Identical

By EGStryker

43.5K 1.3K 1.9K

Ean Gray Stryker from the magical world of Lakserf. Ean Caelum Magners from one of the cities of the earth. P... More

Identical
The CaelAn "Twins"
Caelum's Invitation [Closed]
Ean's Invitation [CLOSED]
Character Introductions
Prolong
NOTICE
Chapter 1: City Boy [REVISED]
Chapter 2: Bruise Mercy [REVISED]
Chapter 3: The Gang [REVISED]
Chapter 4: Heroes of Orthil [REVISED]
Chapter 5: Assault [REVISED]
Chapter 6: Gem of the Lightning Flash [REVISED]
Chapter 7: Research [REVISED]
Chapter 8: Disappointment [REVISED]
Chapter 9: Warped [REVISED]
Chapter 10: Collision [REVISED]
Chapter 11: Shattered Image [REVISED]
Chapter 12: Destined Encounter [REVISED]
Chapter 13: Moonlight Hazard [REVISED]
Chapter 15: Clarity [REVISED]
Chapter 16: Search for the Unpredictable Flash [REVISED]
Chapter 17: Howling Portal [REVISED]
Chapter 18: Juvenescence [REVISED]
Chapter 19: Mafia for a Reason [REVISED]
Chapter 20: Unwordly Realms [REVISED]

Chapter 14: Under [REVISED]

548 44 71
By EGStryker

*3rd Person PoV

- Lakserf

Kasalukuyang naglalakad sa tahimik na daan sa ilalim ng malalim na gabi ang isang babae't lalake. Hindi mapakali ang mga daliri ng magkasiklop na mga kamay ng babae sa labis na pagkabahala. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala sa kanyang kaibigan lalo na't may masamang kutob siyang nararamdaman.

"Andito na tayo." Himig ng kasama niyang lalake dahilan para mapabalik siya sa kanyang huwisyo. Isang pagtango ang sinukli ng babae at doo'y agad na kumatok sa pinto ang lalake. Parehas silang naghintay, ngunit nang ilang segundo pa ang lumipas na walang sumagot ay muli itong kumatok. "Tao po?" Pagsubok nitong muli.

"They might already be asleep," suhestyon ng babae.

"Hmm baka nga. Anong oras na rin--"

"Shion? Jedi?" Isang pamilyar na boses ang narinig ng dalawa mula sa kanilang likod. Nang lingunin nila ito ay agad nilang namataan ang  dalawa nilang kaibigan, ngunit agad nagbago ang timpla ng kanilang mukha nang makita ang kasama ng mga ito. "Ano'ng ginagawa niyo rito? Nabalitaan niyo na rin ba?"

Kaagad nagsalubong ang kilay nila Shion at Jedi sa sinabi ni Rake saka nagkatinginan. "A-ang alin?" Asik ni Shion. Imbis na sumagot ay nilingon lang ni Rake ang ginang na kanyang kasama na kakikitaan ng matinding pag-aalala sa kurba pa lang ng kilay nito at maging sa kulay bughaw nitong mga mata. "Tita Iyanna? May problema ho ba?"

"Shion, Jedi, baka kayo may nalalaman kayo. Nakita niyo ba si Ean?" Sa tinanong ni Iyanna ay tila nakumpirma nila Shion at Jedi ang masamang kutob na kanilang nararamdaman. Pareho lang silang umiling na ikindismaya ng ginang. "Matagal na akong nagpadala ng request sa mga Senior tungkol dito, pero wala akong natanggap na sagot makalipas ang ilang araw kaya minabuti ko nang lapitan si Rake at CJ."

"P-pasensya na po kayo, tita. Naging mas marami lang pong gawain sa Orthil kaya hindi agad nabigyang pansin ang request niyo," pagpapaumanhin at paliwanag ni CJ. Sa pagsulyap naman ni Rake sa kanyang mga kaibigan ay nakuha rin nila ang tumatakbo sa isip ng isa't isa.

Gaya ng nasabi nito ay mas lalong naging abala ang mga Seniors dahil sa biglaang pagkawala ng kakaibang nangyayari sa Orthil at nararamdaman ng mga Mysticium Senior. Simula noon ay naging doble na ang kanilang pag-iingat dahil na rin sa hindi nila mabigyan ng eksplanasyon ang biglaang pagsulpot at pagkawala nito, lalo na't kumbinsido ang karamihan sa kanila na kagagawan ito ng pinagbabawal na mahika, ang Dark magic.

"How long has he been missing?" Alalang tanong ni Jedi.

"Mag-iisang linggo na, hija."

***

*Ean

- Castrafort

"Hey."

Naalimpungatan ako nang isang boses ng lalake ang aking narinig kasabay ng marahan na pagtabig sa aking binti. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at una kong nakita ay ang marumi't malamig na sahig. Bakit ako nakahiga sa sahig? Tanong ko sa aking isip. Sadyang nasanay na ata akong magising nang puro basura ang nakikita ko at ito ang una kong naitanong sa sarili ko. Hanggang sa isang pagtabig na naman sa binti ko ang aking naramdaman.

"Hey, get up."

Bahagya kong inangat ang ulo ko upang makita ang gumigising sa akin, ngunit agad akong kinilabutan sa aking namataan. "Hala, sandali! P-patay na ba ako!?" Nanatili lang nakapako ang tingin sa akin ng lalakeng kaharap ko habang dama ko na ang paglalapot ng pawis ko sa kaba. "B-bakit nakikita ko sarili ko!? Ano 'to!? Hindi ako pwede mamatay! Kailangan ko pa maka-gradually! Marami pa akong pangarap sa buhay! Hindi ito-- aray!"

"Would you f**king shut up!?" Gigil na suway nito sa akin gamit ang halos pabulong na boses sabay sipa sa aking hita. "You do not want to wake the neighbors, would you!?"

Sa pananalita't itsura nito ay para akong nabunutan ng tinik dahil nakumpirma kong buhay pa ako, ngunit agad ding nag-init ang ulo ko. "Aha! Ikaw na naman? Ikaw 'yung-- aray ano ba!? Nakakasakit--"

"I said shut up!" Suway at sipa na naman nito sa akin. Nakakailan na 'yan ah. Alam niyo, itsura lang talaga pagkakahawig namin nito eh, pero ang layo ng ugali namin sa isa't isa. "Now get up before I lose my cool."

Iritable man ay tinulungan ko na lang ang sarili kong tumayo tulad ng sinabi niya. Pareho kaming nagbatuhan ng matatalim na tingin sa isa't isa. Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita, ganitong-ganito rin ang nangyari noon at nauwi lang sa pagbabasag-ulo. Hindi na ako magtataka kung mangyayari ulit 'yon.

Umiling na lang siya saka naglakad papasok sa isang malaking gusali. Laking pagtataka ko naman nang himinto siya sa entrance nito saka lumingon sa akin. "What-- did I hit you too hard you can't lift a leg?" Imbis na sumagot ay sinimangutan at tinitigan ko lang siya. Doo'y lumapit siya sa akin at laking gulat ko nang marahas niyang hinablot ang braso ko. "You're not getting away this time. You're coming with me."

"Huh? Bakit naman--" Akmang manglalaban na sana ako nang magpatay sindi ang ilaw malapit sa amin kasabay ng paglitaw ng mga kuryente sa kabila niyang kamay. "Oh eto na nga susunod na. Can't you joke? I kidder, relaxation."

Kitang-kita ko kung paano nagbago ang ekpresyon ng mukha niya mula sa galit papunta sa pandidiri matapos ang sinabi ko at agad akong binitawan. "Damn, your mouth and breath punch harder than you."

Kasamaan talaga ng ugali. Pasalamat siya wala akong lakas ngayon. Kung nagagamit ko lang talaga lightning magic ko, papalagan ko 'to eh. Iyon lang at tinalikuran niya na ako upang pumasok sa loob ng gusali. Sinundan ko na lang siya tulad ng gusto niyang mangyari total wala na rin naman akong cho-- choic-- chores. Basta 'yon, ako masakit na ulo ko ah. Sino kaaway ko?

Pareho lang kaming tahimik ng kasama ko habang sinusundan ko siya. Sa kung anong kadahilanan ay hinayaan ko lang ang sarili ko na magpatianod sa nangyayari. Hindi ako makaramdam ng pagkabahala na baka may gawin lang siyang masama sa akin tulad ng mga taong nakasalamuha ko magmula noong mapadpad ako rito sa Castrafort. O baka napagod lang ako sa lahat nangyayari magmula nang mangyari lahat ng 'to. Depresyon na ata 'tong nararanasan ko.

"If what you said to me back then is true, then you're lucky I was the one who found you lying on the dumpsters and not the soldiers." Bahagya akong nagulat nang basagin niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Doon ko lang din naalala ang nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay.

"Ay oo nga!" Bulalas ko sabay palakpak dahilan para lingunin na naman ako nito nang nakasimangot. "Hanep na babae 'yon may mind magic, ginamitan ako ng ilusyon kaya ako nakatulog!"

"Mind magic-- just how dumb are you, huh!?" Pag-iinsulto nito sa akin na hindi ko na lang binigyang pansin. Kung hindi niya ako paniniwalaan, edi hindi. Nagsawa na ako ipaintindi sa mga tao rito ang lahat. If it's not you, it's me. Ganoon lang 'yon kasimple. Basta nalalapit diyan 'yung gusto kong iparating.

Huminto siya nang marating ang isang pinto. Akmang bubuksan niya na ito nang matigilan siya. "Hey, dumb sh*t," tawag nito sa akin saka humalukipkip. Tinignan ko siya nang may nagtatakang mukha. "Why don't you open the door?"

"Huh? Bakit ako pa? Hindi ka ba marunong magbukas ng pinto?" Sarkasitko kong tanong dito nang humahagikgik. Nahagip ko ang pagtaas ng kilay niya, senyales na nainis siya sa sinabi ko. Buti nga sa kanya.

"Nah," tinatamad nitong sabi. "I'm feeling kinda lazy. You should go open the door," pahabol pa nito na pinagtaka ko.

"Dito ka naman ata nakatira, 'di ba?" Asik ko habang sinusuri ang buong lugar na sa tingin ko nga ay ang tinitigilan niya. "Bakit ako pa pagbubuksan mo ng pinto? Ikaw na lang!" pagmamaktol ko pa. Dami kasing arte, ano kaya problema nito.

"I insist," sagot niya na halos ikaluwa ng mga mata ko.

"Ano!? Insist?" Bulalas ko. "Tae ka, hoy! Sobrang magkahawig tayo na parang kambal tayo, tapos sasabihin mong insist? May crush ka sa akin?"

"What!?" Tila nandidiri niyang sagot. Bigla ay marahas niya lang na hinablot ang kamay ko upang ilagay ito sa hawakan ng pinto. "Just f*cking open it!"

"Chillax! Parang hindi naman mabiro 'to. Have a scent of hue more!" Pagpapakalma ko sa kanya at naghuhuramentado na naman eh. Kaya naman binuksan ko na lang ang pinto at hindi ko inaasahan ay isang malutong na suntok ang sumalubong sa akin. "Ahh!!" Agad akong bumagsak sa sahig sa lakas ng sapok na inabot ko.

"Oh, sh*t!" Dinig kong hiyaw niya. Kaya pala sa akin pinabubuksan ng hayop!

"Where have you been!? It's already late! Did you see another woman? I'm telling you, I'm gonna go kill that woman and--" natigil ang pagratrat ng babaeng sumuntok sa akin nang mapalingon siya sa gawi ng lalakeng kasama ko. Nagulat siya sa kanyang nakita. "Oh, my gosh! Who are you? Teka, sino 'tong nasapak ko? Ano'ng nangyayari sa mundo?"

"I-I can explain!"

***

Kanina, nahihilo't dumadaing pa ako sa sakit dahil sa pagkakasuntok ng babaeng 'yon sa akin, ngayon wala na akong maramdamang kahit anong sakit. Nawiwili na ako sa pinapanuod ko.

"Tell me! Where have you been!?" singhal ng babae at nagpalipad ng kawali tungo sa lalake.

"Awh!" daing nito na nagpakagat labi sa akin mapigilan lang ang tawa ko. Naisangga niya naman ang braso niya sa kawali, pero ang lakas talaga ng pagkakatama eh. "I told you, I'm not seeing anyone else! Why are you always like this and-"

"I ain't accusing you, Caelum! Alam kong nambababae ka na naman!" pagwawala nito ulit at dinampot naman 'yung microwave.

"No, no, no! Not the microwave, please!?" pagmamakaawa nito na para bang nagpipigil ng taong tatalon sa building. Takot na takot ang mokong, laptrip! At Caelum pala ang pangalan niya.

"Ay, oo nga, may point. Mahal nga iyan," banggit naman ng babae at binalik na sa pwesto ang microwave. Sa pagbaba niya naman ng gamit na 'yon ay kinuha niya ang mga sandok na nakasabit malapit sa kanya. "Eto na lang!" sabi niya at nagbababato na naman. "Hoy, Caelum! Admit it, you're with another girl na, aren't you?"

"How many times do I have to tell you that I- Awh!" daing niya habang sunod-sunod na iniilagan ang pagbabato sa kanya ng mga kagamitan dito sa apartment niya. Kung ano na lang talaga madampot ng babae, ibinabato niya. "Oh, sh*t!"

Napailing na lang ako sa eksenang natutunghayan ko. Grabe mag-away ang dalawang 'to. Buti may natitira pa silang gamit dito. Kanina nga nang pagpasok namin dito sa apartment, akala ko hihinahon na siya, pero nang sundan siya ni Caelum sa may bandang kusina, doon na siya nagsimulang magpalipad ng mga gamit. Nakakatawa naman si Caelum, sa itsura niya kasi mukhang pa-cooler siya, hindi mo aakalaing ginaganyan lang siya ng nobya niya.

Patuloy pa ring nag-aaway ang dalawa habang tahimik pa rin akong nakaupo rito sa sofa. Dinampi ng kamay ko ang parte ng mukha kong nasuntok, masakit pa rin! May pagka-bruta- brut- broture? Pala talaga 'tong babaeng 'to. Solid manapok.

"That's it! Get out of this apartment! Leave!" rinig kong bulyaw ng babae habang tinutulak na palabas si Caelum. Hindi ko mapigilan sarili ko na tumawa sa nakikita ko. Pero palihim lang tawa ko, baka kasi makatanggap pa ako ng isa pang sapak mula naman sa lalakeng 'yon.

"What the hell!? I told you, I wasn't with anyone except that f**ked up guy!" Teka, ako ba 'yung sinabihan niyang 'yon? Ang itim talaga ng budhi ng lalakeng 'yon. Hindi pa rin nagpapigil ang babae at tinulak-tulak pa rin si Caelum palabas. Pilit lumalaban si Caelum, ngunit sa paghampas at malakas na tulak na natatanggap niya ay hindi siya gaanong makalaban. "Damn it! This place is mine to begin with, so why am I the one leav-"

"Shut up!" buong sigaw ng babae at malakas na isinara ang pinto. Kita kong agad niya rin ito ni-lock.

Tinalikuran niya na ang pinto at doo'y bumuntong hininga upang mahimasmasan na siguro siya. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkainis, lalo na ang pagod sa mga pinaggagagawa niya kanina. Umiwas agad ako ng tingin at baka sa akin naman magpalipad ng gamit.

"Wait, what's that? Bakit ang baho?" rinig kong banggit niya. Ang umimik ay hindi ko ginawa, mainit pa naman ulo niyan at baka ako ang pagbalingan! Yumuko na lang ako at nagdasal para sa buhay ko. "Oh, gosh! That smell's coming from you!"

Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko upang sulyapan siya, ngunit laking gulat ko nang maglakad lang siya papalayo tungo sa loob pa ng bahay. Kumunot ang noo ko dahil doon. Iwanan daw ba ako dito mag-isa?

Hindi nagtagal ay bumalik din siya na may dala na sa kanyang mga kamay. Binato niya 'yon sa akin na nasambot ko naman. Tuwalya? "Go take a shower. Nasa likod lang 'yung bathroom."

Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa ginawa niya. Ngayon lang kaya kami nagkita at kaming dalawa lang dito mag-isa. Hindi ba siya natatakot na baka magnanakaw lang ako o mamamatay tao? "Sigurado ka ba? Papaliguin mo ko sa banyo niyo eh hindi mo naman ako kilala. Hindi ka ba natatakot?"

"Nah, I can't see in you that you're a bad guy. And if you try to do something, you saw and experienced what I'm capable of," pahayag niya. Tama nga naman siya. Dapat pala ako pa ang matakot. "Go! I can't take your smell anymore!"

Nginitian ko na lang siya at dali-dali nang pumunta sa banyo nila para maligo. Sa wakas sa awa ng amang Laksen. Ligung-ligo na talaga ako. Habang naliligo ako, hindi ko maiwasang namnamin ang bawat tubig na lumilinis sa katawan ko. Parang isang taon na kasi akong hindi naliligo, ang sarap sa pakiramdam. So rephrasing.

Nang matapos ako ay agad akong nagpunas ng katawan. Bigla ay natigilan ako nang maalala ko na wala nga pala akong damit pamalit. 'Yung damit ko ba ulit susuotin ko? Edi sana hindi na lang ako naligo kung gan'on! Ang sangsang na n'on eh!

Bahagya kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas ng banyo. "Hello?!" sigaw ko, ngunit walang sumagot. "Hello! Yoohoo!"

Pero wala talaga eh. Umalis kaya siya? Oh, baka hindi niya lang ako marinig. Ipinangtapis ko na lang ang tuwalya ko sa bandang ibaba ng katawan ko at lumabas na ng banyo. Maglalakad na sana ako papuntang sala nang biglang bumukas ang kalapit na pinto at iniluwa nito ang babae.

Nagulat siya nang makita niya ako at agad umiwas ng tingin. "I-I forgot to give this to you. It's that jerk's old clothes," banggit niya at inabot sa akin ang mga nakatiklop na damit.

"Salamat," sabi ko na lang at tumakbo na pabalik sa loob ng banyo. Halata kasi sa kanya na nailang siya nang makita ako. Sino nga ba ang hindi maiilang? Eh kamukha ko nobyo niya, tapos makikita niya akong walang damit?

Mabilis lang akong nagbihis sa loob at lumabas na ulit ng banyo. Ang presko talaga sa pakiramdam! Whoo! Ang bango ko na ulit. Amoy alcampor. Literal! Mukhang hinugot pa ata sa loob ng lumang cabinet nila 'tong damit na pinahiram niya sa akin.

Dumeretso na ako pabalik sa sala, ngunit laking gulat ko nang makita ko siya na naghahanda ng pagkain sa may bandang kusina. Nakita niya naman ako agad at pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako dahil doon kaya tumikhim ako para agawin ang atensyon niya.

"Wow, you really look like him. You're even wearing his old clothes," sabi niya nang makabalik na siya sa kanyang ulirat. "Anyways, judging from your state when you got here, you're probably starving, aren't you?"

Sasagutin ko na sana siya nang biglang nahagip ng mga mata ko at naamoy ang nakahandang pagkain sa mesa. Halos maglaway na ako sa takam at rinig kong kumalam nang malakas ang sikmura ko. "I guess that gave me the answer. Kumain ka na."

Walang anu-ano'y umupo na ako sa tapat ng mesa at nagsimulang kumain. Ilang araw na kaya akong hindi nakakakain ng masasabi mong pagkain nga. Simula nang mapadpad ako dito, puro dahon na lang at basura kinakain ko. Natupad din kahit papaano ang mga dalangin ko.

"Hoy, dahan-dahan naman. Marami pa, 'wag ka mag-alala," natatawa niyang pansin sa akin na nakaupo na pala sa tapat ko. Hindi ko kasi siya napansin at tanging sa pagkain lang nakatuon ang atensyon ko.

"Pasensya ka na, laki ng gutom ko ngayon eh," sabi ko at sunod-sunod na sumubo. Halos lumobo na nga ang bibig ko sa dami ng pagkaing sinalpak ko doon.

"By the way, Caelum just texted me to keep an eye on you. He said he'll come back for you early in the morning," pagbibigay alam nito sa akin na umiirap-irap pa. Ako naman ay nagtaka sa kung ano pang gustong mangyari ng lalakeng 'yon sa akin. Ipapasapak niya na naman ba ako sa kung kanino? "Teka nga, I'm JC. And you are?"

Lumunok muna ako bago ko siya sinagot. Baka kasi mabaril ko siya ng kanin na nasa bibig ko. "Ean ang pangalan ko."

"What!?" bulalas niya na para bang gulat na gulat sa sinabi ko. "You have Ean as your name as well?" Tinanguan ko siya habang nagtataka sa kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya sa pangalan ko. "Ok, this is getting really weird. Both of you are like a complete clone of the other, and now you share the same first name?"

"Huh? E-Ean din pangalan niya?" Gulantang kong tanong na tinanguan niya. "Ean Caelum pala buo niyang pangalan? Tapos ako naman Ean Gray? What a coaccident..."

"Wow, this is something!" Hindi makapaniwala niyang bulalas. "So where are you from?" Ayan na naman 'yang tanong na 'yan. Sasagutin ko tapos pagtatawanan lang din naman ako. Kaya nginitian ko na lang siya. "Hey, I'm asking you, where are you from?" Ulit niya at sa pagtingin ko sa kanya ay natigilan ako nang makita kong seryoso siya sa tanong niya. Kita ko sa mga mata niya na gustong-gusto niyang malaman kung saan nga ba ako galing.

"Basta! Hindi ka rin naman maniniwala," sagot ko na lang sa kanya at uminom naman ng tubig.

"Bakit naman hindi? Try me," pagsasapilitan niya.

"'Wag na nga, pagtatawanan mo lang naman ako eh," medyo inis kong sabi.

"You answer my question, or this chair fly to you, take your pick," pananakot niya sa akin na nagpalaki sa mga mata ko. May sa amazona nga ata talaga 'to.

"Oh, eto sasagot na!" agaran kong sagot at napakamot na lang sa aking ulo. "Basta 'wag mo akong pagtatawanan ah?"

"Can't promise you that," natatawa niyang wika na nagpasimangot sa akin.

"'Wag na nga! Ilang beses na nga akong nasabihang wirdo dahil sa pinanggalingan ko, baka masabihan mo rin ako niyan," pagmamaktol ko at bumalik na lang sa pagkain.

"You don't have to worry, I'm weird as well," saad niya at ipinatong pa ang braso niya sa ibabaw ng mesa. "I even believe in unicorns and I've wished that I could poop rainbows! Oh, my gosh! That would be so cool!"

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. May pagkawirdo nga ang isang 'to. Naniniwala daw sa unicorn, ano ba 'yon? May sa mais ba 'yon?

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko sagutin ang tanong niya. "Hindi ako galing dito sa Castrafort," panimula ko at napansin kong sumeryoso na siya't umayos ng upo. "Hindi ko nga alam kung paano ako napadpad dito. Ang alam ko lang, isang liwanag ang lumamon sa akin papunta dito mula sa mundong kinagisnan ko, sa Lakserf."

Hinanda ko na ang sarili ko sa pagtawa niya't pang-aasar, ngunit ilang saglit pa ay hindi iyon nangyari, bagkus ay isang makahulugang tingin pa ang pinukol niya sa akin.

"Lakserf!?" banggit niya nang nakayuko at parang nag-iisip. Nagtaka naman ako sa reaksyon niya.

"Oh, bakit ganyan reaksyon mo?" pagbibiro ko sa kanya na may panaka-nakang tawa. "May alam ka ba sa Lakserf?" sarkastiko ko pang dagdag. Alam ko naman kasing hindi rin siya naniniwala.

"Care to explain it more in detail?" usisa niya na nagpawaglit ng ngiti ko. Seryoso ba siya? Sa dami ng taong napagsabihan ko tungkol sa lugar na kinagisnan ko, hindi ko na inaasahang may maniniwala pa sa akin. Pero heto, nakatapat ko ang isang taong naniniwala sa sinabi ko.

Higit sa lahat, tila ganoon na lang niya gustong malaman ang tungkol sa Lakserf.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayon! Sa wakas bumango ka na sa imagination ng mga readers natin, Ean! Pero just so they know, hindi po talaga naliligo si Ean. Parte lang ng script ang pagligo niya diyan, pero walang sabon na involved.

Oh, bakit? Ligo lang naman usapan ah, bakit magsasabon? - Ean

You are awfully disgusting. - Caelum

Yu ar awpooly ander - Ean

OOOOH! CAELUM NA-BURN KA NI EAN AHAHAHAHA!

Ok, napagkatuwaan ko na naman ang kambal. Hahaahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
7.6M 442K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
21.7M 798K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
62.2M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...