Identical

Da EGStryker

43.5K 1.3K 1.9K

Ean Gray Stryker from the magical world of Lakserf. Ean Caelum Magners from one of the cities of the earth. P... Altro

Identical
The CaelAn "Twins"
Caelum's Invitation [Closed]
Ean's Invitation [CLOSED]
Character Introductions
Prolong
NOTICE
Chapter 1: City Boy [REVISED]
Chapter 2: Bruise Mercy [REVISED]
Chapter 3: The Gang [REVISED]
Chapter 4: Heroes of Orthil [REVISED]
Chapter 5: Assault [REVISED]
Chapter 6: Gem of the Lightning Flash [REVISED]
Chapter 7: Research [REVISED]
Chapter 8: Disappointment [REVISED]
Chapter 9: Warped [REVISED]
Chapter 10: Collision [REVISED]
Chapter 11: Shattered Image [REVISED]
Chapter 12: Destined Encounter [REVISED]
Chapter 13: Moonlight Hazard [REVISED]
Chapter 14: Under [REVISED]
Chapter 15: Clarity [REVISED]
Chapter 16: Search for the Unpredictable Flash [REVISED]
Chapter 18: Juvenescence [REVISED]
Chapter 19: Mafia for a Reason [REVISED]
Chapter 20: Unwordly Realms [REVISED]

Chapter 17: Howling Portal [REVISED]

479 33 24
Da EGStryker

*3rd Person PoV

- Castrafort

Kakalabas pa lang ng binata mula sa opisina ay saglit siyang natigilan nang dalawang lalake ang bumungad sa kanya. Wari nito ay inaasahan na siya ng mga ito. Sa pagsara niya ng pinto ay agad niya itong kinausap. "May sinabi na ba ang team captain niyo sa inyo?"

"He telled us that we are the leaf in the team to--"

"T*ng ina, aga masira ng araw ko, tss," inis na reklamo ni Rake sa pananalita ni Gelo.

Napailing at hagikgik naman ang kasama ni Gelo habang humahalukipkip ang mga braso saka nagsalita. "Kung tayong tatlo ang magkakasama dito, mukhang kailangan mo na masanay, sir Rake."

"Huwag ka mag-alala, Damon. Nasanay na ako kay Ean," paliwanag naman ni Rake. "Anyways, temporarily relieved na nga kayo sa team niyo. Maraming ganap ngayon sa mga Seniors, buti na lang napakiusapan ko ang Head Senior para isama kayo sa bago nating assignment."

"Bagong assignment? Hala hindi ko alam! Pakopya ako!" Natatarantang sambit ni Gelo na ikinakamot ng ulo ni Damon.

"Hayop ka, Gelo, sumeryoso ka nga muna," suway nito.

"Tss," naimik na lang ni saka nagsimulang maglakad. "Sumunod kayo sa akin, malalaman niyo rin ang detalye mamaya." Sandaling lumingon si Rake sa dalawa niyang kasama bago nagpatuloy. "Ipapakilala ko muna kayo sa makakasama natin."

*****

Lumikha ng ingay ang controls bago awtomatikong bumukas ang pintong yari sa salamin. Doo'y agad na inimbitahan ng tatlong lalake ang kanilang sarili sa malawak na silid kung saan makikita ang marami't nakahilerang computer units. Kapansin-pansin din ang iilang okyupadong Seniors na nagagawa nilang marinig ang pagtipa ng mga ito sa keyboard.

Gaya ng inaasahan ni Rake ay maging ang mga Zoidiac Seniors sa computer room ay abala rin sa dami ng gawain. May iilan pa nga siyang nakita na grupo ng Seniors na mayroong diskusyon sa harap ng malaking holographic screen habang ang iba naman ay nasa harap ng computer at alam niyang abala sa pag-iimbestiga. Napailing siya dahil sa kanyang natunghayan.

"Iimbestigahan ba natin ang tungkol sa nakita natin sa kakahuyan kahapon?" Asik ni Damon habang patuloy na sinusundan si Rake.

Kusang napauyam at napangisi si Rake sa kanyang narinig. "You catch up fast, Damon. Ngayon alam ko na kung bakit ka binigyan ng posisyon sa intel unit."

"Medyo obvious naman. Dinala mo kami rito sa computer room. Kung isang Zoidiac Senior ang makakasama natin, malamang sa malamang mag-iimbestiga tayo," paliwanag naman ni Damon.

Nang marating na nila ang kabilang dulong pinto ay walang inaksayang oras si Rake at agad siyang kumatok. Mabilis naman siyang napagbuksan ng pinto at sinalubong ng isang babae na nakapusod ang makapal at itim na buhok at may mahahabang pilikmata. "Ah, buti nandito na kayo. Kanina ko pa kayo hinihintay."

"Pasensya ka na kung natagalan kami. May kinailangan lang tapusin opisina," pagpapaumanhin ni Rake saka tumingin sa dalawa niyang kasama. "Siya nga pala si Safrina Elyka Um, one of our lead researchers. Siya ang makakasama natin sa assignment."

"Damon," nakangiting pagpapakilala ni Damon.

"I'm Gelo. It's nice to meetery you, Safrina," untag naman ni Gelo na nagpatulala kay Safe.

"E-excuse me?" Naguguluhang tanong ni Safe.

"Masaya raw siyang makilala ka, tss," paliwanag ni Rake na tinanguhan nito.

"Oh, ok. Just call me, Safe," sabi ni Safe saka bumaling kay Rake. "By the way, I've heard the word about Ean. I'm sorry, sir Rake."

Umiling si Rake sa sinabi nito. "Huwag mo na alalahanin 'yon. Kaya nga tayo nandito para alamin kung nasaan na nga ba si Ean."

"Wait--" putol na pangungusap ni Gelo. "I taughtering that we will investigatory the light we seesaw. Hahanapin pala natin si besprenning?"

"I... I don't understand," nahihirapang tugon ni Safe na para bang naguguluhan na sa buhay.

"Ang liwanag na nakita natin kahapon is the only lead we have in finding Ean. Kaya siguro parte rin ng pag-iimbestiga natin 'to para malaman kung may kinalaman 'yon sa pagkawala niya," pahayag ni Damon na tila humihingi ng kompirmasyon kay Rake.

"I'm impressed," muling papuri ni Rake dito na nginitian nito.

"Ah, yes, about that. I'm really curious about what you saw in the woods. We'll head out as soon as--"

"Ma'am Safe, a-andito na po ang mga tools na pinakuha niyo." Mula sa loob ng silid ay sumulpot ang isang babae at inabot ang isang maliit na device sa kanya. Agad naman nagsalubong ang kilay ni Rake nang mamukhaan niya ito.

"Teka, ikaw ba 'yung kaibigan ni Violet?" Takang tanong ni Rake dito.

"Magandang araw po, sir Rake. Tama po kayo, kaibigan ko po siya," magalang na sagot nito.

"Her name's Yvaine, a Zoidiac student and my personal assistant. She has talents and she's been helping me in the office," pagpapakilala ni Safe dito kaya naman yumuko si Yvaine bilang pagbibigay respeto sa tatlong Seniors sa kanyang harap. "I would also like to request if she could come with us. Yvaine would be a great help."

Pinungayan ng mata ni Rake si Safe dahil sa sinabi nito. Alam naman nila pareho na pinananatiling sikreto ang mga ganitong bagay sa loob ng mga Seniors, kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit gusto niya itong isama. "She's aware of what's been happening, including the mysterious magic the Mysticium Seniors were feeling. At isa pa-- she's about to graduate. Let's consider this as her training."

Sandaling napaisip si Rake habang napapailing sa kanyang sitwasyon. Hindi naman nagtagal ay humantong na ito sa desisyon. "She seems capable, pero ikaw ang magiging responsable kung anuman ang mangyari sa kanya."

"Tama, malayong-malayo siya sa kaibigan niya," komento ni Gelo na tinawanan naman ni Damon.

"Sinabi mo pa, tss," pagsang-ayon naman ni Rake habang nananatiling walang imik si Yvaine. "Kailangan na nating umalis bago pa tayo gabihin sa kakahuyan."

Iyon lang at agad nang umalis ang kanilang grupo tungo sa kakahuyan ng Orthil.

*****

Gaya ng huling pagpunta ni Rake sa kakahuyan ng Orthil ay iba't ibang tunog mula sa insekto at hayop ang kanilang naririnig at umaalingawngaw. Pare-parehong nakatitig ang kanilang maliit na grupo sa liwanag mula sa malaking espasyo sa gitna ng kakahuyan. Tila nagniningning naman ang mga mata ni Safe habang pinagmamasdan ito.

"Fascinating," pabulong na komento ni Safe nang hindi inaalis ang tingin sa liwanag. "I've never seen anything like this before."

"May magagawa ka ba para malaman kung ano 'yan?" Usisa ni Rake.

"Maybe I could extract some of its magic and study it. I'm pretty sure that it's magic. It seems to be not doing anything harmful at the moment, but we need to take some precautions just in case," sagot ni Safe at naglabas ng maliit na device mula sa kanyang bulsa. Sa paglahad niya ng kamay na naglalabas na ng berdeng enerhiya ay lumitaw ang holographic screen saka siya may pinindot dito. "Give it a few minutes."

Mula sa kanilang likod naman ay kasalukuyan nang pinalilibot ni Yvaine ang kanyang tingin sa paligid na tila may hinahanap. Habang abala ang kanilang grupo sa ginagawa ni Safe ay nagkusa si Yvaine na mag-imbestiga. Gaya ni Safe ay naglabas siya ng maliit na device na awtomatikong nag-scan sa paligid. Nilahad niya ang kanyang kamay upang lumitaw ang holographic screen na mayroon nang resulta. Agad nanlaki ang mata niya sa kanyang nalaman.

"Ma'am Safe, kailangan niyo po 'tong makita." Naagaw ni Yvaine ang atensyon ng buong grupo sa sinabi nito. Agad namang lumapit ang lahat sa kanya at ipinakita ng resulta.

"That is Ean's DNA, right?" Imik ni Safe.

"Opo, sinubukan ko pong ii-scan ang paligid," kompirmasyon naman ni Yvaine.

"Ibig sabihin ay nanggaling nga rito si Ean bago siya nawala," konklusyon ni Damon na may malalim nang iniisip. "Ibig sabihin din ay mataas ang tiyansang may kinalaman nga ang liwanag na 'yan sa--"

"Shh!" Biglaang pagputol ni Rake sa litanya ni Damon. Sumulyap si Rake kay Gelo habang matamang pinapakiramdaman ang paligid. Nakuha naman ni Gelo ang mensahe ni Rake at naging alarma rin sa paligid.

"H-hindi tayo, mag-isa rito," anunsyo ni Gelo na nagbigay bahala sa buong grupo.

"Doon!" Bulalas ni Rake saka may tinuro sa gawi ng isang malaking puno. Sa isang iglap ay naglaho si Rake at lumitaw sa likod ng punong tinuro niya. Doo'y bumungad sa kanya ang isang pamilyar na mukha. "Ikaw!?" Gulantang nitong sigaw. "Tss, gaano mo na katagal kami sinusundan?"

Inayos muna ng lalake ang kanyang salamin bago sumagot. "Sinundan ko na kayo pagkalabas mo ng opisina."

Agad nagbago ang timpla ng mukha ni Rake sa sinagot nito at akmang bubulyawan na ito nang nakasunod na ang buong grupo sa kanya. "What's-- wait, I know you..." imik ni Safe nang makita ang lalakeng kaharap ni Rake.

"Steward? Bakit ka nandito?" Gulat ding tanong ni Yvaine nang makita ito.

Bumuntong hininga si Steward sa naging reaksyon ng mga ito. "Interesado lang ako malaman kung ano ang tunay na nangyari rito."

"Grabe ang interes mo sa mga bagay bagay ah, nakakabahala," komento ni Gelo ni sinang-ayunan naman ni Damon.

"Tss, dagdag isipin naman 'to. Una, nalaman ni Ean ang lahat ng nangyayari. Pangalawa, si Yvaine. Ngayon naman--"

"Sir Rake, the light!" Malakas na bulalas ni Safe nang makitang bigla na lang tumindi ang liwanag na nilalabas ng iniimbestigahan nila. Sabay-sabay silang napatakip sa kanilang mata dahil dito.

"Sandali! Kukunin na ba ako ng amang Laksen? Marami pa akong pangarap! Paano na kapatid ko!?" Daing ni Gelo sa kabila ng kanilang sitwasyon.

Ilang segundo pa ang nakalipas ay unti-unti nang humina ang nilalabas nitong liwanag, ngunit kapalit nito ay nakakapangilabot na alulong ang kanilang narinig. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang buong grupo nang mamataan nila ang mga tila hayok sa dugo't malalaking mga aso sa kanilang harapan. Nanlilisik ang mga mata nito sa kanila at parang handa na silang sunggaban.

"Oh God, where'd these come from!?" Takot na sabi ni Safe habang hinahanda ang kanyang sarili.

Sa loob ng isip ni Rake ay isang konklusyon na ang namutawi. Lalo lang lumakas ang kutob niya na may kinalaman ang liwanag sa kakaibang nangyayari sa Orthil, ang pagkawala ng kanyang kaibigan, at ang biglaang pagsulpot ng mga nilalang.

"Raahh!" Umangil ang mga nilalang sa kanila at doo'y sabay-sabay na sumugod. Maagap namang nagamit ni Damon ang kanyang mahika na siyang nagpaangat sa lupa sa pagitan ng kanilang grupo at ng mga nilalang dahilan para maudlot ang mga pagsugod nito.

"Nice! Safe, ikaw na bahala kay Yvaine at Steward!" Bilin ni Rake kay Safe bago siya gumamit ng mahika at doo'y sumulpot ang mga bola ng purong enerhiya sa kanyang paligid.

Mula sa gilid ng mga umangat na bato ay nakita nila ang pagsulpot ng mga nilalang. Agad na binato ni Rake ang kanyang atake na siyang tumama sa bawat isa sa mga ito. Umalingawngaw ang pag-iyak ng mga nilalang sa atakeng natanggap nito.

Bigla ay pumuwesto si Gelo sa kabilang gilid ni Rake habang nakamuwestra na ang kamay sa kanyang harap. Isang grupo na pala ng mga kalaban ang pasugod sa kanila. "Haa!" Hiyaw ni Gelo at doo'y biglang tumigil sa paggalaw ang tatlong tila asong nilalang. Humarap ang mga ito sa isa't isa bago umangil. Hanggang sa inatake na nito ang isa't isa.

Hindi naman nakalagpas kay Damon ang mga nilalang na umakyat sa batong pinaangat niya. Mabilis siyang kumilos at buong pwersang nilapat ang kanyang palad sa lupa. Nang gawin niya iyon ay lumipad ang batong tinutungtungan ng mga aso dahilan para matangay sila. Sa pagbagsak ng mga ito ay minanipula ni Damon ang nagliparang bato upang mapwersang bumagsak sa kanilang kalaban.

Tila sa isang iglap lang ay agad nawala ang panganib sa buong grupo sa pagtahimik ng kakahuyan. Nanatili namang alarma sina Rake, Damon, at Gelo upang pakiramdaman ang paligid.

"N-naubos na ba natin sila?" Pagbasag ni Damon sa katahimikan.

Hindi nila inaasahan ay umihip nang malakas ang hangin mula sa kanilang likod. Sa paglingon nila ay kasalukuyan na palang ginagamit ni Steward ang kanyang mahika at sa paglahad ng kanyang kamay ay lumipad ang maninipis at purong hangin na siyang humiwa sa mga pasugod na aso.

Magkatalikuran naman si Safe at Yvaine na may pareho nang armas. Lumulutang ang mga maliliit na punyal sa harap ni Safe habang nakahanda nang bitawan ni Yvaine ang tali sa palasong hawak niya. Sabay nilang tinira ang kanilang atake na nagpaiyak sa mga nilalang.

"Paano nakarating sa likod ang mga 'yon?" Pagtataka ni Gelo nang matunghayan na may nakalagpas pala sa kanila.

"Creepers. May kakayahan silang maging usok," walang ganang sagot ni Steward na ikinagulat nila.

"Alam mo rin ang tungkol sa mga nilalang na 'yan?" Pahabol na tanong ni Damon.

"Nabasa ko sa Monskerthpedia. Libro 'yon na nilimbag ng sikat na summoner na may mga impormasyon tungkol sa mga nilalang ng Monskerth," paliwanag naman ni Steward habang pinapagpag ang kanyang uniporme.

"Let me guess, interesado rin para sa'yo ang mga nilalang ng Monskerth kaya alam mo 'to, tss," umiiling na komento ni Rake.

"The realm of Monskerth," imik ni Safe na tila malalim ang iniisip saka siya lumingon sa direksyon ng liwanag. "It's too early to make a conclusion, but that light might be a portal."

Sa pinaalam ni Safe ay agad nabahala ang kanilang grupo. Alam ng bawat isa sa kanila kung gaano kadelikado ang mundo ng Monskerth dahil tanging mga mababangis na nilalang lang ang naninirahan dito.

"K-kung totoo nga pong isang lagusan iyan tungo sa mundo ng Monskerth, paano po si kuya Ean?" Riyalisasyon ni Yvaine na nagpatindi sa bumabagabag sa kanila.

Dali-daling bumalik si Safe sa iniwan niyang device malapit sa lagusan at agad itong dinampot. "Got it. I'll do my best to unlock the mystery shrouding this light. You can all leave this to me."

"Tutulong po ako, ma'am," buong tapang na anunsyo ni Yvaine na pinasalamatan ni Safe.

"Aasahan kita, Safe," tanging nasambit na lang ni Rake. Tinapik ni Gelo ang balikat nito. Pareho silang halos lamunin na ng takot para sa kaligtasan ng kanilang kaibigan dahil na rin sa kanilang nalaman.

*****

"Ptoo!" Dumura ang isang lalake na may nakatali't mahabang buhok sa talahiban na may inis na nakapinta sa kanyang mukha. Umiiling-iling pa ito sa kanyang nalaman. "Pambihira, huwag mong sabihin na mauunahan nila tayo malaman ang tungkol sa bagay na tayo ang gumawa!?"

Umuyam ang isa pang lalake na kalmado lang at nakahulikipkip. Nakatanaw lang ito sa bilog na buwan habang nag-iisip. "Huwag mo akong pangunahan. Hindi 'yon mangyayari."

"Hindi!?" Pabalang na sagot nito. "Eh ayan na nga inuumpisahan na nila ang imbestigasyon tungkol sa lagusan."

"Kung hindi lang sana tatanga-tanga 'yang Ean na 'yan, hindi sana hindi nila malalaman ang tungkol dito," panghihimasok ng isang maliit na pigura ng babae. Madilim man ay kapansin-pansin ang nanlilisik nitong mga mata sa kabila ng bata nitong itsura.

"Tama," simpleng pagsang-ayon naman ng isa pang pigura na may maliit na katawan.

"Hoy, papaalalahanan lang kita," panimula ng lalakeng kanina pa galit saka dinuro ang kalmado niyang kausap. "Matagal na nating pinaplano 'to. Hindi tayo pwede pumalpak."

"Tsk, sinabing ako na nga ang bahala." Tila napuno na rin ang lalake base sa diin sa kanyang pananalita.

Umuyam ang lalake saka naghanda upang umalis habang tumatabi na sa kanya ang dalawa pa nilang kasamahan. Bago umalis ay sandali itong sumulyap sa likod.

"Isipin mo na lang din ang mangyayari sa oras na mabulilyaso ang plano. Ikaw rin ang mawawalan, Damon."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Halaaa! Ayan na!

Wala, ayan lang. AHAHAHA!

Sorry for the late update nga po pala! Grabeng busy po dahil sa work and raket eh. Suma-sideline na kasi akong macho dancer. Kaso dancer lang walang macho. HAHAHA!

Continua a leggere

Ti piacerà anche

4.2M 193K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
2.5M 187K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...