[MMME II] Journey To Forever

By hyunjiwon_sg4ever

700K 8.7K 1.1K

Do happy endings really exist? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27 [Reposted]
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Hyunji's List (Part I) and Letter of Appreciation
Hyunji's List (Part II)
Epilogue
Special Chapter #1
Coming this 2015
Questions and Trivia
Special Chapter #2
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5
Another Book?
Survey!

Chapter 27

10.9K 146 17
By hyunjiwon_sg4ever

Chapter 27

-Natalie’s POV-

 

“Kamusta ka na anak?” malumanay na tanong sa akin ni Nanay. Tumingin ako sa kanya at mahinang ngumiti at tumango.

“Ayos lang po ako” sagot ko at nakita ko naman siyang ngumiti at marahang hinimas ang buhok ko.

“Uhm, kailangan po ba ako lalabas?” tanong ko.

Ayoko na kasing mag-stay pa dito. Parang mas lalo akong nakakaramdam ng panghihina kapag nandito ako. Gusto ko ng umuwi, hindi na talaga ako makakatagal pa dito. And besides, may gusto akong alamin. May mga bagay akong gustong tuklasin.

Nitong mga nagdaang araw kasi habang tinitignan ko si Lyle, hindi pa rin mawala sa isip ko yung narinig ko mula kina Yneh. Naguguluhan ako, ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko ngayon. May kung anong nagtutulak sa akin to look for answers. At alam ko, hindi ko iyon magagawa kung nandito lang ako.

“Sa pagkakaalam ko pwede ka ng lumabas bukas” sabi sa akin ni Nanay.

Tumango ako at napayuko, bumuntong hininga ako at bumwelo para sa sasabihin ko.

“Nanay, pwede bang…” napatigil ako sandali sa sasabihin ko at bumuntong hininga ulit.

“Pwede bang?” takang tanong niya sa akin. This time tumingin na ako sa kanya.

“Pwede po bang hindi ako sa bahay namin ni Lyle umuwi? Can I stay at our house?”

Pagkasabi ko nun ay nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Nanay. Mukha siyang naguluhan at nalito sa tanong ko.

“Pero bakit? Akala ko ba anak okay na kayo ni Lyle?” naguguluhang tanong niya sa akin.

“Opo, okay na po kami…” sabi ko at tumingin ng diretso “Pero may dahilan po ako kung bakit ayoko po munang umuwi” mahinang sambit ko.

Pinag-isipan ko na ito ng maigi. Alam ko sa sarili ko na gusto kong bumalik kami ni Lyle sa dati gaya ng noon, yung normal na couple lang. Yung walang hard issues. Gusto ko na once we start a family, wala na talagang problema.

Pero alam kong imposible na iyon. Lalo na dahil sa mga nalaman ko, nung mga sandaling nalaman ko iyon. Narealize ko na, may mga bagay pa akong hindi alam, may mga bagay pa akong kailangang malaman. Sa opinyon ko kasi, kailangan naming maresolve lahat ng issues noon para sa mas better na future.

Ayokong magmukhang tanga lang lalo na kung asawa ko na ang sangkot dito. Kailangan kong malaman lahat.

“Sigurado ka ba?” paniniguradong tanong sa akin ni Nanay. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.

“Sigurado po ako”

“Okay, I’ll talk to them. Ikaw na ba ang magsasabi kay Lyle?” tanong niya at umiling naman ako.

“Pwede po bang kayo na rin ang magsabi sa kanya?”

Sa totoo lang mahirap din sa part ko ang gagawin ko. Alam ko sa sarili ko na gusto ko na ulit makasama si Lyle at bumalik sa dati. Kaya alam ko na kapag ako ang nagsabi sa kanya, isang hiling niya lang na bumalik na kami sa bahay, oo agad ako. Hindi ko yun matitiis eh. Napatawad ko nga agad eh. :3

“Okay sige,” yun na lang ang sagot ni Nanay at tsaka ngumiti at niyakap ako. Napapikit na lang ako at niyakap din siya. “Kung yun ang gusto ng baby ko then papayag agad si Nanay” aniya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

“Hayy, ang baby ko magkakababy na rin…” marahan niyang sabi at hinagod niya ng isang kamay ang likuran ko. “Basta kahit anong mangyari maging matatag ka lang anak ha? Andito lang si Nanay para suportahan ka. Mahal na mahal ka ni Nanay…”

Napangiti na lang ako at naramdaman ang pangingilid ng luha.

“Opo, magiging matatag lang po ako lagi. Mahal na mahal ko rin po kayo…” pagkasabi ko nun ay naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko.

“Salamat Nay sa lahat…”

***

“May gusto ka bang kainin? O di kaya inumin?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Lyle sabay hawak sa kamay ko.

“Baliw ka ba? Kakain ko lang kaya…” napanguso ako pagkasabi ko nun.

“Ang konti lang kaya ng kinain mo. Tama ba yun ha?” seryoso niyang tanong sa akin tapos magkasalubong pa yung kilay niya.

Pero putek. Ang gwapo niya pa rin.

“Busog na kasi ako,” sabi ko sa kanya “Tsaka anong konti, ang dami nga nung pinakain mo eh. Grabe ‘to”

Totoo naman kasing busog na ako at totoo rin na sobrang dami na nung pinakain niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang konti para sa kanya eh mukhang pangtatlong tao yung pinapakain niya sa akin.

“Paano ka makakalabas niyan kung hindi ka pa fully recovered ha?”

Hayan na, nagsungit na naman siya. Actually hindi naman siya nagsusungit talaga pero sadyang mukhang masungit lang talaga yung boses niya.

Iniwas ko naman yung tingin ko sa kanya at napayuko. Naramdaman ko naman hinawakan niya yung mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at iniharap sa kanya.

“Sorry…” mahinang sabi ko sa kanya.

“Tss. You don’t need to. Ang sa akin lang naman, gusto kong gumaling ka agad. Gusto kong bumalik yung dati mong lakas. Ayoko ng makita kang nandito ka sa lugar na ito. I don’t want to see lying here in this kind of bed because of pain. I really hate it when I see you in this kind of place because of me, it’s killing me. Gusto ko na next time you’ll be confine in a hospital is because you’re already giving birth to our child” aniya at mahinang ngumiti.

Ngumiti na lang din ako at tsaka pinagmasdan ang mukha niya. He’s smiling but I can see that there’s fear in his eyes. Alam kong nakakaramdam pa rin siya ng guilt dahil sa nangyari. Nasasaktan ako sa tuwing nararamdaman kong nasasaktan pa rin siya dahil sa nagawa niya. Nararamdaman ko iyon eh, hindi niya man pinapahalata pero alam kong iniisip niya pa rin iyon. Dinadala niya pa rin yung bigat nung nagawa niya. Halata iyon sa mga kinikilos niya.

He’s putting himself limitations when it comes to me. Para bang takot na takot siya sa mga gagawin niya. He’s too careful with his actions, I understand him but I don’t want him to feel that way.

Anong silbi ng pagpapatawad ko sa kanya kung hindi naman niya kayang tanggapin ng buo yun?

“Naiintindihan ko,” mahinang sagot ko sa kanya at matipid na ngumiti. “Kaya naman promise ko sa’yo magiging matatag ako at malakas para sa’yo at sa baby natin. I’ll be okay, don’t worry” yun na lang ang nasabi ko at tsaka ngumiti.

Nakatitig lang siya sa mukha ko at hindi tumugon sa sinabi ko. Hinayaan ko lang siyang matahimik at titigan ako pero hindi nagtagal parang naging awkward na yung feeling ko kasi napapansin ko na hindi na sa mukha ko nakafocus ang titig niya kundi nasa labi ko na.

Heto na naman ang rumaragasang heartbeat ko. Napalunok na lang ako. Shet. Bakit bigla akong kinabahan?

Inantay ko na lang na maglapat ang labi namin pero nabigo ako. Lol. Pinikit niya ang mga mata niya at bumuntong hininga tapos tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa mukha ko. Humiwalay siya sa akin at tumalikod.

“Fck! I want to kiss you. I badly want to kiss you. But I can’t, hindi ko kaya. Sht!” singhal niya at nakita ko na napahilamos nito ang kamay niya sa mukha niya.

I bit my lower lip sa sinabi niyang iyon. Heto na ang sinasabi ko. I can sense him that he wants to do it but in the end hindi niya itutuloy.

“Bakit?” I asked, kahit na alam ko naman ang rason niya.

Nanatili naman siyang nakatalikod sa akin. Fudge! Ayoko talagang nakikita siyang ganito.

“Dahil wala akong karapatan, Nat” he said and I can feel the pain in his voice “Pakiramdam ko wala na akong karapatan sa’yo” dugtong pa niya.

Ouch. I know that he’s hurting but I’m hurting too. Ayokong mag-isip siya ng ganyan, nasasaktan ako kapag ganyan siya, I don’t want him to think that way.

“Asawa kita, mahal kita. Kung wala kang karapatan sa akin then sino?” I asked him.

“Mula nung minahal kita, I’m already giving all the rights to you. Mula nung araw na iyon alam ko na sa’yo ako. You already own me. At alam ko dun na you… you already have the power to destroy me. You can break my heart anytime” marahan kong sabi at huminga ng malalim “Pero alam ko na kahit magawa mo iyon, alam ko na maayos mo pa rin ako. May tiwala kasi ako sa’yo. May tiwala ako kasi mahal kita. I’m taking risk because I know that I love you. You have my heart… you have my everything” pagkasabi ko nun ay hinarap na niya ako.

“Nat…”

“Kaya wag mong isiping wala kang karapatan sa akin. Dahil habang ikaw ang tinitibok ng puso ko, may karapatan ka sa akin. Ikaw lang ang may karapatan sa akin” I said and give him a sweet smile.

“Pero natatakot ako… Fck! Natatakot ako na baka masaktan kita. Sht! I’m so scared to the point that I need to stop myself to do things that I want.” pag-aamin niya at bigla siyang napayuko.

“But I also give you the right to hurt me”

“Hindi, ayoko Nat… I already caused so much pain to you and I know na madadagdagan pa iyon. Sht! Natatakot na akong masaktan ka pa ulit”

“But I rather experience pain with you that losing you. Hindi kita kayang mawala Lyle” I broke my voice when I said it. Namumuo na naman yung mga luha sa mata ko.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

“Shhh,” pag-aalo niya “I can’t promise you anything, ayoko ng mangako Bebe Ko. But I’ll make sure na hindi ako mawawala. Hindi ako mawawala sa’yo. Hindi kita iiwan dahil maging ako, hindi ko rin kakayaning mawala ka. I’ll be here on your side. I love you” pagkasabi niya nun ay agad ko siyang niyakap.

“Kaya wag mo ng isipin na wala kang karapatan sa akin okay? Sinasaktan mo na naman ako nun eh--“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung kumalas siya sa yakap ko at humarap sa akin.

Halos napaatras ako nung biglang nilapit ni Lyle yung sarili niya sa akin pero natigil iyon nung mahapit niya ang likod ko at inilapit pa sa kanya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako nung ilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.

“Mahal kita,” bulong niya sa may labi ko banda “Mahal na mahal kita” pagkasabi niya nun ay agad kong naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa akin. Napapikit na lang ako at dinama iyon, he didn’t move. Nakalapat lang talaga yung labi niya sa labi ko.

Humiwalay din siya agad kaya napadilat ako at tinignan siya.

“Lyle…” marahan kong pagtawag sa kanya

“Shh, don’t call my name with that kind of voice. It makes me want to kiss you more”

Pagkasabi niya nun ay agad na umakyat ang dugo sa mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

“Ewan ko sa’yo!” singhal ko.

“Mahal kita” aniya at marahan niyang hinaplos ang pisngi ko gamit ang kanang kamay niya.

“Nat,” aniya “Wag kang susuko sa akin ha?” napatingin naman ako sa kanya at kasalukuyan siyang nakatingin sa akin gamit ang mapupungay niyang mata.

“Hindi kita susukuan Lyle” sabi ko sa kanya.

“Promise, kahit anong mangyari I’ll stay by your side. I’ll never give up on you” pagkasabi ko nun ay ngumiti ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

I promise that I’ll be with you until forever… kahit gaano pa kahirap ang daan papunta doon. Hindi ako susuko, hindi.

 

“Uhh, Lyle pwedeng magtanong?” tanong ko sa kanya kaya napakunot yung noo niyang tumingin sa akin.

“Ano yun?” takang tanong niya

“Nung gabing…” natigilan ako saglit pero ipinagpatuloy ko rin “Nung gabing yun, lahat ba ng sinabi mo sa akin… do you mean all of it?” napayuko ako pagkatapos kong tapusin yun.

Napatingin din naman agad ako sa kanya nun at nakita kong lalong kumunot yung noo niya.

“Anong sinabi ko? Nat, sa totoo lang wala akong maalala sa nangyari o sa ginawa ko except dun  sa ginawa kong paglalapastangan sa’yo by forcing you to do it. Pero yung iba wala na akong maalala Nat. Hindi ko talaga maalala. Fck! Ano bang ginawa ko sa’yo nung gabing iyon?” punong-puno ng pagtataka at pag-aalala ang itsura niya.

Natigilan ako sa reaksyon niyang iyon. Hindi niya maalala? Pero paanong?

“Ano pa bang ginawa at sinabi ko sa’yo nun? Sinaktan pa ba kita? Sht! Bakit kasi wala akong maalala?! Tell me, ano pang ginawa ko?” tanong niya sa akin sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

Hindi ako makapaniwalang hindi niya maalala yung mga sinabi niya nung gabing iyon. I know that he’s drunk that night pero bakit wala siyang maalala?

“You were drunk that night,” sabi ko sa kanya “Pero bakit hindi mo naaalala? Hindi ba kahit naman nalalasing ka ng sobra hindi mo pa rin naman nakakalimutan yung nagagawa mo? Pero bakit hindi mo maalala?” takang tanong ko.

Oo, kahit naman nakainom si Lyle hindi niya nakakalimutan yung mga nagagawa niya. Pero bakit ngayon nakalimutan niya? Ang weird lang.

“Ano bang ginawa ko?” aniya “Hindi ko din alam kung paano ako nakauwi. Ang naalala ko lang, nasa bar ako sa isang hotel umiinom then… fck! Hindi ko na talaga maalala yung nangyari. Tell me what happened?”

“Pinagbintangan mo ako na may something kaming ginawa ni Dominic” mahina kong sabi sa kanya at humarap sa gilid “Akala ko that time sobrang babaw ng tiwala mo sa akin kasi pinagbibintangan mo akong may ginawa kami nung wala ka wherein fact nag-stay lang ako sa bahay at inaantay kang makabalik” pagkasabi ko nun ay agad siyang lumayo sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

“Then I forced you?” mahinang tanong niya at mahina akong tumango.

Nakita kong kinuyom niya ang kamao niya at ang pagtangis ng panga niya.

“Ahhhh sht! Tngna?! Nagawa ko yun?! Fck! Sht! Ang gago ko! Tngna!” mariing bulyaw niya at halos sabunutan na niya yung sarili niya.

Hayyy, I shouldn’t open that topic. Para tuloy gusto kong tumayo dito at pakalmahin siya.

“Lyle tama na,” pag-aawat ko sa kanya “Hindi ko alam na hindi mo pala naalala yung nangyari. Hindi ko na dapat pala--“

“Shhhh,” sabi niya at agad niya akong nilapitan “Tama lang na malaman ko kung ano pang mga kademonyohan ang nagawa ko sa’yo. Fck! P**a****a!”

“Huyy, grabe ha?! Kanina ka pa mura ng mura. Naku naku hindi dapat yan mamana ng anak natin” nailing kong sabi sa kanya. I’m trying to calm him. Baka mamaya bigla niya na lang suntukin ang sarili niya. Nakakatakot kasi siyang tignan kapag nagkakaganyan siya. Parang anytime pwede siyang makapanakit. 

Napatigil naman siya at mukhang kahit papaano ay kumalma naman siya.

“Sorry Bebe Ko,” sabi niya “Natakot ba kita? Sorry talaga” aniya sa isang malambing na boses.

“Medyo,” sabi ko “Ikaw naman kasi eh, bigla-bigla ka na lang nagwawala diyan. Napaka-polar bear mo talaga no?” sabi ko at tsaka pinitik yung noo niya.

“I’m sorry” aniya at ibinaon niya yung mukha niya sa may kama. “Sorry talaga Nat, hindi ko talaga alam kung anong sumapi sa akin at nasabi at nagawa ko iyon sa’yo. Nakakahiya na tuloy harapin ka”

“Huy! Ang baliw netong lalaking ‘to” sabi ko sa kanya at tsaka siya inalog para tumingin sa akin.

“Tss. Tama lang siguro yung desisyon ni Mama na doon ka muna tumira sa kanila. Baka mamaya ano na naman ang magawa ko sa’yo”

So nasabi na pala ni Nanay sa kanya?

“Uy Lyle.” Pagtawag ko sa kanya “Feeling ko alam ko na yung solusyon diyan,” pagkasabi ko nun ay agad siyang tumingala sa akin.

“Ano?”

“Hindi kaya dapat na tayong tumawag ng albularyo? Baka may naninirahan ng demonyo sa’yo at kailangan na natin yang paalisin diyan sa katawan mo? Sa tingin mo?” sabi ko at nilagay ko pa ang kamay ko sa may baba ko at nag-isip isip pa.

“Baka kasi yun na yung kumokontrol sa’yo, o hindi kaya may kalahating anyo ka?” I said then I snapped.

“Sabi na eh! Hindi ka talaga anak ni Ma at Pa eh! Hindi ka ata talaga tao! O baka kalahating tao ka tas kalahating demonyo! Alam na!”

“Sa tingin mo ba Bebe ko ganun ako? Ganung klaseng tao ang napangasawa mo?” sabi niya at tumango-tango ako

“Dapat ko na bang alamin ang totoong identity ko Nat?” seryosong saad niya at tumango-tango naman ulit ako.

“Paano kung malaman mong hindi pala ako tao? Will you leave me?” tanong niya pa at seryoso siyang nakatingin sa akin.

“Hindi kita iiwan. Mahal kita eh”

“Tss. Ibang klase ka ring mag-isip eh. Tigilan mo na ang panunuod at pagbabasa ng mga kakaibang storya Bebe ko. Kung anu-ano mga pinag-iisip mo eh!” sabi niya sa akin habang naka-poker face.

“Ahehehehe. Kala ko mauuto kita doon eh, pinapagaan ko lang mood mo” sabi ko kanya at nagpeace sign pero nakapoker face pa rin siya sa akin.

“Tss. Magpahinga ka na nga,” aniya at mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya.

“Dito ka lang ha? Wag mo akong iiwan” sabi ko sa kanya.

“I won’t leave you…” aniya at hinawakn na ang kamay kong nakahawak sa kanya at mahigpit itong hinawakan.

***

Kamusta naman ang Chapter na ito? Comment kayo guys ah? Bili din kayo MMME Book! :) 

Malapit na tayong matapos, mamimiss niyo ba ang MMME? Lol! Hahaha. Thank you guys! Wala talagang forever mga bhe :'( Lol! Hahaha.

Vote| Comment| Be a Fan          

Continue Reading

You'll Also Like

15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
4.7M 61.1K 42
And story of the Varsities and the Barbie dolls continues…. Si Alessandra Nicole Ramirez Fajardo, anak ni Andrew at Tanya Fajardo na tinaguriang powe...
5.2M 70.6K 98
Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION
4.5M 165K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...