Chapter 22: Just another day.

2.9K 77 1
                                    

Mae's POV

"So, ayun nga. Napadaan nga lang ako. Saka nagtransfer na nga rin pala ako dito." nakapout niyang sabi. Pagkatapos ng malaeksena niyang pagbubuhat sa akin ay dinal niya ako sa susunod NIYANG klase. Hiyang hiya akong pumasok kasi naman hindi ko naman klase yon! Buti pala at mahaba pa ang free timw ko at hindi pa nagsisimula ang klase niya, kaya hindi pa ako mapapansin ng mga classmates niya. Dahil kakaonti pa lang naman ang nasa loob at puro nagbabasa lang sila ng libro.

"Sus! kung alam ko lang..." hindi ko madugtungan ang sasabihin ko >△<

"Ano? Anong alam mo?" nag-grin siya na ikinainis ko.

"Wala!" napairap ako dahil sa kahihiyan.

Tumayo na ako para bumalik sa klase kong mamayang 2:09 pm pa at 12:01 pa lang kaya marami pa akong time para maglakad lakad o maghanap ng gwapo~! *0*

Joke!

As if naman na may kakausap o lalapit man lang sakin. Alam niyo naman ang history ng buhay ko. Pinagbantaan talaga ng mga kuya ko ang mga Estudyante dito. As in Lahat! Syempre sinunod naman nila ang mga walanghiyang kuya ko dahil kapag may sumuway malalaman mo kung paano mamuhay sa tinatawag nilang Living Hell at ang kaisa isa kong kaibigan na si Angel ay naranasan na yan pero hindi siya sumuko sakin lagi niya akong nilalapitan at lagi lang may pumipigil sa kanya pero nung mapansin ko na siya ayun naging magkaibigan na kami! At syempre ako ang Boss ng mga kuya ko kaya heto kami ni Angel.

Sumakit ang pwet ko ng bumagsak ako sa upuan na kinauupuan ko kanina dahil hinila ako nitong Kylie na ito.

"Aray! Mamatay ka na! Curse you! Go to hell! Ginaganyan ganyan mo lang ang pinakamamahal kong butt?! Letse! Wag mo na akong hahawakan without my permission!" galit kong sabi. Kung alam niyo lang kung paano bumagsak yung pwet ko dun sa matigas na upuan take note MATIGAS! Mapapamura kayo kahit gaano kayo kabanal para akong natanggalan ng buto sa pwet nadislocate pa ata. Bigla bigla ba naman eh!

"Fine. If you don't want to stay. I'll go with you." tumayo siya sa upuan niya. Unti unti akong tumayo para hindi mabigla ang pwet ko gusto kong mahiga na lang. T.T

"Seriously?! Its your first class FYI! You don't need to accompany me I'm fine. Total--" pati ata ang paa ko ayaw akong payagan sa desisyon ko dahil bigla bigla na lang ako nawalan ng balanse kaya nasambot ako ni Kylie.

"See?" mayabang na sabi niya sabay evil grin. Umirap na lang ako dahil halos hindi na ako makatayo dahil naisprain pa ata ang walang kwenta kong paa. Ano pa kaya ang SWERTENG dadanasin ko ngayon ano? Ang dami na ngang binigay na swerte ni Lord sa akin dinagdagan pa sobrang thankful ko nga eh halos mangiyak ngiyak na ako sa tuwa! (note the SARCASM.)

"Okay. Buhatin mo na lang ako papuntang Clinic dali kung gusto mo pang mabuhay dahil may nakita na akong reporter." sabay turo ko sa nadapa pang lalaki na tumakbo na. Sure akong papunta yan dun kay kuya Clint. Of course! All of the people here is like a slave of my precious Brothers! Kahit wala si kuya Adam at kuya Blaze dito sinusunod pa rin nila yung bulok na rule ng mga kuyas ko.

Ano kaya pinaggagawa ng mga kuya ko at bakit napapasunod nila ang mga estudyante dito. Wala kasi akong haters kasi expected ko na yun dahil sikat ako dito sa school.na ito, lahat ng sikat may haters ang likers no!

Lahat sila halos mapunit na ang pisngi kakangiti kapag nadaan ako o mapaptingin man lang ako. Wala rin akong naririnig na pinaguusapan ako o pinagsasamaan ako ng tingin. Ewan ko kung anong lason ang pinainom ng mga kuya ko sa mga estudyante dito pero okay na rin yun dahil hindi ko naman kailangan ng atensyon ng iba.

Binuhat niya na lang ako katulad ng kanina at nilagay ko na lang ang kamay ko sa ilalim ng baba ko.

"Wow ha. Ginawa mo na akong tagabuhat. Nakakadalawa ka na alam mo ba yun?" tumango na lang ako dahil nakakatamad lang siyang kausapin. At syempre naiilang ako kasi wala naman nagbubuhat sa akin ng ganito.

"Bilisan mo na lang kasi im sure just a minute andito na ang kuya ko." pagkarinig na pagkarinig niya ng 'kuya' ay agad siyang tumakbo sa Clinic.

Hinihingal hingal pa siya ng ibaba niya ako sa kama. Wag kayong aasang magkakamilagro di ako ganong klaseng babae.

Haaay.. duwag talaga eto kahit kelan. Kahit nung bata pa lang kami at crush ko siya nun hindi man niya lang ako nilalapitan kapag nasa paligid ang mga kuya ko.. Wala namang kabrutalan na ginagawa ang mga kuya ko eh sadyang takot lang sila.

"Miss, andun na po yung Girlfriend ko na-sprain po yung kanang paa niya saka nabagsak din po yung pwetan niya sa may lapag kaya masakit din po ang pwet niyan. Clumsy po kasi hehe." rinig ko sinabi niya sa Nurse at narinig ko ang hagikgik ng nurse sa sinabi niya. Hanggang dito ba naman ilalabas niya pa rin ang kalandian niya! At eto pa ang nurse malandi rin! Magsama sila!!

Nagtulogtulugan ako ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan.

"Ay. Tulog naman po ata sir eh. Hihihi!" ay jusmiyo! Nurse po kayo dito! Wala po kayo sa lugar makipaglandian! Mga babae talaga ngayon oh! Nakakita lang ng gwapo halos ibigay na lang ang panty, paano kung bakla pala?! Tsk Tsk!

Pinilit kong irelax ang mata ko para hindi mahalatang pilit na pilit ang pagpikit ko.

"Tingnan mo nga kumukunot pa ang noo! Hahaha!" at nakipagtawanan pa ang loko ha?!

Bumangon ako dahil bistado nanaman ako.

"FYI miss your a nurse here, take your responsibility i'm the patient here right? Kaya dapat ako ang inaasikaso mo imbis na makipaglandian ka dyan sa baklang yan!" lumaki naman ang mata ng Nurse at tumawa na lang si Kylie.

"Sorry po Mam." buti naman pala at may hiya pa itong Malanding Nurse na ito. Dapat lang its her job after all.

"MAE?!" sigaw ni kuya Clint pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan. Aww. Kawawang pintuan.

Kasunod niya yung kaninang lalaki at iba pa niyang kasamahan. Akala mo eh lamay ko na bukas at may dala pang prutas at bulaklak.

"Ano to? Wala naman akong sakit at most importantly mamamatay na ba ako bukas? Sabihin niyo lang." sabi ko.

"I'm so worried. Sabi kasi kinidnap ka daw ng isang kahinahinala at pangit na lalaki kaya agad agad akong tumakas sa klase ko at tinanong kung saan ka dinala." sabi ni kuya Clint at umupo sa Sofang nasa gilid ko.

"So, what's with the fruits and the flowers?" nagtataka talaga ako kung bakit may bulaklak pa. Okay ako sa prutas pero sa flowers areee youu serious?! Eh parang binunot lang sa damuhan yun eh!

"Ahhh. They buy the fruits and the flowers uhh.. binunot lang yan sa may garden." sabi pa na nga ba. -_-

Kaya pala may ugat ugat pa.


"I'm fine now. You can go back to your class kuya. Pede pa ako magstay dito since 2:09 pa ang class ko." tumalikod na Ako sa kanya para umalis na siya at ipaalam na ayos lang ako.

"No. I'll stay here madali lang naman yun saka you know me. One read equals 100." i feel that he wink. Eto ang nakakainis eh napakatalino kasi nila at kahit hindi sila magaral napeperfect nila. Hinarap ko siya.

"So what do you want now? I don't to be observed you know that." tumango tango siya.

"Manonood naman ako ng TV kaya my attention is not all yours." okay he got me there.

"Wait Clint ako na lang ang magbabantay sa kanya." oh he exist pala. Since matapos siyang makipaglandian sa Nurse kanina eh hindi na siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

"No need bro, i don't want anyone touch her so back off." umiling lang si Kylie.

"I'll wait for her outside. Magkaklase kami in her next class." and then he leave.

"His a hard-headed you know? He's a troublemaker. The way I see him i know that he is a troublemaker kaya as much as possible wag kang masyadong lalapit dun. Pinabantayan ko na rin siya kasi hindi naman ako pedeng araw araw magcut ng klase."

"Bakit kasi nagcucut ka pa. You don't need to do that."

Ngumiti na lang siya at binuksan ang TV. Pumikit ako at magpapahinga muna.

My Big Day is coming..
3 days before my 18th birthday...



My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now