The Falling Game (EndMira: Ic...

By alyloony

35.5M 725K 170K

Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang... More

Prologue
Chapter 1 *Timi*
Chapter 2 *Transfer Students*
Chapter 3 *Mr. Ice*
Chapter 4 *voice *
Chapter 5 *Rika Forteza*
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (06/14/14)
Chapter 15 (7/7/14)
Chapter 16 (08/18/14)
Chapter 17 (08/27/14)
Chapter 18 (09/07/14)
Chapter 19 (09/16/14)
Chapter 20 (09/29/14)
Chapter 22 (10/15/14)
Chapter 23
Chapter 24 [11/1/14]
Chapter 25 (11/3/14)
Chapter 26 (11/05/14)
Chapter 27 (11/6/14)
Chapter 28 (11/16/14)
Chapter 29 (11/21/14)
Chapter 30 (11/24/14)
Chapter 31
Chapter 32 (12/1/14)
Chapter 33 (12/5/14)
Chapter 34 (12/7/14)
Chapter 35 (12.7.14)
Chapter 36 (12/10/14)
Chapter 37 (12/19/14)
Chapter 38 [Last Chapter]

Chapter 21 (10/03/14)

739K 16.3K 4K
By alyloony

Chapter 21

 

[Timi’s POV]

 

Nakakainis na yelong lalaking ‘yon! Ang bipolar niya masyado! Ganda-ganda na nang namumuong atmosphere sa’min dalawa sukat mag init bigla ang ulo! Hayop siya, ‘di ko makalimutan ang ginawa niya!

            Lagpas 24 hours na ang nakakalipas simula nang sigawan ako nung Yelong lalaking ‘yon pero ‘di pa rin ako maka-move on. Hindi ako makakuha ng strength sa kung saan para pakalmahin ang nag wawalang galit sa puso ko.

            Paano ba naman, ako na concern ako pa sinigawan? At ba’t idinaan niya sa pagpapalayas sa taong nagluto para sa kanya ang galit niya? Sana ‘di ba hinalikan na lang niya ako para everybody happy?!

            Kakainis talaga!

            “Timi, mula kanina pa pag-pasok natin ka naka-simangot diyan. Hanggang ngayon na uwian na, naka-simangot ka pa rin?” sabi ni Rika sa akin habang sinisilip niya ang mukha ko. Naka-patong kasi ang ulo ko sa arm-chair ko at malayo ang tinatanaw ko sa bintana ng classroom namin.

            “Okay lang. Kahit naka-simangot ako, maganda pa rin ako,” sabi ko naman sa kanya.

            “Alam ko naman ‘yun. Pero sino ba ang dahilan nang pag-simangot mo?”

            Inangat ko ang ulo ko at tinignan ko si Rika na mukhang concerned na concerned sa’kin

            “Rika, pagka ba may taong nagpapakita sayo ng concern, ano mararamdaman mo?”

            “Hmm… syempre ma-t-touched ako—“

            “Exactly!” sabi ko bago pa niya matapos ang sinasabi niya. “Di ba matutuwa ka? Ma-to-touched ka? ‘Di ba? Patunay lang na abnormal ang isang yun kasi imbes na matuwa siya sa pagka-concern ko eh sinigawan pa niya ako! Nakakainis!”

            “Eh, sino ba yung tinutukoy mo?”

            Ipinatong ko ulit ang ulo ko sa armchair ko at bumuntong-hininga.

            “Isang lalaking abnormal pero gwapo,” malungkot kong sabi sa kanya.

            “Okay lang ‘yan Timi. Baka naman ayaw lang niya pag-usapan sa ngayon ang problema niya kaya ganun.”

            “Pero abnoy pa rin siya! Hmp!”

            “Timi…” hinagod-hagod ni Rika ang likod ko na para bang sinasabi niyang wag na akong malungkot.

            Kahit papaano naman gumaan ang pakiramdam ko. Iba pa rin pala pag mag babae kang kaibigan. Yung gentle. Yung malambing. Pagka kasi may problema ako at EndMira ang kaharap ko, katakot-takot na pamamrangka ang sasabihin nila sa’kin. Harsh sila mag comfort to the point na sarap nila minsan patikimin ng flying kick.

            Medyo nagiging okay na ako nang magulat ako dahil may isa pang kamay na pumatong sa balikat ko.

            “Anyare diyan?” dinig kong sabi nang isang lalaki kaya naman napalingon agad ako at nakita ko si Kite na parehong nakaakbay sa’ming dalawa ni Rika at naka-ngisi ng malawak.

            “O, dyan ka pala Saranggola.”

            “Ba’t naka-simangot ka? Gutom ka ba?”

            Umayos ako ng upo kaya naman napa-bitiw si Kite sa braso ko pero nakita ko ang kabila niyang kamay na nakapatong pa rin sa braso ni Rika.

            Tinignan ko si Rika at halos matawa ako sa itsura niya. Paano kasi, parang halos hindi na siya humihinga sa kinalulugaran niya at hindi siya gumagalaw. Para bang na-bato siya doon.

            Pero syempre pinigilan ko ang tawa ko para hindi mahalata ang pamumula ng mukha ni Rika at for sure, kinikilig ‘yan.

            “Ba’t ka nandito, Saranggola?” tanong ko kay Kite habang nakataas ang kilay ko sa kanya.

            “Kelan ka pa nagsimulang tawagin ako niyan ha? At isa pa, na-mi-miss kasi kita at yayayain sana kita kumain ng meryenda,” hinatak niya ang kamay ko. “Tara! My treat!”

            Ay ang landi nung lalaki. At ang manhid pa.

            Lumingon siya kay Rika, “and you too! Sumama ka ah?” ngiting-ngiti niyang sabi rito.

            “Uhmm, h-hindi ako pwede. M-may gagawin pa ako. Sige bye!” nag mamadaling kinuha ni Rika ang mga gamit niya without looking at mus. She muttered a quick goodbye at me at dire-diretso na siyang lumabas sa classroom.

            “Galit ba sa’kin si Rika?” tanong naman ni Kite habang nakatingin pa rin sa pintuan kung saan lumabas si Rika. “Ba’t parang iniiwasan niya ata ako? Tas hindi niya pa ako tinitignan.”

            “Loko ka kasi.”

            “W-what did I do?”

            “Ewan. Basta sabi niya sa’kin galit na galit siya sa’yo at never ka na niyang mapapatawad for the rest of her life!” pag-iimbento ko naman.

            Biglang na-alarma ang itsura ni Kite dahil sa sinabi ko at para siyang nataranta na ewan.

            “Uhm tara na kumain na nga lang tayo!” at muli niyang hinatak ang kamay ko.

            “Ayoko. ‘Di ako gutom. Tsaka nalaman mo na na galit sa’yo si Rika, hindi mo man lang siya susundan?”

            “Okay lang na sundan ko siya?”

            “At ba’t ka naman nag papaalam sa’kin? Jowa ba kita?”

            “Wala lang. Baka mag-selos ka eh. Kawawa ka naman,” pang-aasar pa niya sa’kin.

            Hinampas ko nga. Ang landi talaga eh.

            “Pero, susundan ko siya ha?” duktong pa niya.

            “Ay naku! Sundan mo na lang kasi!”

            “Eto na nga! See you around, beautiful!” at kinindatan pa niya ako bago siya tuluyang lumabas.

            Sinundan nga nang loko.

            At mga lalaki talaga! Dali-dali ako iniiwan! Mag sama-sama silang mga hayop sila!

            Dahil wala nang magagawa ang pag mu-mukmok ko rito sa classroom namin, naisipan ko na lang na pumunta sa music room kung saan may practice ang banda.

            Oo alam kong makikita ko ang yelong lalaking ‘yon! Pero ‘yun naman talaga ang gusto ko. Ang makita siya at ipamukha sa kanya na hindi lang siya ang may karapatang mandedma. Hmp!

            May dala pa naman ako ngayong cowboy casserole. This time, luto naman ito ni daddy. Aba! ‘Di hamak na mas masarap ito kesa doon sa gawa ko. Bahala siya mag laway.

            Dumaan muna ako sa cafeteria para ipa-heat yung pagkain then afterwards rumampa na ako papunta sa music room dala-dala ang malaking tupperware ko na may lamang cowboy casserole.

            Pagka-pasok ko, saktong tumutugtog ang Endless Miracle kaya walang nakapansin sa pag dating ko.

            At dahil dakilang vocalist si yelo, siya agad ang kapansin-pansin sa kanilang lahat habang kumakanta siya.

           

♪ Anyone can close their eyes

Pretend that nothing is wrong

Open your eyes

And look for light

O...” ♪

 

            Naka-pikit si Ice habang kumakanta pero halata sa facial expression niya na feel na feel niya ang pag kanta.

            Bakit ganyan niya? Marunong naman pala siya mag react. Hindi naman pala siya palaging poker face. Pero dapat ba talagang kumakanta siya para lang mailabas niya ang mga emosyon niya?

            Kung sabagay nag labas nga siya ng emosyon sa’kin, galit nga lang. At pinalayas pa ako sa bahay nila.

            “Timi! May dala kang pagkain?!” sabi ni Ayen at dali-dali niyang iniwan ang gitara niya at tumakbo papalapit sa akin.

            “Hello rin Ayen! Grabe mas pinansin mo pa ang pagkaing dala ko kesa sa’kin!”

            “Hi Ms. Beautiful,” bati ulit ni Ayen pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa tupperware na hawak-hawak ko. Inagaw pa nga niya ‘to sa’kin at binuksan agad.

            ‘To talagang isang ‘to!

            “Uyyyy hindi ko alam kung ano ‘to pero amoy masarap! Guys kain kayo oh.”

            “Wow ha! Luto mo ‘yan? Iyo ‘yan? Makapag-alok ka!”

            “Pero para sa’min naman talaga ‘yan ‘di ba?” sabi naman ni Geo na ngayon ay naka-akbay na sa akin at ang ganda nang ngiti.

            “Para kanino pa nga ba? Luto ‘yan ng the great Chef Stephen Cruz kaya for sure magugustuhan niyo ‘yan.”

            Hindi na ako masyado pinansin ni Geo at Ayen. Dali-dali na sila pumunta doon sa lamesa at inupakan ang dala kong pagkain.

            “Uy William, Jasper, kumain na rin kayo ng cowboy casserole na dala ko!” tawag ko sa dalawa ko pang kaibigan habang dinidiinan ko ang salitang “cowboy casserole” para mainggit si Ice na sinadya kong hindi alukin.

            Manigas siya diyan!

            “Uy mukhang masarap ‘yan pre ah!” sabi ni Jasper na papalapit na rin sa’min.

            “Naman!”

            “Uy Ice, kain tayo o!” pag aaya naman sa kanya ni William kaya agad kong tinignan si Will ng masama.

            “Oo nga Ice, may dala si Timi na pagkain oh! For sure para sa’yo talaga ‘to!” gatong pa ni Jasper.

            Anak ng bwisit naman ang mga ‘to oh! Sinasadya ko ngang hindi alukin tas sila kung makapag-alok feeling sila may dala ng pagkain!

            Siniko ko si Jasper sa tyan habang ang sama pa rin ng tingin ko kay William.

            “Ooops!” napatakip bigla ng bibig si Will. “Sorry Timi, mukhang pa-hinhin epek ngayon. Sige na, ipag lagay mo na ng pagkain si Ice at dalhin mo na sa kanya. Promise ‘di ka namin aasarin!” binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti na sinabayan naman ng tatlong ungas sa tabi ko nang malakas na tawa.

            Anak ng tupa ‘yan! Eto ba yung hindi inaasar eh dinig na dinig ni Ice mga pinagsasasabi ng mga hayop na ‘to? Mga bwisit sila! Hindi ba sila pwedeng maki-ride on sa pagpapakipot ko ngayon ha?

            The perks of having a guy best friendsssss

            Hindi ko magawang tignan tuloy si Ice at pakiramdam ko nag iinit ang mukha ko. Pero oy sa galit ‘yan at hindi sa hiya ah! Ilang beses ko nang pinagka-landakan na gusto ko siya, mahihiya pa ba ako? Pero nakakainis lang talaga ang apat na ‘to! Galit kasi ako kay Ice ngayon! Galit! Tas ngayon pa nila ako piniling asarin.

            “Teka! Timi nag b-blush ka ba?!” tanong ni Ayen sa’kin habang naka-silip sa mukha ko.

            “Oo nga! Timi namumula mukha mo!” gatong pa ni Geo.

            “Mga hayop kayo!” sigaw ko at bago pa dumagdag sa pang-aasar sina Jasper at William, nilayasan ko na sila.

            Mga walang utang na loob! Matapos kong dalhan ng pagkain eh ipapahiya ako ng bongga? Ma-impacho sana silang apat!

            Nag punta na lang ako sa locker ko para kunin ang mga gamit ko. Ayoko na bumalik sa music room. Mamaya mag init pa ang ulo ko doon at mag wala ako bigla. Maka-sira pa ako ng instrument at i-friendship over ako ng mga ungas. Uuwi na lang ako sa bahay at itutulog ko na lang ito. Mag-iisip na lang din ako ng panibagong way para ipa-dama kay Ice ang galit ko sa paninigaw niya sa’kin.

            Isang Stephanie Mikael Perez, sinigawan niya? What the paking tape!

            Padabog kong isinara ang locker ko at lalayas na sana ako nang may biglang humarang sa dinaraanan ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Ice.

            Sa dinami-rami naman ng makakasalubong oh!

            Lumiko ako para iwasan siya pero lumiko rin siya para harangan ako.

            Anak ng--! Nananadya ba ang isang ‘to?

            Tumingala ako para tignan ang mukha niya. Oo tingala talaga kasi ang tangkad ng damuhong ‘to. Nakita ko naman na seryoso rin siyang naka-tingin sa’kin.

            “What?!” iritang sabi ko sa kanya.

            Oh my gash! Na “what?!” ko si Ice! Natarayan ko siya kahit isang word lang! Magpapa-party na ako!

            Kaso ang bwisit hindi man lang sumagot at patuloy lang akong tinitignan ng seryoso.

            Kainis namang tingin ‘yan oh. Kung siguro tinitignan niya ako ng malagkit ngayon eh baka napatawad ko pa siya. Kaso hindi eh.

            “Kung plano mo lang akong titigan nang ganyan hanggang sa malusaw ako eh pwede bang lumayas ka na sa daraanan ko kasi marami pa akong gagawin!”

            Ha! Natarayan ko ulit siya! Ako na talaga!

            “Huh,” tanging sagot lang niya sa sinabi ko.

            Anak ng ASAGDAJKSHAKUEAWUEGKJAS!!!

            “Dami mo satsat,” dagdag pa niya at bago pa ako makapag-isip ng isasagot sa kanya, bigla niyang hinawakan ang wrist ko at hinila ako palabas.

            W-wait! Hinihila niya ako palabas! Kikidnapin ba niya ‘ko?!

            Oh my gosh!

            I love it!

            “U-uy! S-saan mo ako dadalhin?”

            “Samahan mo ‘ko,” sagot niya nang hindi nakatingin sa akin at tuloy tuloy lang sa pag hatak.

            “Saan? Sa langit?”

            This time huminto na siya at nilingon ako.

            “Nood tayo sine.”

            My jaw literally dropped.

            Nood---kami---sine?

            Tama ba ang dinig ko? Manonood daw kami ng sine?!

            Is he asking me on a date?!

            Bigla akong napangiti nang malawak.

            “Wag kang mag assume nang kahit ano. May gusto lang ako panuorin at ayoko manuod mag-isa. Since wala si Erin, ikaw ang niyaya ko,” pag papaliwanag naman niya na para bang nababasa niya ang nasa-isip ko.

            Nawala agad ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya.

            “So rebound ako ganon?”

            “Parang ganun na nga.”

            Ay hayop na lalaking ‘to! Rebound lang pala ako! At umamin talaga siya na ginagawa niya akong rebound! Bwisit siyaaaaa!

            “And my way of saying sorry,” halos pabulong niyang sabi at nag-lakad na siya patungo sa kotse niya.

            Bigla ulit bumalik ang ngiti sa labi ko.

            Eh eyen nemen pele eeeehhh! Mag so-sorry naman pala siya, dami pa niya sinabi!

            Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya.

            Manonood na kami ng sine at nag sorry na siya, aarte pa ba ‘ko?

To be continued

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 66.2K 17
Mahal kita, ikaw na best friend ko.
28.3K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...
531K 14.3K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
28.9M 742K 46
Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad, Timi thought she've finally moved on fr...