1.6K 7
Title : Teach me Primo (RomCom-Hotseries) Hindi lubos akalain ni Michelle Hoffman na sa mismong araw ng kanyang kasal ay aatras si Carlo ang lalakeng...
11.5M 203K 56
Avery Guevarra Lim, a lady with class and a woman with brain tends to marry a Class-A womanizer, Raven Lim. They quarrel and annoy each other the who...