Demon's Obsession

By Taciturnelle

413K 9K 798

Everything around her was prosaic... not until she met him... the devil himself. Ctto for the photograph. More

NOTICE
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-two (2)
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine

Fourteen

3.7K 92 10
By Taciturnelle

Plan

---♦♦♦---

TULAD ng dati, hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. But this time, it's not out of fear that I'm not able to look him in the eyes; it's the humiliation.

Ilang araw na ang lumipas ngunit ganoon pa rin ang nararamdaman ko.

Nahihiya ako. Sa kaniya, sa sarili ko, at sa mga magulang kong binabantayan ako mula sa langit. Ano na lamang ang sasabihin nila sa akin? Paano ko nagawang magpayakap sa lalaking hindi ko kilala! Kahit nga pangalan niya ay hindi ko alam!

I washed my hands on my face out of frustration as I mentally slapped myself. What was I thinking? Siguro ay naiiling na lamang na nakatingin sina Mama at Papa sa akin, at kung posible ay nakurot na ako sa singit.

Sorry po, Mama... Papa.

Napatingin ako sa veranda nang mahawi ang kurtina nito kaya't pumasok ang nakapapasong init. Tanghali na ngunit hindi pa rin ako bumabangon. Kanina ko pa iniisip kung paano ko siya pakikitunguhan. Kagaya noong mga nakaraang araw.

What's the right thing to do?

"God, please guide me," I silently prayed.

I pulled myself out of the ever soft bed and was about to go to the bathroom when my eyes caught a plate covered in a cling wrap, seated on top of the table. The same table yesterday and the other days. The meals were placed there everyday, on the same spot, with the same plate and cutleries... that it's becoming a routine.

Naalala ko bigla ang apartment. Ganito rin ako tuwing umaga; didiretso sa banyo para maligo bago mag-almusal. Ang kaibahan nga lang, doon ay walang nakahandang almusal dahil ako ang maghahanda niyon para sa aking sarili.

Noong mga nakaraang araw, kapag ganitong oras ay narito na siya at tinitignan ang kalagayan ko. Hindi naman siya nagtatagal; siguro mga kalahating oras lamang ng paninitig at pagmatyag sa akin. Hihintayin niya akong matapos kumain. Pagkatapos ay bubuksan niya ang malaking flat screen TV saka siya aalis. Maybe he goes to work after. And when I'm left alone, I'd turn it off and let myself drown in thoughts.

But yesterday was a quite different day. He didn't come to this room, until the night.

Imbes na sa banyo, pumunta ako sa closet at kumuha ng damit. Mukhang matagal na talagang pinaghandaan ang pagdating ko sa bahay na ito. Pagbukas ng pinto, bumungad ang mga damit pambabae na organisadong nakasalansan.

Napailing na kumuha na lamang ako ng damit bago tuluyang pumasok sa banyo.

When I finished my morning rituals, I stepped out of the bathroom and immediately noticed that the room's temperature has gotten warmer. Ah, kaya naman pala. Lumapit ako sa veranda upang isara ang sliding door. I closed the heavy drapes. It's black which is a good thing so no light could escape.

I halted.

Of course it's the right thing to do. Escape! "Thank you, Lord!"

Bakit ba hindi ko naisip iyon? Ilang araw na ako rito ngunit hindi ko man lamang naisip iyon? Oo, siguro mali nga na pinagbintangan ko siya ng kung anu-ano. Maaaring hindi naman talaga siya ang may gawa ng mga iyon kina Jeoff at Lance. Ngunit mali na ikulong niya ako rito.

Kailangan kong umalis. Pero... saan ako pupunta?

The adrenaline died down. Nanghihinang napaupo ako sa kama. Wala akong ibang mahihingan ng tulong kundi si Brianna. Ngunit pagkatapos ng palpak naming plano, siguradong malalaman niya ulit ang babalakin namin.

Sa bagong buhay na ipinagkaloob sa akin pagkatapos ng aksidente, kaunti pa lamang ang nakilala ko mula sa aking schoolmates hanggang sa coworkers. Bukod kina Mama at Papa, sina Brianna, Jeoff, at Sister Vivienne lamang ang pinakaclose ko.

My eyes widened in realization. Si Sister Vivienne! Siya ang makatutulong sa akin.

Sa naisip ay muli akong nabuhayan ng loob. Sakto naman ang pagkulo ng aking tiyan. Muli akong tumayo at umupo sa lamesa saka maganang sinimulan ang pagkain.

I need to plan my escape and I will need energy for that.

-♦-

PAGOD akong umupo sa kama.

Bakit? Bakit ang hirap tumakas?

Hindi ako marunong ng lock picking pero ginawa ko naman ang lahat ngunit hindi ko mabuksan ang pinto ng kuwarto! Kung mayroon lang sanang bobby pin, siguro mas madadalian ako kahit hindi ko naman talaga alam kung paano gamitin iyon. Mas okay na rin iyon kesa sa mga gamit na nakuha ko lamang rito sa loob ng silid na ito.

Paano na lang ang main door? Paano ko mabubuksan iyon kung dito pa nga lang sa kuwarto ay hirap na hirap na ako?

I sighed after a while. Ranting would lead me nowhere. I should think of a more concrete plan. Siguro ay kailangan ko munang pag-aralan ang nasa paligid ko.

Saan naman ako magsisimula? Sa kaniya? Sa kung paano mabubuksan ang bawat pinto? Kung saan niya inilalagay ang susi? Pero baka pwede ko naman iyon gawin nang sabay-sabay, hindi ba? Tama! Siya na lamang ang kulang upang magawa ko na ang aking 'pag-aaral'.

Naputol lamang ang aking pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas ng isang pinto. Speaking of!

A beep then followed. Ang main door.

The main door was not the traditional type that needs a key to be unlocked. Maybe it could be opened by a card or password. I really don't know. I never saw that door upclose. Hindi niya naman kasi ako hinahayaang makalapit doon.

Kasunod ay ang pagbukas ng kuwartong kinalalagyan ko ngayon. Agad niyang nahanap ang aking mga mata. Umiwas ako. Ayokong malunod sa kaniyang mga titig.

From my peripheral vision, I saw him walk towards the sidetable at my back. I didn't hear a sound but I knew he placed the paper bag he was holding on top of it. Sunod ay lumapit siya sa mesa at kinuha ang pinagkainan ko na kanina ko pa naayos.

I was about to stop him and volunteer to do it when I remembered that he didn't like it when I insist to do the chores. So I gave the idea up and followed him in the kitchen.

Nakatalikod siya at tila may hinihiwa nang pumasok ako sa kusina. I sat at the high stool and looked at him.

"I could feel a hole boring through me," he said all of a sudden. I was in the middle of contemplating whether I'd tell him my request or not that I didn't notice I stared at his back for too long.

I cleared my throat. Umayos ako ng upo at inabala na lamang ang sarili sa aking mga kamay at sa ibang bagay. Nahagip ng mata ko ang digital clock sa ‘di kalayuan. Lunch na pala. As if on cue, nilapag niya sa harap ko ang bagong lutong ulam. Beef broccoli.

Pagkatapos maayos ng lamesa ay nagsimula na agad kaming kumain. Tahimik, tanging kubyertos ko lamang ang maririnig.

"What is it?" Napaangat ako ng tingin sa kaniyang tanong nang matapos kaming kumain. "You want to tell me something. What is it?" he repeated.

"Ah..." I bit my lower lip and looked away. I'm really afraid this won't work.

I sighed and closed my eyes, gathering courage. As I looked at him again, his face is still void of any emotion. "Uhm, kasi g-gusto ko s-sana sa Sunday na..." I looked away as I reluctantly added, "...magsimba." There, I said it!

With crossed fingers, I waited for his answer.

There's fifty percent of him being on my favor or not but with the way we have started, I know the chance of him letting me go outside is lower. Of course! The very reason of my stay here is because he doesn't want me to go out! But I'm calling all the saints I know because this might be my last chance to get away from here... from him.

Sumulyap ako sa kaniya. Wala pa rin siyang reaksyon. Mas lalo akong kinabahan. Dumaan pa ang ilang sandali at nanatili lamang siyang nakatitig sa akin.

I bitterly smiled to myself as my hope crumbled down. How ridiculous of me to ask. As expected, he wouldn't—

"Okay," he said, building my hopes high again.

My jaw dropped. Nang makabawi ay sumilay ang ngiti sa aking labi. My eyes probably sparkled in joy! "S-salamat!" I smiled widely. How happy I am, I could hug him!







x
©Taciturnelle

Continue Reading

You'll Also Like

261K 6.5K 32
Gustav Batalier loathed one guy and only one guy, and that is Malec GarcĂ­a. So imagine his shock when he found out that the guy is possessively obses...
12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
364K 13.2K 44
Hindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na w...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...