Chapter 37: Mistake.

2.4K 50 0
                                    

Mae's POV

Haaay. Makatulog na lang kaya, mas nakakabuti pa yon...

Sobrang unique ko naman! Sige na nga itong Aqua Waters na lang... Taong tubig ata eto kaya ganun ang pangalan.

Hindi naman yun mahahalata, mata lang naman siguro ang pinagkaiba namin nuh? Sumangayon kayo dali! (wala kasing mahanap ang utur)

*Tok*Tok*Tok*!

"Pasok!" sabi ko habang nakahiga ako at nakapikit.

"Pwede na ba akong pumasok?" anong katangahan ba ito?

"O sige, Labas!" di ata nakakaintindi ng pasok eh.

Nakangiti namang pumasok si kuya Clint sa kwarto kong malamig. Naramdaman ko naman siya na umupo sa kama ko tapos humiga na rin, kama mo? Kama mo?! Nakikihiga rin itong bakulaw na ito eh.

At talagang sumama pa siya sa kumot ko at balak pa atang matulog dito.

"Ito naman di mabiro. Sasabihin ko lang naman na may gig tayo sa saba--" hindi ko na siya pinatapos.

"ANO? BAKIT? PAANO?!" gulat na gulat kong tanong. Napaupo pa ako at dilat na dilat pa ang mata ko sa pagkagulat. Malaki pa rin ang mata ko ng niyugyog ko si kuya Clint yung tipong mahuhulog na siya sa kama ko.

"HALA! HALA! HALA!" niyuyugyog ko pa rin siya at halos hindi na ako kumurap.

"Relax. Hindi ka naman papatayin ng fans namin. Friday pa lang naman ngayon at gabi ang gig natin." mahinahong sabi niya. Dilat na dilat pa rin ako at ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung mauubusan ba ako ng oxygen kasi mabilis din ang paghinga ko.

Hinawi ni kuya Clint ang mata ko. "Wag ka ngang dumilat ng ganyan nakakatakot."

"Sabado na talaga?!" hindi pa rin ako makamove on.

"Oo nga." nakangisi pa siya sa lagay kong 'to. May pinaghalong kaba, saya, excite at kaba.. Kaba. Kabado ako! Huhuhu! Nagaalala ako na baka hindi magustuhan ng fans ang banda dahil sakin.

"TALAGANG TALAGA?!?" sigaw ko. Nakaclench fist pa ako dahil dun.

"Talagang talaga three times." tumango tango pa siya. "o siya maiwan na kita dyan yun lang pinunta ko rito maghanda ka na para bukas bye. Princess." timang pa rin ako sa mga biglaang nangyayari. Hinalikan na ako ni kuya Clint sa noo ko kahit na tigalgal pa rin ako at tulala.

Para akong zombie nung pumasok ako sa banyo para magbabad ng katawan sa bathtub na parang limang tao ang kasya.

"Haay. Ang sarap, gusto kong dito na lang forevs kaso nakakagutom." bigla kong sabi. Kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay lang sa plastic wala kasi ako mapaglagyan dahil basa lahat ng surface na mapagpapatungan, naglaro kasi ako kanina ng shower eh ayon. Ayos naman hehe.

Binuksan ko ang messenger ko, ya I have wireless fidelity in my Room in short Wi-Fi arte ko XD, nakita ko pa dun yung recent na nakachat ko si Daylan..

Sinearch ko si Aqua Waters sa mga online, at ayun nakita ko siya. Ang profile pic niya ay nasa bathtub siya at halik ang laruan niyang rubber ducky nakaHeadBand din siya na black, kaya kita ang pagmumuka niyang di ko naman kamuka!

Messenger:

Mae: Hey! :)

Syempre dapat 'Hi!' or 'Hello.' muna. Alangang magderederetso ka edi nawindang yung kausap mo. Baka sabihin.. Sino ba to? Di ko naman kilala di ko na babasahin bahala siya baka magnanakaw pa ito at malaman ang GPS ko.

Aqua: Omyy! Hello po! :D Kamusta na po kayo? :)))

Wow di naman siguro siya sobrang saya nuh? Ilang ngiti ba yan? O baka naman extension ng baba niya. Saka para naman sobrang close namin ah? Nangamusta pa ito eh ni di ko nga siya kilala.

My POSSESIVE BROTHERS..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon