Chapter 44: Ang Makulit kong Ina 。・゚゚*(>д<)*゚゚・。

2.3K 53 3
                                    

Nakailang malalim na hinga muna ako bago ko nilipat ang atensyon ko sa kanya.

Awkward. Yan lang ang masasabi ko kasi yun naman talaga ang nararamdaman ko. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang kumaway, para bang bigat na bigat ako sa braso ko.

Napansin yun ni Mama kaya inangat niya ang braso ko.

"Anak itaas mo naman! Hindi naman maitim kili kili mo ah?" titingin na sana siya sa kilikili ko ng agad ko itong ibinaba.

Di niya ata maramdaman na hindi ko gusto ang atmosphere.

Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang dalawa kong kamay at maglalakad na sana para pumunta sa kwarto kunwari may naiwan ako.

"San ka punta Mae?" tanong sakin ni Mama. "Andito naman si Daylan ah? Wag mong sabihing may kukunin ka, wala naman tayong gamit na dala ah?" pinanliitan niya ako ng mata at saka tumingin kay Daylan tapos sakin. Palipat lipat lang ang tingin niya samin.

"I smell something... Fishy ha." mapanuri pa rin ang tingin ni Mama samin. "EDWARDO! Ano bang ulam?!" sigaw ni Mama.

"Babe! Dinaing!" sigaw pabalik ni Papa.

"Ah. Kaya pala amoy fishy. Fish pala ang ulam natin. Hehehe." tinantanan na kami ni Mama at saka bumaling kay Tita saka kinuyapit ang braso niya rito.

Okay? Ano ng gagawin ko ngayon? Eh may kanya kanya na silang ginagawa.

Si Papa nagluluto ng ulam. Si Mama ayun nakipagchikahan. Si kuya Adam nag-gi-girl hunting, idunnowhere. Si kuya Blaze nagbababad sa aircon, nagdedaydream ng idunnowhat. Si kuya Clint ayun naghuhugas ng plato, naiistress na kakahugas kasi tambak yun simula nung isang araw pa.

Ako, eto nagpupunas ng pawis. Lumingon ako sa direksyon ni Daylan. Oh. Nandun din pala si kuya Weird Camera Man. Tumingin ulit ako sa ibang direksyon...

"KUYA WEIRD?!" nakanganga pa ako sa sobrang gulat.

"Ow? Mae, hi there! I didn't notice you." halata nga kuya eh no? Abala kasi siya sa paggalaw dun sa hawak niya. Kung ano man yun.

Nasa likod siya ni Daylan kaya naman ang rude kung lalagpasan ko siya at makikipagkwentuhan kay kuya Weird diba?

Bago pa ako makalapit ay agad ng hinila ni kuya Weird si Daylan.

"Mae! Si Daylan nga pala, my half brother." pakilala niya sakin kay Daylan.

Tumango tango ako. "Kilala ko po siya." ngumuso ako para makapagpigil ng ngiti.

Bahagya pa siyang nagulat. "Ganun? Eh bakit parang di naman? Di kasi kayo medyo nagkikibuan." nakangiti niyang saad.

Bakit nga ba? Ano bang dapat sabihin ko? Ni hindi niya nga ako nareplyan dun sa huli kong text eh.

Teka tiningnan ko nga ba? Well, wala na rin akong pake kung ano mang nireply niya..

"Ah. Oo nga kuya Weird magkakilala kami dahil sa magkaibigan ang mga magulang namin. Alam mo na makukulit ang mga yun." sabi ko.

Tumango siya sakin. "Gusto mong punta tayo sa tinutuluyan namin dito--" bago pa matuloy ang sasabihin ni kuya weird ay umepal na si kuya Blaze na agad lumitaw sa harapan namin.

"Hey, hey. Did I heard it wrong? You want to take my sister to your house?" hinead to foot pa niya si kuya weird at napaCrossarms

"Actually di nga kayo nagkakamali--"

"No. Go home dude." at saka ako hinawakan sa braso at inilagay sa likod niya. Napairap nanaman ako sa pagiging possesive niya.

"Ipapakita ko lang naman sa kanya yung mga experiments ko eh. Saglit lang kung gusto mo sumama ka?" paganyaya ni kuya Weird.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now