Chapter 32: Back to the business.

2.1K 63 2
                                    

Mabilis akong naglakad papunta sa bahay namin, buti pala at hindi ako inosente pag sa mga ganitong bagay. Yung ibang mayayaman kasi naasa lang sa driver nila kung san man sila magpunta kaya di nila alam yung ibang lugar at mga nadadaanan nila lalo na yung mga spoiled brat, nganga pagnawala.

Tumingin ulit ako sa relo ko at nalintikan na! Malapit na mag-6 pm! Nakooo! Baka bulyaw nanaman ang maabutan ko!
Sana nandun si Mama, para ipapasa ko sa kanya ang mga sermon ni kuya Clint yun pa naman eh matindi kapag nanenermon.

"Putchang gala naman oo!" kapag minamalas ka nga naman ay tumigil pa ang relos ko! Napahampas na lang ako sa noo ko sa sobrang frustration.

"5:45 na. Dalian mo 6pm uwi ng kuya mo." nakangising sabi ni Daylan habang nakasakay sa brand new niyang kotse. Ayun sakto! HEHEHE.

Binuksan ko ang front seat at muntik na akong matumba dahil akala ko ay nakasarado yun buti pala ang higpit ng pagkakahawak ko.

Umiling iling lang si Daylan na parang ang tanga tanga ko. "Magtanong kase muna kung bukas ba o hindi, basta basta na lang kasing pumapasok ng walang paalam eh ayan tuloy muntik ka ng mahulog. Mabuti na lang at mahigpit ang hawak mo at hindi ka bumibitaw." sa sobrang haba ng sinabi niya ay hindi ko na inintindi at naintindihan ko lang ay pinagmumuka niya akong tanga! Ang tanga tanga ko raw dahil mahuhulog na ako. Yung ang pagkakaintindi ko..

Sobrang ayos na ng upo ko at parang ayoko na ngang tumayo at hindi pa rin niya pinapaandar yung kotse.

"Ano nganga-nga na lang? Dali alam mo namang nagmamadali ako eh!" sabi ko habang hindi mapakali sa kinauupuan ko.

"Relax lang. Baka mabunggo tayo." mahinahon niyang sabi habang pawis na pawis na ko at ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sa sermon ba o dahil kasama at sobrang lapit lang namin sa isa't isa..

"B--bilisan mo!" huminga pa ako ng malalim dahil nauutal ako at hindi ko ramdam kung anong dapat sabihin. Yung tipong nasa utak ko na pero di ko matandaan. Katulad lang nung nag-quiz kami confident na confident pa akong mag-quiz dahil sinoolo ko pa talaga yung mga term at binasa ko lang ang mga meaning at kapag sinuswerte ka nga naman (kung alam niyo ang sarcastic ay alam niyo ang ibig sabihin ko) Puro meanings ang kelangan i-identify... Kung alam niyo lang kung pano ako ngumanga at nangamot sa ulo ng mga oras na yun. Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil wala akong maisagot hindi rin naman ako makakopya dahil one-seat apart ang pwesto, mahuhuli ako pagnagkataon. Halos maiyak iyak ako sa mga sinagot ko... Yun ata ang mga kinain ko nung isang araw iniba ko lang spelling.

"Oy ah? Tense na tense ka naman." tumawa siya at gusto ko siyang pagsusuntukin sa tyan ng hindi na siya makatawa, tingnan lang natin kung makahinga siya pag sinuntok ko siya.

"Bilisan mo kasi! Wala bang gas tong kotse mo at ubod ng bagal?! Jusko sana nanghiram na lang pala ako ng pera sayo." every minute lang ata kasi nagalaw tong kotse niya sa sobrang bagal! O baka naman hindi niya binibilisan?!
"Oy Daylan wag na wag mo kong inuuto dyan. Marunong ka ba talagang magdrive o ano? Jusko paunti unti lang yung tapak mo dyan sa pedal." hindi kasi niya tinatapakan yung pangandar eh kaya sobrang bagal. -.-

Nagiwas naman siya ng tingin at nanlaki ang mata ko dahil muntik na kaming mabunggo ng tricycle kaya agad kong iniliko ang manibela.

"Tengene. Layas nga! Ako na magdadrive leche naman o! Dapat kanina mo pa sinabi." sabi ko habang pinagpapalit ang pwesto namin at ang tigas ng ulo niya at ayaw pang tumayo sa driver's seat.

"Ayoko. Kandong ka na lang kung gusto mo." sabi niya ng may nakakalokong ngiti.

Namula tuloy ako ng wala sa oras. Tumalikod na ako sa kanya at napatingin na lang sa bintana ng kotse niya na may walang kwenta at bastos na driver.

"Utut mo! Bahala ka na nga!" hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagiinit ng pisngi ko kaya tumunganga ako sa bintana ng kotse at unti unti ko tuloy nalimutan na sesermunan nga pala ako ni kuya Clint... Napanguso na lang ako ng maalala ko ang kabastusan ni Daylangot.
Grabe paupuin ba naman ako sa lap niya...
"Uy sineryoso niya raw." panunukso niya sakin habang sinusundot sundot ang tagiliran ko. Hindi ako lumilingon kasi ramdam na ramdam ko pa rin ang pagiinit ng pisngi ko, lalagnatin ata ako bukas.

"ASA! Hmp!" inirapan ko siya saka tumingin ulit sa daan.

"Di raw oh. Pero namumula siya." medyo nagulat ako sa sinabi niya. Ganun na ba talaga ako kapula? 

"O-oy! Di ah. Mainit lang talaga sa kotse mo." pagsisinungaling ko kahit na nilalamig na ako. Tinutok niya sakin yung aircon na sobrang nagpalamig sakin. Hindi naman ako balat kalabaw tulad ng iba.

"Ayan nasa iyo na ang aircon. Baka ipalusot mo pa na nilalagnat ka patingin nga." akma niya sana akong hahawakan sa noo ng pigilan ko siya.

"Wag mapapaso ka sa sobrang init ko pramis." Pagpipigil ko pa. Pansin ko lang di kami naandar.

"Okay lang di naman nakamamatay ang init eh." wala na tuloy akong magawa kundi ang sampalin siya.

"Magdrive ka na nga! Oo na, wala akong lagnat hindi rin ako naiinitan. Putek wag mo nga itapat sakin yan at parang nasa refrigerator na ako." saka ko inalis ang isang aircon na nakatutok sakin at tinutok iyon sa kanya.

"Eh ano pala? Sus, aminin mo na kasing kinikilig kaa~" nakakainis din pala si Daylan paminsan minsan nuh? close ba kami?

"Oo na. Potainis ka. Tulog lang ako." at tuluyan ko ng ipinikit ang mata ko.

"Nagjojoke ka lang ba?" seryoso niyang tanong pero di ko lang pinansin malay ko ba kung mangiinis lang siya.

"Mukha ba kong nagjojoke? Close ba tayo para magjoke ako sayo?" inis kong sagot at tanging malamig na "k." lang ang sagot niya at saka umayos sa pagdadrive. Tumalikod naman ako sa kanya.

_____________________________________________________________________

"Surprised." bungad na bati sakin ni kuya Blaze.

"At may dala ka pa pala ah." sunod na sabi ni kuya Adam.

Lahat sila ay naksimangot at hindi man lang ngumingiti sakin, uwwaaah! Baka di na niloa ako ibili ng ice cream! Lagi kasi nila ako binibilan nun eh hehehe.

Lumabas sa kusina si kuya Clint na may dalang Gallon ng.... ICE CREAM! Akin dapat yun ah?

Naramdaman ata ni kuya Clint ang todong titig ko sa ice cream na hawak hawak niya at sa totoo lang gusto ng tumulo ng laway ko at umurong lang yun ng ... wala  ng laman ang ice cream.

"Ah. Eto ba. Pinaubos sakin ni Blaze at Adam eh. lam mo na hindi ako natanggi sa grasya sorry!" Kaya pala di siya nakasimangot dahil sa kanya pala napunta ang ice cream ko! Yep. Kaagaw ko yan sa pagkain. Pero syempre ako lagi lamang.

"Well, it's good were back to our business." sabi ni kuya Blaze ng nakaCross-arms at ngumiti ng ubod ng sama. Ganyan talaga ang laging tingin ko sa ngiti ni kuya Blaze. Evil smile. Parang laging may balak, yung masamang balak.

Napabuntong hininga na lang ako at yung utak ko na lang ang nakapagsalita

Kelan pa sila tumigil sa pagkapossesive? Siguro utut nila tumitigil.

"Okay. Sanay nanaman ako. Ano namang parusa ko ngayon?" bored kong tanong. Lagi namang ganto eh.

Magsasalita na sana si kuya Adam ng pinalo ni kuya Blaze si kuya Adam sa noo kaya medyo na-out of balance si kuya Adam. Boss talaga tong si kuya Blaze eh. Naka-cross arms pa rin siya.

Bago siya magsalita ay inikot niya ang ulo niya na may kasamang papikit pikit pa. Arte magsasalita na lang eh.

"Join the band of Clint."  

"WHAT? Are you insane Blaze?" napabitaw sa kutsara si kuya Clint sa biglaang sinabi ni kuya Blaze. Well di na ko nagulat balak ko rin naman yun eh.

"Yes, I am and Mae will be the drummer of your group and that's final." tumalikod na sakin si kuya at umakyat sa kwarto niya na sinundan na nagrereklamo na si kuya Clint.

"Goodluck." huling sinabi ni kuya Adam at sumunod na.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now