THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

307K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero

4.1K 261 26
By GarnetSiren

SIGRID’S POV :

“Papasok ka na ba, Apo?” Tanong ni Lola Maurita habang abala ako sa pag-aayos ng bag ko.

“Opo, Lola.”

“Ang aga mo naman yata ngayon?” kunot noo niyang tanong.

“Hindi po kasi ako masusundo ni Alanis, Lola. Hindi kasi siya papasok kasi may sakit siya.” Sabi ko.

“Ganoon ba? Sandali at kukuha ako ng pamasahe at pangkain mo sa eskwelahan mamaya.” aniya ni Lola saka nagmamadaling lumabas ng silid ko.

Kinakabahan din ako kasi ngayon na sasabihin ni Sir Andres ang resulta ng quiz namin kahapon. Matatalino ang mga kaklase ko lalo na ang 7BB na palaban din kaya alam kong ako ang bukod tanging babagsak sa quiz na ‘yun. Baka maapektuhan ang scholarship ko.

“Oh heto, Apo.” Inabot sa’kin ni Lola ang 150 pesos. “Pagpasensiyahan mo muna ‘yan dahil — ”

“Lola, sobra na po ‘yan.” Putol ko kay Lola. “Sa Heuron ako nag-aaral pero alam ko pa rin naman po kung saan ilulugar ang sarili ko.” sabi ko. “Hindi tayo mayaman, Lola, kaya ‘wag niyo po akong bigyan ng ganiyan kalaking baon.”

Nangunot ang noo ko nang pakatitigan ako ng mariin ni Lola hanggang sa pumatak na ang kaniyang luha.

“Lola, bakit po? May nasabi ba akong hindi—

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.

“Lola? Bakit ka umiiyak?”

“Namimiss ko na kasi ang Tatay mo, Apo.” aniya. “Iniisip ko din kung paano ka na kapag wala na kami ng Lolo Gaudencio mo. Sino na ang mag-aalaga sa’yo.”

Kinilabutan ako sa sinabi ni Lola. “L-lola..” gumaralgal na ang boses ko at naiyak na rin. “Hindi pa naman kayo mawawala ni Lolo ‘di ba?”

“Oo naman, Apo. Gusto ka pa nga naming makitang magmartsa para kunin ang diploma mo.” aniya. “Sandali, may ibibigay nga pala ako sa’yo, Apo.” kumawala si Lola sa pagkakayakap niya sa’kin at may kinuha sa bulsa niya. “Heto,” isang Gold necklace na may pendant na hugis puso na napapalibutan ng maliliit na white diamonds. “Suotin mo ito, Apo. Sa nanay mo yata ito dahil nakita ko ito kahapon sa mga gamit niyang nakatambak sa kubo.”

“Bakit hindi nalang natin ibenta para makatulong sa pang-araw-araw natin, Lola? Tutal hindi naman tayo siguradong kay Nanay ito.” Sabi ko.

“Hindi, Apo. Sa Nanay mo man ito O hindi, suotin mo pa rin dahil alam kong babagay naman sa’yo.” Nakangiting aniya ni Lola. “Sandali at ako na ang magkakabit nito sa leeg mo.” Umikot si Lola para i-lock ang kuwintas sa batok ko. “Oh ayan, sabi ko naman sa’yo bagay sa iyo. Tingnan mo ang sarili mo sa salamin.”

Natawa ako. “Salamat po pero hindi ko na kailangang tingnan ang sarili ko sa salamin, Lola. Baka mabasag pa e.” pagbibiro ko saka isinukbit ang bag ko sa likod ko. “Aalis na po ako, Lola. Pakisabi po kay Lolo huwag siyang masiyadong magpapagod, Lola.” Hindi ko na kasi naabutan kanina si Lolo nang magising ako. Maaga na naman sigurong naghanap ng kalakal.

Kawawa naman si Lolo Gaudencio. Wala ng pahinga kaya kailangan ko na rin sigurong maghanap ng trabaho para hindi na problemahin nina Lolo at Lola ang baon ko araw-araw sa school. Makakapagpahinga pa sila kahit papaano ‘pag nagkataon.

“Ako na ang bahala sa Lolo mo. Huwag mo na siyang alalahanin, Apo. Sige na, lumakad ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo.” aniya ni Lola.

Opo. Bye, Lola.” Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Mahal po kita.. kayo ni Lolo.” Nakangiting sabi ko.

Mahal na mahal ka din namin ng Lolo Gaudencio mo, Sigrid.” Tugon ni Lola. Hala sige, Lakad na, Apo. Mag-ingat ka.” Pagtataboy ni Lola sa’kin na ikinatawa ko.

Mabilis akong lumabas ng bahay dahil kailangan ko pang maglakad muna bago ako makarating ng Highway. Mabuti nalang at kaagad akong nakasakay ng jeep pagdating ko ng Highway.

“Ang pangit.” pabulong na sabi ng katabi kong babae kaya nilingon ko ito at inirapan nang makita kong sa akin siya nakatingin.

“Miss, pakibaba nga ng kamay mo. Huwag mong itataas dahil baka sumabog tayong lahat. Lakas ng putok mo e.” Pabulong ding sabi ko sa kaniya dahilan para magkulay kamatis ang mukha niya. “Maliligo lang ako ng limang beses isang araw gaganda na ako pero ikaw, kahit sampung beses kang maligo, hindi matatanggal ‘yang amoy kaya maghanap ka na ng gamot hindi ‘yung pamimintas ng ibang tao ang ginagawa mo.” Wala talaga akong pasensiya sa mga taong katulad niya na mahilig mamintas ng kapwa pero sariling kapintasan, hindi makita.

Tinalikuran ko ang babae nang mapansin kong pinagtitinginan na kami ng mga kasama namin sa Jeep.

“Manong, Bayad po!”

“Barya lang, ine.” Sabi ni Manong Driver. “Wala pa kasi akong panukli sa buo.”

“Sanay naman po akong hindi sinusuklian kapag nagbibigay ako ng buo pero natuto na po ako kaya heto,” Kinuha ko ang barya kong sampung piso sa bulsa ko. “Nagdala na po ako ng barya para kahit hindi niyo na ako suklian. Masakit po kasi kapag nagbibigay ng buo tapos hindi naman sinusuklian.” Sabi ko saka inabot ang sampung piso sa katabi kong guwapo. Harot! “Pasuyo po. Salamat po.” Sabi ko kay kuyang guwapo na nginitian lang ako.

“May panukli ako, Miss, dapat sa’kin mo nalang inabot ‘yung buo.” pagbibiro ni Kuyang guwapo dahilan para mag-blush ako.

“Ahh e.. hehe.”  Wala akong masabi. Nagyuko ako ng ulo dahil nahihiya ako sa katabi ko pero ramdam ko pa rin naman ang pagsulyap-sulyap niya sa’kin.

NANG Makarating ako sa HIS ay kaagad akong pumasok sa loob ng Campus pero sadyang masipag yatang pumasok ang mga kaibigan ni Kenshi dahil nakatambay na naman sila sa Hallway pero bakit wala pa sina Kenshokoy at si Saiyan?

Naglakad akong taas-noo. Alam ko namang hindi ako maganda pero anong pakialam nila? Hmp!

Ayan na. Nagsisimula na namang magbulungan ang mga naggagandahang bubuyog ng Heuron. Hay Nako! Kapag talaga ako naligo ng limang beses sa isang araw, aangatan ko ng ganda ang mga mapanlait na babaeng 'to.

“Hi, Manang!” Bungad sa’kin ng pesteng Hito este Hiro. “Hala! Hindi man lang ako pinansin.” Nilampasan ko silang lahat.

“Good morning, Beautiful.” Lumingon ako para tingnan ang nagsalita sa likuran ko.

“Anthon!” Manghang bulalas ko. Hindi ko naman kasi akalaing papasok din ng ganitong oras si Anthon.

Si Anthony Lacson ang 4th-year-student din na nakilala ko kahapon. Taga Section C. Guwapo at Matangkad pero hindi siya katulad ng mga buwiset kong mga kaklaseng Lalaki na mayayabang.

“Bakit gulat ka?” natatawang tanong niya.

Napakamot ako sa ulo ko. “Sorry. Hindi ko kasi akalaing ganitong oras ka pumapasok.” Sabi ko. Napansin kong dumating na si Kenshi at sa amin siya nakatingin pati ang mga kaibigan niya.

Sinundan naman ni Anthon ang tingin ko pero agad din namang bumalik ang tingin sa'kin saka ngumisi. “Nakikipagtagisan ka ba ng titigan sa mga 7BB?” Tanong niya sa’kin.

Ngumuso ako. “Hindi 'no.”

He chuckled. “Halika na nga.” nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko saka niya ako hinila palayo sa grupo ni Kenshi. “Huwag mo silang pansinin.” Tukoy niya sa mga nadadaanan naming estudyanteng nakatambay sa hallway na nakatuon ang atensyon sa amin ni Anthon at nagbubulungan.

“Bitawan mo kaya ‘yang kamay ko.” Reklamo ko. “Baka mamaya sugurin ako bigla ng Girlfriend mo. Bathala! Mahal na mahal ko pa naman ang bawat hibla ng buhok ko.”

Tinawanan niya ako. Hindi naman ako nagbibiro. Mukha nga lang clown.

“Wala nga akong Girlfriend.” Sabi ni Anthon saka pinisil ng bahagya ang kamay ko. “Hanapan mo nga ako.”

Napangiti ako. “Hmm, sige. Isasama kita sa Lunch namin ng mga kaibigan ko tapos ipapakilala kita sa kanila kasi malay mo 'di ba, isa pala sa kanila ang nakatadhana for you.”

He laughed. “Funny.”

Natawa na din ako. Naghiwalay lang kami nang marating na namin ang Classroom ko. Nasa bandang dulo pa kasi ang Section C kaya medyo malayo sa akin si Anthon.

Papasok na sana ako ng Classroom namin nang dumaan si Ma'am Ruiz sa harapan ko at may kasama pang magandang babae na sa tingin ko ay nasa Early 40’s.

“Ma’am!” Sigaw ko para lingunin ako ng magandang babae nang nalagpasan na nila ako. “Sandali lang po!” Pinulot ko ‘yung pitakang nahulog niya saka mabilis na dinala sa babae. “Nahulog mo po kasi ‘tong pitaka mo, Ma’am.” Magalang na sabi ko saka ito inabot sa kaniya.

“Oh my god. Thank you, Hija.” aniya nito. “Maraming salamat. Nandito pa naman ‘yung mga ID’s ko.”

“Wala pong anuman, Ma’am. Sige po, Papasok na po ako sa Classroom namin.” paalam ko sa babaeng maganda. “Ma’am Ruiz, Sige po.” Baling ko sa isa naming subject teacher.

“Ah, Hija.” tawag sa'kin ng babae. “Sandali lang,” Binuksan niya ang kaniyang pitaka at kumuha doon ng ilang pirasong perang papel. “Heto ang Limang libo. Kunin mo bilang pasasalamat ko sa’yo, Hija.” Wow! bigatin si Ma’am.

Nginitian ko siya saka umiling. “Ma’am, ‘yung Lolo at Lola ko po maghapong nagpapakapagod sa pangangalakal pero hindi kumikita ng ganiyang kalaking halaga ng pera.” sabi ko. “Kaya hindi ko po matatanggap ‘yan dahil hindi naman po ako nagbanat ng buto. Nakita ko po kasing nahulog ‘yang pitaka ninyo at gawain naman ng mga taong hindi nananamantala ang isauli ang hindi sa kanila.” i added. “Hindi mabigat na trabaho ang magsauli ng hindi naman sa akin, Ma’am, kaya sige na po, sa inyo na po ‘yang pera ninyo dahil hindi ko po talaga matatanggap ‘yan. Papasok na po ako, Ma’am.” paalam ko ulit sa kanila ni Ma’am Ruiz saka sila tinalikuran.

Alam kong kapos kami ng Lolo at Lola ko sa buhay pero hindi ako nagpapabayad ng kabutihang loob. Simpleng Salamat lang ay ayos na. Hindi ako pinalaki ng Grandparents ko para manamantala ng kapwa ko.

* * * * * *

KENSHI’S POV :

Buwiset!

Buwiset talaga!

Last period na namin para sa umagang ito pero wala pang kahit na anong sinasabi ng mga Subject Teachers namin ang nanatili sa utak ko. Lahat lumipad. Punyeta talaga.

“Bakit ganiyan ang itsura mo, bro?” Pabulong na tanong ni Oswald. “Kanina ka pa nakabusangot saka bakit ba dito ka sa likod naupo?”

Hindi ako tumabi kay Manang Signerd. Kanina pa ako naiinis sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan.

“Wala. Dito ko lang gustong umupo.”  Palusot ko.

“Listen, Class.” Biglang nagsalita si Sir Andres. “Bago ko kayo i-dismiss gusto ko munang ipaalam sa inyo ang resulta ng Quiz ninyo kahapon.”

Nilingon ako bigla ni Signerd at masamang masama ang tingin sa’kin. Ang taray talaga ng babaeng ‘to. buwiset.

“Uunahin ko sa nag-iisang hindi nakapasa dahil wala akong nakitang papel niya na ibig sabihin ay hindi siya nag-submit sa akin kahapon.”

Sinulyapan na naman ako ni Signerd at nakakamatay na ang tinging iginawad sa’kin pero hindi ko pinansin.

“Kenshi Guttierez.” Napatingin ang buong klase sa'kin maging ang mga tropa ko. “Nasaan ang papel mo?” Tanong sa'kin ni Sir.

Umiling ako. “Hindi naman ako nakipag-participate kahapon kaya wala akong ipinasang papel ko sa inyo Sir.” Walang ganang sabi ko.

“Makakarating ito sa Mommy mo para siya na ang bahalang magbigay ng parusa sa’yo dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa’yo at nakakasawa ka na ring bigyan ng parusa dahil hindi ka naman natututo.” Galit na sabi ni Sir Andres. Ang guro na laging nagbibigay sa'kin ng mababang grado dahilan para magtagal ako sa 4th-year.

“What the hell, Bro? Nakita kitang nagsusulat at nagpasa ng papel kahapon pero bakit—

“Manahimik ka nalang, Hiro.” iritadong sabi ko kay Hiro.

“Now, The student who got the highest score is— ”

“Oh, well. Alam kong ako na ‘yan kaya hindi mo na kailangang ipagsigawan ang pangalan ko, Sir.” Maarteng sabi ng kaklase kong si Marinella. Isa sa mga alipores ni Sugar.

“I’m sorry to disappoint you, Marinella, but it's not you who got the highest score.” napangisi ako nang bumagsak ang balikat ng napahiyang si Marinella. “Sigrid Garcia?”

“Yes, Sir?” Gulat na tanong ni Manang Signerd kay Sir Andres.

“Congratulations, Miss Garcia. You’ve got the highest score.”

“P-pero ..pero p-papaanong — ”

“Hindi ka lang basta nakakuha ng mataas na puntos dahil ikaw lang ang bukod tanging naka-perfect sa inyong pagsusulit kahapon kaya binabati kita, Miss Garcia. You really deserve the scholarship from Heuron.”

Scholarship? Nakakuha ng Scholarship si Manang kaya siya nakapasok dito sa Heuron? Wow!

“Mr. Guttierez, sana matuto kang tularan si Miss Garcia.” Baling ni Sir sa’kin. “At sa inyong lahat din. Gusto kong tularan ninyo ang kaklase ninyong si Sigrid para hindi naman ma-disappoint ang mga magulang niyo sa inyo. Do i make myself clear?”

“Yes, Sir!” Sabay-sabay na sagot ng buong klase kay Sir Andres.

“Class, Dismiss. Mag-Lunch na kayo. ”

Kaagad na nagsitayuan ang mga kaklase ko at sumunod na palabas ng classroom kay Sir Andres.

“Let’s go, Kenshi.” Aya ni Hiro sa akin.

“Mauna na kayo sa Cantene. Mag-order na din kayo.” Sabi ko. “CR lang muna ako.” Sabi ko sa mga kaibigan ko na agad namang nagsipagtanguan at sunud-sunod na lumabas ng Classroom.

Naiwan akong mag-isa pero tumayo na rin ako para magtungo sa Comfort room.

Puwede ka bang makausap?” Nagulat pa ako nang biglang sumulpot si Manang Signerd sa harap ko habang naglalakad ako.

“Ayaw kong makipag-usap sa’yo.” Sabi ko na naglalakad pa rin.

“Sandali lang naman — ”

“Layuan mo ako, Sig—

“Kakausapin mo ako O sasapatusin kita?”

Napabuga ako at saka marahas na hinarap ang pinakamataray at pinakamakulit na Manang na nakilala ko sa tanang buhay ko.

“What now?”

“Uhmm..” Yumuko siya kaya kumunot ang noo ko. Bakit parang nakaramdam yata bigla ng hiya ang babaeng ‘to? “Alam kong ikaw ang dahilan kaya ako naka-perfect sa quiz natin kahapon.”

“Wala kang proof na ako ang dahilan—

“Nakita kong madami ka ng nasagutan kahapon pero ako hindi pa nakakalahati tapos ikaw pa ang nagpasa ng papel tapos kanina ako ang sinabi ni Sir na nakakuha—

“Wala akong alam sa nangyari, Okay? Tantanan mo nalang ako dahil alam mo namang naaalibadbaran ako sa tuwing nakikita ko — ”

“Thank you!”

Gulat na gulat at halos mapugto ang hininga ko nang bigla akong sinunggaban ng mahigpit na yakap ni Manang.

“What the hell do you think you're doing? Bakit ka ba— ”

“Masaya lang kasi ako kasi kung hindi dahil sa’yo, baka magkaproblema ako sa Scholarship ko kaya,” Umatras siya at matamis na ngumiti sa’kin. “Thank you.”

“Tss.”

Tinalikuran ko siya at nakahinga ako ng maluwag nang hindi na siya nagtangkang sundan pa ako.

Dammit!

Napangiti nalang ako nang maalala ko kung paano ko pinagpalit ang papel naming dalawa kahapon na hindi ko naman alam kung bakit ko ginawa ‘yun. Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa akin kahapon pero kahit papaano masaya naman akong may naisalba akong scholarship nang wala akong kaalam-alam.

Ang masaklap ay malalagot na naman ako sa mga magulang ko nito kapag dumating sa kanila ang masamang balita na ang kanilang guwapong anak ay guwapo pa rin este, bagsak sa quiz.

---
A/N : Namiss ko sina Shokoy at Manang kaya dito muna ako nag update. Hopefully, makapag-update din ako bukas sa other stories ko. HEHE. Thank you for reading, Lovelots! Goodnight. Mamee

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 130 5
(ON-GOING) BAD BOY SERIES #2 Dulot ng pagkamatay ng mga magulang ni Shiyoon, namulat siya sa marahas at madilim na katotohanang nagtatago sa mundo. N...
54.5K 898 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
43.2K 2K 64
Gaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magu...
32.1K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...