My POSSESIVE BROTHERS..

By Lil_angel18

240K 5.2K 189

Well, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na... More

My POSSESIVE BROTHERS..
Chapter 1: BOREDOM KILLS..
Chapter 2: Learn How to LOVE.
Chapter 3: What I supposed to do?
Chapter 4: Si A,B at C
Chapter 5: Sweetness. ♥
Chapter 6: Boy Treasure
Chapter 7: Ang aking kakampi.
Chapter 8: Plano ulit?
Chapter 9: Secretly Dating. ⊙ω⊙
Chapter 10: Hide and seek -.-
Chapter 11: Harapan.
Chapter 12: True feelings.
Chapter 13: SchoolMates.
Chapter 14: Professor Simone
Chapter 15: Like Him?
Chapter 16: Kuya C.
Chapter 17: Frozen.
Chapter 18: First Crush
Chapter 19: Requirements.
Chapter 20: Queen Joyce Parisian
Chapter 21: My Prince and My Knight in shining Armor
Chapter 22: Just another day.
Chapter 23: I'm Courting Her.
Chapter 24: The Talk.
Chapter 25: Make her Happy
Chapter 26: Her Biggest Day (part 1)
Chapter 27: Her Biggest Day (Part-2)
Chapter 28: The Courting Game
Chapter 29: Here we go again.. Uggh!
Chapter 30: Daylan's POV
Chapter 31: Cookies n Cream :3
Chapter 32: Back to the business.
Chapter 33: Avoid Daylan daw?
Chapter 34: Signing of papers
Chapter 35: Do you like her?
Chapter 37: Mistake.
Chapter 38: Stare
Chapter 39: Lola is Here. BWAHAHAHA!
Chapter 40: Welcome to...
Chapter 41: Kind of People
Chapter 42: Tricycle
Chapter 43: Trabaho
Chapter 44: Ang Makulit kong Ina 。・゚゚*(>д<)*゚゚・。
Chapter 45: Kuya B.
Chapter 46: Free Day
Chapter 47: Not when she is Crying.
Chapter 48: Change of Mind
Chapter 49: Secretly inlove.
Chapter 50: Invisible Date
Chapter 51: Doubting Him
Chapter 52: Being a good Girlfriend
Chapter 53: Walang forever
Chapter 54: Be a good girl
Chapter 55: Love for Her
Chapter 56: Choose
Chapter 57: Patunayan
Chapter 58: Sayo
Chapter 59: Okay
Chapter 60: Hate vs Love?
EPILOGUE
Special Chapter - Xyrene and Xedrick

Chapter 36: Demonic Band: The Past

2.5K 55 2
By Lil_angel18

Clint's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pinaplano ni kuya Blaze.

Naaalala ko pa dati...

FLASHBACK:

"KUUYAA! MAASTER! IDDDDDDDDOOOOLLL! WHERE ARE YOUUUU?" sigaw ako ng sigaw sa labas ng kwarto niya dahil alam kong ito lang ang pagtataguan niya. At syempre kaya dito lang para mairita na rin siya at mapapayag na rin na makasali ako sa bandang gagawin niya.

"Blaze! Blaze! Ang anak kong si Blaze! NASAN KA NAAAA?" sigaw din ni Dad.

Wala siyang trabaho ngayon kaya eto kami at pinipilit si kuya master idol.

Sisigaw na sana ulit ako ng padabog na buksan ni kuya Blaze ang pinto.

"Fine. Let's talk about this." mahinahon niyang sabi. Minsan lang talaga yan nasigaw, makikita mo na lang kung galit or naiirita siya base sa action niya.

Sa sobrang saya ko ay napasuntok pa ako sa hangin..

"ARAY! Shet nagbibinata na ang anak ko ang lakas ng sumuntok ah?" sarkastikong sabi ni Dad. At kulang na lang ay sabunutan ako sa sobrang paghaplos niya sa buhok ko.

"Okay nakaganti ka na! Masakit na yang ginagawa mo sinasabunutan mo na ko Dad!!" hinampas ko ang kamay niya.

"Ay ganun? Masakit din kasi yung ginawa mo eh. Saka ---"

"Enough. I don't have much time to watch your stupid actions." seryosong sabi ni kuys Blaze.

"Ito namang anak ko oo, masyadong seryoso o! DIBA? DIBA?" siniko siko pa ako ni Dad upang panigan siya kaso umalis na si kuya Blaze at ayoko naman na magsusumigaw ulit sa harap ng kwarto niya.

"Wait KuyaMasterIdol!!" at saka hinabol ko siya papunta sa library namin. Masyado kasing malaki ang bahay kaya may ganito.

Iniwan ko si Dad na nakangiti pa at handa ng sumiko ng bigla akong umalis. Haha.

"Take a seat please. I'll just get the papers." akala mo naman ay matanda na kung makapagsalita itong si KMI (KuyaMasterIdol)

"Okay. Business guy." pangaasar ko pa. Kasi gustong gusto niyang nagsasalita ng seryoso at walang mali.

"Tsk. Shut your mouth. Can you?" halatang frustrated si KMI dahil padabog niyang kinukuha ang mga papel na kelangan kong pirmahan.

"No I can't. Bleeee." dumila pa talaga ako para mas intense kahit hindi niya nakita yun.

"If you don't shut your mouth and stuck your tongue out. Then your out."

O juice ko. Sana matagalan ko si kuys. Tissue please!

"Ay! No, No! I Can pala! I CAN! I CA--"

"Then, shut up!" pagalit niyang sabi sakin kaya zinipper ko na ang bibig ko.

"O kaya mo palang tumahimik."

Inperness nagtagalog siya ah? Gusto ko sanang sabihing "O? Kaya mo palang magtagalog? Bakit ngayon mo lang ginawa? Dudugo na ilong ko eh. Buti napipigilan ng kulangot... Joke lang!"

Matapos niyang maghalungkat ay ibinaba niya na ang gabundok na papel sa harap ko.

"Sign it all then you can join OUR band." nakangisi niyang sabi pero di labas ngipin at yung isang gilid lang ang nakataas.

Napanganga na lang ako sa sobrang dami ng mga papel.

"And don't expect that it will be easy because it all have a questions to all your subjects for the school year. If you want to join us you MUST study and answer that. There's a rubric in the first paper, Goodluck is the best to say."

Napasapo na lang ako sa noo ko kasi feeling ko naramdaman ko ang ulo kong umalog ng madaming beses. Di ko pa nababasa itong mga ito pero nasakit na ang ulo ko.

Hindi ko pa man din hilig magbasa. Kaya pala sa library kami pumunta! Lintek na o!

...

Natapos ko naman ng dalawang linggo lahat ng pinasagutan sakin, dahil alam ko naman ang iba doon at pinagaralan ko na lang yung iba pa, yung mga hindi ko talaga maintindihan ay nagpapaturo na lang ako either kay Dad o kay Kuya Adam. Dahil sabi ni kuya Blaze ay BUSY siya.

"Excellent. Our next gig is tomorrow so practice now." tumango na lang ako pagkatapos niyang chekan lahat ng sinagutan ko. Kukuhanin ko na ang gitara ko para matapos na ang practice ko.

Kakapasa ko nga lang nung pinasagutan niya eh so pagod pa ako! Lalo na ang utak ko. Kaso hindi na ako nagreklamo dahil alam kong papagalitan nanaman ako niyan in English pa. Edi lalo lang nakakasakit ng ulo.

Pumikit ako para damhin pa lalo ang musika ng aking gitara at napapangiti na lang ako dahil ako lang naman ang bagong myembro ng Demonic Band! AKO! AKO At wala ng iba..

AKO na gwapo, AKO na cute, AKO na star player, AKO na Bass sa Demonic Band (ang pinakasikat na grupo sa school namin), AKO na matalino, AKO na... Na.. Nakakatuwa! TAMA! AKO na talaga!

Napatawa ako ng konti. Konti lang naman.

"Tell me if you can play or not. I can replace you in just a minute.."

"Tae! Andyan ka pa pala KuyaMasterIdol! Wag ka namang nangugulat. Kaw naman o, alam mo bang expert to?" pagmamayabang ko habang tumutugtog ng kung anong maisip ko kahit na nanghuhula lang talaga ako ng nota.

"Expert huh? Practice more, you can't fool my ears." umalis na siya pagkasabi nun.

Ang galing talaga ng KuyaMasterIdol ko. Alam agad niya na nanghuhula lang ako ng nota. Kaya nga Idol na Idol ko yan eh! Minsan nga eh ginagaya ko siya, nakaGlasses din ako at panay ang ingles ko pero di ko kinaya ang ingles kaya half tagalog ang ginawa ko, ayun nasapok ako ng wala sa oras todo ngawa pa ako nun eh ang sakit kaya! T.T

...

Naging successful naman ang gig namin at syempre may pakilala portion ako AT dahil dun lalong sumikat ang banda namin. Joke! Saglit lang ako pinakilala. Ang sama ng kuya ko nuh? -.-

Dahil wala naman akong ibang iintindihin ay binalak ko munang papuntahin dito si Kyle dahil wala akong makausap.

To: Kyle (Drummer na panget)

Hey drummer guy. Punta ka rito nabobored ako.

Ilang minuto lang ay nagvibrate ang phone ko. Tinatamad akong kunin kaya pinabayaan ko lang magvibrate magisa dun si Kyle lang naman yan. Makikita ko lang naman dyan dalawang letra. (OK)

Kami lang kaya ang tropa tropa sa grupo. Si kuya Blaze snob, di man lang makausap oras, sarili at grupo niya lang ang iniintindi.Si kuya Adam babaero, di man lang makausap babae laging iniintindi.

Buti pa si Kyle nakakausap ko, kasi hindi talaga ako nakakatiis na hindi dumaldal ng isang araw. Seryoso ako. Walang halong biro praaamis!

Bumaba na ako at dun ko na lang siya hihintayin. Baka magpaturo na lang ako ng drums. Gusto ko rin kasi yon eh, baka makachamba ako at pagpalitin kami ng posisyon. Feeling ko kasi ang cool pagNagdadrums ka kesa sa Bass, supporter lang ng Lead.

"Hello Mom! Maayos lang po ba kayo?" ngiting ngiti ako. Ganito ang bilin ni Dad samin kasi daw baka maBadmood daw si Mom at makunan ang Prinsesa namin.

"Wag mo nga akong tanungin! Ipagtimpla mo ako ng gatas at gusto ko ng Ice Cream! Yung CC! Dalian mo oorasan kita!" sabi ni Mom na buntis at as usual ay kinotongan ako kahit na wala akong ginagawa. Kapag may mauutusan siya lagi na lang siyang nagpapabili ng Cookies 'n Cream ice cream. Kaya puro ice cream ang laman ng freezer namin. Sabi ni Dad pagpasensyahan na lang daw dahil ganyan daw kasi kapag buntis, ganyan din daw si Mama nung pinagbubuntis ako, si kuya B at si kuya A.

HAY! Ewan. Kaya ayoko ng nakakakita ng buntis eh, feeling ko lagi nila akong uutusan. Tamad na tao pa man din ako.

"Wow, ang swerte ko naman." nasabi ko na lang ng wala akong nakitang ice cream sa freezer.

"CLIIIINT! SABI KO DALIAN MOO! PAKYU KA!" sigaw ni Mama galing sa telepono na nakalagay sa kusina namin para daw hindi na siya bumaba para magutos.

Ayan, isa pa yan sa sinasabi ni Dad na lagi raw nagmumura si Mom kapag buntis. Kinuha ko ang telepono at mahinahong sinabi ko..

"Bibili lang po ako saglet. 5 minutes lang Mom." narinig ko namang ibinaba na niya ang phone bilang sign na pumapayag siya.

Halos tapakan ko na lang lagi yung gas sa sobrang pagmamadali ko buti nakauwi ako ng buhay. Binigay ko kaagad kay Mama ang hinihingi niya at saka ako pinalayas sa sarili niyang kwarto. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko ng makita ko si Kyle sa sala namin.

"Bro," tinapik tapik niya ang balikat ko. At sinuntok ko naman ang balikat niya. Sign yan ng pagkakaibigan namin.

"Buwanan niya na ngayon." kahit di siya magtanong ay alam ko na kung anong nasa utak niya.

"Pano mo nalaman?" nanlalaki pa ang mata niya habang inaalog ako.

"Ako pa? Etong genius na to? HA!" mayabang kong sabi dahil feeling ko ay napakagaling ko. At itong si Tanga agad naniwala. Naka-O pa ang bibig niya.

"Ang galing.." hanggang ngayon hanga pa rin siya ah? Hina talaga ng ulo neto.

Nakita ko namang bumaba si Mama dala dala ang ice cream na binili ko. Halatang manganganak na siya dahil sobrang laki ng tyan.
Lumapit kaagad ako para alalayan siyang bumaba.

"Mom. Tulungan ko na po kayo bumaba." pagsusuyo ko.

"Hindi naman mabigat..." tumango ako dahil hindi naman pala niya ako kelangan aalis na sana ako ng hinila ako ni Mom kaya napaharap ulit ako sa kanya. "Sinasabihan mo ba akong baboy ha?! Alam kong ang taba ko ngayon pero seseksi rin ako pag naisilang ko na si Princess! Kung makapanginsulto ka sakin akala mo hindi mo ako ina..." at nagsimula na siyang umiyak. Wala akong ginagawa ah? Madalas ganyan si Mama paiba iba ng mood.

"Sorry na po.." yumuko pa ako para lalong kumbinsido.

"Okay. O sya tulungan mo na kong bumaba." nakangiti niyang sabi. O diba? Parang may toyo talaga sa ulo nanay ko eh.

Maya maya lang ay dinaluhan ako ni kuya A at B para alalalayan si Mom kasi sobrang bigat niya kaya hindi ko kaya.

"Puta*** EDWARDO!! LALABAS NA ATA ANG BATA!" biglaang sigaw ni Mama kaya agad na umarangkada si Papa at binuhat siya papuntang kotse.
Pumuslit kami ng mga kuya ko kasi si Papa lang ang may sasakyan.

Pagkalabas na pagkalabas ng kapatid naming babae ay nakasilip na agad kaming tatlo sa nursery room. Nung una ay hindi ko malaman kung nasaan ba ang kapatid ko nalaman ko lang nung nabasa ko ang apilido namin. Nakahiwalay siya sa ibang babies at iba din ang kama niya, may mga laruan na at maraming nakabantay na nurse.
Maya maya lang ay binuhat si Princess ng isang Nurse na lalaki na ikinainis ko! Wala dapat na humawak sa kanya maliban saamin! Madamot na kung madamot, pero madamot talaga kami!

At sinasabi ko pa na nga ba na pareho kami ng iniisip ng mga kapatid ko. Tumango kami sa isa't isa at nagplano sa pamamagitan ng titig. O inggit na kayo?

"Excuse me. Bea! Ikaw na muna magdala sa baby nila Mr. And Mrs. Sanderson." sigaw ng lalaki sa isang nurse. Sakto!
Pagkabigay na pagkabigay ng lalaki ay agad ko siya tinapilok at pinagsusuntok naman siya nila kuya A at B.

"Sa susunod kasi maghanap ka ng kalaban mo! Pwe." kunwari ay dumura si kuya Adam at napapikit naman yung lalaki.

"So a weak man." sinipa pa talaga ni kuya Blaze yung lalaki

"Anong bang... Nagawa ko?" hinang hinang tanong niya.

"Nagtatanong ka pa ah! Etong sayo!" at saka ko binigay ang huling pasakit ko sa kanya.

Walang nakakita sa karumaldumal na ginawa naming magkapatid kaya safe kami kay Dad.
Habang naglalakad kami palayong tatlo ay naisip ko nanaman ang nagtatanong na muka ng lalaki at napatawa naman ako.

Nang makapasok kami ay agad kong nakita ang maluhaluhang muka ni Dad at ang umiiyak na si Mom.

"Thank you Lord for the greatest gift that you gave us." yumuko pa si Dad tila nagdadasal.

"Our baby Princess is so Pretty." sabi ni Kuya Blaze.

"Yeah you're right." pagsangayon naman ni kuya Adam.

Ngumiti na lang ako kasi ngayon ko lang napansin na nagkakasundo pala paminsan minsan si kuya Blaze at kuya Adam. Lagi kasi silang nagaaway kapag nakikita lang nila ang isa't isa. Pero ngayon halos magkapalit na sila ng muka sa sobrang lapit..

Si Princess lang ng nakakagawa niyan kaya ang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil ibinigay siya samin.

***

7 years later...

"Kuya?! Ang tagal mong pinaghirapan to! Wag namang ganyan." nafufrustrate na ako dahil sa desisyon niya. Pede niya namang pagsabayin eh.

"My decision is final. I'll disband it." alam kong malungkot siya kahit na ipinapakita niyang buo na ang desisyon niya.

"Okay Fine! Ako na lang ang magtatayo ulit basta wag mong ipaalam sa iba na disbanded na ang banda. Sabihin mo na lang na kulang ka sa time para magbanda. Ganun na lang para hindi mawala ang tiwala ng fans.." sabi ko.

"No. If you want a band make your own. I did it, so I'm the only one that can end it." pinunit niya sa harapan ko ang papel na nagpapatunay na legal kaming banda...

Ito ang pinakamamahal kong bagay at... Nawala na lang bigla sa akin.
At alam niyo ba ang dahilan? Para mabantayan niyang mabuti si Mae..
Nung mga araw na yun naiinis ako kay Mae kasi dahil sa kanya nawala ang pinakagusto kong bagay sa lahat pero ayokong habang buhay ng ganun kaya ginawa ko ang lahat upang humupa ang galit ko sa kanya..

Nagpakahirap akong gumawa ng banda dahil mahirap pa lang kumuha ng myembrong alam mong may tiwala at minamahal ang banda niya.. Katulad ko, hindi ako sumuko sa paghahagilap sa myembro ko at dahil sa sipad na yun ay naging matayog ang bandang itinayo ko gamit ang aking kakayahan. Kahit papano pala ay may natutunan akong isang bagay sa kuya ko. Ang hindi sumuko sa pangarap mo, kung gusto mo kayanin mong kuhanin ito dahil dadating din ang araw kung saan ay kusang lalapit ito sayo.
Talagang hindi niya hinayaan na kunin ko si kuya Adam at si Kylie dahil dati na silang myembro ng banda niya at hindi rin naman sila pumayag dahil minahal na daw nila ang kanilang dating banda kaya gusto na daw nilang manahimik na lang at mamuhay ng simple.


A/N

Exam na namin kaya matatagalan ako magUD. :)

Continue Reading

You'll Also Like

111K 2.5K 44
" Paano kung masaya na siya sa iba? Paano kung sanay na siya na wala ako? Paano kung natuto na siyang mag mahal ng iba? Gugulohin ko pa ba? o Hahayaa...
108K 1.8K 63
Paglalaruan mo na nga lang kami tadhana sana hindi umabot na magkakasakitan kami-Zyren Hindi pa ba sapat yung paglaban natin?Kulang pa ba? bat kaila...
249K 7.1K 28
PINAGLALARUAN. Minsan , laruan , madalas nararamdaman , may mga bagay talagang hindi mo maintindihan kahit pinipilit mong intindihin, sumasakit na an...
573K 18.1K 59
Being the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila a...