The Final Exam

By BestRoleInLife

91.9K 4.3K 559

Section Gold; a classroom that was meant to be a sanctuary for high school teenagers quickly turns into a nig... More

The Final Exam
Prologue
TFE 1: Genesis
TFE 2: Phantasm
TFE 3: Section Gold
TFE 4: Love, Bladespawn
TFE 5: Class Picture
TFE 6: Redemption
TFE 7: The First Game
TFE 8: Don't Look
TFE 9: Chronicles of Death
TFE 10: Flames of Burning Sins
TFE 11: Fallen Despair
TFE 12: What Lies Ahead
TFE 13: The Promised Sanctuary
TFE 14: Dark Waters
TFE 15: Not a Safe Place Afterall
TFE 16: Triple Six
TFE 17: Through the Darkness
TFE 18: "It Wasn't Me!"
TFE 19: New Beginnings
TFE 20: Deja vu
TFE 21: Blood Note
TFE 23: Cannot Scream
TFE 24: Life is But a Dream
TFE 25: Hide, Seek and Kill
TFE 26: The Neverending Night of Horror
TFE 27: Things Are Only Getting Weirder
TFE 28: Mary Hill Woods
TFE 29: You Have Been Warned
TFE 30: The Hunt Is On!
TFE 31: Trust Issues
TFE 32: Raining Bullets
TFE 33: I Know What You Did
TFE 34: Soothing Venom
TFE 35: Altogether Again
TFE 36: Barnyard Bloodbath
TFE 37: Cabin Fever
TFE 38: River of Pain
TFE 39: It's Not Over Yet
TFE 40: And the Madness Continues
TFE 41: Riddle Me This
TFE 42: Everlasting Cold
TFE 43: Double Trouble
TFE 44: No One Escapes
TFE 45: The Honrada Initiative
TFE 46: The Story Continues
TFE 47: Collection of Dead Friends
TFE 48: One Bad Move
TFE 49: Annual
TFE 50: Adrenaline Rush
TFE 51: Truth Be Told
TFE 52: Butterfly Effect

TFE 22: Just What The Hell is Happening?

1.5K 76 3
By BestRoleInLife

"A--Anong nangyari?"
Pa-unang tanong ng kaka-gising lamang na si Sheena.

Kasalukuyan siya ngayong nasa may school clinic kasama ang ilan sa kanyang mga kaklase.
And her wound was just treated.
Maswerte siya't daplis lang mula sa balikat ang kanyang natamo.

Marahil dahil sa sobra niyang pagka-gulat at kabang naramdaman kaya siya nawalan ng malay.

And as usual, napuno nanaman ng mga pulisya ang buong sulok ng kanilang paaralan, trying to track down what just happened moments ago, but again, no lead was found.

"Mabuti nalang talaga at sa balikat kalang tinamaan Sheen," says Joseph.
"Atleast you're still in one piece."

"Kahit na," sabat ni Theresa.
"Delikado pa'rin ang nangyari sa kanya. Who knows what would have happened kung sa ibang parte siya ng katawan tinamaan."

"Relax," says Justin.
"Wala namang nangyaring masama eh. At tsaka, nailigtas niya pa si Lalaine."

"Y--Yeah. S--Salamat nga pala Sheena ah," ani naman ni Lalaine.
"Kung... Kung hindi dahil sa'yo, baka... baka wala na'ko ngayon."

Sheena smiles.
"Ikinagagalak kong saluhin ang balang iyon para sa'yo, Laine," aniya.

"Is that a joke or some kind of metaphor?" Ani naman ni Nicole.

"Te--Teka... A--About nga pala do'n sa bumaril sa'kin--"

"Nakatakas nanaman siya," says Theresa.
"And as usual, wala nanamang nagawa ang mga adults."

"All the time!" Wika ni Nicole, sabay irap.
"Anyway, a--ano nang gagawin na'tin? Ngayong na-kompirma nang dalawa nga talaga ang killer?" Tanong niya pa.

"May mga sinabi daw ba si Richard tungkol sa accomplice niya?" Tanong ni Theresa.

"Wala," sagot ni Joseph.
"Balita ko do'n sa news, talagang ayaw daw magsalita ni Richard eh. Or in other words... Parang... I--Iyong the way daw na magsalita siya eh parang wala daw talaga siyang alam," aniya pa.

"O baka naman magaling lang talagang actor yang si Richard," says Nicole.

"No," aning muli ni Joseph.
"Alam niyo, parang may mali talaga dito eh. Hindi ko lang talaga ma-point out ng maayos sa ngayon."

"Dude, lahat ng mga nangyayari sa'tin, sa tingin ko, maling-mali talaga," sabi naman ng binatang si Dwayne.

"No. What I mean is... I--I don't think Richard really did it," says Joseph.

"Dude--" magsasalita na sana si Dwayne, ngunit agad lamang na sumabat si Justin dito.
"Tama si Joseph," aniya.
"Matagal ko na'rin namang napapansin eh. Ever since sumama tayo doon sa korte. Matagal ko nang kilala si Richard. Oo basagulero siya. Pero sa pagkaka-kilala ko sa kanya, hindi niya kagayang kumitil ng kahit na anong buhay."

"Which means?" Nicole asks...

Justin sighs.
"Which means, it's not just one. But both the killers are still out there. Trying to hunt us."

Matapos iyon sabihin ni Justin ay bigla nalamang na naka-ramdam ng isang napaka-bigat at napaka-ginaw na tensyon ang makakaibigan.

Muli nanaman silang nabalutan ng magkahalong takot at kaba.
Dalawang bagay na matagal na nilang gustong tanggalin sa bawat systema nila.
But it just gotten worse.

+

Mayamaya nama'y pare-parehong nagulat ang magkaibigan ng bigla nalamang magbukas ang pinto ng kwarto kung saan naka-temporarily admit si Sheena.

But it was just Raynold. Isa sa mga kaklase nila.
"Grabe ang dami at ang tagal nanaman ng mga pa-interview nila! Nakaka-bagot na!" Aniya.

"Raynold? Angel? Tapos na kayong imbistigahan no'ng mga pulisya?" Theresa asks.

"Isn't it obvious?" Says Raynold.
"Pareho lang naman no'ng dati ang mga itinanong nila eh. Only this time, mas matagal," aniya pa.

"Trabaho kasi nila yo'n, Nold," sabi naman ng pinsan nitong si Angel.

"Yeah. Trabaho nilang mag-interview nang mag-interview sa'tin, pero wala naman silang ibang nagagawa. Nanghuli pa sila ng isang inosente dahil lang sa nakita nilang katabi niya ang wala nang buhay na si Kristine. Eh makinaw naman na hindi sapat na ibedensya iyon diba? At aware din ako sa mga nakita nila sa room ni Richard. But still... Hindi pa'rin sapat ang mga iyon! What if may mga nag-lagay lang pala ng mga yo'n do'n para ipalabas na si Richard nga ang may gawa?" Monologong pagsasawika ni Raynold sa kanyang opinyon.

Dahil dito'y pare-pareho namang napaisip ang iba niyang mga kaklase dahil sa kanyang sinabi.

He's got a point.

Ani nila sa kani-kanilang mga isipan.

"Anyway, mauna na nga pala kami sa inyo guys ah?" Says Raynold.

"Teka, uuwi na kayo? Pwede na?" Tanong ni Dwayne.

"Oo," sabi naman ni Angel.
"Nag-punta lang talaga kami dito para i-check ang kalagayan ni Sheena. Matapos kasi no'ng interview, pwede na daw kaming maka-uwi. Ihahatid daw kami no'ng isa sa mga nando'ng pulis," aniya pa.

"Sheen! Paka-tatag ka ah?" Wika pa ni Raynold sa kaibigan, na ikina-ngiti naman ni Sheena.

"Bye guys!" Pagpapaalam naman ni Angel.

"Sige, ingat kayo ah?" Sagot naman ni Sheena doon sa dalawa, at pagkatapos ay nagpaalam na.

+++

Kasalukuyang naglalakad naman ngayon ang dalagang si Florelyn.
Mag-isa lang siya.

Hindi niya nakayanan ang mga nangyari kanina, kaya naman ay humiwalay na muna siya sa grupo.

At alam niyang delikado ang mapag-isa, lalo na't may mamamatay taong palakad-lakad pa'rin sa buong campus nila. But she came in prepared.

May tatlo siyang dala-dalang tasers at isang ballpen na pasekretong nagiging kusilyo kapag tinatanggal ang ulo nito.
Just in case nay umatake nanaman sa kanya.

Gusto niyang mag-tungo sa may library ang manalungkat ng mga research.

And she isn't doing it para lamang sa mga assignments nila. Right now, those doesn't really matters.

She wants to learn more about the story behind their school.
Annex High.

++

Pagka-pasok ng dalaga sa loob ng  library ay bahagya siyang napa-pitlag nang may makitang tao mula roon.

But it was just one of her classmates.

Tahimik itong naka-upo mula roon at sa harapan ng kanyang lamesa ay napaka-raming mga libro.

It was one of her closest friends, but since she couldn't trust anyone anymore, inihanda niya na ang mga tasers niya just in case lang.

"Uh... Juvy? Anong... Anong ginagawa mo dito?"
Paunang tanong ng dalaga sa kanyang kaklase.

"Nadz?" Ani naman ni Juvy, na halatang medyo nagulat din sa biglaang presensya ng kanyang kaklase. Ngayonn niya lamang din kasi ito napansin

Juvy took a deep breath.
"Jusko ikaw lang pala," aniya.

"So... Anong ginagawa mo dito?" Muling tanong ni Florelyn.

"Nag-babasketball," pabirong sagot ni Juvy, na hindi tumatawa.
"Joke. Duh! This is the library, ano pa nga ba ang dapat nating ginagawa dito?"

"S--Sorry. Alam ko naman, nag-reresearch ka diba? Medyo nagtaka lang talaga ako na, despite sa lahat ng mga nangyayari sa'tin ay talagang makakayanan mo pang pumunta dito sa library at magbasa ng mga libro," aniya, at pagkatapos ay mahinang awkward na tumawa.

"Talaga? Isn't that why you're here too?" Asked Juvy.

"Uh... K--Kasi..."

"Naisipan kong pumunta dito para mag-research sa mga nangyari 24 years ago na," says Juvy. Dahilan upang bahagyang mapa-kunot ng kanyang noo si Florelyn.

"A--About... 24 years ago?" She asked.

Juvy nods.
"Yeah. Alam mo bang may mga masasamang nangyari din sa school na toh bago pa man tayo ma-enroll dito? Hindi mo alam noh?" Tanong naman ni Juvy.

"H--Hindi eh," sagot ni Florelyn.
"I--I mean, nagpunta 'rin ako dito para sana maghalungkat 'rin ng mga bagay-bagay patungkol sa past ng school na toh pero... H--Hindi ko naman ini-expect na may ganyang past pala tong Annex High," wika ng dalaga, halatang hindi makapaniwala sa ibinahagi sa kanyang balita ng kaibigan.
"Pe--Pero... Totoo ba talaga? Baka tinatakot mo lang ako ah."

Juvy sighs.
Iniharap niya sa kanyang kaibigan ang librong kanina niya pa tinitingnan.

At nang makita iyon ni Florelyn ay may isang class picture siyang nasilayan.

"Ito ang class picture ng dating mga estudyante ng section-1 Gold year 1998," says Juvy.
"May mga nakikilala ka ba sa kanila?"

In-analyze iyon ni Florelyn.
At mahahalata dito na talagang matagal na litrato na nga talaga iyon.
She browsed her eyes throughout each of the students' faces, ngunit wala siyang may nakilala ni-isa sa mga ito. Even the teacher. Although, one of the girls looked very much familiar to her.
"Wala akong may nakikilala eh," sagot niya.
"Pe--Pero... Pamilyar sa'kin ang babaeng toh," turo niya doon sa dalagang babaeng naka-upo sa may gitna, katabi ang kanilang maestro. Kapansin-pansin din ang mga pigtails nito.

"That's Theresa's mom," says Juvy. Na sadyang ikinagulat ni Florelyn.

"Teka... Ano?"

"And 24 years ago, she was found as the only survivor of Section Gold class 3-A," muling pahayag ni Juvy.

"Woah... Teka--
S--Sigurado ka ba talaga diyan sa mga pinagsasasabi mo? Papaano mo nalaman ang mga y---"
Hindi naipagpatuloy ni Florelyn ang kanyang mga sinasabi...

May isang bagay kasi itong biglaang napansin mula sa likuran ni Juvy.

Doon sa isa sa mga nagkukumpol-kumpulang mga book shelves.

May isang taong naka-tayo at kanina pa pala naka-matyag sa kanila.

Florelyn's started to get terrified. Ngunit para bang bigla nalamang siyang nabato mula sa kanyang kinatatayuan.

Isang bagay na ikinataka naman ni Juvy.

"Florelyn? Ayos ka lang ba?" She asked.

Pagka-sabing iyon ni Juvy ay nagulantang naman si Florelyn ng out of the blue ay bigla nalamang na nagtatakbo mula sa kanila iyong kanina pang nagtatagong lalake sa may mga bookshelves.

May hawak-hawak itong itak at sumisigaw na patakbong lumalapit sa kanila.

"Juvy ilag!!" Sigaw ni Florelyn, sabay na itinulak si Juvy papalayo mula sa kanyang kinauupuan, at walang ano-anong agad na kinuha ang isa sa kanyang mga tasers at deretsong isinaksak iyon mula sa bunganga noong lalake, dahilan upang makuryente ito at magsisigaw sa sakit.

"Th--The hell!?" Tanging nai-bulalas nalamang ni Juvy dahil sa sobrang pagka-gulat sa nangyari. A random guy almost chop off her head with an axe!

"Juvy tayo! Kailangan na nating makaalis dito!" Sigaw na sabi naman ni Florelyn sa kaibigan.

"Te--Teka yo'ng litrato!" Says Juvy, sabay tayo. Kukunin niya na sana iyong class picture na naka-dikit mula doon sa year book, ngunit kaagad lamang siyang napatigil nang makitang dahan-dahang napapatayong muli iyong lalakeng umatake sa kanila kanina. At naka-ngisi ito, na wari bang parang wala lang nangyari sa kanya kanina.

"Juvy! Balikan nalang na'tin yan! Tumakbo na tayo!" May halong pag-papanik pa'ring sabi ni Florelyn, at pagkatapos ay kaagad nang hinawakan ang kamay ng kaibigan ay napatakbo papalabas ng library.

The crazy man on the other hand did not try to chase them.
Instead, napatingin lamang ito doon sa litrato at mga librong nasa may lamesa.

The old man smiled and took the picture out of the year book...

+++

"A--Ano ba yo'n!?" Tanong ni Juvy kay Florelyn habang magkasabay silang tumatakbo sa kalagitnaan ng pasilyo.

"H--Hindi ko alam! Bigla niya nalang niya tayong inatake!" Says Florelyn.

"Di--Diba si mang Noel yo'n!? Ang janitor sa school na'tin? Ba--Bakit niya tayo gustong atakihen!?" Muling tanong ni Juvy.

"Sinasabi ko sa'yo Juvy! Hindi ko nga rin ala---"
Isang malakas na sigaw ang ikinawala ni Florelyn nang may bigla nalamang pumalo mula sa kanyang mukha habang papaliko na sana sila sa kabilang pasilyo.

Dahil dito'y agad na tumumba ang dalaga at nawalan ng malay.

At dahil naman sa nangyari'y napatigil sa kakatakbo si Juvy upang sana'y alalayan ang kaibigan.
"Fo--Florelyn!!" Sigaw ni Juvy, trying to wake her up. But it was no use. Talagang napaka-lakas ng naging pag-palo sa kanya noong tao.

"You kids never learn..."
Wika noong misteryosong taong naka-tayo mula sa kanilang harapan. May dala-dalang dos por dos at naka-suot pa ng isang maskarang wari ba'y ulo ng isang panda.

Wala namang ibang magawa si Juvy mula roon kundi ang takot na mapa-titig nalamang doon sa lalakeng kasalukuyang nasa harapan nila.
Gustuhin niya mang tumakbo at iligtas nalamang ang kanyang sarili ay ayaw niyang magawa.

She's not among the others who would leave her friends just for her own survival.

Ngunit sa mga sandaling iyon ay huling naiwika ni Juvy Ann mula sa kanyang sarili ay ang mga katagang...

"Bakit? Bakit ngayon pa? Ngayong malapit na sana ako sa katotohanan?"

+++

××× Sa Clinic Room 47 ×××

Unti-unti nang namumulat ni Sheena ang kanyang mga mata.
Muli kasi itong naka-idlip kanina.

At sa pag-mulat niya'y kaagad siyang nagpalinga-linga sa buong parte ng klinika.
At una niyang nakita ay ang presensya ng isa sa kanyang mga kaklaseng naka-upo lamang sa may sulok at nag-babasa ng isang manga. My Hero Academia pa ang titulo nito.

Naisip niyang, siguro'y isa iyon sa mga dinalang comic books ni Mell na hiniram ni Joseph.

"My Hero Academia? Favorite character ko diyan eh si Toru Hagakure. Yo'ng invisible girl ba," says Sheena. Kaya nama'y agad na napunta sa kanya ang pansin no'ng binata.

"Sheen? Uy! Gising ka na pala ulit!" Aniya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" He asked.

Sheena smiled.
"I'm fine na," sagot niya.
"Yo'ng iba? Hindi pa ba sila bumabalik?" She asked.

"Hindi pa eh," sagot ni Joseph.
"Pinatawag pa sila no'ng mga nag-iimbistiga. Nagpa-iwan nalang muna ako sa'yo dito para bantayan ka," aniya pa.

"Wait... Seriously? Ikaw?" Asked Sheena.

"Bakit? Do you think I'm incapable?" Halatang medyo nasaktang tanong ni Joseph.

"H--Hindi hindi! A--Alam ko namang matapang at m--macho ka eh, at paniguradong taob sa'yo kung sino man ang umatake sa'tin," sabi naman ni Sheena, na medyo nag-ba-blush pa.
"W--What I'm trying to say is... Why just you? I mean, we're just students. Hindi ba sila nagpa-iwan ng isang pulis manlang o kahit na anong adult para mabantayan tayo?" Sunod-sunod na muling pag-tanong ni Sheena.

"Ah! Wag kang mag-alala. Nandyan naman si officer Ramos sa labas eh, naka-bantay 'rin sa'tin," sagot ni Joseph.

Kaya nama'y dahil dito ay bahagyang napa-hinga ng malalim si Sheena.

Matapos iyo'y nabalutan naman ng purong katahimikan ang kwarto dahilan upang parehong maging awkward ang dalawa sa isa't-isa.

Pareho kasi silang nahihiyang makipag-usap.

"This is awkward," wika ni Joseph mula sa kanyang isipan.

"Very very awkward!" Ani naman ni Sheena mula din sa kanyang isipan.

Matapos iyon ay napag-pasyahan nalamang ni Sheena na magtanong ng isang bagay...
She decided to clear out her throat first.

"S--So uh... Tep? May--"

Ngunit agad lamang na nahinto ang sanay sasabihin ng dalaga ng pareho silang makarinig ng isang kalabog mula sa labas ng kwarto.

Dahilan upang parehong magulat at magtaka ang dalawa.
"A--Ano yo'n?" Sheena asked.

"Shhh!" Agad na pagpapatahimik sa kanya ni Joseph.

"Wag kang maingay," aniya pa dito. At agad na kinuha iyong mop na nasa may malapit lamang sa kanila.

Dahil dito'y tinakpan nalamang ni Sheena ang kanyang mga bibig, habang si Joseph naman ay seryoso at tahimik na naka-abang doon sa pintuan.

Lalapitan niya sana iyon upang buksan at tingnan kung ano ang nangyari sa labas, ngunit ng makita nila ang sunod-sunod na pag-galaw ng pihitan ng pinto'y hinintay nalamang ng binata kung ano o sino man ang siyang papasok mula doon.

And just in case it's something evil, ay inihanda niya na ang kanyang sarili.

At makalipas nga lang ang lima pang segundo ay tuluyan na ngang nag-bukas iyong pinto.

Papaluin na sana ni Joseph ang kung sino mang taong nasa likod nito, ngunit kaagad lamang din siyang natigilan ng makita kung sino iyon.

"Good afternoon! Heto na pala ang inyong--"
The woman paused nang makita nitong nakahanda na pala siyang paluin ni Joseph.

"N--Nurse Christine?"

Bahagyang nagulat man ay pinilit nalamang ni Christine na ngumiti.
"Ah... K--Kalma lang kayo kids, ako lang toh, see?" Aniya, at pagkatapos ay pilit na napa-tawa.

Dahil dito'y parehong napa-hinga nalamang ng malalim ang dalawa, at pagkatapos ay kaagad nang nabitawan ni Joseph ang kanyang hawak-hawak na pamalo.

"Ginulat niyo ho kami nurse Christine! Buong akala na'min si Bladespawn nanaman," ani Sheena.

Christine smiled innocently once more.
"Well, I may not be Bladespawn, but I can still make you bleed," aniya.

Mga salitang agad na nagpa-tigil muli sa dalawa.

"Huh?" Tanong ani Joseph.

Matapos iyon nama'y parehong nagulantang ang magkaibigan nang may bigla nalamang itong kinuhang baril mula sa kanyang bulsa at kaagad na itinutok mula sa naka-tayo lamang sa kanyang harapang si Joseph.

"Patay ka na ngayon!!" Sigaw noong nurse at walang ano-anong kaagad na ipinaputok iyong baril, with Joseph face still in full of shock!

Ngunit bago pa man tumama mula sa kanyang mukha iyong bala ay kaagad siyang itinulak ni Sheena, dahilan upang pareho silang humandusay sa sahig.
And luckily, no one got hurt.
At least for now.

The woman laughed hysterically.
"Mga estudyante nga talaga kayo ni Manolo Honrada! Ang hirap-hirap niyong patayin at ubusin!" Wika pa nito, na hindi naman naintindihan noong dalawa.

Manolo Honrada?

"Pero wala na kayong ligtas ngayon!" Muling sigaw noong babae, at muling itinutok iyong baril sa kanilang dalawa.

"You're all gonna d--"
But before the woman could pull the trigger, somebody from behind suddenly shot her.
Dahilan upang kaagad na matumba iyong babae't mawalan ng malay dahil sa pinsalang kanyang natamo mula sa dibdib.

Mula naman sa harapan ng pinto'y kanilang nakita ang pulis na naka-assign na mag-bantay sa kanila at ang iba pa nilang mga kaibigang sina Theresa, Justin, Nicole, Mell at Dwayne.

"SI--SINO YAN!? JUST WHAT THE HELL IS HAPPENING IN HERE!?" Bulalas na tanong ni Nicole. Na halatang gulat na gulat pa'rin sa mga pangyayari.

+++

T o B e C o n t i n u e d . . . . . .



PLAYERS LIST:

-- s t u d e n t s --

1. Alexandra Sabusap

2. Angel Corritana

3. Angelou Postrero

4. ❌

5. Daniel Daa

6. ❌

7. Erron Mejico

8. ❌

9. Florelyn Manadong

10. Heide Morillo

11. Ian Keech Fabi

12. ❌

13. Janmil Daga

14. ❌

15. Johnrey Daga

16. ❌

17. ❌

18. Joseph Dacatimbang

19. Joyce Anne Montaño

20. Justin Hijada

21. ❌

22. ❌

23. Lalaine Navarrosa

24. Mark Noya

25.

26. Mell Labita

27. ❌

28. ❌

29. Nicole Lepasana

30. Oliver Ramirez - (in prison)

31. Raynold Corritana

32. ❌

33. Rejielyn Villablanca

34. ❌

35. ❌

36. Reymart Barca

37. Richard Piñeda - (in prison)

38. Rosario Fusio

39. Rosemarie Norriga

40. Sheena Morano

41. Theresa Maula

42. ❌

43. Zyhra Badion

-- t e a c h e r s --

44. Zaira Escobedo

-- t r a n s f e r e e s --

45. Aldrich Callosa

46. Bettylou Entereso

47. Chris June "Cj" Lago

48. Faye Suyom

49. Hanzell Van Villamor

50. Jessa Mae Movilla

51. Opelia Augusto

52. Raffy Modesto

• Alive: 36

• Deceased: 16

Latest Death(s): None

Continue Reading

You'll Also Like

55.8K 7.3K 73
Once upon a time, the story never started... Red Ridinghood was expecting death. But it looks like fate gave her something worse than that---being dr...
5.6K 159 19
Can Louise and the others handle the truth? Can you? All secrets revealed. Book II of The Royal Academy -March 2018-
25.9K 2.3K 46
They're not dead, just missing. For years, Mavi thought her mother abandoned them. Her father sent her to the city for her good fortune. She was for...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)