She's A Bad Girl

By Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... More

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 16

81.9K 2K 326
By Sweetmagnolia

   

                       ****

"Hi Miisha!"

Napalingon si Miisha sa tumawag sa kanya habang papalabas siya ng classroom.

"Laarni? Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit siya sa babae.

"I'm waiting for you," malumanay na sagot nito. "It's your breaktime, right?"

"Oo."

"Would you mind if we stroll the school together?" maamong tanong nito.

Nakutuban niya na ang totoong pakay nito. Kagaya ni Jacob, tiyak na kakausapin rin siya ng babae tungkol sa nalaman niya.

"Sure," nakangiting sabi niya.

They started walking. Huminto si Laarni sa tapat ng isang vending machine at naghulog ng barya. Kumuha ito ng dalawang juice at ibinigay sa kanya ang isa.

"Thanks," tugon niya habang tinatanggap ang inumin.

"I'm sorry for lying Miisha," maamong umpisa nito habang naglalakad. "I hope Jacob explained to you well kung bakit kailangan naming itago ang relasyon namin."

"Naku Laarni okay lang sa akin yun! Naiintindihan ko ang sitwasyon niyo at para sa akin wala kang dapat ihingi ng sorry. Personal na buhay niyo yan therefore you have the choice whether to reveal it publicly or to keep it remain private," nakangiting sagot niya.

"Thank you," nahihiyang sambit ni Laarni.

Miisha gave the lady a smile sabay inom niya sa juice. Bigla siyang nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan. Panaka-naka pa ring may sumusulpot ang maliliit na kurot sa dibdib.

Kulang pa ata ang mga narinig niya mula kay Jacob as pain reliever. Maybe she needs to hear and see more more para tuluyan na siyang ma-immune. Kaunting laklak pa ng reyalidad, mauubos na rin ang mga namamahay na karayom sa kanyang dibdib.

Dahil sa totoong pagmamalasakit na ipinaramdam sa kanya ni Jacob, nasabi niya sa sariling susuportahan niya ito sa lahat ng bagay kasama na ang relasyon nito kay Laarni. Pahahalagahan niya rin ang mga taong mahahalaga dito. Ito na lang siguro ang pwede niyang maiganti sa mga tulong na ibinibigay at ibibigay nito sa kanya.

"Laarni I hope you won't mind me asking this. Hindi ka ba nahihirapan na pinipigilan mo ang sarili mo sa paglapit kay Jacob most of the time? Di ba parang ang hirap nun? Gusto mo siyang hawakan, lambingin, kausapin, asikasuhin pero di mo magawa," takang sambit niya.

Ngumiti ng matamlay si Laarni at bumuntong-hininga. "Mahirap pero I don't want to be selfish. Ayoko namang mabahiran ng maling impression ang White Lambs just because of our relationship. Saka isang taon na lang naman ang itatagal ng pagsesekreto ng aming relasyon. After Jacob graduated we're free to reveal our real status. Konting tiis na lang," malungkot na sabi nito.

Nakaramdam siya ng kaunting awa sa kausap. Naiintindihan niya ito. Siya nga na nagkacrush lang hirap na hirap ng itago ang kakiligan. Si Laarni pa kaya na totoong nagmamahal?

"Ano yung bonding time niyo? Halos lahat ng oras niyo ay ginugugol niyo dito sa campus. I guess you can't date so freely too in the malls baka may makakita sa inyong tagarito. Yan ata ang disadvatage pagkilala sa buong school ang boyfriend mo."

"Usually we do outdoors adventures during weekends. Beach, hiking, biking, mountain climbing. Jacob loves adventures," sabay biglang namilog ang mga mata ni Laarni. "Hey about joining us sometimes?"

"Okay lang ba yun? Minsan na nga lang kayong magkasamang dalawa tapos sasama pa ako," asiwang ika niya.

"I guess you misunderstood me. When we go outdoors, hindi naman talaga kaming dalawa lang. We have other companions. We were with friends who know about our relationship. Minsan sumasama din sa amin si Kyle," masiglang paliwanag nito.

"Well if you said so... I'll see kung makakasama ako minsan sa inyo. Ngayon kasi medyo busy pa ako sa pagpipaint."

Muling nagningning ang mga mata ni Laarni. "Then how about if we go to nice places where you can make beautiful paintings. Punta tayo sa may mga amazing sceneries!" she said with excitement.

"P-Pwede rin... But please don't adjust your plan because of me," nag-aalangang sagot niya.

Natanaw niya si Jacob na naglalakad. "Huh si Jacob."

Tumingin siya kay Laarni. "Okay lang na tawagin ko di ba? Magkasama naman tayo," paalam niya. "You guys can talk while I'm around so people won't doubt."

Kakawayan niya na sana ang binata ngunit hindi siya natuloy sapagkat may mga babae na namang sumalubong dito at nagbigay ng mga regalo.

"Haist! Istorbo!" nakasimangot na sambit niya.

Tiningnan niya ang reaksiyon ng kasama habang pinagmamasdan nito ang boyfriend na tumatanggap ng mga regalo mula sa ibang babae.

"Hindi ka ba naapektuhan sa nakikita mo?" prangkang tanong niya.

Muling lumungkot ang mukha ni Laarni. "I'm affected but I'm doing my best not to. I can't show it baka isipin ni Jacob na hindi ko siya pinagkakatiwalaan. I understand very well his personality, he can't turn down anyone else that easily. Ayaw niyang makapanakit kaya hangga't kaya niyang itolerate, pinagbibigyan niya. Hindi naman big deal ang pagtanggap ng mga regalo ng admirers."

"Pero nasasaktan ka pa rin di ba?"

"I'm still human," mahinang sagot nito.

Napangiwi si Miisha sabay tingin sa direksiyon ni Jacob. Nagsalubong ang kanyang mga kilay habang pinagmamasdan ang lalaking malugod na tumatanggap ng mga regalo. She just realized that somehow may pagka-insensitive din pala ito. Ayaw nitong idisappoint ang mga admirers pero wala itong kamalay-malay na nasasaktan ang kanyang girlfriend.

"You know Miisha, I feel glad that you discovered my relationship with Jacob," sabi ni Laarni.

"Bakit naman?" takang ika niya.

"Kasi meron na akong pwedeng kausapin dito sa school about Jacob and me. Minsan kasi nahihirapan din akong sarilinin sa dibdib ko if ever masaya or malungkot ako because of him."

Ngumiti siya ng bukal sa kalooban. "Huwag kang mag-alala Laarni. Starting today, you can talk to me anytime. I'm willing to listen. Kung may gusto kang sabihin or iparating kay Jacob pero hindi mo magawa, I'm here to help you."

"Thank you."

                                        ------

"Miisha bakit di ka pa bumibili ng lunch?" nagtatakang tanong ni Claribel habang busy sa pagsubo.

"Hinihintay ko pa sina Jacob."

"Bakit iti-treat ka na naman ba nila?" ika ni Jesusa.

"Hindi. Pero sasabay ako sa kanila sa pila sa counter."

"Bakit?" usisa ni Claribel.

 "Basta."

"Ay oo nga pala Jesusa. Ilabas mo na ang ibibigay nating chocolates kay Jacob," banggit ni Claribel.

Mula sa pagtingin-tingin ni Miisha sa pinto ng canteen bigla siyang napatingin sa mga kasama. "Hep! Tama na ang pagreregalo niyong iyan. Simula ngayon hindi na kayo magbibigay ng anumang regalo kay Jacob!" madiing utos niya.

"T-Teka ba't bigla-bigla atang nagbago ang ihip ng hangin?" tugon ni Jesusa.

"Ikaw ang nag-advise sa amin na maging expressive sa nararamdaman namin kay Jacob," dugtong ni Claribel.

"Pinayuhan ko kayong maging open sa feelings niyo but it's good for a certain period of time. Matagal-tagal niyo ng ginagawa ang pagbibigay ng gifts sa kanya and yet he hasn't shown any sign of interest to any of you. May karugtong ang advice kong yun at ngayon ko na sasabihin. Pag matagal-tagal ng deadma ang crush niyo sa kabila ng lahat-lahat na ginawa niyong pagpapansin, it's time to face reality. Hindi kayo pasok sa taste niya!"

Natameme ang dalawang kasama. Unti-unting ibinalik ni Jesusa ang inilabas na chocolates sa bag at natigilan naman sa pagsubo si Claribel.

"Di bale Jesusa at least pinayagan tayo ni Jacob na makapag-volunteer sa White Lambs. Para niya na rin tayong sinagot," naghahanap ng kunswelong sabi ni Claribel.

"Akin na lang yang chocolates niyo. Nagtitipid ako sa mga panahong ito, kailangan ko ng libreng pagkain," ika ni Miisha na pilit binabalewala ang nasasaktang hitsura ng dalawa.

Mamasa-masa ang mga matang inabot ni Jesusa ang chocolates.

"Huwag kayong masyadong masaktan. The earlier the acceptance is, the more you won't get hurt any deeper," paliwanag niya. "Understand?"

"U-Understand..." Sabay na tumango ang dalawa. Halatang sunud-sunuran at malaki ang paniniwala nito sa mga salita ng kinikilalang lider ng secret angels.

Dumating sina Jacob at tumigil si Miisha sa pagpapayo sa mga kasama. Nagseryoso siya ng mukha at sinundan ng tingin ang tatlong bagong dating habang pumipili ang mga ito sa food counter. Nagsimulang lumapit ang mag admirers ni Jacob at kanya-kanya na itong lagay ng mga pagkain sa tray ng binata. At nang naubos na ang mga lumalapit na babae saka siya tumayo at kumuha ng sariling tray. Patay malisya siyang sumingit at tumabi kay Jacob sa pila.

"You haven't eaten yet?" takang tanong ni Jacob. "Mukhang kanina ka pa dito ah."

"Hindi pa. Hinihintay kita," nakangiting sagot niya.

"Why?"

Inginuso niya ang mga pagkaing inilagay ng mga babae sa tray. "Akin na lang ang mga yan."

Nagtatakang tumaas ang kilay ni Jacob.

"Nagtitipid kasi ako. Marami akong mga nakapilang bibilhing painting materials. Okay lang ba?" may lambing at ngiting sabi niya.

"S-Sure," naguguluhang sagot ng binata.

Mabilisang inilipat niya ang mga pagkain sa sariling tray.

"Akala ko ba dati ayaw mong maoffend ang mga nagbigay nito," komento ni Jacob.

"Dati yun. Pag gipit ako nagbabago ang pananaw ko sa buhay."

"I'll buy you lunch Miisha," alok ni Kyle na narinig pala ang sinabi niya.

"Naku huwag na Kyle! Thank you na lang. Ako pa nga itong may utang sayong lunch. Okay na sa akin ang mga to at least libre," sabay alis niya sa pila.

Nagkatinginan sila ni Laarni at dumako ang mga mata nito sa mga kinuha niyang pagkain. Kinindatan niya ito at simple namang tumaas ang isang sulok ng bibig ng dalaga.

"Thanks," bulong ni Laarni nang mapadaan siya sa harap nito.

"Huh? Yan na ba ang lunch mo? Puro sweets yan ah!" nakamulagat na komento ni Claribel pagbalik niya sa kanilang mesa.

"Tulungan niyo ko, lalo ka na Claribel. Alam kong mahilig ka sa sweets."

"Ah walang problema. Madali akong kausap pagdating sa pagkain," sabay dampot nito sa isang slice ng chocolate cake.

"Miisha satisfied ka na ba sa ganyang lunch? Kung ganyang klase ng pagtitipid ang gagawin mo, baka magkadiabetes ka ng wala sa oras," nag-aalalang salita ni Jesusa.

Sumubo ng pudding si Miisha. "Okay lang to. Lately naman ay puro instant noodles lang ang kinakain ko. Tamang-tama lang ang mga ito pampanuetralize sa alat," katwiran niya habang ganadong ngumunguya.

"Eat some real food."

Natigilan ang tatlong magkakaibigan nang inilapag ni Jacob ang isang platong may lamang steak, gulay at mashed potato sa harap ni Miisha.

Walang nakapagsalita hanggang sa umalis ang binata. Napapangangang tumingin sina Claribel at Jesusa sa kasama.

"I bought you something you may want for lunch."

Sabay-sabay uling nag-angat ng ulo ang tatlo habang inilalapag ni Kyle sa mesa ang baked macaroni, sandwich at fruit shakes. Napatanga ulit ang mg ito hanggang sa makaalis na rin ang lalaki.

"A-Anong meron? Ba-Bakit sila nagkakaganyan sayo? Gu-gusto mo bang tirintasin ko yang buhok mo para hindi hassle? M-Mukhang ang haba eh, hanggang entrance nitong canteen," nauutal-utal na ika ni Claribel.

Kumibit ng balikat si Miisha. "Ewan ko. Siguro naawa dahil sinabi kong nagtitipid ako. Well, nandito na rin lang ang mga ito, pwes hindi ko na tatanggihan. Halika tulungan niyo akong ubusin ang mga to."

"Akin na lang to," nagniningning ang mga matang kinabig ni Claribel ang bigay ni Jacob.

Mabilis na pinigilan ni Miisha ang kamay ng matabang kaibigan.

"Not that one," seryoso ang mukhang sabi niya. "Gusto ko yan."

"Eto Miisha, ako na lang kakain nitong baked mac," ani Jesusa.

Mabilis na inilapit ni Miisha sa sarili ang nasabing macaroni. "Huwag din to, gusto ko rin ito."

"Eh ano ang ishishare mo sa amin?" simangot ni Claribel.

Itinulak ni Miisha papalayo ang mga chocolates, cakes at iba pang desserts na galing sa mga admirers ni Jacob. "Ayan sa inyo na yan."

"Grabe ka naman kami ata ang gusto mong magka-diabetes," reklamo ni Jesusa.

"Tama sayo yan para naman magkalaman-laman ka."

"Sabihin ko rin kayang wala akong allowance for one week. Sa tingin niyo kaawaan din ako nina Jacob at Kyle?" nakapangalumbabang sambit ni Claribel habang animo'y nagdi-daydreaming.

"Malamang hindi," diretsong sagot ni Miisha.

"At bakit naman?" nakaingus na tanong ng matabang babae.

"Sa lusog mong yan kahit hindi ka kumain ng buong linggo walang maniniwalang gutom ka."

Hindi nakaimik si Claribel. Nginiwian nito ang prankang kausap hanggang sa wala itong nagawa kundi balatan na lamang ang isang chocolate bar at papakin ito.

"Hmmm. Sarap nitong chocolate na to ah!" biglang ngiting sabi nito. "Miisha bukas ulit manghingi ka kay Jacob ha," namimilog ang mga matang dagdag nito.

Pagkatapos mag-lunch ay pare-parehong tahimik na naglalakad ang tatlong magkakaibigan patungo sa kanilang tambayang bench park malapit sa library. Lahat ay nabibigatan sa paglalakad dahil sa sobrang kabusugan.

"M-Miisha bukas sabihin mo ng mas maaga kung magsosolicit ka ulit ng lunch kina Jacob ha para hindi na rin kami bumili ni Jesusa," ani Claribel habang hinihimas-himas ang dati ng malaking tiyan na lalo pang bumundat.

"Oo nga okay na saking tumaba lalo na bigay ni Jacob ang mga foods. I don't care kahit bigay lang ito ng mga fellow admirers but at least dumaan na ito kay Jacob bago mapunta sa atin," pahayag ni Jesusa.

Nanatiling tahimik lamang si Miisha. Nahuhuli siya sa paglalakad dahil nakakaramdam siya ng antok. Humikab siya at pipikit na humakbang hanggang sa bigla na lang may bagay na tumisod sa kanyang mga paa.

She fell down on her cheek. Nakarinig siya ng hagikhikan. Matatapang ang mga matang nilingon niya ang nagtatawanan.

Ang grupo ng Pinky Fairies. Tuwang-tuwa ang mga ito sa nakadapang hitsura niya. Tiyak niyang isa sa mga ito ang tumisod sa kanya.

"Miishaaa!" sigaw ni Claribel nang napalingon ito sa likuran. Dali-dali nitong binalikan at binuhat si Miisha. Napangiwi ito nang makitang may dumudugong galos sa bandang taas ng kanang cheekbone ng kaibigan.

"Ano bang problema niyo?" galit na sumbat ni Jesusa sa mga babaeng naghahagikhikan.

"Ano kamo ang problema ng sampid na yan sa eskwelahang ito. Ba't ba ang epal-epal niya pagdating kay Jacob? Who gave her the right to take away our gifts from our prince?" nakataas ang isang kilay na sabi ng lider-lideran ng Pinky Fairies.

Nangangalit ang mga pangang lumapit si Miisha sa tatlo. Napakuyom siya ng mga kamay sa panggigigil.

"What? You want to punch us? Go ahead para tuluyan ka ng makick-out sa school na ito!" nanlalaki ang mga matang sabi ng kaharap.

"At bakit siya makikick-out samantalang kayo naman ang nauna?" depensa ni Claribel.

Humalakhak ng malakas ang kausap. "Sa tingin mo sino sa amin ang paniniwalaan ng admin? Kami o ang deliquent na yan?" Tinaasan siya nito ng kilay at hinawakan pa ang humahapding sugat niya sa pisngi. " Poor girl. Go ahead, revenge yourself. Punch me."

Humigpit lalo ang pagkakakuyom niya sa mga kamay. Susuntukin niya ba, tutuhurin o sasabunutan ang babaeng ito? Kahit ano makaganti lang siya! She was about to raise her hand pero biglang may pumigil sa kanya.

"Kaya kitang tulungan, pero tulungan mo rin ang sarili mo..."

Umalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ni Jacob. Pumikit siya at paulit-ulit na huminga ng malalim. Pinag-isipan niya ng ilang saglit ang gagawin until she realized she couldn't afford to involve herself in a fight.

Unti-unting kumalma ang kanyang mukha. At nginisian niya na lamang ang mga nanakit sa kanya.

"Pathetic people," madiing sabi niya sa mga babae sabay yaya sa dalawang kasama. "Let's go girls."

             -----

Tutorial time.

Naninibago si Jacob sa hitsura ni Miisha. Parang may kakaiba sa ayos nito. Tinititigan niya ang babae habang nakayuko't nagbabasa ito upang mahanap kung ano ang bago dito.

Alam niya na.

Nakalugay ang lampas balikat nitong buhok. At nakaside ang dating gitnang hati nito. Ni hindi rin nakaipit ang buhok sa mga tenga kaya halos natatakpan nito ang ilang bahagi ng pisngi. Napailing siya. It's so not her. Usually, laging nakatali ang buhok nito at kung nakalugay man ay ipit na ipit ang mga ito sa tenga. She's not into this girly hair.

"Miisha may pinagagandahan ka na ba?" takang tanong niya.

Sumagot ng iling ang babae habang nanatiling nakayuko ito. Isa pa sa napansin niya, kanina pa ito hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Miisha.."

"Yes?" sagot nito while still reading.

"Can't you raise your head while talking to me?" puna niya.

"Nagkokoncentrate ako dito sa libro."

"Can you look at me for a second."

Maingat na nag-angat ng mukha ang kausap at patabinging tumingin sa kanya. Her hair is covering half of her right cheek.

He extended his hand to touch her hair.  "May itinatago ka ba diyan sa mukha mo?" kunot noong wika niya.

"Wala!" Mabilis nitong inilayo ang mukha at pinigilan sa paglapit ang kanyang kamay.

Mas lalo siyang nagduda. "Then let me see it if you're not hiding anything."

She held the right side of her hair and pressed it to her cheek. "Wala nga!"

"Okay." He shrugged.

Bumalik ang babae sa pagbabasa at maya-maya lamang ay walang pasabing hinawi niya ang buhok nito. Nagulat siya nang makita ang malaki't sariwang galos sa pisngi nito.

Natatarantang tinakpan ni Miisha ng kamay ang sugat.

"Let me see it," seryosong utos niya.

Dahan-dahang tinanggal ni Miisha ang nakatakip na kamay sa mukha.

Inipit ni Jacob sa tenga ng babae ang humaharang na buhok nito at tinitigang maigi ang sugat. "Who did this to you?"

"N-No one. Natisod lang ako kanina sa bato," napapalunok na sabi nito.

He noticed she's lying. "Bato? Lahat ng daan dito sementado ah. Saan ka ba nagpupunta?"

"S-Sa bahay. S-Sa bahay dun ako natisod nung papasok ako kaninang umaga."

"Pero hindi ko nakita ang sugat na to kanina sa canteen."

"Ah basta! Natisod ako. Di ko na maalala kung saan!" she raised her voice childishly.

"Did you put medicine on it?"

"Oo."

"Anong gamot?"

"Alcohol."

"Tsss! Gamot na ba yan para sayo?!"

Tumayo si Jacob para kunin ang first-aid box.

"Anong gagawin mo?" may bakas ng takot na sambit ni Miisha habang nakatingin sa dalang kit ng lalaki.

"I'll put medicine on it."

"Huwag! Baka masakit yan!"

Ngumisi ang binata sabay bukas sa first-aid kit.

Nanlaki ang mga mata ni Miisha nang makitang inilalabas ng kasama ang merthiolate. Paulit-ulit siyang umiling. "Ayoko niyan! Mahapdi yan!"

"Don't be a cry baby. Ang laki-laki mo na takot ka pa rin sa gamot."

Kumuha si Jacob ng bulak at pinatakan ito ng nasabing gamot. Hinawakan niya ng isang kamay ang magkabilaang panga ng babae at sapilitan itong pinaharap sa kanya.

"Ayoko niyan! Masakit sabi yan!" napipikit pang protesta nito.

"Tiisin mo. Or else maiinfection tong sugat mo. It will leave a scar kapag hindi mo ito ginamot."

Idinampi niya ang bulak sa sugat.

"Aray!Aray!"

"Hindi ka na nga maganda magkakapeklat ka pa."

Natigilan si Miisha at tiningnan siya nito ng masama. Ngingiti-ngiting lumapit siya sa mukha nito upang hipan ng marahan ang ginagamot na sugat.

Binigyan siya ni Miisha ng matatalim na titig na nooy mukhang dinamdamdam pa rin ang biro niya. Bigla siya nitong nginusuan.

Napadako ang mga mata niya sa nguso ng kaharap. Pansamantala siyang di nakakilos. His eyes were momentarily fixed on her pouting lips. Natigilan din si Miisha hanggang sa unti-unti silang nagkatitigan. Halatang napansin nito ang di sinasadyang pagkakapako ng mga mata niya sa mga labi nito. Bigla siyang natauhan at nahiya. Tumikhim siya at patay malisyang itinuloy ang paggagamot. But when the cotton touched her wound again, bigla na lang siyang itinulak ng babae.

"Aray sabi! Tama na yan," sabay tayo nito at nagmamadaling iniligpit ang mga gamit.

"Hey what are you doing? We're not done yet," aniya.

"Pagod na ako. Naalala kong may project pa akong dapat tapusin sa bahay. Bukas na lang ulit," sabi nito at saka walang lingon-lingong naglakad papalabas ng silid.

"Lalagyan pa ng band-aid yang sugat mo!" pahabol niya.

"Ako na ang maglalagay. Maraming band-aid sa bahay!"

Napabuntong-hininga siya nang makaalis ang babae. Guilt suddenly struck him. What happened to himself? Anong pumasok sa utak niya para titigan ang mga labi ni Miisha? He's worried she might think he's a pervert guy.

Binatukan niya ang sarili. "Fool!"

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 105 8
Ano ang hanap mo sa isang coffee shop? Masarap na kape? Nakaka-addict na sweets? Romantic ambiance? Sight-seeing ng mga pogi? Magandang view ng mga...
5.9M 101K 55
When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved
758K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
33.3M 406K 49
The less you reveal the more people can wander. Raziel Dwight Salvador story.