Identical

Door EGStryker

43.5K 1.3K 1.9K

Ean Gray Stryker from the magical world of Lakserf. Ean Caelum Magners from one of the cities of the earth. P... Meer

Identical
The CaelAn "Twins"
Caelum's Invitation [Closed]
Ean's Invitation [CLOSED]
Character Introductions
Prolong
NOTICE
Chapter 1: City Boy [REVISED]
Chapter 2: Bruise Mercy [REVISED]
Chapter 3: The Gang [REVISED]
Chapter 4: Heroes of Orthil [REVISED]
Chapter 5: Assault [REVISED]
Chapter 6: Gem of the Lightning Flash [REVISED]
Chapter 7: Research [REVISED]
Chapter 8: Disappointment [REVISED]
Chapter 9: Warped [REVISED]
Chapter 10: Collision [REVISED]
Chapter 11: Shattered Image [REVISED]
Chapter 12: Destined Encounter [REVISED]
Chapter 13: Moonlight Hazard [REVISED]
Chapter 14: Under [REVISED]
Chapter 15: Clarity [REVISED]
Chapter 16: Search for the Unpredictable Flash [REVISED]
Chapter 17: Howling Portal [REVISED]
Chapter 19: Mafia for a Reason [REVISED]
Chapter 20: Unwordly Realms [REVISED]

Chapter 18: Juvenescence [REVISED]

436 35 19
Door EGStryker

*3rd Person PoV

- Castrafort

Payapang pinagmamasdan ng dalawang binata mula sa malayo ang isang grupo ng kalalakihan na nakapamilog sa may kalakihang mesa. Nagbibiruan ang mga ito at humahalakhak. Kitang-kita nila ang tuwa sa mga mukha nito na tila ba'y walang mga problema. Sa kabila ng abandunadong warehouse na tinitigilan nila ay nakukuha pa rin ng mga ito magsiya. Hindi tuloy naiwasan ng lalake ang mapangiti nang tipid saka mapailing sa kanyang natunghayan.

"It's been a long time since I last saw them like this," himig mula sa lalakeng kasama niya magmasid. Doo'y tumalikod na ito mula sa masayang pagpupulong ng kanyang mga tao at hinarap ang kanyang kaibigan.

"And I hope it stays that way," sagot naman nito na ikinabuntong hininga ng kanyang kausap. Tumabi ang kanyang kaibigan sa kanya't sabay na tumanaw sa kawalan. Hindi man nila sabihin sa isa't isa ay alam nila ang bumabagabag sa kanilang mga isip.

"You do know that we're grateful for what you did, right, Shin?" Pangungusap ng kaibigan nito. Pumikit si Shin nang sunod-sunod na pumasok sa isip niya ang mapapait na ala-ala. "To defy your father for our sake-- that's something that we will never forget."

"Chichi ga machigaeta (My father made a mistake)", seryosong sabi ni Shin saka siya dumilat nang may talim na sa kanyang mga mata. Agad napansin ng kaibigan niya ang ekspresyon nito kaya agad niyang nilagay ang kamay niya sa balikat nito upang subukang pakalmahin ito. Biglang natauhan si Shin sa ginawa ng kanyang kaibigan. Napangiti ito't napakamot sa kanyang ulo. "Gomen (Sorry), Nate."

Sinuklian lamang siya ng kaibigan niya ng isang tipid na ngiti. Muling tumanaw si Nate sa malayo. Sa tulong ng sinag ng araw ay mas pinatingkad nito ang bughaw niyang mga mata at dilaw nitong buhok. Mula sa malinis at maikli nitong buhok at bumabakat na muscle sa hapet niyang suot ay aakalain ng karamihan na isa itong amerikanong sundalo.

Mula sa kawalan ay sabay na napalingon ang magkaibigan sa gawi ng makapal na talahiban. Natunghayan nilang nahawi nito ng isang babaeng may magandang pangangatawan na mas lalo pang pinamalas ng itim at masikip nitong suot. Nakapusod ang mahaba't kulay pula nitong buhok. Nang makita ang dalawang magkaibigan ay napangisi ang babae.

"Impressive. You two are the only few who can sense me before I reveal myself," saad nito habang papalapit kina Shin at Nate. Hindi maiwasang pansinin ni Shin ang tila sumasayaw na baywang nito sa simpleng paglalakad pa lamang nito. Napansin naman ito ng babae. "Is gawking at me also one of your plans, Shin-sama?"

"A-ah--" nauutal na banggit ni Shin saka napangiti. "Hey, I've seen you staring at me. Well, I can't blame you if you can't resist this handsome man. That should make us even."

Kusang napabuntong hininga sa inis si Nate matapos niyang marinig ang katagang malimit niyang naririnig sa kanyang kaibigan habang nananatiling nakangiti si Shin. Napaismid na lang ang babae sa tinuran ng magkaibigan.

Nang makalapit ay agad inabot ng babae ang isang folder kay Shin na ikinalaki ng mata nito sa gulat at pagkamangha. "Eh? S-sugoi (Amazing)!"

"You never fail to surprise us, Andrea," papuri pa ni Nate dito habang humahalukipkip ang dalaga. Binuksan na ni Shin ang folder upang alamin ang nilalaman nito. "So what'd you get?"

"There's a folder in their computers and that's labeled as one of his top secret projects," pagpapaalam nito sa dalawa na okyupado na sa pagbabasa ng nilalaman ng folder.

"Hai, this will be useful," sang-ayon ni Shin saka sinara ang folder. Seryoso niyang tinignan si Nate saka niya nilipat ang tingin kay Andrea. "I-I'm sorry for getting you both involve in this. As much as I want to inform the others about this-- if we only have a choice then I--"

"I told you, Shin, we're ready for anything," pagpapalubag loob ni Nate dito.

"Your boys are not fit for this job anyway. You can leave this to me and Nate," segunda naman ni Andrea.

Wala nang naimik si Shin sa ipinakitang suporta ng kanyang mga kaibigan sa kanya. Nangiti na lamang siya at doon niya ipinadala ang pasasalamat sa mga ito. Akmang magsasalita na sana siya nang tawagin siya ng ibang miyembro ng Juvenescence.

"Shin-sama! Kore wo mite kudasai! (Please watch this)" natutuwang tawag sa kanya ng kanyang mga tao.

"Go. Nate and I also need some time to discuss about the task," sabi ni Andrea kaya naman muling nagpasalamat si Shin sa kanya saka umalis upang sumama sa masayang pagpupulong.

Naiwang magkasama sina Nate at Andrea habang pinagmamasdan si Shin na masayang nakikihalubilo sa mga miyembro ng Juvenescence. "Sometimes it's hard for me to believe that he's the son of his father. Their personalities are so different." Hindi sumagot si Andrea, bagkus ay nanatili lang itong nangingiti habang pinapanood si Shin. "I guess what he said is true. You are always staring at him."

Agad na nag-iba ang timpla ng mukha ni Andrea sa sinabi ni Nate at sinamaan siya ng tingin sabay angat ng kilay. "Mind your own business, Nate, will you?"

Ngumingiting tinaas ni Nate ang pareho niyang kamay upang iparating na titigil na siya sa pang-aasar. "Shall we proceed with the discussion then?"

Umuyam si Andrea saka humarap kay Nate bilang paghahanda sa kanilang pagpaplano, ngunit saglit siyang natigilan nang sumeryoso ang mukha nito. "Is there anything wrong?"

Saglit na nanatiling tahimik si Nate bago sumagot. "I-- I just don't want this to fail." Siningkitan ni Andrea si Nate, senyales na hindi ito nakumbinsi sa sagot nito. "There's no denying that the pressure of being our leader is getting into him. And now this deal with the General put him under more pressure. So I don't want it to fail. I don't want him to blame himself again."

"So now you're pressuring yourself too just like how he's pressuring himself?" Balik tanong ni Andrea na bahagyang nagpabigla kay Nate. Umuyam si Andrea saka nagpatuloy. "You owe Shin your life, I get it. I've heard it a lot of times from you. But, Nate-- don't let it get to you as well." Sa mga binitawang salita ni Andrea ay unti-unting naliwanagan si Nate. Base sa mukhang pinakita ni Nate sa kanya ay agad niyang nakuha na nawala na ang pangamba nito. "Let's just get this guy and get it over with."

*****

*Ean

- Castrafort

Pagkasara ko pa lang ng pinto ay agad na akong sumilip sa maliit nitong butas upang siguraduhing walang nakasunod sa akin. Ilang sandali pa ang lumipas at laking pasasalamat ko na ni isang tao ay wala akong nakita. Doo'y agad na akong naglakad paupo sa sofa nang sumisipol-sipol pa.

"What the hell's wrong with you? May naghahanap ba sa'yo?" Untag ng isang babae na akala mo diring-diri kung makatingin sa akin. Hindi ko namalayan na nandoon pala siya. Sinilayan ko lang siya ng malapad na ngiti mula sa kabilang sofa na inuupuan niya.

"'De, lagi kasi akong taya sa nilalaro namin ng mga bata sa baba. Napikon na ako kaya ayun, bumalik na lang ako dito," paliwanag ko sa kanya nang hindi pa rin inaalis ang ngiti ko.

"Oh my God napaka-loser mo, Ean!" Natatawang sabi nito sa akin. "Ano ba kasing nilaro niyo?"

"Tagu-taguan. Bahala sila abutin ng sikat ng buwan kahahanap sa akin," sagot ko sabay bunghalit ng tawa. Gusto kong sabihin sino kaya ang loser sa amin sa ginawa ko. Ang intelligencest ko, 'di ba? Naisip ko pa 'yon.

"Gosh, Ean! Wala ka na talagang ginawang matino, kaloka ka," reaksyon nito na lalo ko lang tinawanan, ngunit agad nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang nakapatong sa mga hita niya. Isang makapal, luma't kupas na libro na aakalain mong deer dairy pa ng unang tao sa mundong 'to. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong tanungin siya kung ano 'yon.

"Ano 'yang binabasa mo, JC? Bakit parang--"

"Ah, n-nothing!" Putol niya sa tanong ko at dali-daling sinara ang aklat na binabasa niya. Nangunot tuloy ang noo ko sa inasta niya. Hanggang sa naisip ko na baka nga deer dairy niya 'yon. Isang pribadong bagay ang mga ganoong klaseng pagmamay-ari. Baka ayaw niyang may ibang nakakaalam sa ginagawa niya.

"Sus, don't weary, ok? I do not telled anyone that you are writtening in a dairy, ok? I got you!" Pagpapagaan ko sa loob niya kasi baka malaking bagay sa kanya ang mga ganoong bagay. Kita kong nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko at binalik ang tingin sa librong hawak niya. Pareho kaming natahimik habang pinaglalaruan ng mga daliri niya ang balat ng libro. Sa tinuran niya ay hindi ko na kinailangang tanungin kung ano ang naglalaro sa isip niya.

Ilang araw na nga ba akong naninirahan dito sa apartment ni Caelum kasama si JC? Sapat na para malaman kong halos araw-araw na siyang ganito. Alam kong walang ibang bumabagabag sa kanya kung hindi ang huling pag-aaway nila. Magmula kasi nung araw na sunduin ako rito ni Caelum upang dalhin sa warehouse nila at ipakita sa mga kaibigan niya ay hindi ko na ulit siya nakitang nagawi rito. Hindi ko masisisi si JC kung bakit hanggang ngayon ay hindi siya matigil sa pag-iisip.

"Ah, JC?" Pagputol ko sa katahimikan. Agad lumiwanag ang mukha niya nang tignan niya ako, ngunit alam kong tinatago niya lang ang tunay niyang nararamdaman. Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya saka ako nagpatuloy. "May problema ka ba?"

Kita ko ang gulat sa mukha niya sa naging tanong ko. "N-no, it's nothing."

"Eh? Wala raw. May problema ka eh!" pagsasapilitan ko habang titig na titig ako sa kanya. Bigla naman siya umiwas ng tingin at tila nailang sa ginawa ko.

"Wala nga! Ang kulit mo naman eh. Sinasabi ko sa'yo, Ean, mababato kita," pagbabanta niya.

"Ang brutal mo talaga," dismayado kong tugon at nagkamot na lang ng ulo. Natawa naman siya sa inakto ko, senyales na nawawala na ang tensyon mula sa kanya dahil sa naging tanong ko. Doo'y diniretsa ko na siya. "Si brader ba?"

Biglang natahimik si JC sa diretsahan kong tanong. Ayaw ko man manghimasok sa problema nilang dalawa ay pakiramdam ko kasi kailangan niya ng makakausap. Nakakabahala na rin na bigla-bigla na lang siya magseseryoso dahil sa problema niya. Hanggang sa hindi nagtagal ay tumango siya sa tanong ko.

"Sabi na eh! Hinala ko na rin 'yan eh," sabi ko gamit ang nakakalokong tono dahilan para mapahagikgik siya, kahit papaano ay mapagaan naman ang loob niya. "Ikaw naman kasi eh, wagas ka kung makapagwala."

Isang matalim na tingin ang pinukol niya sa akin. "So, does that mean that I'm the one at fault here? For countless times, I saw him flirting with other girls. You can't blame me for what I did."

"Oh, easy lang! Bakit ako na ang inaaway?" pagpapakalma ko sa kanya na inirapan niya lang. "Inuuna mo kasi ang galit eh. Tulad ngayon, kaunti na lang mukhang masasapak mo na ako. Oo, may mali si brader, pero sana kinausap mo na lang nang mahinahon."

Napahinto at parang napaisip naman siya sa sinabi ko base sa pagbabago ng ekspresyon niya. "Kami kasing mga lalake, ayaw namin ng ganyan. Medyo nakakasakal at nakakasakit ng ago."

"Pfft," pagpigil niya ng tawa. Bakit kaya? May mali ba akong sinabi?

"Ayan! Tumawa ka na lang kasi. Maging relax ka naman kahit minsan," natatawa ko na lang sabi. "Teka, parang ang seryoso ata ng mga sinabi ko kanina. Hindi bagay. Hindi ako 'yan!" bulalas ko pa at nagtakip pa ng mukha gamit ang unan. Humagalpak na siya ng tawa dahil sa ginawa ko.

"Baliw ka! Baliw!" singhal niya sa akin sabay bato ng unan. Inalis ko na rin naman ang unan na tumatakip sa mukha ko. Unti-unti ay bumabalik ang pagkaseryoso sa mukha niya. Humugot siya ng malalim na hininga na para bang paraan niya upang maghanda sa sasabihin niya.

"We've been together for almost half a year when he found out the truth about himself. Iyon din ang araw na kinuha siya ng Heneral. I waited for him everyday, pero I got nothing ni isang message or what. Inintindi ko iyon," panimula niya saka tumingin sa akin. "Couple months later, he came back to this apartment. I didn't know how to react and I sure was happy to see him again, but he came back different. He was just simply-- cold to me."

"Kay Hope at Neesha ko pa nalaman ang lahat ng nangyari sa kanila habang nasa mansyon sila ng Heneral. Again, inintindi ko siya dahil naiintindihan ko na masakit ang pinagdadaanan niya. So I stayed to show him my support," pagpapatuloy pa nito habang tahimik lang akong nakikinig sa kanya. "But then one day, he went home with another woman."

"Hala?" Hindi ko napigilan ang naging reaksyon ko sa sinabi niya. Sa totoo lang hindi na rin naman ako dapat nagulat. Itsura pa lang ng kamukha kong 'yon, babaero na eh. Pero uy, hindi ako gan'on ah.

Sarkastikong pag-uyam ang kumawala sa bibig ni JC bago siya nagpatuloy. "And it happened again and again. It's like he just forgot about the fact that I'm still his girlfriend. Or maybe he just--" Hindi na natuloy ni JC ang kanyang sasabihin nang sunod-sunod na kumawala sa mga mata niya ang luha.

Nataranta ako sa biglaang pagsabog ng kanyang emosyon. Naguguluhan ako sa kung ano nga ba ang dapat gawin. Hanggang sa tila tinulak na lang ako ng katawan ko para tabihan siya upang damayan habang patuloy siyang humahagulgol.

*****

*3rd Person PoV

- Castrafort

"Caelum, Neesha, can you hear us?"

Makikita sa gitna ng hindi mahulugang karayom na park si Caelum na may suot na itim na cap. Binigyan siya ng tango ni Neesha sa hindi kalayuan mula sa kanyang posisyon bilang kompirmasyon at doo'y pinindot ni Caelum ang suot nitong earpiece bago magsalita. "We hear you loud and clear, coach."

"Jake? Dim?"

Nakasandal ang likod ni Dim sa pader ng isang mataas na gusali habang suot ang malapad na ngiti. Walang pagdadalawang-isip nitong pinindot ang earpiece saka sumagot. "Youd and kweew, tuya Wenth," sagot nito na ikinabusangot ng mukha ng kasama niyang si Jake na kasalukuyang umaakto na may kausap sa cellphone sa gilid ng daan.

"P*tang--"

"O-oo, dinig ka namin, Renz," putol ni Jake sa pagmumura ni Renz. "Tsk, bakit ba kasi sa dinami-rami ng pwede kong makasama eh si Dim pa?"

"Ay dwabe tayada tayo tha atin! An thatit ah!" Daing ni Dim.

Narinig nila Jake at Dim mula sa kabilang linya ang bungisngis ni Neesha. "Sorry ka na lang, Jake. Kailangan natin 'to gawin." Iritadong kumamot sa ulo si Jake at napapalatak pa ng dila.

"Pasensya ka na, 'tol. Kami sana ni Hope ang nandyan kaso hindi ko pa talaga kaya umaksyon," pagpapaumanhin ni Renz na katabing nakaupo si Hope sa loob ng warehouse. Kasalukuyan silang nasa harap ng computer at binabantayan ang posisyon ng kanilang kasamahan.

"Focus on the task, guys. She might be around here somewhere," pahayag naman ni Caelum na seryoso sa kanilang ginagawa.

Narinig nila ang pag-uyam ni Jake sa sinabi nito. "Kung sinabi mo lang kasi sa amin agad ang tungkol sa babaeng nakainkwentro mo sa Silhouette bar, edi sana nagawan ko agad ng paraan at hindi tayo naghahanap nang ganito."

Kusang napasimangot si Caelum sa panunumbat ni Jake. "My bad, ok?"

"Osiya tama na iyan bago pa kayo mag-away," suway ni Neesha sa mga ito habang patuloy na nagmamasid-masid sa lawak ng park at nakaupo sa isang bangko.

"Waya naman ata tayo mapapaya dito, tuya Jate," dismayadong komento ni Dim.

Bumuntong hininga si Jake saka sumagot. "Mukhang tama si Dim. Pupunta na kami sa susunod na area."

"Copy that," madaling sagot ni Hope.

"Wait, guys, may message si Lei," pahayag ni Renz na umagaw sa atensyon nilang lahat. "May narinig daw siyang pag-uusap sa kampo nila tungkol sa Yazzy na 'to. Mahilig daw siya magpalipas ng oras sa mga coffee shop."

"Hmm... there are quite a number of coffee shops in the city. Did she mention any specific shop?" Tanong ni Caelum.

"Sandali--" saad ni Renz at sandaling nahinto upang ipadala ang mensahe ni Caelum. "Negative, p're. Baka pagdudahan daw siya kapag nagtanong siya."

"Well, at least that did narrow down our searching area," pahayag ni Hope habang hinahanap na ang bawat coffee shop sa buong siyudad ng Castrafort. "Dim, Jake, there's a 2-minute-walk coffee shop near your position. I'll be sending you the coordinates."

"Caelum, may tabi-tabing coffee shop dito sa park. Pwede natin simulan doon," pasimpleng pahayag ni Neesha. Mula sa kabilang parte ng park ay sinenyasan lamang siya ni Caelum bilang tugon at doo'y nagsimula na sila magtungo sa nasabi ni Neesha.

*****

*Ean

- Castrafort

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni JC, lalo na ang paghagulgol niya ng iyak. 'Yon ang unang pagkakataon na makita ko siyang ganoon kaya naawa talaga ako.

Haay, sunod-sunod na naman ang problema. Sabi ko sa aking sarili. Lalo ako naii-stress sa nangyayari gayong hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng paraan para makauwi. I need a break, I need a KitKat. Oha, narinig ko lang 'yan sa mga commercement nila rito.

Kahit pa nasabihan na ako ni Jake na maiipit ako sa sitwasyon ni Caelum dahil sa magkahawig kami ay heto't nasa labas ako at nagliliwaliw. Pakiramdam ko kasi sasabog na utak ko kakaisip sa mga bagay-bagay. Kailangan ko lang ng kahit saglit na oras na walang iniisip.

Sa gitna ng paglalakad ko ay may humaplos na masarap na aroma sa aking ilong. Agad akong napatingin sa gawi ng pinanggagalingan nito at kusa akong napangiti sa aking nakita. Starbox. Napalunok ako sa takam dahil na rin sa matagal-tagal na rin akong hindi nakakatikim ng kape. Mga ganitong panahon pa naman masarap humigop ng mainit na kape. 'Yung makakapag-relax ba?

Inimbita ko ang aking sarili sa loob ng shop at doo'y lalo ko pang nalanghap ang aroma ng kape. Amoy pa lang nito ay alam ko nang masarap ang mga timpla nila ng kape rito. Kaya naman agad akong nagtungo sa counter para sana makabili, ngunit agad akong nadismaya nang makita ko ang presyo. Hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili na gawa ba sa ginto kape nila rito? Napakamahal!

Bigla na lang nagbago isip ko. Parang ang sarap nalang uminom ng tubig. Tama, magtutubig na lang ako.

Paalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang babaeng mag-isang nakaupo habang nakatitig sa akin. Alam kong napansin niya ang pagkailang ko sa titig niya, ngunit hindi niya ito winaglit, bagkus ay pinaningkitan niya pa ako ng mata. Doo'y nagkaroon na ako ng masamang kutob.

Dali-dali akong naglakad palapabas ng shop, ngunit sa pagmamadali ko ay may nabunggo ako. "Ay, s-sorry po. Pasensya na po kayo," pagpapaumanhin ko rito.

"It's ok, I'm-- wait, do I know you?" Untag ng babaeng nakabangga ko. Eto na naman, pagkakamalan na naman akong si Caelum. Gaano karami na ba kasi nilandi ng lalakeng 'yon ha?

"Sorry, the numeration you dial is gone, catch you later refrigerator," sambit ko na lang saka umalis, ngunit hindi ko inaasahan ay hinablot nito ang braso ko.

"Wait--" pigil nito sa akin saka ako tinitigan. Doon ko lang din napagmasdan ang itsura niya. Makinis at maputi ito na bumagay sa nakapusod at kulay pula niyang buhok. "I think I've seen you somewhere."

"Huh?" Nasabi ko na lang kasi hindi ko naman talaga siya kilala. Muli naman akong napasulyap sa babaeng tumititig sa akin kanina at lalo lang ako kinabahan. Nagpalinga-linga ako upang hanapin siya, ngunit hindi ko na siya makita.

"Hey, why don't we sit down and--"

"Sorry, kailangan ko na umalis," hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng babaeng pumipigil sa akin at inalis ko na ang kamay niya sa braso ko upang makaalis. Pakiramdam ko ba'y lalong tumatagal ay mas tumitindi ang masama kong kutob.

Pagkalabas ko ng coffee shop ay agad kong binilisan ang paglalakad ko pabalik sa apartment, ngunit sa kasamaang palad ay naramdaman kong sinusundan na ako ng babaeng pumigil sa akin kanina. Agad akong nag-iba ng direksyon. Kung hindi ako nagkakamali ay baka si Caelum ang pakay niya.

Sa naiisip ko ay agad kong nilabas ang maliit na device na inabot sa akin ni Jake. Walang pagdadalawang-isip kong pinindot ito upang humingi sa kanila ng tulong.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hmm... napahaba po ata ang chapter na 'to. Pangbawi po ata dahil sa tagl ng update? Hahaha!

Hope you guys enjoyed! :D

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

2.9M 67.4K 32
"Too much love and power can kill you." Laurice Fireilline Gwyneth Apostle. A cold-blooded woman who never knew what love is. She knew everyone, but...
4.2M 193K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
2.5M 187K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...