I am courted by a GHOST! ON-H...

By justanordinarygirl17

16.9K 391 125

anong mararamdaman mo kung may manliligaw kang ubod ng gwapo at pinapangarap ng lahat? pero pano kung ikaw... More

I am courted by a ghost
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
Chapter 5
chapter 6
chapter 7
Chapter 8
chapter 9- bestfriend
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13- first day as lance's fake girlfriend
chapter 14 - sam and lance
chapter 16 - Samantha's lovestory
chapter 17- Samantha's love story part 2
chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
author's note
chapter 24
chapter 25
chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
chapter 32
Chapter 33

chapter 15-sam and lance part 2

312 4 8
By justanordinarygirl17

Chapter 15>>> SAM AND LANCE PART 2

 

“DAMN!” sa sobrang galit nya binato nya ang cellphone sa sa may poste sa harapan nya.

hindi ko na sya nilapitan dahil baka ako naman ang sunod nyang ibato sa sobrang galit nya kaya umalis na ako kaagad bago pa nya ako makita.

Habang nagklaklase kami hindi mawala sa isipan ko ang narinig kong paguusap nila lance at ng kausap nya kanina. ang malaki ko ngayong problema ay paano ko susundan si lance? what if habang may klase ako sila magkita, paano ko sila masusundan diba? cross-finger na lang talaga na sana umayon sakin ngayon ang lahat ng ito!

kaya pagkadismissed samin ng prof namin, kulang na lang ay lipadin ko na ang papuntang gym. sana lang talaga nanduon pa rin sya.

“LANCE! LANCE! LANCE!” sigaw ko ng makarating ako sa gym. sana nandito ka pa din lance!

“HEY BABE! I’M HERE!” sigaw ni lance na nagpupunas ngayon sa may bench.

sa sobrang tuwa ko hindi ko na napigilan na yakapin si lance.

Thank you po talaga Lord! buti na lang talaga at nandito pa din si lance pero ang tanong nakapagmeet na ba sila ng kausap nya kanina? sana hindi pa!

“hey I know you’ve missed me a lot! even we just see each other yesterday but I’m full of sweat right now,Babe!” napabitaw naman kaagad ako sa kanya sa pagkakayakap. medyo kadiri nga yung ginawa ko kasi basang basa sya ng pawis.

 “by the way, why are you here babe?” tanong sakin ni lance na bagong shower ngayon.

 

“una na kami captain at miss beau.. I mean Catherine! ingat kayo” pagpapaalam samin ng mga kateammate nya na kasunod lang din nyang lumabas sa shower room.

“additional 50 pushup tomorrow, garcia!” abuso naman ata sya masyado sa pagiging team captain nya, kawawa tuloy mga kateammates nya.

“CAPTAIN NAMAN! nagbibiro lang naman ako.” pagmamakaawa nya kay lance samantalang nagtatawanan naman ang iba nyang kasama.

“but I’m not joking! BYE SEE YOU TOMORROW!” hinila na ng iba nyang kasama ang lalaki papalabas ng gym na naglulumo pa din.

“grabe ka naman!” sabi ko kay lance ng makalabas na ng tuluyan ang mga kateammates nya.

“where are we? ahhh right! where are you here? and hug me all of the sudden?” nagtatajang tanong ulit nya sakin.

“ahmm… ano kasi… ahmm parang nakita ko kanina si sam at magpapahatid sana ako sayo sa bayan, since may kotse ka naman para tipid na din ako sa pamasahe.” sagot ko sa kanya, buti na lang talaga at mabilis akong makaisip ng palusot.

“ahh ganun ba!” tumango tango naman ako sa kanya.

“pero kung may gagawin ka naman ayos lang , magbyabyahe na lang ako.” sabi ko sa kanya

“ahh no,no I don’t have any plans today, so sure ihahatid kita!” wala syang pupuntan ngayon at mahahatid nya ako? paano na yung usapan nila kanina na meetup? nakapagusap na sila?

bigla naman ng ring ang cellphone nya, may nagtext ata.

nagsasalubong naman ang mga kilay nya habang binabasa nya ang text sa kanya. oo nga pala iba na ang cellphone nya ngayon, remember tinapon nya kanina yung phone nya siguro naman kinuha man lang nya ang sim nya.

at base sa itsura ngayon feeling ko yung hired killer ang nagtext sa kanya ngayon.

“sorry babe! but something came up ang it’s urgent! I will just call ryan, our driver to bring you…”

“hindi, hindi wag na. okay lang ako, kaya ko na!” confirm! hindi pa nga sila nagkikita ng kausap nya at may pagkakataon pa ako ngayon na sundan sila.

“Are you sure?” mabait naman talaga si lance ewan ko ba dyan kay benji kung bakit laging sinisiraan itong si lance.

“oo ayos na ako, alis ka na baka importante yan nagtext sayo!sige shooo!shoo! alis na!”pagpapaalis ko sa kanya.

“sige ingat ka din sa pagbyahe mo ha! bye babe!” akmang hahalikan nya ako ng ipinakita ko ulit sa kanya ang kamao ko kaya ginulo na lang nya ang buhok ko bago umalis.

pagpalabas nya sa gym at tumakbo na din ako papalabas at nagmamadaling sumakay sa taxi.

“kuya sundan nyo po iyong pulang kotse na yun!” sabi ko kay manong driver.

makalipas ng 30 minutes tumigil ang kotse ni lance sa isang park.

“manong magkano ho?” tanong ko kay manong driver habang nakatingin kay lance na mukhang may hinahanap. hinahanap na nya siguro ang katagpuan nya ngayon.

“100 po!” MAGKANO!?

“magkano po?” nabingi ata ako dun.

“sabi kop o P100” sagot ni manong.

“ahh eto ho manong!” matagal tagal na rin akong hindi na kasakay sa taxi at mukhang matatagalan ulit ang sunod. grabe ang mahal! 7 lang yan sa jeep! nakatipid sana ako ng 93. sana worth it yung 93 pesos ko at may mapala ako dito sa pagsunod kay lance.

nagtago naman ako sa may puno malapit kay lance. hindi nya dapat ako makita dahil baka di ko na naman makita ang posibleng pumatay kay benji.

“buti dumating ka lance!” sabi ng babae kay lance. wait babae ang pumatay kay lance?

“5 minutes. I’ll just give you 5 minutes.” sabi ni lance sa babae.

hindi ko naman makita ang mukha ng kausap ni lance dahil nakatalikod ito sakin pero yung boses nya familiar.

“HOY!”

“AY MULTO!” kasi naman itong multong benji ito bigla bigla na lang nagsalita sa tabi ko. buti na lang at hindi narinig nila lance ang sigaw ko.

“anong ginagawa mo dito cath?”tanong nya sakin.

 

“sinusundan si lance.” sagot ko sa kanya at binalik ko na ulir ang tingin ko kay lance na galit na naman ngayon sa kausap nya.

 

“Ikaw, anong ginagawa mo dito? akala ko ba pupuntahan mo si sam?” tanong ko pabalik kay benji.

“oo nga sinundan ko nga si sam kaya nandito ako ngayon.” OMG! si SAMANTHA! si sam ang kausap ni lance at hindi ang hired killer nya.

ibigsabihin mali ang hinala ko kay lance! hindi sya ang pumatay kay lance at hindi hired killer ang kausap nya sa cellphone nya lagi kundi si sam!

“YAN SAPAT NA BA YAN PARA LUBAYAN MO NA AKO!” napatingin naman kami parehas ni benji kina sam ng marinig ko ang sigaw ni lance.

nagkalat naman ang mga pera sa paa ni sam na umiiyak ngayon.

“HINDI KO YAN KAILANGAN! HINDI NAMIN KAILAN NG PERA MO! IKAW!IKAW ANG KAILANGAN KO LANCE!” sinuntoksuntok naman nya si lance habang umiiyak padin.

“I’M TIRED WITH THIS LIE! WILL YOU JUST STOP!” sabi nya kay sam habang hinawakan naman nya ang dalawang kamay ni sam para pigilan ito sa pagpalo sa kanya at tinulak si sam kaya muntikan na itong matumba.

“I’m done with this! and I’m done with you!” tinalikudan na nya si sam na umiiyak parin hanggang ngayon.

“Hindi lang ikaw ang napapagod lance! pati ako pagod na pagod na!pagod na pagod na akong umiyak at mahalin ka!” napatigil naman si lance sa paglalakad pero nakatalikod padin sya kay sam.

“pero lumalaban pa din ako!kaya please maniwala ka naman sakin! hindi kita kayang lokohin, alam mo naman kung gaano kita kamahal diba!” umiiyak na sabi ni sam, nanatili naman si lance sa posisyon nya.

“lumalaban ako hindi  para sakin at sayo lance! lumalaban ako para kay…” hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng bigla sya natumba sa damuhan!

“SAM!” “SAMMY!” sabay naming sigaw ni benji

mabilis naman akong lumabas sa pinagtataguan ko at lumapit sa nakahandusay ngayon na sam.

“LANCE! LANCE! SI SAM! TULINGAN MO SI SAM!”

------------------------------------------<3

two updates for today! ^_^

nakuha ko kasi ngayon ang grades ko at happy naman ako sa result kahit tanggal na ako sa dean's lister dahil nagkaroon ako ng isang 2.25 T.T 

kaway kaway mga accountancy student dyan! para sa isang BSA students masaya na kami basta pasok sa quota ang grade namin at ginto na yang 2.25! 

<3

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...