The Falling Game (EndMira: Ic...

By alyloony

35.5M 725K 170K

Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang... More

Prologue
Chapter 1 *Timi*
Chapter 2 *Transfer Students*
Chapter 3 *Mr. Ice*
Chapter 4 *voice *
Chapter 5 *Rika Forteza*
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (06/14/14)
Chapter 15 (7/7/14)
Chapter 16 (08/18/14)
Chapter 17 (08/27/14)
Chapter 18 (09/07/14)
Chapter 19 (09/16/14)
Chapter 20 (09/29/14)
Chapter 21 (10/03/14)
Chapter 22 (10/15/14)
Chapter 24 [11/1/14]
Chapter 25 (11/3/14)
Chapter 26 (11/05/14)
Chapter 27 (11/6/14)
Chapter 28 (11/16/14)
Chapter 29 (11/21/14)
Chapter 30 (11/24/14)
Chapter 31
Chapter 32 (12/1/14)
Chapter 33 (12/5/14)
Chapter 34 (12/7/14)
Chapter 35 (12.7.14)
Chapter 36 (12/10/14)
Chapter 37 (12/19/14)
Chapter 38 [Last Chapter]

Chapter 23

683K 14.7K 2.4K
By alyloony

Chapter 23

 

[Timi’s POV]

 

Halos hindi ko mailunok ang karneng kinakain ko habang pasulyap-sulyap ako kay daddy at kay Ice. Ninenerbyos ako maigi at kulang na lang talaga eh tagaktakan ako ng pawis dito.

            Paano ba naman kasi, alam ko any minute now ay bibirahan na ng interrogation ni daddy si Ice. Kawawa naman yung tao. Ni hindi pa nga siya aware na gusto na niya ako, mararanasan na niya agad ang pang i-interrogate ni daddy.

            I need miracle!

            “So Ice..” pag sisimula ni daddy.

            Napaangat agad ang ulo ko and I hold my breath. Eto na! Sisimulan na niya!

            “How’s the food? Masarap ba?”

            Nakahinga ulit ako ng maluwag.

            “Yes sir. Masarap po,” seryoso namang sagot ni Ice.

            Dude, ngumiti ka naman oy! Aba tatay ko ‘yang kaharap mo! Magpakitang gilas ka naman!

            “Nga pala Ice…”

            Napa-atensyon ulit ako ng upo at habang ina-abanggan ang isusunod na tanong ni daddy. Alam kong any minute now, pauulanan na niya ng taong itong si Ice.

            “Ano in-order mo for dessert?”

            Anak naman nang--!! Si daddy pinapakaba ako.

            “Chocolate lava cake po. Suggestion ni Timi.”

            “I see magugustuhan mo ‘yun.”

            Hanggang kelan ba sila mag uusap nang ganyan ha?! Ako ang ninenerbyos dito eh.

            Sumulyap ako kay Ice at relax na relax lang siya habang kumakain. Ni walang bakas nang pangamba sa mukha niya. Naka poker face lang siya.

            Tokwa! Ba’t sa aming dalawa, parang ako pa ang mas kinakabahan? Hindi manlang ba siya natatakot sa tatay ko?

            Oo alam kong hindi naman nakakatakot ang itsura at aura ni daddy---but still!! Argghh!

            “May gusto pa la akong itanong about Timi,” sabi ni Daddy.

            At dito na ako napa-attention ng upo at napatingin sa kanila.

            This is it! Ito na talaga! I’m sure.

            “Sorry po, wala po akong alam about Timi. Hindi po kasi kami close,” diretsahang sabi ni Ice at napanganga ako bigla.

            “H-hoy! Anong hindi tayo close ha?! Eh nag date na nga tayo kanina tas itatanggi mo ang closeness natin ha! Tas ipinagluto pa kitang hayop ka! Tas sa dinami-raming beses nang pagpapa-cute ko sa’yo, sasabihin mong hindi tayo close?!” bulyaw ko sa kanya.

            Sukat itanggi ba naman ako sa harap ng tatay ko! Anak ng---

            Natigilan ako at napatingin ako kay daddy. Nakataas ang kilay niya sa’kin habang si Ice naman ay nag kibit balikat lang at pinagpatuloy lang ang pagkain.

            Oh my gosh. What did I just say in front of my dad?!

            “Anak, kwentuhan tayo mamaya bago ka matulog,” sabi ni daddy.

            Translation: “anak, papagalitan kita mamaya bago ka matulog.”

            I’m dead.

            “Oh, ba’t nandito ang mag-ama ko?”

            Napa lingon agad ako sa likod nang marinig ko ang boses na ‘yun. Parang biglang nag liwanag ang kapligiran. Para akong nakakita ng pag-asa at ng savior.

            “Mommmyyyyy!” sigaw ko habang naka-tingin sa kanya na may nangungusap na mata.

            “Oh, you’re with someone,” sabi ni Mommy habang naka-ngiti siya kay Ice.

            “He’s Ice. Timi’s uhh not-so-close friend,” pakilala ni daddy kay Ice.

            “Hi. Nice meeting you po,” bati ni Ice and unlike kay daddy, kahit papaano ay medyo naka-ngiti na siya kay mommy.

            “Nice meeting you Ice,” mommy greeted him pleasantly tapos tumingin siya kay daddy. “Ah Stephen, samahan mo muna ako sa kusina. May ipapagawa ako sa’yo.”

            “P-p-pero babes--!!”

            “Sumunod ka sa’kin sa kusina.”

            “Yes boss!”

            Tumayo si daddy at wala na siyang nagawa kundi ang sumunod kay mommy. Bago pa sila pumasok, I saw my mom winked at me.

            I love you ina! You’re the best!

            “Sorry about that,” sabi ko kay Ice.

            “Huh?”

            “I-I mean yung sa mga tinanong sa’yo ni daddy kanina.”

            “Ah…. Pati ‘yung pag-sigaw mo sa’kin dahil nag sabi ako nang totoo sa daddy mo na hindi tayo close?”

            Bigla ko siyang sinimangutan. Bwiset na ‘to!

            “Eh kung makapag-sabi ka nang hindi tayo close samantalang nahalikan mo na ako dati nung tumgtog tayo sa Subic noon!”

            Biglang napatigil sa pagkain si Ice at tinignan ako.

            “Hindi ko matandaan na nangyari ang bagay na ‘yun.”

            “Lasing ka kasi kaya hindi mo maalala pero nangyari talaga ‘yun! Tsaka… wait a minute, kung talagang hindi mo naaalala eh bakit alam ni Kite na nangyari yun ha?! Eh tayong dalawa lang naman ang nandoon nung panahon na yun?”

            Biglang namula ang tenga ni Ice dahil sa sinabi ko, “h-huh? W-wala akong alam.”

            “Sinabi mo sa kanya ‘no?! Kiss and tell ka!” pambibintang ko sa kanya habang ngiting-ngiti ako.

            Ha! I got him! Naging instant kamatis ang mukha niya! At last! I mad him blush! Oh my gaaaahd!

            “Ewan ko sa’yo!” iritang sabi niya sabay tayo.

            Ay napikon?

            “Oy t-teka saan ka pupunta?!”

            “Uuwi na ako. Marami kaming assignments.”

            “Kami rin naman eh!”

            “Edi umuwi ka na.”

            “Hindi mo man lang ako ihahatid?!”

            Nilingon niya ako at pinanliitan ng mata, “you’re with your parents.”

            Bago pa ako maka-angal, nilayasan na ako nang isang ‘yun. Ang sungit talaga niya. Pero hinayaan ko na lang muna siya. Tutal kahit papaano eh naging masaya ako sa date namin.

            Kahit papaano…

~*~

[Rika’s POV]

 

            “Rika, hindi mo ba talaga nakita kung saan nag punta si Timi at si Ice? Bigla-bigla na lang nawala ang dalawang ‘yun sa practice,” tanong sa akin ni Geo.

            “Naku, hindi talaga eh. Kaninang dismissal ko pa huling nakita si Timi. Sabi niya sa akin, d-diretso na lang siya sa practice ng banda.”

            “Ay naku Geo, hayaan mo na muna ‘yung dalawa. Baka dumadamoves na si Timi kay Ice,” singit naman ni Ayen.

            “Kung sabagay. Thank you Rika ah? Pasensya na sa abala.”

            “O-okay lang.”

            “See you!”

            Nginitian ako ni Ayen at ni Geo at saka sabay silang nag paalam sa’kin. Ako naman, nahihiya-hiya ring nag ba-bye sa kanila.

            Sa totoo lang, hindi pa talaga ako sanay na kinakausap o binibigyan ako ng atensyon ng members ng Endless Miracle. Sikat sila sa school at maraming kababaihang nahuhumaling sa kanila. Minsan ko na ring naging crush si Geo. Ang astig niya kasi eh tapos lagi pang naka-ngiti. Pero matagal na panahon na ‘yun. Sophomore pa lang ata kami nun.

            “Uy, maka-ngiti ka. Sino type mo sa dalawa?”

            “Ay butiki!” napalingon ako sa likod dahil bigla-bigla na lang may nagsasalita. Doon ay nakita kong naka-ngisi sa akin si Kite.

            Parang biglang umakyat lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa ulo ko. Nag init ang mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ako ng malagkit.

            “Uy. Are you alright? Namumula ka. May lagnat ka ba?” napalitan ng pag-aalala ang kaninang nakakalokong ngiti ni Kite.

            Agad kong iniwas ang tingin ko.

            “Y-yeah. I-I’m fine. I-I need to go.”

            Dali-dali ko siyang tinalikuran at naglakad ako ng mabilis palayo. Kaya lang bago pa ako tuluyang maka-layo sa kanya, bigla niyang hinawakan ang braso ko.

            “Are you avoiding me again?”

            Yumuko ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

            “H-hindi ah. B-bakit naman kita iiwasan?”

            Hinila ni Kite ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya. Ako naman ay patuloy pa rin sa pag yuko at pag-iwas ng tingin ko.

            “Ayan ba ang hindi umiiwas?”

            Hindi ako sumagot.

            Oo iniiwasan ko siya. Ayoko siyang makita o makausap o mapalapit sa kanya.

            Iba kasi ang nagiging epekto niya sa’kin. I always feel a tight knot in my stomach whenever he’s around. Napapabilis niya ang tibok ng puso ko. At yung ngiti niya, grabe nang nakakaapekto sa’kin.

            I know this feeling. I am not dumb enough to know kung ano na para sa akin si Kite.

            Kaya nga umiiwas ako. Kasi mali ito. Hindi pwede ito. Alam ko kasing sa huli, iiyak ako sa kanya. In the end masasaktan ako.

            Kite is so kind. Gwapo rin siya. At playboy. Higit sa lahat, alam kong type niya si Timi. Malaking gulo kung tuluyan akong mahuhulog sa kanya. Kaya habang mas maaga pa, kailangan ko nang burahin ang nararamdaman ko.

            “Uy may nagawa ba ako?” tanong ulit niya sa akin.

            Huminga ako ng malalim and I try my best to smile.

            “W-wala Kite. Pasensya na, nag mamadali kasi ako eh.”

            “Hmm at bakit naman?”

            Itinaas ko ang mga librong hawak ko, “assignment.”

            “I see. Pero may oras pa. Pwede pa tayo mag kape.”

            “H-ha? P-pero—“

            “Rika, I don’t take no for an answer.”

            At bago pa ako tuluyang maka-tanggi, biglang hinawakan ni Kite ang kamay ko at hinila ako palabas ng school.

            Gusto kong mag pumiglas. Gusto kong humindi.

            Pero ayaw nang mag function ng utak ko.

            Hawak niya ang kamay ko. Hindi na ako makapag isip ng matino. Hawak niya kasi ang kamay ko.

            Napa-lunok na lang ako.

            Mukhang mahihirapan ako sa plano kong pag-baon sa nararamdaman ko sa kanya ah…

To be continued….

***


Author's Note:


Hi readers! Marami nag m-message sa'kin na may times daw na nag no-notif sa kanila na nakapag update na ako pero pag in-open nila yung story, hindi nila makita yung update. I think medyo nagkaka problem po yung app ng Wattpad lately. Siguro i-update niyo lang yung library niyo or if hindi niyo pa rin mabasa, i-reinstall niyo ulit yung app. According sa iba kong readers ganun ang ginagawa nila.

Anyway, lagi rin naman po ako nag p-post sa fb page ko and sa twitter ko everytime na nag-uupdate ako ng story. :) Check niyo na lang din po para updated kayo XD

Facebook --> facebook.com/alyloony

Twitter --> @iamalyloony

Continue Reading

You'll Also Like

19.3M 627K 78
What is the happiest and saddest part of my life? Happiest was the moment he opened his beautiful eyes on me. His eyes that captured my heart, those...
531K 14.3K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
28.9M 742K 46
Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad, Timi thought she've finally moved on fr...
6.3M 308K 79
(FHS#2) You better watch out, you better not cry, and you better not fall cuz the f*ckboys just waged a war against Filimon Height's one and only so...