She's A Bad Girl

By Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... More

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 17

85.2K 2.2K 310
By Sweetmagnolia

      

                                                                 ****

Magtatalumpung minuto ng nakatambay si Jacob sa labas ng isang classroom. Padaan-daan na sa harap niya ang mga nagpapansin at kinikilig na mga estudyante. Usually he felt awkward at situation like this pero nanatili pa rin siyang nakatayong mag-isa sa hallway.

Hinihintay niyang matapos ang klase ng mga nanakit kay Miisha. Sekreto niyang kinausap sina Claribel at Jesusa at sinabi ng mga ito ang totoong nangyari. Pagkatapos ay dito na nga agad siya dinala ng mga paa.

Nang maglabasan ang inaantay na klase'y inihanda niya agad ang sarili na harapin ang tinatawag nina Claribel na grupo daw ng Pinky Fairies. Nang makita siya ng isa sa mga babae'y napangiti agad ito sabay tawag sa mga kaibigan.

"Girls andito si Jacob oh!" tili nito.

Nginitia't kinawayan niya ang mga ito. Dali-daling lumapit sa kanya ang tatlong babae.

"Hi Jacob!" halos sabay-sabay na bati ng mga ito.

"Hi!" malugod na sagot niya.

Kinilig ang tatlo sa ganting bati niya kaya mas lalo pa itong lumapit sa kanya na animoy binabakuran siya mula sa iba pang mga dumadaang estudyante.

"Anong ginagawa mo dito mag-isa Jacob? Are you here to talk to our professor?" tanong sa kanya ng pinakabossy sa tatlo. He remembers their faces but not their names.

"I'm here to see you guys...." Naningkit ang mga mata niya sabay turo na kunway inaalala ang mga pangalan ng tatlong kaharap.

"I'm Cheska," kusang sagot ng nasa gitna who has the most authoritative aura among the three.

"Beverly Joyce," sabi ng nasa kaliwa.

"Farrah," ani ng nasa kanan.

"R-Really you're here to see us?!" namimilog ang mga mata at may kalakasang sabi ni Cheska na sadyang ipinaririnig ito sa mga dumadaan.

"Yap. Pwede ko ba kayong kausapin sa medyo tahimik na lugar?" maamo't may ngiting sabi niya.

Napatili ang tatlo sa sinabi niya.

"Sure!" mabilis na sagot ni Cheska.

Sinama niya ang magkakaibigan sa likod ng isa sa mga main buildings.

"Anong sasabihin mo Jacob?" di makapag-antay na ika ni Farrah.

Saka lamang hinarap ni Jacob ang mga babae nang may seryosong-seryosong mukha.

"Why did you do that to Miisha?" walang paligoy-ligoy na tanong niya.

Biglang natigilan at napatanga ang mga kausap.

"W-What do you mean?" medyo kinakabahang ika ni Cheska.

"Who caused the wound in her face?" matigas na tanong niya.

"We don't know what you're talking about," napapalunok at nagmamaang-maangang tanggi ni Cheska.

He shrugged. "Sige kung ayaw niyong aminin then expect me to ignore you starting today. I'll refuse all your gifts and among the girls kayo lang ang hindi ko na papansinin at kakausapin," ngingisi-ngising sabi niya.

"Siya ang tumisod!" Magkasabay na tinuro nina Farrah at Beverly ang kasama. Pinandilatan naman ang mga ito ni Cheska sabay bigay sa kanya ng isang malambing na ngiti.

"Okay, I admit I did it. Pero hindi ko sinasadya. Siya ang may kasalanan dahil hindi siya nakatingin sa daan,"katwiran nito.

"Kapag ba hindi nakatingin ang isang tao sa nilalakaran niya,you're already allowed to trip that person?" he asked with sarcasm.

Di agad nakasagot ang kausap. Ngumiwi ito. "Kasi naman she tried to take away the food we gave to you."

He chuckled. "She didn't take it from me. I gave it to her."

"But it seems that she's jealous to us kaya hinaharang niya ang mga ibinibigay namin sayo," komento ni Farrah.

"Oo nga!" dagdag ni Beverly.

"Don't assume things that aren't true," depensa niya kay Miisha. "Next time you bully or hurt her again, ako mismo ang magdadala sa inyo sa dean's office. I don't tolerate violence," madiing banta niya.

"Bakit mo ba siya pinagtatanggol? Do you like that bad girl?" may tampong tono ni Cheska.

"I have my reasons to protect her but I don't think I'm obliged to explain them to you....I'm done talking. Thank you for your time."

Tatalikod na sana siya ngunit may isa pa siyang naalala. "Ah you should apologize to Miisha. Kapag tinanggap niya ang apology niyo saka lamang ulit kayo pwedeng lumapit sa akin."

"What?!" sabay-sabay na bulalas ng tatlo.

"If you can't do it. Then you guys can start hating me right now."

He turned his back. Iniwan niyang nakayuko't di makaimik ang mga babae.

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga habang naglalakad. Pasensiyoso at maunawain siyang tao pero hindi niya kayang palampasin ang ginawa ng mga ito sa isang taong wala namang kasalanan. Gumaan ang pakiramdam niya habang iniisip na kahit papaano ay naipangtanggol niya si Miisha.

"JACOB! JACOB!"

Boses ni Miisha.

He panicked inside. Hindi pa siya handang harapin ito after what he did last tutorial session. Wala pa siyang naiisip na magandang paliwanag upang huwag mabahiran ng ibang kahulugan ang kanilang pagkakaibigan.

"JACOB!"

Binalak niyang balewalain ang babae ngunit napalingon na siya sa direksiyon nito kanina at alam nitong nakita niya na ito. Napilitan siyang tumigil sabay kabadong hinarap ito.

She's grinning from ear to ear while running towards him with a paper in her hand. Nang makalapit ito'y hindi agad ito nakapagsalita sa sobrang pagkahingal. He looked carefully at her face. Naka ponytail na ang buhok nito, exposing her right cheek with skyblue band-aid. Walang bakas ng pagka-asiwa sa mukha nito as if nothing wrong happened between them.

"W-What's with the excitement?" napapalunok na sambit niya.

"Tsadaaaaan!" namimilog ang mga matang ipinakita sa kanya ni Miisha ang hawak na papel. "Forty over fifty five! My nat.sci exam!"

"R-Really?" nakamulagat na tiningnan niya ang test paper. "Wow you got a good score now!" di makapaniwalang bigkas niya.

Miisha grabbed his hands. Tuwang-tuwa at tila batang napapatalon ito sa saya. "See? I told you you're a good teacher too!"

"It's not because of me. It's your willingness to learn," puri niya.

"Dahil pa rin ito sayo. Kung hindi mo ako pinagtiyagaang turuan di pa rin ako matututo," masayang sabi nito habang nanatiling nakahawak sa kanyang mga kamay.

Tinitigan niya ito ng ilang saglit. Walang bakas ng pagkukunwari ang reaksiyon nito. She's really happy and she has no sign of discomfort around him. Nakahinga siya ng maluwag. It seems that what happened last time wasn't a big deal to her. Sa tingin niya'y hindi niya na kailangang magpaliwanag and there's no need to bring it up too.

Natauhan si Miisha mula sa pagkakahawak sa kamay niya nang mapansin ang mga nakaismid na estudyanteng nakatingin sa kanila. Dali-dali nitong binitawan ang kanyang mga kamay at nahihiyang ngumiti.

"S-Sorry. Masyado ata akong na-carried away sa tuwa," paliwanag nito sabay naasiwang tumingin sa mga estudyante sa paligid nila.

He smiled and tapped her shoulder. "Don't mind them."

Tiningnan niya ang nakaband-aid nitong pisngi. "Kumusta ang sugat mo? Do you regularly put medicine on it?"

She nodded and pouted. "Oo! Kasi nga sabi mo it shouldn't leave a mark or else mas lalo akong papangit," kunway nagtatampong sabi nito.

Natawa siya ng mahina. "I was only joking. Pero pwede ko ring seryosohin para seryosohin mo rin ang regular na paglalagay ng gamot."

Iningusan siya nito at binigyan ng matatalim na mga titig.

"Sorry, let's not ruin your mood," tatawa-tawang sabi niya.

They started walking together. Inalok niya itong ihatid sa susunod na klase.

"Ah by the way Miisha, the last time you passed Mathematics, Kyle treat you for lunch. Let me treat you this time too," alok niya.

"Huwag na. Nilibre nyo na nga ako ni Kyle kahapon."

"That was out of concern but this time it's a congratulatory lunch," he reasoned out.

Umiling ang babae. "Okay na sa akin yung mga bigay sayo ng admirers mo. Masasarap naman."

Biglang nawala ang mga ngiti sa mukha ni Jacob. "No. You can't have them anymore!" madiing wika niya.

"Bakit naman?" dismayadong tugon ni Miisha.

He looked at her right cheek. "You got that wound because of those gifts."

Natigilan si Miisha. "Huh? How did you know-"

"I heard from Claribel and Jesusa."

Tumungo ang babae.

"Don't touch the gifts baka sa susunod ibang grupo naman ang mam-bully sayo. If you're hungry, just tell me. I'll buy any food for you."

"I'm not doing it because I'm hungry," matamlay na sagot ni Miisha.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong ika ni Jacob.

"I'm doing it for Laarni."

"Ano naman ang kinalaman ni Laarni sa paghingi mo sa mga regalo sa akin?"

Miisha gave him a lazy smile. "Alam mo Jacob minsan may pagkainsensitive ka rin."

"What are you talking about?"

"Hindi mo ba alam na nasasaktan si Laarni kapag nakikita niyang maya't mayang lumalapit sayo ang mga babae? And yet you still amiably entertain the attentions their giving to you. Getting those gifts from you is the least that I can do to make her feel better."

Jason laughed softly. "Are you starting to involve yourself now in my relationship with Laarni?" 

"Gusto ko lang namang mabawasan ang nararamdamang sakit ni Laarni kapag nakikita ka niyang nireregaluhan ng mga admirers mo tapos wala siyang magawa. What if magkaroon kayo ng misunderstanding dahil diyan? Tapos mag-away kayo...t-tapos maghiwalay kayo. If you get hurt, I'll feel bad for you too," malungkot na sagot ng babae.

Her words just touched his heart. He never expected a carefree person like Miisha to foresee problems out of concern. Pero higit sa lahat natutuwa siya na lumalabas na naman pagiging inosente nito sa isang bagay.

"Miisha I hope you won't mind me asking this, nagkaboyfriend ka na ba?"

"H-Hindi pa..."

"Have you experienced falling in love?"

Umiling ito.

"My guess is right," he said chuckling.

She blushed.

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Jacob saka siya ngumiti't tumingin sa kausap. "Laarni and I love each other. And when you love a person, trust is a must. Hindi mo ito hahayaang masira o mawala dahil lamang sa isang bagay na kagaya ng pinag-aalala mo. I understand my girlfriend is somehow uncomfortable for what she sees for now but we need to endure it until such time when we're ready to reveal our relationship... Akala mo ba siya lang ang nagtitiis, I feel the same way too when some guys freely express their admiration for her. But it doesn't bother me that much because we have trust and deeper faith in one another. Our love can't be destroyed with small things like these."

"S-Sorry. I don't intend to underestimate you. G-Gusto ko lang kasing may magawa naman ako para sayo."

Tiningnan niya si Miisha nang may masiglang mukha. "Alam ko namang maganda ang intensiyon mo but please stop worrying about me and Laarni. Tingnan mo ang nangyari sayo. You got hurt because of me."

Hinawakan ni Miisha ang may band-aid na pisngi. "Naku, huwag mong alalahanin to. Para ito lang, malayo pa ito sa bituka," pabirong sabi nito.

Miisha stopped all of a sudden. Nagmamadali itong nagtago sa kanyang likuran.

"What's wrong?" takang ika niya.

Natanaw niya ang grupo nina Cheska na naglalakad papalapit sa kanila. Lumipat siya ng pwesto upang sadyang huwag takpan ang nagtatagong babae.

"Bakit ka umalis?" reklamo ni Miisha.

"There's no reason for you to hide," kaswal na sabi niya.

Her brows furrowed. Nagtataka kung bakit alam niyang may pinagtataguan ito. Nang makalapit ang tatlong babae, tila maamong batang kumapit ito sa braso niya na parang gusto pa ring magtago sa kanyang likuran. Natigilan lamang ito nang mapansin ang maamong hitsura ng mga babae.

He looked at the three ladies. He raised his eyebrows and made it obvious na hinihintay niya ang dapat nilang sabihin kay Miisha.

"M-Miisha...." maamong salita ni Cheska habang napapalunok.

"A-Anong kailangan niyo?" naghahalong kaba at pagtatakang sabi ni Miisha. Bumitiw siya sa braso ni Jacob nang mapagtantong baka pag-isipan na naman ng masama ng mga kaharap ang pagkakahawak niya sa lalaki. Hindi siya natatakot na baka saktan siya ulit ng grupo. Ang ikinatatakot niya ay baka di siya makapagpigil at manlaban siya.

Tumingin muna si Cheska kay Jacob and he only responded with a cool shrug. Tumingin ulit ang babae kay Miisha.

"I-I'm sorry," mabait ngunit hirap na hirap na bigkas nito.

"Huh?" gulat na sambit ni Miisha.

"We're sorry too!" sabay at napapayukong sabi nina Farrah at Beverly.

"We promise that we'll not bully you again. We won't mind too kahit pa lagi kang kasama ni Jacob," malumanay at mahinang salita ni Cheska.

Di makapaniwala si Miisha sa nakikita't mga naririnig. Ang mga supladitang babae'y yumuyuko at nanghihingi ng tawad sa kanya?

"Please forgive us Miisha."

Maamong tumingin sa kanya ang tatlo habang hinihintay ang sagot niya.

She gave them an awkward smile. "Ah-eh... okay na, kalimutan na lang natin yung nangyari. Ayoko rin namang may makasamaang loob dito sa campus."

Nagliwanag ang mukha ng mga babae at agad ang mga itong tumingin kay Jacob.

"You heard that Jacob? She'd forgiven us which means we can still approach you!" tuwang-tuwang sabi ni Cheska.

Naguguluhang tumingin si Miisha kay Jacob.

"Sigurado kang pinapatawad mo na sila?" tanong ng lalaki sa kanya.

She nodded in confusion. "I don't have any reason not to since they already admitted their mistake," paliwanag niya.

"Yes! Thank you Miisha. We promise na hinding-hindi na yun mauulit!"

"O-Okay," she answered dumbfoundedly.

"Salamat! Bye Jacob!" tuwang-tuwang paalam ng tatlo.

Miisha looked at Jacob with curiousity. "May ginawa ka ba para humingi sa akin ng sorry ang pinky fairies?"

"I confronted them. Sa palagay mo ba magsasawalang kibo lang ako after they messed with your ugly face?" he shrugged and kidded.

Tumahimik ng ilang sandali si Miisha. Inirapan niya muna ang kasama dahil sa biro nito hanggang sa pasimple siyang napapangiti habang naglalakad. Her heart fluttered. Hindi niya akalaing magagawa ito ni Jacob para lamang maprotektahan ang isang kaibigan sa kabila ng iniingatan nitong good boy image.

"Why are you smiling at yourself?" puna ni Jacob.

"Because I'm happy. Ganito pala ang pakiramdam kapag may nagtatanggol sayong lalaki," napapangiting tugon niya.

He silenced for a while and stared at her. Bigla siyang nag-alala. Di kaya namisinterpret nito ang sinabi niya?

"P-Please don't get me wrong. What I mean by that is a man who'll protect me...like a big brother," mabilis na pagklaro niya.

Natawa ito ng mahina. "Of course that's what you mean. Meron ka pa bang ibang pwedeng maging ibang kahulugan?"

"W-Wala na," napapalunok na sagot niya sabay lingon sa ibang direksiyon upang iiwas sa kasama ang namumulang mga pisngi.

                                                -----

"HI GUUUYYYYSS!!!"

Muntik ng mabilaukan ng sabay-sabay sina Jacob, Laarni at Kyle sa bigla-biglang pagsulpot ni Miisha sa kanilang mesa.

"What? Akala ko ba wala ka sa mood mag-lunch ngayon dahil inaatake ka ng creativity mo. Do the images finally stopped getting inside your head?" komento ni Jacob matapos uminom ng tubig.

Excited na naupo si Miisha sa tabi ni Kyle.

"Hindi naman ako pumunta dito para kumain. May naalala lang ako," she said with glowing eyes.

Inilabas niya ang Ipad. She showed them a very relaxing picture, a field of golden grasses sorrounded by nearby foggy mountains and giant trees.

"What about this picture?" naguguluhang tanong ni Jacob.

"Gusto mo ba yang ganyang lugar Laarni?" tanong ni Miisha nang may abot tengang mga ngiti.

"Yes, it's beautiful and very invigorating. This place looks like a wheat field," komento ng dalaga.

"That's right! Parang sa ibang bansa di ba? How about you Kyle? Are you into this kind of place?" excited na tanong niya.

"Hmmm... I find it impressive. Is this somewhere foreign?" ani Kyle.

"Akala mo sa ibang bansa di ba? Pero dito lang to sa Pilipinas. It's located in Bataan. Ang ganda di ba?" masiglang sabi niya.

"Diretsuhin mo na nga kami Miisha. What do you want to say?" di makapag-antay na bigkas ni Jacob.

Nagpalinga-linga muna si Miisha to make sure no one was listening. She leaned closer to them and whispered. "Sabi ni Laarni mahilig daw kayo sa outdoor adventures. Bakit di niyo subukang magcamping sa lugar na to?"

"That's a great idea," pabulong na sagot ni Laarni.

Napabuntong-hininga naman si Jacob. "Did you skip your lunch because of this?"

"Yes," walang pag-aatubiling sagot ng babae. "Because I want to go this place too. I want to do a painting there."

Napalingon si Kyle sa narinig. "Really? Then let's go. If it's the calling of your creativity then we will support you all the way."

"Talaga?!" Miisha exclaimed with a wide smile.

"If Jacob and Laarni can't make it, then I'll go with you."

"Okay lang sayo?" di makapaniwalang tanong ni Miisha.

"No problem. Jacob already saw your paintings pero ako, I'll get the chance to witness you paint," pabirong wika ni Kyle sabay ngingiti-ngiting tumingin sa kaibigan.

"Wait a minute Miisha," sabat ni Jacob. "Are you trying to show this place to us para puntahan namin or you're inviting us to go with you?"

"Wala naman akong mga gamit pangcamping. Pinapakita ko sa inyo itong lugar para puntahan niyo tapos isama niyo ako," may lambing na paliwanag ni Miisha.

Natawa si Jacob. "Ibang klase ka naman palang freeloader, ikaw pa ang nasusunod sa gusto mong lugar."

"I think she suggested a good place," wika ni Laarni.

"Oo nga naman Jacob. Pagbigyan na natin si Miisha," pagsuporta ni Kyle.

"Nag-susuggest lang naman, kung ayaw mo di okay lang. Kyle said he'll go, kaya sa kanya na lang ako sasama," kaswal na sagot ni Miisha sabay ngiti nito sa katabi.

Jacob raised an eyebrow. Tiningnan niya ang reaksiyon ni Kyle. He noticed the glow on his face. Lately, pansin niyang masyado itong enthusiastic whenever Miisha is around. Noong una'y ayaw niya itong bigyan ng malisya pero ngayon it seems that his friend is getting more and more obvious.

"I didn't say we won't go," he quickly retracted. "Pag-iisipan muna namin kung kelan."

"Sige. Sabihin niyo na lang sa akin kapag nakapagdecide na kayo!" masayang sabi ni Miisha sabay tayo.

"Saan ka na pupunta?" tanong ni Jacob.

"Alis na ako. May gagawin pa ako."

"Hindi ka man lang ba kakain kahit konti?" wika ni Kyle

" Nope. Busog pa ako. Bye!"

Sinundan ni Kyle ng tingin si Miisha habang papalabas ito ng canteen. And when she's gone, he shook his head. "Tsk, minsan napakaunpredictable talaga ng mood ng mga artists," he remarked with a smile.

Hindi nakaligtas sa mga mata ni Jacob ang reaksiyon ng kaibigan.

  

"Kyle, do you like Miisha?" walang paliguy-ligoy na tanong niya.

Kyle chuckled and shrugged. "Well... she's cute. She has this side of personality which I find funny and adorable."

"I think so too. Actually Miisha has a hidden bright personality. And she's a natural beauty. Hindi lang talaga siya palaayos," dagdag ni Laarni.

"She's cute and pretty," pahabol ni Kyle.

Ngumiti si Laarni. "I think you and her will look good together."

Jacob isn't happy about what he's hearing. He stopped eating at seryosong hinarap ang mga kasama. 

"Don't talk about our member that way," madiing salita niya sabay inom ng tubig. "We're here to help with her study and encourage her to change for the better." Binigyan niya si Kyle ng isang makahulugang tingin. "We don't lend our hands to our member for any romantic purposes."

Tumahimik ng ilang sandali sina Kyle at Laarni.

"Don't worry. As an officer, I'm not planning to break our rules. I'm just being vocal with my opinion about Miisha to you guys because you're my friends," mahinahong paliwanag ni Kyle.

Tila nanuyo ang lalamunan ni Jacob sa sinabi ng kaibigan. Patay-malisyang itinuloy niya ang kinakain. Nagkaroon ng katahimikan sa gitna nila ni Kyle hanggang sa hindi siya nakatiis na huwag ulit itong pag-usapan.

"I promised Miisha to treat her like a sister. Sorry if I overreacted, masyado pa kasi siyang inosente pagdating sa mga ganyang bagay," paliwanag niya ng may halong pagpapaalala.

"I know and I have no plan on tainting that innocence," seryosong sagot ni Kyle. "I don't see any mistake if I express my fondness over her." He swallowed hard and gave Jacob a humble look.

"Wala naman akong balak ligawan si Miisha.... for now. Liligawan ko siya kapag nakagraduate na ako and when I'm no longer an officer of White Lambs. That will be less than a year from now."

Naubo si Jacob sa walang kapreno-prenong pag-amin ni Kyle. Bigla siyang napaalalahanan na kahit nga pala tatahi-tahimik ang kaibigan ngunit pagdating sa babae ay wala itong kahit kaunting hibla ng katorpehan sa katawan.



Continue Reading

You'll Also Like

800K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
183K 2.9K 6
ALWAYS BE MY MISS NUMBER 1 SPECIAL CHAPTERS (MGA EKSENA AT BUHAY-MAG-ASAWA NINA NATHAN AT MILES BEFORE THE EPILOGUE IN ABMMN1 BOOK 2)
854K 27.9K 34
Standalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2...