Chapter 8: Plano ulit?

5.6K 114 5
                                    

Mae's POV

"Ma ano ba itong ginagawa natin? Parang tanga tayo neto eh -.- May kotse ka naman eh."

"Alam ko kasing papasundan lang ni Adam yung kotse ko kaya di ko dinala kaya ayun sabi ko sa driver ko ipark yung kotse sa Mall para hindi nila tayo masundan di ba ayos ang plano ko? Ayaw mo ba nun nagiging malaya ka?"

"Oo ganda ng plano mo ma. -.- Eh bakit naman kasi todo disguise pa tayo? Kating kati na ko sa suot ko ha?"

Nakasuot kami ng Anime Costume. Yung sakin OA grabe. Pag sinabi kong OA napakaOA talaga -.- Yung kanya napakasimple tapos yung akin grabe kulang na lang ng korona magiging reyna na ko ng kalsada neto.

Nakagown ako yung OA na gown May mga sabit sabit na ewan pa tapos meron pa akong makating nakasabit sa leeg ko mahaba siya kaya buong katawan ko minuminuto nabalikwas. Grabe kating kati na ko! Tapos naglalakad pa kami niyan buti pala ang kapal ng makeup ko at kung hindi baka mamukaan ako ng mga kakilala ko o kaya yung mga nakakakilala sa pamilya namin. Oo kilala pamilya namin dito. Magtanong ka lang ng Sanderson sa tabi tabi at makikilala mo na kami ganyan kami kasikat dito.

"Edi tanggalin mo na lang yang fur yan lang naman makati diba? Tanggalin mo kung may lakas ka ng loob hahahaha!"

Hindi ko rin naman kasi matanggal kasi pag tinanggal ko tong fur na nasa leeg ko makikita na yung kaluluwa ko grabe! >_<

"Tss. Ma hindi ba pwedeng yung Casual na damit na lang?"

"Alam mo naman na kilala tayo dito di ba? At alam mo rin na kahit saang sulok ng lugar na ito may makakakilala sa atin kaya ganito ang suot natin ngayon.. kapag ordinaryong damit lang ang isusuot natin nako! Baka mastar struck yung mga yun! *0*" sabi ni Mama

"Sus! parang yun kang di naman tayo mamamatay dun!"

"Pede din natin ikamatay yun noh! May ibang tao kasi na mga adik o masasabi na nating nakahithit ng kung ano dyan tapos malay mo makita pa tayo mapagtripan pa edi tigok? At syempre hindi nawawala ang drama ng hostage para makakuha ng pera. Ayokong nagaalala ang papa at mga kuya mo sa atin kahit ganun yung mga yun mahal na mahal ko yung mga lokong yun kase tanggap nila tayo kahit may pagkabaliw haha!" sabi ni Mama na nakangiti napangiti na lang din ako nakakahawa ngiti ng nanay ko kung alam niyo lang.

Kahit na sinamahan ni Mama ng tawa yung sinabi niya madadama mo yung lungkot sa bawat sinasabi niya.

Di ko akalain na marami na pala ang masasamang loob at mga walang kunsensya. Alam niyo naman ako taong-bahay to. Di ako nakakalabas ng Magisa kailangan lagi akong may kasama na hindi bababa sa tatlo. Nakakalabas nga lang ako kapag papasok na akong School eh kaso laging may nakabuntot sakin damang dama ko nga pag nasa school ako eh -.- Ayaw magtago tago ng konti! Yung mga bumubuntot sakin ay... sino sa tingin niyo?

TENTENENTENTEN!!

mga alagad ng tatlo kong kuya. Akala niyo yung mga kuya ko noh? Hindi pede. Busy yung mga yun sa mga trabaho nila noh! Lalo na si kuya Adam kase may permanente na siyang trabaho saka may pinagkakaabalahan din yun bukod sa playboy at habulin ng chiks, minamanage niya yung company namin kapag nagkasakit si Papa or pag kelangan ang tulong niya Siya nga pinakamatalino sa university niya dati eh. si Kuya Blaze naman busy din yun konti lang naman ang agwat ng edad ni kuya Adam eh mga 4 years lang pero nakuha siya ngayon ng Masteral ng pagiging Doctor kaya nagaaral pa din nangunguna nga yung Grade nun eh laging uno saka laging President ng student council nung highschool palang siya. si kuya Clint naman di nagpatalo yun Lead Guitarist siya sa isang banda actually, Banda niya yun, siya kasi ang leader at yung gumawa ng Band. Saka star player pa pero magaling din naman yan sa academics pangatlo nga lang siya sa mga pinakamatatalino pero Graduate na siya ngayon. Ako na lang at si Kuya Blaze ang nagaaral. Hindi rin ako masusundan ni kuya Clint kasi busy siya sa Banda niya madaming gigs at sisikat na din yung banda nila madaming offers eh hindi naman nila matanggihan. Oh? Hanga na ba kayo sa mga kuya ko? O siya! tama na ang pagpapantasya niyo! XD ituloy natin ang kwento!

"Baliw nga kayo Mama haha! Sa inyo talaga ako nagmana! Haha!"

"TAMA! wala kang minana sa tatay mong purol ang utak! Ako ang matalino sa pamilya natin kaya matatalino ang mga kuya mo eh! Nakuha nila ang katalinuhan genes ko hahahaha!" sabi ni Mama.

Baliktad nga eh. Ang tali-talino kaya ni Papa! haha! pero pagbigyan ngayon lang yan magyayabang! XD

Nakitawa na lang ako para masakyan trip ni Mama.

At may bigla naman akong naalala...

"Ma. San nga pala tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad di--"

"BESSSST?! TAE! BA'T NANDITO KA?! DI AKO READY WAIT LANG! DI PA KO NAGLILINIS!" sabi ni uhhm.. di ko kilala pero siya yung kasama na parang nanay ni Boy Treasure

"Best! wag na okay lang napadaan lang kami dito. Andyan ba si Daylan?"

Ah. Naintindihan ko na ang plani niya. -__-

Saka anong sinasabing napadaan eh ilang metro nilakad namin tapos napadaan? Wow.

"Ahh. Oo nandito tara pasok!"

"Sige! Tara na Mae! Hehehehe! Ellah best! Eto si Mae yung anak ko!"

Ngumiti naman sakin yung Bestfriend ni Mama ng pagkalakilaki na halos mapunit na yung cute niyang pisnge :">

Gusto ko din ganito bestfriend kooo! T.T

"Haller! My Daughter-in-Law Nice meeting you! Ako si Daniellah. Mom na lang ;) Dun din naman punta nun eh hihihihi!" napakasayang sabi ni Mom-- ay! Tae! >.<"

"Ellah haha nanununtok toh pag nagugulat! XD"

"Ay ganun?! o sige tita muna for now ayoko magka black eye eh. Sige pasok muna kayo Best."

"Ano pa bang hinihintay natin dito? Tara na! ^o^" sabi ni Mama at tinulak tulak si Tita sa Loob at hinila naman ako. Di rin siya feel at home noh? -.- Wala talagang hiya nanay ko. Pero mahal ko yan! :">

"ANAK LABAS NA SA LUNGGA MO! ANDITO SI PRINCESS!! LABAS NA!" sigaw ni Tita.

Bigla namang may lumabas sa isang kwarto ang bagong ligong si Daylan at nakabathrobe lang di ko alam kung meron siyang suot o... wala *gulp* siguro naman meron..

Dalidali siyang bumaba at niyakap ako. *GULP* Σ( ° △ °|||)︴

wala akong mareact kundi eto..

⇨ Σ( ° △ °|||)︴

Author's Note:

IMPORTANTE PO ITO.

may konti lang po akong inedit kasi baka maguluhan kayo sa chapter 11 pag pinablish ko kahit ako naguluhan din eh pero pa re-read po nito para po malaman niyo yung status ni ABC Thanks. Para malinawan din kayo.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now