Chapter 2: Philippines
Kath's Pov
Maaga akong nagising dahil narin sa katok ni Butler. Ngayon na pala ang araw na babalik ako sa Pilipinas. Kaya ko na nga ba? kayang kaya syempre. Tsk. Nasakit ang utak ko ng maisip ko ulit yun. Ais! Tiningnan ko ang mga gamit kong nakahanda na. Kung tutuusin ay kakaunti lang naman ang dala ko, mga importanteng gamit lang at ilang mga damit.
" Good Morning, My Lady. Your breakfast is ready." sabi niya saakin habang nakayuko.
Tumango naman ako at sinenyasan siyang bumaba na. Umalis naman na siya, tumayo ako at pumunta ng Cr. Inayos ko muna ang sarili ko, ginawa ko ang dapat gawin.
Matapos ang isang oras ay natapos na ako sa paliligo ko, nag ayos na rin ako. Nagsuot ng simple at naka suot ng Suede Ankle Boots ng Louis Vuitton.
Bumaba na ako at umupo. Inutusan ko si butler na kuhain ang mga maleta ko na nasa itaas. Kumain na ako at saka tingnan ang Cellphone ko. 10 Missed Calls kay Aiden, at 5 Missed Calls kay Naomi.
May 6 New Messages, may mga notifications rin ako. Gaya nalang ng mga nag cha-chat sakin sa facebook, twitter, instagram at ibp.
"Good Morning baby. Ready ka na ba?" Sabi saakin ni Mom.
Yung ngiti niya alam kong hindi totoo, ginagawa lang naman niya yan dahil kay dad. Ewan ko ba kay mom kung bakit ang init lagi ng ulo sakin pero minsan naman okay siya.
Minsan nga lang.
"Hindi." maikli kong sagot. Matapos kong inumin ang gatas ay tumayo na ako.
"Bye, Baby mag-ingat ka don ha?" Sabi saakin ni Dad.
Si Mom naman ay nangingilid ang luha. Tingnan mo to siya na nga yung nag papaalis saakin tapos ganyan siya? Nakakatawa naman siyang tingnan.
"Ye, Ye, Ye..... Byee!" sabi ko sa kaniya atsaka umalis na ako harapan nila. Sumakay agad ako sa kotse kasama si Butler Leo, habang nasa byahe kami hindi ko inaasahang nakatulog ako.
After 3 hours
Nakarating na kami sa Airport. Bumaba na ako, as usual madaming bodyguards ang nakapalibot saakin. Anak ako ng kilala sa buong mundo at hindi nila hahayaang si butler lang ang magbabantay saakin. Sumakay na kami sa Private Airplain namin.
After 5 Hours nakarating na kami sa Pilipinas. It's good to be back. Yan ang dapat sabihin ko ngayong nakatapak na ako sa lupa ng pilipinas. I don't think so. Lumakad na ako kasabay ng pag flash ng mga camera sa paligid ko. Inaasahan ko na to kaya hindi na ako magtataka.
Mag po-four na pala ng makarating kami sa Mansion. Nasa kwarto na ako ng biglang bumukas ang pintuan. Shit!
"Butler! How many times do i have to tell you, Kumatok ka muna!" inis kong sigaw kay Leo.
" Sorry, Princess" Tsk. Kapag nasa pilipinas Princess ang tawag saaakin. Why? Dahil nag iisa akong anak na babae nila Mom.
"Ano ba kasi yon?" Sabi ko.
"Nakahanda na po ang Hapunan , Princess ." Sabi ni Butler Leo saakin.
Napaisip ako kung alam na ba ni Aiden. Tawagan ko kaya sya? Sigurado akong susundan niya ako kapag nalaman niyang naandidito ako.
"Im not hungry. Alis, mag papahinga ako" Dire-diretso akong naglakad at as usual ang theme ng kwarto ko ay red and black , red beacause of my eyes and black kasi favorite kong kulay.
Nag linis muna ako ng katawan at nag palit na ako ng damit may nakita akong black envelope sa may table ko. Nagtaka naman ako kaya naman kinuha ko at binasa.
Inside the room there are traitors
Give a chance he might be the savior
Seem prudent but she is dangerous
goodluck but it is not a goodbye.
~purple
Paano to naka pasok sa kwarto ko tiningnan ko ang bintana. No wonder, how this envelop get into my room. Naka bukas ang bintana ko so may naka pasok nga? purple? i hate that color. Sino naman ang naglakas loob na pumasok sa kwarto ko! Im gonna kill that b*stard!
tok! tok! tok!
"My lady tumatawag po si Madame."
That old woman again , napaka istorbo talaga niya kahit kelan. Ganun na nya ba ako kamiss? Parang kanina lang ay mag kasama kami tapos ngayon gusto niya akong kausapin?
"K!" Bumaba ako para sagutin yung call pwedi naman kasing sa cp ko nalang tumawag. Psh. Ewan ko ba kung sadyang gusto nya lang akong inisin o ano.
"Wae?" Walang gana kong sabi.
"Ano buhay ka pa?" sabi niya, may pang aasar sa tono niya.
"Yup. Eh ikaw mom? Buhay pa?" Pag babalik ko sa kanya, alam kong kinabahan siya sa sinabi ko.
"A-ano bang sinasabi mo riyan!" Sabi niya.
"Ano bang kailangan mo? Hurry up!" Inis na sabi ko.
"Nothing i j--"
Hindi ko na siya pinatapos pa at ibinaba na ang call. Wala naman palang sasabihin istorbo talaga kahit kelan.
Maya-maya pay tumawag uli siya sa Cellphone ko naman. Shitness!
"Ano na naman Mom!"
Halatang naiinis kong sabi sa kaniya. Ewan ko pero naiinis talaga ako sa pagiging isip bata niya. Ewan ko ba kung bakit ang tanda tanda na niya e ganun parin siya kung kumilos.
"Natanggap mo ba yung box na pinadala ko? " anong box? Eh Black Envelope ang natanggap ko.
"Hindi pa" maikli kong saad. Naiinis na akong kausapin siya.
"Okay , intayin mo nalang. Anyways, ang laman ng box ay contact lense apat yan na pare parehas , ingatan mo ha" sabi nya saakin.
"Yun lang ba?" Alam kong meron pa. Pinutol nya lang tsk -.- pa bitin kung baga.
"Ayyy hindi pa ko tapos, may salamin dyan maaari mong malaman kung anong pangalan or info ng taong gusto mong kilalanin basta suot mo yun"
"Paano naman to gagana?" Walang kaenergy kong sabi. Tinatamad kasi akong kausapin siya.
"Basta kapag naisip mo na gusto mo siyang kilalanin lalabas na yan sa salamin. Wag kang mag alala dahil sayo lang yan gagana. Kahit suotin payan ng iba hindi gagana, ikaw lang ang makakagawa nyan. " Mahabang sabi nya saakin. Lahat kayang gawin ni mom, kaya nga nagawa nya yan e. Bukod sa may kaya kami scientist sila mom at dad pero matagal na silang tigil. Hindi sa pag mamayabang pero mas mayaman pa kami sa mayaman -.-
"Ok mom" Sabi ko at i e-end na sana.
"Okay sweetiie ,uwi ka dito minsan ha. Alagaan mo yang sarili mo ok ?" Sabi niya, siguro katabi niya si dad kaya nag iba na naman ang tono ng pananalita niya.
"Ok."
At ini end kona. Hays salamat natahimik din ang buhay ko.
Kung hindi lang dahil sa mata ko hindi sana ako mag ko contact lense. Saan ba kasi pinag lihi ang mata ko wala naman kasi akong sakit e basta daw ganto na ko dapat nga name ko red din buti nung tulog si mom pinaltan ni dad yun nga lang ang haba -_- samantalang yung kay aiden andali lang .
Gusto mong malaman? saka na tinatamad pa ko e umakyat na uli ako sa kwarto ko at sumapalmpak sa kama.
"My Lady hindi pa po ba kayu kakakain" sabi ni butler leo habang naka tingin saakin. Naiwan ko palang bukas ang pintuan. Kahit kailan talaga. Psh
"Butler leo hindi pa ako nagugutom." At umalis na siya sa harapan ko. Ni lock ko nadin ang pintuan bak may sumulpot nanaman bigla e.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Malayo layo din ang byinahe namin kaya naman sobrang pagod ang nararamdaman ko.
*****
Vote , Comment and Follow Me.