Worthwood Academy

By PrincessCreamyCake

5.2M 161K 42.8K

"There's another heartbeat in the darkness." Worthwood Academy, a school where extraordinary is only ordinary... More

Prologue | Identity Seek
WA 2 - Little Wanderer
WA 3 - The Twin's Imaclum
WA 4 - Watch Your Back
WA 5 - Unexpected Friendship
WA 6 - Psycho-Telepathy
WA 7 - Went Overboard
WA 8 - Sleeping Beauty
WA 9 - Nydumm and Portals
WA 10 - The Fire Imaclum's Capacity
WA 11 - Intangible Magic
WA 12 - Cold Corpse
WA 13 - Unleash The Codes
WA 14 - Answer
WA 15 - Caught On Act And The Talk
WA 16 - The Cursed Heir's Blood
WA 17 - Fire and Ice
WA 18 - Train To Fight
WA 19 - Mystical in Mystic Forest
WA 20 - Arro's Cursed Heir
WA 21 - A Monster And A Traitor
WA 22 - What Exactly Happened?
WA 23 - Physical Transitions
WA 24 - Unveiled Truth
WA 25 - Finally Captured
Last Chapter - The Day He Cried
First Half Epilogue
Prologue | Distracted Reality
WA [DR] 26 - The Real Journey Starts
WA [DR] 27 - Memories of Them
WA [DR] 28 - Fly With Me
WA [DR] 29 - Behind His Attitude
WA [DR] 30 - The Jerk Just Smirked
WA [DR] 31 - Garden Pixies
WA [DR] 32 - Good Luck, Nathalia
WA [DR] 33 - Parade of the Challengers
WA [DR] 34 - Bolt Spear
WA [DR] 35 - Stolen Memories
WA [DR] 36 - Right Time
WA [DR] 37 - Anything For His Happiness
WA [DR] 38 - Time for Bullshits
WA [DR] 39 - You're My End Game
WA [DR] 40 - Give Up and Fall
WA [DR] 41 - Insensitive
WA [DR] 42 - Winter Season
WA [DR] 43 - Feel At Home
WA [DR] 44 - Make Up Your Mind
WA [DR] 45 - Now, Shut Up
WA [DR] 46 - Turn Down The Tables
WA [DR] 47 - Actions Without Words
WA [DR] 48 - Honesty Or Pride?
WA [DR] 49 - Make It Worth The Slap
WA [DR] 50 - Not Fighting Back
WA [DR] 51 - Everything is a Wreck
WA [DR] 52 - Of Course
WA [DR] 53 - More Important
WA [DR] 54 - One of a Kind
WA [DR] 55 - Last Chapter
Second Half - Epilogue
Special Chapter | A Story of a Lifetime
Special Chapter 2 | Another Pulse
BRIZ'S STORY

WA 1 - Elemental Curse

330K 6.7K 2K
By PrincessCreamyCake

CHAPTER ONE

ELEMENTAL CURSE

Summer ended fast like it's only a glimpse. I did not even enjoy the whole duration of it. I only spent my summer inside my room like a sick person that has contagious disease.

When summer ends, that only means one thing... Pasukan na naman. It's the time of the year that I hate the most. Hindi naman sa ayaw kong pumasok, hindi lang talaga pwede. I stopped going to school since I was 11 years old. From then and now, I only stayed in our house while my Mother personally tutors me with the things that I needed to learn. Baka kasi kapag umapak pa ako sa labas, magkagulo. People do not want me around near them. They hated me for the strongest reason... and I fully understand why.

Paranoia is eating me up. Whenever I see a familiar person, nanginginig ako kaagad. Pagkatapos ng insidenteng nagbago ng buhay ko, hindi ko na magawang harapin ang mga tao. Even if I wanted to, I just really can't.

Natatakot ako.

Minsan, nakakabaliw na ang masyadong pamamalagi sa bahay namin. Marami akong naiisip na hindi naman dapat. I am too paranoid even in the smallest things. Iniisip ko palagi na may mangyayaring masama.

I am cursed.

That's how people describe me. Sadly, ganoon rin ang tingin ko sa sarili ko.

Ako na mismo ang lumayo sa kanilang lahat. Ako na mismo ang naglayo sa kanila sa kapahamakan.

I decided to isolate myself to keep everyone safe from me. Even if my Mother tells me that, what happened before wasn't my entire fault, I still don't trust myself that much to take the risk of being free.

Seven years ago...

It was my 11th birthday. At the exact midnight, naramdaman kong para akong sinisilaban sa sobrang init. Para akong inaapoy ng lagnat. May kung anong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag sa loob ng katawan ko.

Hindi ko kayang pigilan...

Kapag pinipilit kong huwag intindihin, mas lalong lumalakas ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

Sobrang init. Nakakapaso.

Parang nagliliyab sa init ang buo kong katawan.

I was so scared. Walang magawa si Mama kaya sa sobrang takot ko, tumakbo ako palabas ng bahay. Hanggang ngayon, naririnig ko pa rin ang mga boses. Paulit-ulit... Madalas na hindi ako pinapatulog ng mga boses na humihingi ng saklolo sa kung sino man.

Maling-mali na lumabas ako ng bahay sa puntong iyon. Mali na naging mabilis ang takbo ko at nadapa ako sa nakahilerang tuyong dahon ng kapitbahay namin. Mali na nagawa kong masunog ang lahat sa bayan namin.

Because of what happened, everything changed.

Nagbago ako.

Nagbago ang pakikitungo ng lahat sa akin. Maling-mali ang paglabas ko sa aming bahay. Dapat pala tiniis ko na lang ang pakiramdam na 'yon. Dapat nakinig ako sa Mama ko. Dapat hindi naging matigas ang ulo ko talaga.

Nasunog ko ang buong bayan namin.

Of all the people in Greacugon, I was the chosen one to bear the rarest Imaclum.

The Fire Imaclum.

It is one of the most powerful Imaclum in Greacugon. Sadly, it is I who was chosen. The said Imaclum is cursed—that's what most people describe it. The last person who has it, killed the entire specie of hawks and accidentally caused a massive wildfire. Sa isang iglap lang, everything was burnt out. It was one dangerous Imaclum. Kaya noong nalaman nilang ako ang sumunod na nagkaroon ng ganoong Imaclum, takot na sila kaagad sa akin.

Noong sumapit ang ika-labing isang kaarawan ko, ay siya ring itinakdang panahon para sa paunang paglabas ng Imaclum na taglay ko. Dahil sa sobrang lakas ng pwersang iyon, nakaya kong masunog ang buong bayan namin.

I was left dumbfounded after what happened. I heard that there are many casualties. Mga namatay at napahamak. Nevertheless, what pained me the most was, I saw my father died in front of me. Mas masakit makita ang sarili kong kadugo na namatay ng dahil sa akin.

I blamed myself. Ako ang dahilan kung bakit wala na ngayon si Papa. I killed him. I killed him with my very own Imaclum.

Until now, I still can't control the force that's coming out from my hands. Kusa itong naglalabas ng maliliit na apoy. Whenever I try to stop it, mas lalo lang lumalala. Siguro nga, Fire Imaclum is a curse. And I, Nathalia Delacroix am the chosen cursed person in the whole Greacugon.

If only I could choose what Imaclum, then my life would not be this messy.

I do not want this! This Imaclum brings out worst in me. I lived in fear because of this.

All my life, I never wished to have this kind of element. I only dreamed of something less, not this. More is for evil. Sadly, I have this more and I now call myself evil because of what happened. Nevertheless, life is really giving me a hard time. Seems like, even the Gods and whoever it is, despised me for living in this world.

I was left with no choice, but to live my life miserably.

My Mother, Esme, barged in. She smiled at me sadly. "Are you all set? Kailangan mo pa ba ng tulong anak?" tanong niya.

Umiling ako, "Hindi na po, Ma. Tapos ko na lahat." Sagot ko.

Naupo si Mama sa dulo ng kama ko. Pinasadahan niya ng tingin ang mga dadalhin ko sa pag alis ko mamaya, "Halika nga rito anak," inilahad niya ang nakabukang mga braso at hinihintay ang paglapit ko sa kanya. Ngumuso ako at tumabi sa kanya. Niyakap niya ako at hinagod ang buhok ko. "Mami-miss kita Nathalia... Alam mo namang ngayon lang tayo magkakahiwalay, di ba? Kaya ikaw, magpakabait ka doon anak. Wala ang Mama para samahan ka sa school." Paalala niya.

Napakagat-labi ako dahil sa mga sinabi niya. Pagkatapos ng pitong taon, ngayon lang ulit kami magkakahiwalay ni Mama.

Mahina akong tumango, "Naiintindihan ko po..." Sumandal ako sa balikat niya. "Ma, ayoko na pong maulit iyong dati. Ayaw ko nang makulong dito sa bahay at mamuhay na natatakot." Mahina kong sambit sa kanya. Ramdam ko ang mga mabibigat na hininga ni Mama. "Kahit ako, natatakot sa sarili ko. Ayoko nito Ma... Ayoko."

May mga tao pala talagang natatakot kahit sa sarili nila. Isa ako sa mga tao na 'yon. Kung pwede lang sanang makipagpalit ng katawan, ginawa ko na. Sayang lang at wala talaga.

Ayoko na sa ganitong buhay, iyong konting galaw lang, lahat ng tao nakatutok na sayo na may talim at takot sa mga mata. Pakiramdam ko, para akong demonyo na naglalakad sa dagat ng mga mabubuti at inosenteng tao. Ganoon ang tingin ko sa sarili ko.

Mama Esme frustratedly sighed. "Anak alam kong hindi mo pa rin napapatawad ang sarili mo sa nangya—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, "Totoo naman po. Ako naman talaga ang may kasalanan kaya nangyari ang sunog. Walang ibang pwedeng sisihin kung hindi ako lang." Pinilit kong ngumiti sa kanya.

She looked at me warily with pain and pity.

Ma, I don't need the pity party right now. I just need a peace of mind. I thought.

Mama was there for me when I needed her the most. Hindi niya ako iniwan kahit na ako rin ang dahilan ng pagkamatay ni Papa. Hindi niya ako sinisi. Pilit niyang sinasabi sa akin na aksidente lang ang nangyari at hindi ko sinadya ang nangyaring sunog.

Ang nakakainis lang, kahit anong gawin ni Mama, sabihin niya man ang mga magagandang salita, hindi ko talaga magawang alisin sa isip kong ako ang may kagagawan ng pagkamatay ng maraming tao. Even if I turn the world upside down, it won't change the fact that I was the one who caused it all.

Now, I'm risking another chance. Yesterday, I received an important letter... A letter from Worthwood Academy. Binibigyan nila ako ng pagkakataong makontrol ang sarili kong kapangyarihan sa maayos na pamamaraan. Papag-aralin nila ako para maging matinong tao.

"Huwag mong sabihin 'yan Nathalia!" Pagalit na saway ni Mama saka pitik sa noo ko. "Wala kang kasalanan. Huwag mo ng isipin ang nangyari dati! Ngayon, kailangan mong pagtuonan ng pansin ang pagpasok mo sa Worthwood. Iyon na lang anak..." May bahid ng pagsusumamo ang tono ni Mama.

Napailing ako, "Ma, nangyari na... Tanggap ko na lahat." Nginitian ko siya. "Tsaka marami ang nakakita ng ginawa ko noong gabing 'yon. Okay naman akong ikaw lang ang naniniwala sa akin. Ang mahalaga, hindi mo ako iniwan."

Ayoko nang mabigyan ng maling pag-asa. Ayoko na rin umasa.

"Anak, alam mong mahal na mahal kita. Kailan man, hinding-hindi kita iiwan."

"Ma. Tama na..." Sabi ko at tumayo. Napabuntong hininga ako at pinalibot ang tingin sa mga naka impake kong damit. "Eto na, may pagkakataon na akong maiayos ang sarili ko. Ma, gusto kong matutunan ang paggamit ng Imaclum ko. Delikado, alam ko. Pero mas delikado kung hindi ko kayang kontrolin ulit ito! Baka maulit na naman ang kinatatakutan ko. Tama naman sigurong nagtago ako sa katotohanan ng halos pitong taon dahil sa takot. Worthwood nalang ang pag-asa kong magbibigay sa akin ng kalayaan."

Ito nalang ang pinakamabisang paraan para sa katahimikan ng kalooban ko.

Tahimik siya habang nakatingin sa mga mata ko. "Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo, anak. Basta Nathalia, tandaan mo palagi na mahal na mahal kita..."

"Salamat Ma." Ngiti ko. "Alam ko kung bakit parang ayaw mong umalis ako. Mami-miss mo ako, no?"

Napangiti siya sa sinabi ko, "Pasensya ka na Nathalia, ayoko lang talaga mahiwalay sayo."

"I know Ma. Ako rin naman e. Ayokong iwan ka mag-isa rito sa bahay... Pero kailangan ko 'to eh."

'Yon lang talaga ang gusto ko.

Amazed is an understatement to what I am feeling right now. Ngayon lang ako ulit tumapak sa labas ng bahay namin. The cold air welcomed my raging anxiety. The outdoors seems so relaxing and beautiful. For the past years since I have decided to stay indoors, napag-aralan ko ang mga lugar na nakakapaloob sa Greacugon.

Reading them through the thick pages of a book fuels my imagination to how magnificent our place is. When I turned fourteen, ipinangako ko sa sarili kong pupuntahan ko ang lahat ng iyon. Greacugon is worthy to be explored even in its darkest corner.

The Enchantresses and Magisters really did made a good job producing such fine work. Greacugon is a piece of art and no one can ever top that.

North offers the bluest ocean and the valleys are magnificent with sparkling water. Three regions from the North; Kehs is an island fortress where a lot of ports are placed and surrounded with a small village. It has a numerous active volcanoes that may erupt anytime. It has the picture perfect views with a lot of different kinds of flowers. The sun rises in the north and the trees stand so tall and proud. Second is the Strenush, an island across Kehs. Some says, there are only few people who lives there. Lastly, Dohent Keep, the capital in the north where brothel's can be found.

The West has the greenest big trees of all the places. Mas maraming itong kagubatan kumpara sa ibang lugar. Marami rin ang pixies at Volq—alive trees that can talk and move. It has four regions namely; Qledan, where most abandoned villages are situated. Galk Land, narrowly in between Vless Hills in the upper south and Vlorh in the east. Fretar Pinnacle, Worthwood Academy is in the heart of the region. It is the most sacred place in the west. Criur, the highland of Greacugon. The highest peaks can be found and the mountains formed like a protected wall against intruders.

Meanwhile, East is the center of life. It has the markets and the well-known Council Palace in which the high ranking officials of Greacugon resides. Knerahm is the biggest market among all the markets in Greacugon. It's a village wide and it is situated in Vlorh. Rayh Peak, the most populated region among all the regions.

Lastly, South was once the asylum of traitors. There were ancient towers and abandoned huts around the region of Hulm Loch. Vless Hills has the widest grassland but rumored to be haunted because it was a former graveyard of late King's army.

All of it are inside Greacugon. North, West, East and South do not have the same climate every year round. They have alternate seasons and weathers. If North experiences winter, East may experience summer while South and West either have Fall or Autumn. Vice versa.

Can you even imagine how big and magnificent the place is? No one will ever doubt and regret living in a place like that.

It's just that, I was once deprived of my rights to go out and explore my place. I was stipped off from everything. I read the book for how many times. From that, parang nasa labas na rin ako ng bahay namin. Parang ako na rin mismo ang nasa lugar iyon. Now that I finally have my chance, I will never let anyone take that away from me.

Nagpaalam ako sa kanya sa huling pagkakataon. Lahat ng bagong estudyante ng Worthwood Academy ay nasa circle na. Lahat handa na para sa pag-alis namin ngayon. Nakita ko si Mama na kumaway sa akin paalis sa kinatatayuan niya kanina. Nginitian ko siya at naglakad na papalayo.

Hindi ko na magawang lumingon pa dahil alam kong kapag ginawa ko 'yon, tatakbo ako pabalik sa kanya at hindi na itutuloy ang pagpasok sa Worthwood.

Pero dahil sa kagustuhan ko, titiisin kong huwag lumingon.

Naging mahirap din sa akin ang paglabas ko ng bahay kanina. Sa pagtapak ko pa lang, ang mga mata ng mga taong nakakita ay parang papatay na. May ibang nagbulong-bulongan pa nang makita ang dala ko. Walang nangahas na lumapit, lahat may matalim na tingin at parang sinusumpa ako.

Tiniis ko ang mga tingin nila. Bumubulong na lang ako ng Okay lang. Kaya ko 'to. Paulit-ulit sa sarili ko.

Isang matandang lalake ang nagtipon sa amin sa isang masukal na daan. It was a dead end. Marami kaming estudyante kaya medyo nagsiksikan kami.

Sa pinakadulo ng daan, may isang malaking pader. Tanging mga tuyong dahon lang ang mayroon sa paligid nito. Walang ka dise-disenyo. Lahat kami nakatutok sa gagawin ng matanda.

Sa sumunod na nangyari, lahat kami napatulala. May ibinulong lang ang matanda saka isang napakaliwanag na ilaw ang lumitaw sa pader. Para itong may sinusundan na pattern. Ilang segundo ang tinagal, pero nang nawala na... Isang malaking pintuan ang nabuo. Isang maliwanag na pattern ang nasa gilid na kumukorteng mahiwagang portal.

"Welcome to Sleekhedo." Anunsyo ng matanda. Inilahad niya ang pintuan, "Once you enter the portal, there's no more turning back..." Pumila kaming lahat at isa-isang pumasok ang mga estudyante sa loob. Naglaho na lang ang mga ito na para bang kinain sila sa loob ng pader.

Nagsimula na akong kabahan. Pinanuod ko muna ang iba. Nakatayo ako sa pinakadulo. Kinakabahan pa rin ako dahil alam ko kapag nakapasok na ako, hinding hindi na ako pwedeng umatras pa. Kaya ngayon palang, habang may oras pa ako, pag-iisipan ko ulit.

Hindi ko namalayang nakatayo na pala sa tabi ko ang matanda. Pinasadahan ko siya ng tingin. Kulubot na ang mukha niya at may mga pantal-pantal na siya sa balat. May nakasabit na malaking medalyon sa leeg niya habang maigi niyang hawak ang tungkod.

I cringed when he smiled, he has no teeth but he's kind of creepy.

"Katulad mo rin siya noon."

Siya? Sinong siya ang ibig niyang sabihin?

"Sino po ang tinutukoy ninyo?" hindi ko mapigilang magtanong.

He only smiled as if he knew something but he won't tell anyone. Inilahad niya lang ang daan. Tatlo na lang kaming naiwan na hindi pa nakakapasok. "Sana ay makamtan mo ang matagal mo nang inaasam. Sa pagpasok mo sa Worthwood, magbabago ang lahat." Makahulugan niyang sambit at paunti-unting naglaho sa paningin ko.

Isang maliwanag na ilaw ang bumungad sa akin pero unti-unti itong nawala nang makita ko ang ibang estudyanteng nagkalat sa paligid. Namamangha ako sa mga nakikita ko. Nasa tuktok ng bundok kami katapat ng Worthwood Academy. Tanaw na tanaw ang buong Worthwood Academy mula sa kinatatayuan namin. May malaking espasyo ito at napapalibutan ng maraming gusali.

Hindi basta-basta.

"Sundan niyo lang ang daan na 'yan." May isang matandang babae rin ang naghihintay sa amin, itinuro niya ang daang patungo sa mismong gate ng paaralan. "May sasalubong sa inyo kapag naroon na kayo."

Sinundan ko lang ang iba pang estudyante papunta doon. There are a lot of thoughts that are running in my mind.

In the middle of thinking, a soft voice spoke beside me, I looked at her with fear—a fear that she'd recognize me. I'm just lucky that we came from different places, if not; probably all of these people around me will throw rocks at me for being the cursed one.

"Are you okay?" She asked.

She looked like a doll with her bob cut hair. She has fair complexion and a hazel nut eyes. I immediately looked down and stepped back.

"Y-yes. Okay lang ako."

Ngayon lang ulit may naglakas ng loob na kumausap sa akin. "Sigurado ka bang okay ka lang? Parang nahihirapan ka kasi sa mga gamit mo." Nginitian niya ako at sinabayan sa paglalakad.

Dumistansya ako ng konti sa kanya. "Oo, kaya ko naman ang mga 'to." Sagot ko. Hindi naman talaga mabigat, sadyang marami lang talagang ipinadala sa akin si Mama.

Napahinto ako nang bigla siyang magsalita ulit, "Alam mo, hindi mo naman dapat iniiwasan ang ibang tao. Dapat nga mas lumakas ang loob mo, kasi finally, you took another risk. Ipamukha mo sa kanilang lahat na handa kang matuto at makontrol ang dating sumira sa kanila at lalo na sa sarili mo." She knew! Kilala niya ako. "No offense meant ah, pero 'yon kasi talaga ang nasa isip ko. You don't have to run away with it all the time. I think it's better to accept the fact that you have an extraordinary Imaclum with you... Kilala kita." She smiled and tapped my back. "Not all people who knows your name hates you. In fact, I want to be your friend."

That made me shut up. For the first time after seven years, finally, a person who has no grudges, talked to me. That must be something!

"If you're wondering, we are neighbours. We used to live in the same village Nathalia Delacroix." That means... She was also a victim of the fire! "Yes, you managed to burn our house, but fortunately, wala kami sa bahay nung mangyari ang sunog... My family and I are not blaming you for that. To think, normal lang naman ang nangyari sa'yo. Alam mo kung bakit? Dahil nangyari din 'yon sa akin. Mas maaga nga lang kumpara sayo. Kasi 'yong sa akin, lumabas siya nung Ika-siyam kong kaarawan. Ganoon, muntikan nang maging swimming pool ang buong bahay." Saka siya natawa. "Kaya ikaw, kahit gaano man kalaki 'yong nangyari noon, wala na tayong magagawa. Tapos na kasi. It's better to live in the present than feel guilty about what happened in the past. We can no longer undo those, so let's just moved on."

Napangiti ako sa sinabi niya, "You know what, aside from my Mama, ikaw ang pangalawa na naniniwalang wala nga akong kasalanan. Thank you for that..."

"Really?" She asked enthusiastically. "Wow."

Hindi kasi talaga ako sanay na may taong lumalapit sa akin. Iba pa rin talaga ang pakiramdam. Kadalasan kasi galit sila kapag humaharap sa akin at sisisihin ako sa nangyari noon. Tanggap ko na ang mga ganoong eksena. Sanay na sanay na ako sa ganoon.

"Anong pangalan mo?" We talked but she hasn't introduced herself yet.

She chuckled and shook her head, "Xynthea... Xynthea Summers. I'm a witch."

"Call me Thalia, Xynthea." I said.

She smiled, "Shall we? Tayo nalang ang naiwan." Saka niya ako hinila at tumakbo kami papunta sa mga estudyanteng medyo malayo na sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

412K 15.1K 64
Former A KPOPER IN 1894 [ Mariano Brothers Series #1 ] COMPLETED ✔️ Naniniwala ka ba sa Reincarnation? Pano kung malaman mong nabuhay ka na pala noon...
171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
6.1M 181K 58
The story is about a young lady who do not know her real identity. She grew up believing that her life is petfect and everyone around her is flawless...
10.3K 493 63
When Monarch High students discuss intelligence and dominance, it's always between Hurricane and Wynd. Their feud escalates to the point where their...