Chapter 33: Avoid Daylan daw?

2.2K 48 1
                                    

"OKAY FINE. FINE." rinig kong pagmamaktol ni kuya Clint sa loob ng kwarto niya. Nakadikit kasi ang tenga ko sa pinto para marinig ang pinaguusapan nila todo kagat pa ako ng labi para walang makawalang tunog mula sakin.

"Yes." lihim akong ngumiti at lumayo muna sa kwarto ni kuya Clint at pumunta sa kwarto ko upang ilabas ang kasiyahan ko.

"Whooo! Buti pala at hindi na ko mamimilit!" nagsasasayaw pa ako sa ibabaw ng kama ko na parang baliw dahil hindi naman talaga ako marunong sumayaw, ng marinig ko ang pagikot ng doorknob kaya agad agad akong nagtaklob ng kumot. Nakakahiya rin paminsan minsan ang mahuli na may ginagawang di kaaya aya, tulad na lang ng pagsayaw ko na parang inuuga ko lang ang buo kong katawan.

Narinig ko na lang na bumukas ang pinto at sumara ulit kaya napaupo ako.

"*tok* *tok* *tok* Pwede na bang pumasok? Oy ano ka kumatok ako. Papasok na ba ako? O sige na nga."

Ay, sige ganyanan tayo nuh? Tanong mo, sagot mo! Game ka na ba? Game na game! -.-

"I mess you my labable dutir! Mess na mess talaga keta!" sabay yakap sakin ng ina kong baliw ngayon gusto niyang magbisaya-bisayaan. Gulo talaga ng utak neto nuh? Buti hindi ako nadamayan ng kabaliwan.

"Talaga? Wow." nangirap pa ako. Hindi naman kasi siya umalis eh nandyan lang siya magdamag sa TV at nanonood ng Barney, ang ganda raw kasi mukang totoong tao raw. Utot niya mukang totoo. Ganyan kasi katalino nanay ko alam niyo naman na walang pambili ng common sense.

"Ito naman nagbibiro lang ako, nandun lang ako magdamag sa TV." sabi niya at alam ko naman hindi na niya kelangan ipaalala.

"Tapos? Yun na yun? Kakanta ka na lang ng Barney dyan?"

Nahinto siya sa pagkanta at pagmamartsa. "Ano kasi..." uy pahiya mode pa raw ang gurang kong ina. May nalalaman pang pahinhin kunware nagsusway to the left and to the right. "Naghihintay sayo si Daylan sa labas. Ayiiiieeh! Kilig nanaman ang utot ni Ateng!" at kelan pa naging Ateng ang pangalan ko? Kaya ayokong lumalabas itong Nanay ko eh. Ang daming nalalaman na Kalokohan.

"Sabi ko umuwi na eh.." bulong ko sa sarili ko.

"Ha? Ano yun?" ngumunguso pa si Mama habang nagtatanong. Tusukin ko kaya nguso neto?

"La." maikli kong sabi habang naghahanap ng bra sa damitan ko. NakakaBreast Cancer daw kasi kapag laging nakabra.

"Sus kung alam ko lang pupuntahan mo siya sa may kotse niya nandun sa may labas puntahan mo na lang. Bet na bet ko siya para sayo Teh! Yieeeeh!" kinakagat kagat niya pa ang ibabang labi niya na parang teenager na natatae hindi kinikilig ah?

Nagsuot na ako ng bra at lumabas ng walang paalam.

"Woi! Nanay mo ako! Kelangan masaksihan ko rin yang eksenang yan. 'Nak wait lang. Hinihingak ako wait lang...." dumadakdak pa siya ngunit mabilis kang ang lakad ko para hindi niya ako masundan naliligaw kasi yan dito sa Mansion. Ewan ko ba dyan ilang taon na siya nakatira rito pero di pa rin niya soolo ang bawat sulok ng Mansion. Ang dami dami raw kasi ng kwarto. Sus kung sinasabi niya na lang na wala siyang sense of direction baka naintindihan ko pa, obvious naman kasi.

Pagtingin ko sa likod ko ay wala na ang Nanay kong ubod ng kulit. Nawala nanaman siguro.

Poise na poise ang lakad ko at papalabas na sana ng pintuan ng malaki naming mansion ng harangin ako ng dalawang maskuladong lalaki.

"Can you please get out of the way?" masungit kong sabi.

"Sorry but you're not allowed to go by yourself Madam Mae. Its our job to obey Mr. Sanderson. Again we are sorry." nagbow pa ang dalawang guard sa harap ko at hindi talaga sila matinag sa kinatatayuan nila.

"I said. GET OUT OF THE WAY!" sigaw ko habang sinusubukang makalabas dahil nakaharang nga silang dalawa ay hindi ko man lang maabot ang pinto.

Hindi sila umimik at nakatayo lang sila doon hawak hawak ang isang baton na mahaba.

"Fck this shit.." bulong ko sa sarili ko at gusto ko na sanang sabunutan sila manong guard kung hindi lang ako mabait baka pinaguntog ko na silang dalawa, naMaster ko na ata ang self-defense yung mga sipa sipa suntok suntok etcetera.. Karate, Martial arts at ang favorite ko ay Archery at Tennis.

Pumunta muna ako sa isang sulok kasi baka pagnakita nila akong may kausap ay basagin pa nila ang phone ko. Halatang isang suntok lang ng kamao nila itong napakanipis kong CellPhone eh.

(Hello Daylan. Umuwi ka na wag ka ng maghintay dyan. Sabi ni Mama naghihintay ka raw sa labas.) nagaalala kong tanong. Baka magkasakit pa kasi siya ako lang naman ang masisisi.

[Huh? Nasa bahay na ako. Anong pinagsasabi mong naghihintay ako sa labas? Oy gabi na ho at alam ko naman na bawal ako dyan.] narinig ko pa siyang humalakhak.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi makapagsalita. Lagot siya sakin mamaya pahiya tuloy ako. Nakanganga ako ng mga ilang segundo bago ako makarecover sa kahihiyan.

[Hello? Mae nandyan ka pa?] bobong tanong niya.

(Bobo ka ba? Malamang nandito pa kaya nga hindi pa nakaend call eh!) sabay padabog kong inend ang call. Sayang lang pala load ko sa kanya. Minsan na lang kaya ako magpaload ngayon lang saka nung birthday ko na hindi naman niya sinipot...

Bakit ko nga pala siya pinapansin? Akala ko ba 'Avoid Daylan' muna ang motto ko? Anyare? Nahulog nanaman ba ako sa bangin, sa mga patibong at pakilig niya?

Tengeneng pegebeg eto oo! Ang sakit sa ulo. Ge, magsitulog na tayong lahat.

Zzzz...

Shetttt! Pati sa pagpikit ko naiimagine ko pa rin ang nakangiting muka ni Daylan! Hindi na talaga maganda itooo!

Bukas na kaya ako magsign bilang drummer? Para naman hindi ko na maramdaman ito. Ang sakit at the same time masarap sa feeling magaan sa loob.

Basta bukas gusto ko ng magsimula, I am Mae the fabulous and the great drummer of the... Demonic Band.

Paano kung ayaw ng mga tao sa babaeng drummer?

Edi nganga ako? Bumagsak pa ang banda na pinakaiingatan ni kuya Clint.

Basta pagiisipan ko na lang bukas.

A/N

Ang late ko magupdate nasara na talukap ng mata ko sige pa rin ako ng sige eh XD

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now