My Teacher's Daughter

By ImACrazyGirl24

178K 4.3K 457

MHMP Serie II: She is Vanessa, the beautiful daughter of Jennifer and Frederrick Demesa. And he is Drexel Jon... More

My Teacher's Daughter
MTD 1
MTD 2
MTD 3
MTD 4
MTD 5
MTD 6 Part 1
MTD 6 PART 2
MTD 7
MTD 8
MTD 9
MTD 10
MTD 12
MTD 13
MTD 14
MTD 15
MTD 16
MTD 17
MTD 18
MTD 19
MTD 20
MTD 21
MTD 22
MTD 23
MTD 24
MTD 25
MTD 26
MTD 27

MTD 11

6.4K 139 11
By ImACrazyGirl24

''Vanessa! Di ka pa ba tapos dyan? Kanina pa nag-hihintay si Drex sa baba.'' Katok ni Jerrick sa pinto ng kwarto ni Vanessa. Inutusan na kasi sya ng Daddy nya na tawagin si Vanessa dahil kanina pa naghihintay si Drexel sa baba.

"Eto na. Baba na din ako. Just give me a minute." Narinig nitong sigaw ni Vanessa mula sa loob. Nagkibit balikat nalang si Jerrick tsaka sya bumama kung nasaan ang mga kaibigan at Daddy nya.

"Just give her a minute daw." Sabi ni Jerrick sa Daddy nya at tumango nalang naman ito tsaka nagpatuloy sa panunuod ng basketball. Umupo na din si Jerrick at nanuod din.

"Girl ang ganda mo! Promises!!" Sabi ni Clara kay Vanessa. Tinignan naman sya ng kaibigan at ngumiti tsala binalik ang tingin sa full body mirror nya.

"Kinakabahan ako. Paano kung sabihin nya na parang sobra yung ayos ko para sa date namin?" Tanong ni Vanessa kaya nilapitan sya ni Charmaine.

"It's not too much. You look beautiful, and trust me. Drex will be mesmerize." Sabi ni Charmaine.

"Tama na yan mga teh! Kanina pag nag aantay ang Prince Charming ni Vanessa." Sabi ni Clara at tumango sila tsaka bumaba na para puntahan si Drexel na nag-eenjoy sa pag panuod ng basketball kasama ang boys.

At dahil nga nag-eenjoy ang boys ay hindi man lang ata nila napansin ang presence ng tatlong babae na nakatayo lang sa gilid at hinihintay na mapansin sila ng mga ito.

"Ehem!" Pag-tawag ni Clara ng atensyon sa mga ito. Agad namang napatingin ang mga ito sa kanilang tatlo, pero si Drexel ay kay Vanessa lang nakatingin. Na para bang nakakita sya ng isang Dyosa na bumaba pa galing sa kalangitan.

"Ahm Drex? Tara na?" Tanong ni Vanessa at nag-iwas ng tingin dahil napansin nya ang titig ni Drexel sa kanya.

"Ha? Oh sige." Parang wala sa sarili nitong sagot.

''Sige Dad, alis na po kami.'' Paalam ni Vanessa sa Daddy nya at humalik sya sa pisnge nito. ''Bye kuya!'' At humalik din ito sa pisnge ni Jerrick tsaka nakipag-apir sa mga kaibigan.

Lumabas na silang dalwa, pinag-buksan sya ni Drexel ng pinto at inalalayang makapasok sa kotse. Nginitian nya lang ito, as if she's saying thank you to him. Agad na tumakbo si Drexel papunta sa kabila at sumakay na din.

''You look beautiful, by the way.'' Sabi ni Drexel bago nya paandarin ang kotse. Napatingin sa kanya si Vanessa pero sa daan alng ito nakatingin. Umiwas ng tingin si Vanessa tsaka palihim na napangiti.

*****

"So.. What's your plan?" Tanong ni Vanessa ng makarating na sila sa mall. Nasa parking lot pa lang sila, di pa sila bumababa dahil nag iisip pa sila kung ano ang una nilang gagawin.

"You wanna go shopping?" Tanong ni Drexel. Natawa naman si Vanessa dahil sa tanong ni Drexel sa kaya. "What's funny?" Takang tanong ni Drexel.

"Well, first. Because you are a guy and it sounds weird. Second, this is a date, right? So we should do something more interesting where the two of us will hava fun." Explain ni Vanessa. Napakamot naman sa batok si Drexel dahil nahihiya sya.

"Well you are a girl. And that's one of the things girls like to do. And me being the guy, need to adjust for you to have fun." Sabi ni Drexel. Napangiti si Vanessa dahil sa sinabi ng binata.

"To tell you the truth.. I will have more fun if I know that I am having fun same as my date today." She said and gave him a sweet smile that made Drexel's heart skip a beat. He just nod and get out of the car then go to the other side to open the door for his Date.

"So... Then mag-libot nalang muna tayo?" Tanong ni Drexel as he close the door and lock the car.

"Yeah." Maikling sagot ni Vanessa. Ngumiti si Drexel tsaka kinuha ang kamay ni Vanessa at nilagay ito sa braso nya.

"Let's go!" Sabi nito at nag umpisa na silang lumabas sa parking lot at pumasok na sa Mall. At dahil sabado ay madaming tao ngayon sa Mall. Pero wala yun sa kanila dahil ang gusti lang nilang gawin ngayon ay ang magpaka-saya.

Nag-lilibot lang sila sa Mall habang naka-cling si Vanessa kay Drexel. Nagtuturo-turo sila ng mga nakikita nila at minsan pa ay tatawanan ang mga bagay na nakakatawa para sa kanila. Kung titignan ay para silang mag BF at GF na namiss ang isa't-isa ng sobra at ngayon ay they are catching up!

''Wait! Wait!'' Pigil ni Vanessa kay Drexel. Agad namang tumigil si Drexel at tinignan ang kasama. ''Let's go inside there!'' Sabi ni Vanessa at tinuro ang isang Department store.

''Akala ko ba di tayo mag-shopping?'' Tanong ni Drexel.

''Hindi nga! Mag-susukat lang tayo!'' Sabi ni Vanessa at hinila na nya si Drexel papasok sa DS. Wala na namang nagawa si Drexel kungdi ang magpahila.

Nang makapasok sila ay agad namang namili si Vanessa ng mga damit na gusto nyang ipasukat kay Drexel. Titignan nya kung bagay ito kay Drexel at kung oo ay ipapahawak nya ito kung di naman ay ibabalil at maghahanap ulit ng iba.

Halos 30 minutes ata silang ganun at madami na ang dami na dala ni Drexel. Nabibigatan na din sya pero hindi sya nagsasalita dahil natatakot sya na baka masira nyaang mood ni Vanessa.

"Oh ayan! Try mo na yang mga yan. Then ako hahanap din ako ng maitratry!" Sabi ni Vanessa at nginitian si Drexel bago ito iwan sa harapan ng fitting room. Napabuntong hininga nalang si Drexel tsaka pumasok na sa fitting room deretso sa isang unoccupied cubicle. Binaba nya ang kabundok na damit sa isang tabi at titignan nya pa lang iyon ay parang pagod na sya kaagad.

"This is the reason why I hate shopping." Nasabi nalang nya at nag-umpisa na syang mag-sukat.

Sa kabilang dako naman ay namimili si Vanessa ng mga damit na gusto nyang sukatin pero hindi bibilhin. May mga napili na din sya pero nag hahanap pa din sya. At kung may magustuhan ma sya sa mga susukatin nya mamaya ay bibilhin nya yun.

"Miss?" Napalingon si Vanessa sa tumawag sa kanya. Isa 'tong binatang lalaki na sa tingin sya ay mas matanda sa kanya ng ilang taon lang.

"Yes?" Sagot naman ni Vanessa.

"Ahm.. I  need help. You see, I am lost and I can't find my Aunt. I don't have my phone here.. So can you please tell me where is the information booth here?" Mahabang sabi ni binata. Sa tantsa ni Vanessa ay hindi ito laki dito dahil na din sa accent nito.

"Ah.. Just go straight there and then go left and you'll see the information booth there." Sabi ni Vanessa at tinuro ang daan.

"Okay Miss. Thank you!" Sabi nito at tinanguan nalan sya ni Vanessa.

Makalipas pa ang ilang sandali ay natapos na din sa pamimili si Vanessa. Pumasok na sya ng fitting room at hinanap si Drexel.

"Drex?" Sigaw nya. Wala na syang pake kung madami ang tao dun.

"Huy! Wag kang sumigaw nakakahiya." Narinig nyang may nagsalita sa left side. At alam nyang si Drexel yun, lumapit sya sa pinto at kumatok.

"Labas ka bilis! I wanna see you." Sabi ni Vanessa at ilang sandali lang ay lumabas si Drexel. Wearing a black v neck shirt with fitted jeans. Napatawa si Vanessa sa nakita nya, she finds it sexy pero hindi bagay kay Drexel lalo na at nakasimangot ito.

"Stop laughing!" Sabi nito at sinara na ang pinto. Lalo namang natawa si Vanessa sa naging reaction nito. Naiiling syang pumasok sa katapat ng cubicle ni Drexel at nag-umpisa na ding magsukat.

Ang unang sinukat nya ay ang blue striped dress na above the knee.

"Hoy! Patingin din ako!" Narinig nyang sabi ni Drexel kaya binuksan nya yung pinto at tumambad sa kanya si Drexel na naka blue polo shirt na katulad ng kanya ay striped din. Natawa silang dalwa ng mapagtanto na pareho ang design ng suot nila.

"This is cute. Let's buy it?" Tanong ni Vanessa. Napaisip naman si Drexel dun, tinignan nya ang suot nya at tama lang sa kanya.

"Sure!" Sabi ni Drexel. Ngumiti si Vanessa bago sila pumasok ulit sa cubicle at nag sukat ng iba.

Ganun lang sila. Hanggang sa maubos ag damit na kinuha nila. Magpapakita sila sa isa't-isa sa bawat damit na susukatin nila at sasabihin kung bagay ba o hindi. Para lang silang nasa isang fashion show kung mag sulat at magpalit ng mga damit. Di pa sila mga nakuntento at nag-picture pa sila.

*******

"Grabe! Nakakapagod!" Sabi ni Vanessa ng mabayadan na nila ang mga damit na nagustuhan nila.

"Oo nga. Pero masaya naman ee." Pag-sang ayon ni Drexel at lumabas na sila ng DS. "Kain muna tayo? Nagutom ako dun!" Tanong ni Drexel.

"Sige. Nabanggit mo ee, nagutom na din ako." Sabi ni Vanessa at natawa silang dalwa.

Lalakad na sana sila ng bihlang may dumaan sa harapan nila, sa di kalayuan.

"Is that.. Karson, Luigi, Skyler and Jonas?" Tanong ni Vanessa. Napatitig silang dalwa sa apat. Hindi sila nakikita ng mga ito pero sila, kitang kita nila ang ginagawa ng apat.

"Yeah. But what are they doing?" Tanong din ni Drexel. Pinanuod lang nila ang apat na ngayon ay parang nag-shoshoot ng iaang pelikula.

Ano nga bang ginagawa ng apat?

Si Jonas may hawak na camera.

Si Luigi at Karson nakasakay sa push cart.

Si Skyler at nagtutulak sa push cart.

"Game na guys!" Narinig nilang sigaw ni Jonas. At sakto naman na tumugtog ang them song ng titanic pero instrumental lang.

At dun na nagsimula. Si Karson ay naka-spread ang dalwang kamay na akala mo sya si Rose. At si Luigi ay nakahawak sa bewang ni Karson na akala mo naman ay siya si Jack.

" I AM THE QUEEN OF THE WORLD!!" Sigaw pa ni Karson habang umaandar ang bangka-- este ang push cart.

Nakatulala lang si Drexel at Vanessa hanggang sa mawala na yung apat sa paningin nila.

"What did just happen?" Halos sabay na tanong ng dalwa. Nag-katinginan sila at sabay na natawa.

"Anong trip ng apat na yun? Gusto ba nilang gumawa ng remake ng Titanic?" Natatawang tanong ni Vanessa.

"Ewan ko sa kanila. Ikain nalang natin ang nakita natin." Sabi ni Drexel at hinila na nya si Vanessa papunta sa KFC.

''Good afternoon Ma'am, Sir. May I take your order?'' Bati ng cashier sa dalwa. Tumingin naman ang dalwa sa taas kung nasaan ang mga pag-pipilian.

''Ahm.. I'll take the 2PC Fully Loaded.'' Sabi ni Vanessa at tinignan nya si Drexel para siya naman ang mag sabi ng order nya.

''I'll take the same order as her, please.'' Sabi ni Drexel at nginitian ang cashier.

''Two 2PC Fully Loaded. 360 pesos po Sir.'' Sabi ng cashier at nag-bigay naman si Drexel ng 500 at agad din syang sinuklian. ''Please just wait for your orders Ma'am, Sir.'' Tumango ang dalwa at pumunta sa kabilang side para hintayin ang order nila. (Hindi ko alam kung ganyan talaga sa pinas. Haha I am basing this here in my place.) 

''Nga pala! About the other day..'' Simula ni Drexel at tinignan sya ni Vanessa na parang hinihintay na mag-patuloy ito. ''Yung sinabi ko about  me not li--''

''Here's your order!'' Naputol ang sinasabi ni Drexel ng biglang sabihin yan ng isang employee duon. Napatingin silang dalwa dito at nginitian ito ni Drexel na parang gusto nya itong bugbugin.

''Thank you!'' Pekeng ngiti ang binigay ni Drexel dito na nahalata naman ni Vanessa kaya hinila na nya si Drexel paalis duon.

''Ayos ka lang ba? Bakit ganun ka kung makangiti?'' Tanong ni Vanessa nang makakuha na sila ng table.

''Wala. Wala. Kain na tayo.'' Sabi ni Drexel. Tinignan sya sandali ni Vanessa bago ito mag-kibit balikat at kumain nalang.

>>>

Tahimik silang nag-lalakad ngayon, kanina pa kasi tahimik si Drexel. Kahit habang kumakain sila ay sobrang tahimik nito, mag-sasalita lang ito pag tatanungin nya. At kung sasagot man ito ay sobrang ikli pa. Nabo-bothered na si Vanessa, hindi nya kasi alam kung may nasabi o nagawa ba syang mali para biglang maging ganito si Drexel.

''Drex.. ayos ka lang ba talaga?'' Tanong ni Vanessa. Tumiigil ito sa pag-lalakad kaya napatigil din sya, dahan-dahan sya nitong nilingon at parang kinabahan sya dahil seryoso ang mukha nito. ''Did I do something wrong?'' Tanong nya ulit dito.

''No. You did nothing wrong. It's just that..'' Napahinga ng malalim si Drexel.. ''I wanted to tell you that I really li--''

''NAPAKA WALANG HIYA MO TALAGA! MAG SAMA KAYO NG BABAE MO!!'' Naputol na naman ang sasbaihin ni Drexel nang biglang may sumigaw nyan. Napatingin silang dalwa sa babaeng sumigaw at patuloy pa din na sumisigaw. Nagulat si Vanessa nang makita nyang napaupo nalang ang babae sa gitna ng Mall at parang umiiyak ito.

''Teka Van! Saan ka pupunta?'' Tanong ni Drexel pero hindi na sya nito pinansin at nagdere-deretso papunta dun sa babae.

''Miss, okay ka lang?'' Tanong ni Vanessa sa babae nang malapitan nya ito.

''Napakawalang hiya talaga ng mga lalake! Hindi sila makuntento sa isa.'' Sabi nito na pinag-taka naman ni Vanessa. ''Bakit? Bakit hindi sila marunong makuntento?'' At ngayon ay tinignan na nito si Vanessa. Nang makita ni Vanessa ang umiiyak nitong mukha ay napangiwi sya. Naaawa sya dito ng sobra.

''Hindi naman po siguro lahat, may mga lalaki lang po sigurong gago at hindi alam ang salitang LOVE.'' Sabi ni Vanessa.

''Bakit? Ano bang alam mo sa love?'' Tanong nito.

''Well, I never felt it. But I do believe that it exist because of our parents.'' Nakangiting sabi ni Vanessa at tinulungan nyang tumayo ang babae.

''Van!'' Napalingon si Vanessa nang tawagin sya ni Drexel, sinenyasan nya itong lumapit na agad namang ginawa ni Drexel. ''Do you know her?'' Agad na tanong ni Drexel nang makalapit ito.

''No.'' Sagot ni Vanessa. Tinignan nilang dalwa ang babae na nakatingin din sa kanila na parang maiiyak pa.

''Huhuhu! Nang iinggit ka ba Miss? Kita mo nang iniwan na nga ako ng Boyfriend ko ee.'' Iyak nito na kinabigla ni Vanessa.

''Ha? Miss, please stop crying!'' Sabi ni Vanessa at inalo ito.

''Tara, labas na tayo nang Mall, may malapit na Park dito.'' Aniya ni Drexel at hinila na nila ang babae palabas ng Mall.

''Ate, ano po ba talagang nangyare?'' Tanong ni Vanessa once they were setteled. Nakaupo sila sa isang bench sa Park na malapit sa Mall kung nasaan sila kanina.

''Kasi, gago yun lalaking yun! Ang lakas nyang lokohin ako, binigay ko na ang lahat sa kanya pero di pa rin sya nakuntento. Bakit ba ganun ang mga lalaki?'' Kwento nito at hindi na nito napigilang umiyak na naman.

''Ate, wag mo naman pong lahat. Hindi po ako ganun.'' Sabi ni Drexel kaya pinanlakihan sya ng mata ni Vanessa. Panira kasi ito sa Drama ni Ate ee.

''Hindi ko naman nilalakat ee, sinasabi ko lang, kung bakit may mga lalaking ganun?'' Sabi ni Ate.

''Maybe it's because, it wasn't really meant to be. Maybe it was just a lesson for you to learn. To not give everything to a guy like him.'' Sobrang meaningful na sabi ni Vanessa na napanganga pa si Ate, at kahit si Drexel ay namangha sa narinig.

''Akala ko ba wala kang alam sa LOVE? Ee bakit ang galing mong mag-handle ng mga ganitong sitwasyon?'' Tanong ni Ate. Bakit kasi di pa sabihin ang pangalan ee.

''I don't know. That's what I learned from the books that I've read.'' Sabi ni Vanessa at nangkibit balikat.

''Pero Ate, tama sya. Hindi mo dapat binibiigay ang lahat, minsan dapat kailangan ding mag-effort ng lalaki na mag-bigay na hindi lang yung babae ang mag-bibigay.'' Sabi ni Drexel at napatango naman si Ate tsaka suminga sa panyo nya.

''Thank you sa inyong dalwa ha? Ako nga pala si Arelie, kayo ba?'' Pakilala nito at suminghot-singhot pa bago ngumiti sa dalwa.

''Vanessa po Ate. Siya naman po si Drexel.'' Pakilala din ni Vanessa.

''Ah, mag jowa kayo?'' Tanong nito na ikinapula ng pisnge ni Vanessa at napa-iwas naman ng tingin si Drexel. ''Nako! Umamin na kayo! Bakit nyo kinakahiya ang isa't-isa? Strict ba parents nyo?'' Dagdag pa ni Arelie.

''Nako! Hindi naman po kasi kami Ate, friends lang kami.'' Sabi ni Vanessa.

''Aysus! In denial pa ata kayo ee.'' Pang-aasar ni Arelie sa dalwa.

''Friends lang kami Ate. Promise!'' Sabi ni Drexel. Kahit na labag sa kalooban nyang sabihin yun.

''Sige na nga! Aalis na din ako, salamat sa inyong dalwa ha? Sana hindi ito ang huli nating pagkikita.'' Sabi ni Arelie habang nakangiti sa dalwa.

''Oo naman Ate!'' Masiglang sabi ni Vanessa.

''At para masigurado yun, kukunin ko ang number nyo.'' Tumatawang sabi ni Arelie na ikinatawa din ng dalwa.

Nang-palitan sila ng number at nag-paalam na din si Arelie paglatapos kaya naiwan na ang dalwa.

''Hapon na. May gusto ka pa bang gawin?'' Tanong ni Drexel. Napaisip naman si Vanessa, isa na lang ang bagay na gusto nyang gawin sa kanyang first date ee.

''I wanna watch the sunset.'' Nakangiting sabi ni Vanessa, at napangiti na din si Drexel dahil may naisip na syang isang lugar kung saan magandang manuodin ang pag lubog ng araw.

''Let's go! Para maabutan pa natin!'' Sabi ni Drexel at hinila na nya si Vanessa patakbo. Buti nalang at naka-flats lang si Vanessa kaya wala syang hirap na tumatakbo.

Bumalik sila sa Mall, nagtataka man si Vanessa ay nagpahila nalang sya kay Drexel. Sumakay sila sa elevator at nakita nyang pinindot nito ang pinaka mataas na floor. At ngayon ay alam na nya kung bakit sila pupunta dun.

Nang makarating sila ay agad na hinala ulit ni Drexel si Vanessa palabas ng elevator paakyat sa hagdan papunta sa rooftop ng Mall. At sakto lang ang dating nila, palubog na ang araw. Hinihingal silang nakatingin sa papalubog na araw, habang ang kamay nila ay magkahawak kamay.

''I always wanted to do this with my first date.'' Sabi ni Vanessa na hindi inaalis ang tingin sa papalubog na araw.

''I guess I'll consider myself lucky because I am your first date.'' Sabi ni Drexel kaya napatingin sa kanya si Vanessa. ''Being with you in a day is something I never expected to happen, but I've always dreamt of it.''

**************************

''Thank you for this day!'' Nakangiting sabi ni Vanessa. Nasa tapat na sila ng bahay nila, gabi na sya naihatid ni Drexel dahil napasarap ang kwentuhan nila kanina sa rooftop.

''You're always welcome!'' Nakangiti ding sabi ni Drexel. Yung ngiting singkit na ang mata nya.

''Sige, ingat ka ha?'' Sabi ni Vanessa at tinanguan sya ni Drexel. Tinalikudan na nya ito at papasok na sana kaso napatigil sya nang tawagin sya ni Drexel.

''Vanessa..'' Nilingon nya ito at parang nag-tatanong. ''Yung ano.. may sasabihin sana ako sayo.'' Sabi nito.

''Ano yun?''

''I li---''

''ATE! Andito ka na pala!'' Napapikit ng madiin si Drexel nang maputol na naman ang sasabihin nya kay Vanessa.

''Oh Janessa.'' Humalik sa kanya ang kapatid nya at nginitian nito si Drexel.

''Musta Date nyo? Ayiieee!'' Tanong ni Janessa na may mapang-asar na ngiti.

''Tumigil ka nga! Pasok ka na dun, may sasaihin daw si Drex ee.'' Sabi ni Vanessa.

''Hindi wag na. Good night lang naman sasabihin ko ee.'' Sabi ni Drexel at pekeng ngumiti.

''Ganun ba? Sige. Good night din! Ingat ka!'' Sabi ni Vanessa. Hinintay nya munang makaalis si Drexel bago sya pumasok sa loob kasama ang kapatid nya.

''Ate, may bisita tayo.'' Pag bibigay alam ni Janessa sa atae nya.

''Talaga? Sino?'' Tanong ni Vanessa.

''VANESSA!!'' Napatalon sa gulat si Vanessa nang may sumigaw ng pangalan nya pag pasok nya ng bahay.

''TITO MAX!!!'' Sigaw din ni Vanessa nang makita nya kung sino ang tumawag sa kanya.

''Ang laki laki mo na! At balita ko'y galing ka daw date?'' Sabi ni Maximillian habang yakap ang pamangkin.

''Tito naman! Nang aasar ka ata ee.'' Maktol ni Vanessa kaya tinawanan sya ni Maximillian.

''Biro lang 'to naman!'' Sabi ni Maximillian at ginulo ang buhok ni Vanessa.

''Dad!'' Tawag ni Vanessa ng makita nya ang daddy nya na nakatayo sa isang gilid at pinapanuod sila. ''Thank you!'' Sabi ni Vanessa ng yakapin nya ang Daddy nya.

''For what?'' Takang tanong ni Rick.

''For allowing me to go out with Drex. I love you!'' Bulong ni Vanessa, napangiti nalang si Rick. Kahit labag sa kalooban nya ang pagpayag, pero ang makitang masaya ang anak nya, masaya na din sya.

''You are welcome. I love you too!''

''Oy! Sa kanya lang Van? Pano si Mommy?'' Singit ni Jenni.

''Mom naman ee! Sinira mo naman moment namin ni Daddy!'' Sabi ni Vanessa kaya natawa silang lahat duon.

>>>>>>>

Nakangiting bumaba si Vanessa nang kotse niya. Masaya sya dahil she finally has her own car, regalo ito sa kanya nang mga Lolo't Lola nya pero ngayon nya lang nagamit dahil nga ayaw pa syang pagamitin ng Daaddy nya na always strict.

''Naks naman Gurl! Ganda nang kotse ah!'' Sabi ni Clara kaya napatingin sa kanya si Vanessa.

''Kanina ka pa dyan?''

''Oo, kanina pa. Nakitako nga din yung maganda mong ngiti ee. Anong dahilan nyan? Yung kotse o yung nang-yare nung sabado?'' Mapang-asar na sabi ni Clara, imbis naman na maasar ay tinawanan nalang sya ni Vanessa.

''Ewan ko sayo. Tara na nga lang!'' Sabi ni Vanessa at hinila na si Clara.

Habang naglalakad sa hallway ay patuloy pa din sa pang.aasar si Clara kay Vanessa. Kanina pa daw kasi ito nakangiti na parang mapupunit na ang mukha sa sobrang laki ng ngiti.

''Uy si Drex oh.'' Turo ni Clara. Agad nyang tinignan ang kasama at nakita nyang mas lumaki ang ngiti nito. Napailing nalang sya dahil parang alam na nya kung bakit.

''DREXEL!'' Hindi si Vanessa ang tumawag kay Drexel. DAPAT sya, pero may naunang babae na sumulpot sa kung saan. Tinignan lang nila kung paano ito tumakbo papunta kay Drexel at nang makalapit at mahigpit nitong niyakap si Drexel. Napakunot ang noo ni Vanessa, nag tataka sya kung sino ba ang babaeng ito. Sa isip nya, baka isa lang ito sa mga baliw na babae na may gusto kay Drexel. Pero hindi, dahil niyakap ito pabalik ni Drexel at ang laki pa ng ngiti nito.

''Uy Girl! Ayos ka lang?'' Tanong ni Clara nang mapansing hindi na maipinta ang mukha nito. Parng gusto nitong pumatay nang tao na parang gustong umiyak, na parang gusto nyang mag wala nagyon mismo. Hindi nya alam.

''Oo, tara na.'' Sabi ni Vanessa at nagpatuloy na sa pag-lalakad.

'Bakit ba ganun? Akala ko yun na. Hindi pa pala. Akala ko lang pala. Maybe, hindi nya nga talaga ako kayang magustuhan.'

-----------------------------------------

Dapat may kasunod 'to kaso may plano ako. Hahaha ewan ko kung matutuwa kayo o ano. Pero basta sa next chapter, it's a WAR!

P.S. You might want to remember the name Arelie ;)

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 278K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
181K 8.1K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...