The Final Exam

By BestRoleInLife

91.9K 4.3K 559

Section Gold; a classroom that was meant to be a sanctuary for high school teenagers quickly turns into a nig... More

The Final Exam
Prologue
TFE 1: Genesis
TFE 2: Phantasm
TFE 3: Section Gold
TFE 4: Love, Bladespawn
TFE 5: Class Picture
TFE 6: Redemption
TFE 7: The First Game
TFE 8: Don't Look
TFE 9: Chronicles of Death
TFE 10: Flames of Burning Sins
TFE 11: Fallen Despair
TFE 12: What Lies Ahead
TFE 13: The Promised Sanctuary
TFE 14: Dark Waters
TFE 15: Not a Safe Place Afterall
TFE 16: Triple Six
TFE 17: Through the Darkness
TFE 18: "It Wasn't Me!"
TFE 19: New Beginnings
TFE 20: Deja vu
TFE 21: Blood Note
TFE 22: Just What The Hell is Happening?
TFE 23: Cannot Scream
TFE 24: Life is But a Dream
TFE 25: Hide, Seek and Kill
TFE 26: The Neverending Night of Horror
TFE 27: Things Are Only Getting Weirder
TFE 28: Mary Hill Woods
TFE 29: You Have Been Warned
TFE 30: The Hunt Is On!
TFE 31: Trust Issues
TFE 32: Raining Bullets
TFE 33: I Know What You Did
TFE 34: Soothing Venom
TFE 35: Altogether Again
TFE 36: Barnyard Bloodbath
TFE 38: River of Pain
TFE 39: It's Not Over Yet
TFE 40: And the Madness Continues
TFE 41: Riddle Me This
TFE 42: Everlasting Cold
TFE 43: Double Trouble
TFE 44: No One Escapes
TFE 45: The Honrada Initiative
TFE 46: The Story Continues
TFE 47: Collection of Dead Friends
TFE 48: One Bad Move
TFE 49: Annual
TFE 50: Adrenaline Rush
TFE 51: Truth Be Told
TFE 52: Butterfly Effect

TFE 37: Cabin Fever

1.3K 75 2
By BestRoleInLife

"Lalaine, ayos ka na ba ulit?" May halong pag-aalalang tanong ng binatang si Johnrey sa kaklase nitong si Lalaine, na ngayo'y tahimik lamang na naka-upo mula sa isa sa mga upuang nasa loob ng cabin.

Bukod sa kanila ni Johnrey ay kasalukuyan din nilang kasama ang ilan sa mga naiwang sina Faye, Claire, Angelou at Juvy.

Mahahalatang kanina pa siya parang may malalim na iniisip.

Bahagyang dahan-dahan na napa-iling ang dalaga sa naitanong sa kanya ni Johnrey kanina.

"John... I--I think kilala ko na kung sino ang killer," aniya, bagay na ikinagulat naman ni Johnrey

"A--Ano? Sino?" The boy asks.

Bigla nalamang kasing muling naalala ni Lalaine ang nangyari sa kanya noong nakaraang gabi...

Bago niya pa man makasalubong noong mga oras na iyon si Mell mula sa likuran ng cafeteria ay una niya nang nakasalubong ang isa sa kanyang mga kaklase...

Si Alexandra.

Lalaine was still looking for Red, her little pet chicken, during those times.
At wari ba'y habang abala siya mula sa kanyang paghahanap ay nakita niya si Alexandra na tahimik na nagtatago mula sa isang malaking puno, habang pinagmamasdan lamang ang mga pulis na nag-uusap-usap sa may katabing cabin.

After that suspicious action of one of her classmate, ay wari bang parang may itinapon itong mausok na bagay mula sa naka-bukas na bintana noong cabin, and the whole room started fogging with smoke, at kitang-kita niya 'rin kung papaano bigla nalamang manghina iyong mga pulis na nasa loob nito.

Meanwhile, all she could see on Alexandra's face were nothing but sinister smiles.

Nang sana'y aalis na mula sa lugar na iyon ang dalaga ay bigla nalamang siya naka-apat ng isang twig, dahilan upang magdulot ito ng isang maliit na ingay, sakto lang upang marinig naman iyon ni Alexandra't makuha nito ang atensyon niya.

Matapos iyo'y kaagad na napatakbo ang dalaga nang dahil sa takot.

Tumakbo lamang siya nang tumakbo, hanggang sa hindi niya namalayang natisod na pala siya ng isang ugat, dahilan upang matumba iyong dalaga't agad na tumama ang kanyang ulo mula sa kalapit na punong naroroon. Causing her to loose consciousness for a short period of time.

And when she woke up, she suddenly forget what happened earlier. All she remembered was, she's searching for Red.

Nang muli siyang nagpalakad-lakad ay sunod niya namang nakita ang wala nang ulong katawan ni Zyhra, before finally making it at the back side of the cafeteria and meeting Mell.

Her memory of those times were blurry. Ngunit ngayon ay unti-unti niya nang naaalala ang lahat ng mga pangyayari...

+

"Laine? Laine, sino sa tingin mo ang killer? Muling tanong sa kanya ni Johnrey.

"S--Sa palagay ko... A--Ang killer ay si--"

Hindi naman naipagpatuloy ni Lalaine ang kanyang sana'y sasabihin nang may bigla nalamang silang narinig na kumatok mula sa labas ng kanilang pinto.

Bagay na agad ikinabahala nilang lahat.

Nang sana'y lalapit na mula 'rito si Angelou ay kaagad na muna siyang pinigilan ni Johnrey.

"Te--Teka wag mo munang buksan!" Aniya sa dalaga, dahilan upang mapatigil naman ito.

"Guys? Guys kami toh! Ako toh si Mark! Kasama ko sina Ian, Raffy, Rosario at Ophelia!" Agarang iniwika noong isa sa mga taong nasa loob ng cabin.

"W--Wala sa inyo ang killer... R--Right?" Johnrey asks again.

"Please, you can trust us! We need help! Both Rosario at Ophelia are wounded!" Sagot naman ng binatang si Raffy.

Nang marinig ni Faye ang boses ng kasintahan ay dali-dali naman itong nag-tungo mula sa pintuan ng cabin at kaagad iyong binuksan.

"Oh my god! Raff! A--Anong nangyari sa'yo?!" Agarang naitanong ni Faye, matapos makita iyong panang hanggang ngayon ay nakabaon pa'rin sa balikat ni Raffy.

"N--Natutuwa akong... Ligtas ka," agarang sabi naman ng binata, pilit na iniinda ang sakit na kanyang nararamdaman. Mahahalatang pareho silang nagpapasalamat na walang may nasaktan sa kanilang dalawa.

Matapos iyon ay kaagad na nag-sipasukan iyong iba.

Nang makita naman ni Angelou ang mga sugat at pasang natamo nina Rosario, Raffy at Ophelia ay kaagad niyang ipina-upo ang mga ito upang parehong kaagad na gamutin.

"Kami dapat ang magsabi niyan sainyo," says Mark.
"Mabuti naman at nakaligtas kayo. K--Kayo lang? Hindi niyo ba nakita iyong iba?" Tanong niya.

"They were all here a few minutes ago," says Lalaine. "Pero umalis nanaman sila upang hanapin sana kayo. S--Sa pagkakaalam kasi namin, anim nalang kayong buhay na wala pa 'rito. U--Unless--"

"Anim?" May halong pagtatakang naitanong ni Mark.
"Who's the other missing kid? Lima lang kasi kaming magkakasama kanina pa."

"Eh si... Alexandra?" Johnrey asks. "Kung hindi niyo siya kasama, may posibilidad na baka nabiktima na'rin siya ni--"

"Bladespawn? Oo," agarang sabat naman ni Rosario, na ngayo'y naka-upo lamang mula sa may sofa habang ginagamot ni Angelou at ng kakagising lamang ding si Juvy ang mga sugat niya.
"Alexandra wasn't killed, but rather, she was consumed by the mask of the serial killer and its thirst for blood," aniya pa. Bagay na ikinataka naman noong iba.

"W--What do you mean?" Takang naitanong ni Angelou. Pareho silang napatigil mula mula sa kanilang ginagawa ni Juvy.

"What she means, is that, Alexandra is the killer. She's the Bladespawn," says Raffy.

"ANO?!" Pare-parehong naibulalas nina Johnrey, Angelou, Juvy, Claire at Faye.

Sa puntong iyon naman ay kaagad na bumalik mula sa kanyang isipan ang lahat ng mga nangyari kay Lalaine bago niya pa man makita iyong ibang mga kaklase.

Buong pag-aakala niya muna napanaginipan niya lang ang lahat nang iyon nang mawalan siya ng malay sa gitna ng kakahuyan.

Pero ngayon, talagang sigurado na siya sa lahat ng kanyang mga nakita..

"Psst," mula sa pag-iisip ay muling napa-balik mula sa reyalidad si Lalaine nang tabihan siya ng kaibigang si Ian.

The young boy's hair was messy and curly as always. Medyo may bahid din ng putik ang mukha nito.
But besides that, he was smiling. Bagay na ikinatataka ng dalaga.

But in just a few moments ay dahan-dahang may inilalahad sa kanya si Ian mula sa likuran nito.

And to her surprise, it was none other than Red.

Masaya niyang tinanggap iyong sisiw mula sa mga kamay noong binata.

At makikita niya palamang sa sisiw ay mahahalata niyang parang medyo nanghihina ito dahil sa ginaw.
But it cuddled in between Lalaine's fingers when it realized the familiar warmth.

Hindi tuloy maalis sa isipan ng dalaga kung ano ang nangyari dito noong mga gabing nagkalat silang lahat sa buong Mary Hill woods at parang mga usang iniisa-isa noong mamamatay tao.

Little Red clearly has his own story to tell.

Dahil dito'y kaagad naman siyang napa-ngiti kay Ian at nagpasalamat dito.

Ngunit matapos ding iyon ay muli silang nabalik sa kanilang kasalukuyang sitwasyon nang magsalitang muli ang kanilang mga kaklase.

"A--At papaano naman kayo nakaka-siguradong siya nga talaga ang mamamatay-tao?" Tanong ni Juvy sa mga kaklase.

"Try asking both Ophelia and Rosario," sagot naman ni Mark, habang itinuturo pa ang dalawang kaibigang nag-tamo talaga ng mga pinsala.
"She's the one responsible for all of their stab wounds. We all saw it with our very own eyes. Sinubukan niya pa nga kaming pataying lahat na magkakasama eh," aniyang muli.

"Even Red," sabi naman ni Ian, bagay na ikinagulat at ikina-taka ni Lalaine.

"At masama ito. Kung totoo mang nasa labas ngayon iyong iba at pinaghahahanap ang iba pang nawawala, then they're all currently in grave danger!" Muling sabi ni Mark.
"Wala pa ni-isa sa kanila ang nakakaalam na si Alexandra nga talaga ang killer. Who knows what she might do! Maaaring umakto siyang inosente kapag makita nila ito't isa-isahing patayin."

Bahagyang napa-hinga naman ng malalim si Angelou, sabay iling-iling.
"No, I think siya dapat siya ang mag-ingat... they're all armed. If anything happens to them, they all still have protections," aniya. Bagay na ikina-taka naman nina Mark.

"What do you mean?" He asked.

"Long story," sabi naman ni Claire.
"But to make it short and simple, they've suddenly found knives, grenades and guns with ammos somewhere in the floor."

"Ano?! At papaano naman kayo nakaka-siguradong hindi iyon pakana ng killer? Ni Alexandra? Did they even tried any of the guns kung gumagana ba ang mga ito? What if it blows up when they all suddenly pulls the trigger?" Aning muli ni Mark.
"Remember, we are all still in a fucking horror movie, not Action! None of us here are Spider-Man, James Bond or John Wick. We're all still hopeless characters who could die in just mere moments!"

Dahil sa sinabing iyon ni Mark ay pawang pare-pareho namang natigilan ang lahat sa kanila...

"Y--You have a point, actually..."
Says Angelou.

"I'm heading out," seryosong iniwika naman ni Mark. Bagay na ikinagulat ng iba.

"What!? Are you seriously out of your mind?" Reklamo bigla ni Ophelia.
"Lalabas nanaman kayo para ano? Para iligtas ang mga taong hindi niyo naman kaano-ano? Listen to me... Ba't hindi nalang na'tin kunin ang opportunity na toh na makaalis sa Mary Hill Woods? I--I'm pretty sure sa mga oras na ito ay sila ang tinatarget ngayon ni Alexandra. Ito na ang chance natin para--"

"Those people could have done the same to us no'ng nasa labas pa tayo at kinakalaban ni Bladespawn, but did they left us?" Mark said.
"And now they're all risking their own lives trying to find and save us. Now don't be such a fucking selfish bitch, Ophelia! Even Rosario risked her life to save you when she told us that you were about to abandon her!" Panenermon ng binata sa dalaga. Dahilan upang matahimik nalamang siya ng dahil dito.

"Lalabas ako. With or without any of your help. Importante silang lahat sa'kin," aning muli ni Mark at lalabas na sana ng cabin, ngunit agad naman siyang pinigilan ni Ian.

"Teka... Mark, sasama ako," aniya.

"Ako 'rin!" Sabi naman ni Angelou.

"Sasama 'rin ako," sabi din naman ni Rosario.

"Ano? Hindi. You guys doesn't have to come with me. Lalo ka na Rosario. Masyado ka pang maraming--"

"Ito ba?" Turo ni Rosario sa mga sugat at pasa niyang tinatapik-tapik niya pa na parang wala lang sa kanya.
"These are just scratches," aniya.
"Kaya kong protektahan ang sarili ko.  Bladespawn is nothing on me. Lalo na no'ng malaman kong siya lang pala si Alexandra."

Claire then, took a deep breath and stood up from her chair.
"She's right," anito.
"Sasama din ako. I'm just a newbie, pero sa ilang moments na nakasama no kayo, sigurado akong solid talaga ang pagkakaibigan niyo. And to be honest, I envy you guys. I never really had any friends back at my past school. Plus, Mark's words were kinda inspiring, so I'm coming too. Kagaya ni Rosario, I can also take care of myself," monologo nitong wika.

"Sasama din ako," says Angelou.
"I actually wanted to be with the other guys earlier, pero hindi nila ako pinahintulutan dahil inasikaso ko pa ang ilan sa kanila," turo ni Angelou sa kanyang mga kaklaseng ginamot niya kanina.
"But I think Juvy can handle the job now. Gusto ko 'ring iligtas iyong iba pa nating mga kaibigan. They're all like a family to me," aniya.
"E--Even Alexandra. But now that we all know na siya pala ang gumagawa ng lahat ng ito, all I wanted for her is to just rot in hell."

"Y--You've all got to be kidding me," tanging naiwika nalamang ni Mark. Mahahalatang nag-aalala parin siya sa mga ito, but at the same time, he's a bit happy that some of his pals are gonna tag along with him.

"Kakailanganin mo ang tulong namin, Mark," sabi ni Ian, sabay tapik pa sa balikat ng binata.

Johnrey took a deep breath.
"Kung hindi na talaga kayo mapipigilan, you guys can go. Ako na ang mag-babantay dito sa iba pa, just in case something bad happens," aniya "Pero mangangako kayong magiging ligtas kayo buong gabi, maliwanag?" Aniyang muli.

"Sorry Mark. Hindi ako sasama," sabi naman ni Raffy.
"At this point, hindi ko na muna iiwanan pa si Faye. Sasamahan ko nalang din muna si Johnrey upang bantayan itong iba pa nating mga kaklaseng injured."

At dahil sa wala na ngang iba pang nagawa si Mark ay pinahintulutan niya nalamang na sumama sa kanya iyong iba..

"Te--Teka... Bago kayo lumabas, dalhin niyo na muna toh,"
May bagay na inilahad sa kanila si Raffy.

Isang walkie-talkie. Iyon ay agad namang tinanggap ni Ian, na halatang may bahid ng pagtataka mula sa kanyang mukha...

"You've had some of these the entire time?" Takang naitanong ni Ian.

Umiling naman si Raffy agad.
"No. Nakuha ko yan no'ng matagpuan na'tin 'yong mga patay nang pulis sa may barn kanina. I picked some up."

"Ba't hindi mo sinabi agad?" Tanong naman ni Mark.
"At tsaka, ba't hindi ka namin napansing namulot ng ganito?"

"You guys were busy checking out the bushes, dahil inakala niyong nandoon na si Bladespawn. But it turns out, it was just a small chick with red painted feather," aning muli ni Raffy.
"Chineck ko 'rin 'yong ibang mga pulis if may mga armas ba sila sa mga pockets nila, but I only saw these walkie-talkies."

"S--Siguro yang mga armas na nahanap ni Mell kanina sa sahig ay pagmamay-aring lahat no'ng mga sinasabi niyong pulis!" Sabi naman ni Lalaine.

"And that would explain kung bakit magmula noong gabing sunod-sunod tayong inatake ng killer ay wala na tayong makitang mga pulis na rumuronda!" Ani Juvy. "N--Nauna na pala silang pinatay ni Alexandra!"

That only further proved what Lalaine saw that night.

"Gab must have been telling the truth!" Angelou exclaimed.

Bagay na ikinataka naman ng ilan sa kanila.

"Gab? Who's Gab?" Tanong ni Mark.

"Oh shit!" Muling napa-bulyaw si Angelou.
"I--I almost forgot them! Kasama namin siya kanina, pati si Joyce! When suddenly, bigla nalang kaming inulan ng mga paputok ni Bladespawn, kaya nagkahiwa-hiwalay kami!"

"Hindi mo pa'rin sinasagot ang tanong ko, sino si Gab??" Muling tanong ni Mark.

"He was one of the police guys. He saved Mell from being killed, and now, along with Joyce, they're nowhere to be found," says Angelou.

"Joyce is still alive?"

"Was still alive. Hindi lang tayo nakakasigurado ngayon."

Mark sighs.
"We'll find them too. Ngayon, kailangan na nating muling lumabas.*








++







"P--Pakawalan mo 'ko... P--Please maawa ka... B--Bakit mo ba toh ginagaw-- hmmh!!"

Hindi naipagpatuloy ni Joyce ang kanyang mga sinasabi nang bigla nalamang siyang busalan mula sa bibig noong lalakeng buong pag-aakala niya ay nag-ligtas sa kanya kanina.

Kasalukuyan sila ngayong nasa isang liblib na lugar.
Nasa isang silid malayo sa mga cabins at sa mga napuntahan na noong ibang mga estudyante mula sa Mary Hills.

Both Joyce's legs and hands were tied up, at patuloy lamang siya sa pag-iyak habang mas pinapatibay lamang noong lalakeng si Gab ang mga tali mula sa kanyang mga kamay at paa.

But despite of what he's doing, bakas sa mukha ng binata ang pagka-awa mula sa dalaga.

"Patawarin mo ako," aniya.
"Pero kailangan ko itong gawin. It was supposed to be Mell, since he's the fake one. Not from this reality. Pero wala na akong ibang magagawa pa kundi ang kunin ka," aniyang muli. Bagay na hindi naman naintindihan ng hanggang ng dalaga.

"You're all still going to die anyway..." Huling iniwika pa ng binata, at walang ano-ano'y bigla nalamang pinalo ang mukha ni Joyce, dahilan upang kaagad itong mawalan ng malay...









++







"Ayos ka na ba?" Tanong ni Juvy sa ngayo'y pinapagaling niyang si Angelou.

Bahagyang pilit na napa-ngiti naman ang dalaga, at tumango-tango bilang sagot.
"A--Asan sina Lalaine at Faye?" Tanong niya sa dalaga.

"Nasa kwarto sina Faye at Raffy. I think may malalim yata silang pinag-uusapan eh. Si Lalaine naman, nasa mini kitchen at kumukuha ng mga cookies & chips. May laman daw kasing mga pagkain ang nadalang bag ni Theresa eh, kaya maswerte pa tayo't may mangunguya pa tayo for the meantime kahit mga junkfoods lang," says Juvy.

"T--Talaga? Shocks! Sana dalhin niya dito lahat! Nagugutom na 'ko!"

Nginitian naman siya ni Juvy.
"Makakaalis din tayong lahat na natitira dito. Basta mananalig lang tayo sa Diyos," aniya.

Mayamaya nama'y napatingin si Ophelia sa kanina pa naka-upo malapit sa may pintong si Johnrey.
Tahimik lamang ito't seryosong naka-bantay, habang mahigpit pa ang hawak niya sa kanyang shotgun. Ngunit bukod sa seryoso nitong mukha ay mahahalata 'ring wari ba'y inaantok na ito.

To help the young boy overcome his tiredness, Ophelia tried talking to him.

"S--Sa tingin mo, bakit kaya hindi pa tayo inaatake ng killer dito? Ni Alexandra?" She asks, dahilan upang agad na mapatingin naman sa kanya ang binata.

"Gusto mo?" Seryosong sabi nito.

"What? O--Of course not! I--It's just that... She probably knows that we're here right?"

"Magpasalamat ka nalang at hindi pa nangyayari yang gustong mong mangyari. Siguro fan ng larong langit-lupa si Alexandra. Inaatake niya lang ang mga nasa labas ng cabin na ito. Nakakatawa mang pakinggan, pero, para tayong nasa langit, we're the ones who are currently safe. Habang iyong iba naman ay nasa impiyerno. At itong si Alexandra ang demonyong gusto tayong sunuging lahat," monologo niyang sinabi.

"Pero hindi parating nananatili ang demonyo sa lupa o impiyerno," sabat naman sa kanila ni Juvy.
"Sometimes, they're also trying hard to break into the kingdom and burn everything apart," aniya pa. Mahahalatang wari ba'y bahagyang naging seryoso at nakaramdam din ng kaunting takot dahil sa kanyang sinabi.

Ngunit mayamaya'y napa-buntong hininga nalamang ang dalaga pagkatapos ay tumayo mula sa pagkaka-upo sa tabi ni Ophelia.
"Dito ka lang ah? Kukuha lang ako ng ointment sa kabilang kwarto," aniya, at pagkatapos ay agad na umalis.

Napatayo naman din mula sa kanyang kinauupuan si Johnrey.
"Iihi lang ako," sabi nito, at umalis na'rin sa kanyang pwesto. leaving Ophelia alone in the cabin's mini sala.

"Te--teka... iiwan niyo 'ko?" Muli niyang tinawag iyong dalawa, ngunit nagderederetso lamang ang mga ito.

And from that moment, Ophelia felt a bit uneasy, sitting on the sofa alone and still very much wounded.

Napatingin siya doon sa may pinto.

At maigi niya itong tinitigan dahil kinakabahan siya sa naiisip na maaaring bumulagta sa kanya sa likuran nito.

Mayamaya nama'y bigla nalamang dahan-dahang nabuksan iyong pinto ng cabin dahil sa hangin. It even made a creepy creaking sound.

At doon lamang napag-tanto ng dalaga na hindi pala ito nai-lock noong umalis sina Mark kanina.

Dahil dito'y humarap sa kanya ang ngayo'y naka-bukas nang pinto, habang sumasalubong naman sa kanya ang napaka-dilim na tanawin mula sa labas.

Air started breezing before her. At dahil din dito ay nakakaramdam nanaman ng kaba ang dalaga, at unti-unti na'ring bumibigat ang kanyang pag-hinga.

Gustuhin niya mang mag-tungo mula 'roon upang isarado ang pinto ay hindi niya magawa, dahil na'rin sa injury niyang natamo mula sa kanyang binti.

"Uhh... G--Guys? Can somebody please close the door and lock it this time?" Tawag niya sa kanyang mga kasama, ngunit wala pa'ring may lumalapit o sumagot manlang sa kanya.

"G--Guys?" Tawag niyang muli, ngunit wala pa'rin. Marahil ay hindi siya marinig ng mga ito'y abala pa sa kani-kanilang ginagawa.

Dahil dito'y nilakasan nalamang ni Ophelia ang kanyang loob, at dahan-dahang tumayo mula sa kanyang pagkaka-upo sa sofa, iniinda ang sakit na nararamdaman niya pa'rin mula sa nasaksak niyang binti.

Ngunit hindi pa man nakaka-dalawang hakbang ang dalaga'y kaagad lamang din siyang natigilan nang may makita siyang taong naka-tayo mula mismo sa naka-bukas na pintuan noong cabin.

The person was just standing there doing nothing.

Ang nagpa-gimbal lamang sa dalaga ay nang makita niyang punong-puno ng dugo ang buong katawan nito...

"Namiss mo ba ako agad, Ophelia?"
Wika noong tao.

At doon lamang napag-tanto ni Ophelia na iyon ay walang iba kundi si Alexandra...















T o B e C o n t i n u e d . . . . . .














Continue Reading

You'll Also Like

25.9K 2.3K 46
They're not dead, just missing. For years, Mavi thought her mother abandoned them. Her father sent her to the city for her good fortune. She was for...
7.6K 560 27
In the ethereal realm where specters whisper through the shadows, this story skips the ordinary and typical ghostly love affair. This is the haunting...
55.8K 7.3K 73
Once upon a time, the story never started... Red Ridinghood was expecting death. But it looks like fate gave her something worse than that---being dr...
5.3M 133K 54
[Editing/Revising] Jane Mendez is living a dream life that everyone wants. With loving parents, wealth, fame, and beauty that could make any men droo...