Chapter 47: Not when she is Crying.

1.5K 40 6
                                    

Tumingin ako sa alarm clock sa tabi ng kama namin ni Mama. 3:25 am.

Hanggang ngayon ay mulat na mulat pa rin ang mga mata ko at gising pa ang diwa ko.

Kahit kanina pang 11:00 pm natapos ang sayawan chuchu.

Napahawak ako sa aking labing dinampian ng labi ng Daylan. Napangiti nanaman ako at kinikilig magisa, tulog na kasi si mama at humihilik.

Pagkatapos ng halik ay pareho kaming nagngingiti at bumalik sa pagsasayaw ng marahan, hindi ko alam kung bakit siya ngumingiti kung dahil ba yun sakin o ano.

Mayamaya ay dumating na ang mga inaasahan kong dadating nagtataka nga lang ako kung bakit si Papa lang at kuya Clint ang dumating.

Hinila ako ni kuya Clint at muntikan ng mayakap ng marealize niyang pati si Daylan ay nahila niya. Sayang akala ko mayayakap niya rin si Daylan asarin ko sana e. Hahaha!

"Anong kalokohan to??" sabi ni kuya Clint habang tinataas ang kamay namin ni Daylan na magkadikit. At well wala pang makakatanggal nito, sa ngayon.

Lahat ng mga tao ay napatigil at napatingin kay kuya Clint lahat ng atensyon nila ay nasa kanya lang. Pati ang musika ay inihinto dahil sa eksenang nagaganap.
Hinila ako ni kuya Clint papunta kila Mama ng dahan dahan kahit na halatang napipikon na siya.

"Ma. Can you please stop this shit!" frustrated niyang sabi. Napasabunot pa siya sa sarili niya.
Nagulat si Mama sa inaakto ni kuya Clint. Dahil ngayon lang talaga siya nagalit ng ganto. Oh no, the calm and loving kuya Clint is now mad.

"Ma. I can't take this anymore okay? Hindi ko kayo sinasaktan okay? Ayoko lang talaga na may ibang umaaligid na hinayupak kay Mae okay? Maraming beses ko na siyang pinaglagpas sa lahat ng ginawa niya, wala akong ginawa sa kanyang ni ano. Pinigilan ko pa nga sila kuya nabugbugin ang gagong yan e! Dapat nga hanggang ngayon bugbog sarado pagmumukha niyang hayop na yan e, pero syempre magagalit kayo and I don't want that to happen, higit sa lahat alam kong may pagtingin na si Princess dyan sa gagong yan kaya as much as possible I don't want her near him, can you understand me Ma?" seryosong pahayag ni Kuya Clint. Now he's serious? What have totally happened? Bakit di ako nainformed na ganto pala ang mangyayari? O may nangyari na kaya na hindi ko alam at kinagagalit iyon ni kuya Clint? Kasi mostly si kuya Clint laging nakangiti at understanding na tao siya, pero ngayon?

"Clint its for Mae's Sake." mahinahon na sabi ni Mama. Mukhang nagaalala sa nangyayari.

Binitawan ni kuya Clint ang kamay ko. Marahas niyang sinabunutan ang buhok niya.

"Uggh! Its for nobody's sake Ma! She's force to do it because you say so! He's also force to do this because her mother say so, and its also your fault! Dahil ikaw din ang nagsabi na kelangan na maging sila!" galit na sambit ni kuya Clint.

"Kuya.. Tama na." pagawat ko.
Nagtaas baba ang balikat ni Mama hudyat na umiiyak siya. Nakatakip ang buong mukha niya ng kanyang mga palad at nakataas sa bench ang mga paa niya na parang pinagalitan ng tatay niya.
Ganun talaga umiyak si Mama, may times na isip bata talaga siya. At kapag nagseryoso naman ay parang si kuya Blaze na hindi mo makausap ng pabiro.

Dumalo si tita Ellah at Papa kay Mama upang patahin ito.

"H-hindi k-ko naman a-alam na... *sniff* n-na napipilitan l-lang pala sila eh!" hinahagod ni Papa ang likod ni Mama at pinapatahan ito.

"Now you know Ma! And we don't want this setup!" sabi ni Kuya Clint.

"Clint!" matigas na sambit ni Papa. " Stop this! Can't you see your mother is now crying!  Shhh.. Stop crying now baby." patuloy pa rin sa paghagod ng likod si Papa.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now