She's A Bad Girl

By Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... More

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 14

79.1K 1.8K 179
By Sweetmagnolia

             

                            *****

"Miisha Avenoja, twenty over fifty."

Pasimpleng natatawa ang mga kaklase ni Miisha habang naglalakad siya patungo sa mesa ng professor para tanggapin ang resulta ng kanyang nat.sci. exam. Siya ang lowest pero nakangiti pa rin siya. Wala siyang pakialam sa reaksiyon ng mga kamag-aral. Malaking improvement na ito sa kanya. At least nakatwenty siya di gaya ng mga naunang exams na sampu lang ang pinakamataas na nakuha niya.

"Miss Avenoja I'm glad that you're improving," bati sa kanya ng professor.

"Thank you," sagot niya.

Sa lahat yata ng lowest at bagsak, siya lang ang bukod tanging nakakatanggap ng congratulatory remark.

Bumalik siya sa kanyang desk at tinitigang maigi ang kanyang test paper. Inilabas niya ang isa niya pang exam. Sa mathematics naman ito at sa wakas ay pasado na siya. Bagamat hanggang twenty lang ang test at least nakakuha siya ng sampu.

Hindi na siya makapaghintay na ipagmalaki ang mga test results niya kina Jacob at Kyle. Nagbunga rin ang pagtulong ng mga ito sa kanya.

Pagdating ng breaktime, diretso agad siya sa canteen para abangan ang grupo nina Jacob. Excited na excited na siyang ipaalam sa mga ito ang scores niya. Simula nang pumuwesto siya sa isang mesa'y di na humiwalay sa kamay niya ang mga test papers. Maya't maya niya itong tinitingnan at nirereview. Tinatandaan niya ang mga naging mali niya para sa susunod ay masagot niya na ito ng tama.

After one hour of waiting, sa wakas ay dumating na rin ang mga inaantay niya. Hindi siya napansin ng grupo dahil as usual sinasalubong na naman ang mga ito ng mga admirers. She didn't get their attention at hinayaan na lang munang makaorder ang mga ito. Nang makapuwesto ang tatlo sa mesa saka lamang siya lumapit. Magkatabi sina Jacob at Laarni kaya't sa tabi siya ni Kyle naupo. Tamang-tama ito talaga ang una niyang gustong pasalamatan.

Napakunot agad ng noo si Jacob sa biglaan niyang pagsulpot.

"Kyle!" masiglang bati niya sabay lapag sa mesa ng kanyang math exam. "Tingnan mo o nakapasa ako sa math!" nakangiting balita niya.

Namilog ang mga mata ni Kyle at tiningnan nito ang papel. "Really wow congratulation Miisha!"

"Congrats Miisha!" may ngiting sabi sa kanya ni Laarni.

"Salamat! At thank you rin sa pagtuturo mo sa akin Kyle. Ang galing mong teacher!" puri niya.

Tumaas ang kilay ni Jacob sa narinig. "Why are you only thankful to Kyle? I was the one who pushed you to study harder in that subject," reklamo nito.

Nginitian niya ang nakasimangot na binata at sabay ipinakita din dito ang resulta niya sa natural science. "Thank you rin Jacob. My score in science had gotten higher too," dagdag balita niya.

Kinuha ni Jacob ang test paper at inusisa ito.

"But this one is failed," dismayadong komento nito.

"Pero tumaas naman ang score ko. Di ba dati out of fifty, ten lang ang score ko? At least ngayon tumaas na ng sampu!" masayang pahayag niya.

Sinauli sa kanya ng kausap ang papel at tila hindi pa rin ito natuwa sa katwiran niya. "This means you need to study even harder. By the way, you told me that you find mathematics more difficult than science. But why is it that you still dropped science yet you passed math? Does it mean I'm a bad tutor?" may bahid ng tampong tono nito.

Napalunok siya. How she wished she could tell him he's not a bad teacher. Di lang talaga siya makapagconcentrate kapag ito ang nagtuturo sa kanya. Kagaya ngayon para na naman siyang matutulala habang nakapako ang mga mata nito sa kanya. Haayy. Kahit ang dismayadong reaksiyon nito ay cute pa rin sa paningin niya.

Naalala niya ang sinabi ng ama na may karelasyon na ito. So what? She can still have crush on him eventhough he has a girlfriend, right? Sabi nga ni Wendy as long as it's not love, she has the freedom to tolerate this exciting feeling. It's just a secret admiration and never pa namang sumagi sa isip niya na gusto niya itong makarelasyon.

"Miisha!" pagbasag ng lalaki sa pag-iisip niya.

Agad siyang napakurap. "Ah-eh mas madali talaga ang science para sa akin. Nagkataon lang siguro na mas mahirap ang mga tanong sa exam nito kumpara dun sa math," mabilis na palusot niya.

Tinapik siya ni Kyle sa balikat. "Miisha I feel great about your quiz result. You're really improving a lot. At dahil diyan ititreat kita ng lunch ngayon."

Bigla siyang nakaramdam ng hiya. "Naku huwag na! Ako nga ang dapat magtreat sayo dahil ako ang tinutulungan mo."

"I feel like it's my achievement too. You made me proud as your teacher. So anong gusto mong kainin?" alok muli nito.

Nag-isip siya ng mabilisan. She can save one meal kaya bakit niya pa ito tatanggihan?

"Chicken at baked mac," nakangiting sagot niya.

"Okay I'll buy it for you."

"Samahan na kita," aniya.

"No. Just sit there and wait."

"O-Okay. Thank you."

Muli siyang tumingin kay Jacob and he's still giving her a slit-eyed looks. Naasiwang nginitian niya ito.

"G-Gusto mo ikaw na lang ilibre ko?" maamong alo niya sa lalaki.

"My tray is full. Girls here are giving me more than enough already. Kung gusto mo I'll share some with you." Sabay may dumaang isang babaeng estudyante at pasimpleng inilapag ang isang slice ng cake sa tabi ng tray ni Jacob.

"See?" he shrugged while looking at her.

"S-Salamat pero huwag na. That's for you. The girls who gave it to you will be offended kapag nakita nilang ipinamigay mo lang sa iba ang bigay nila."

This is the first time she witnessed Jacob boasting. May itinatago din pala itong munting kayabangan sa katawan.

"Then you can have what I bought."

"Thanks but Kyle is already buying lunch for me."

She feels awkward about his offer kaya siya tumanggi. Hindi niya masabi kung labas ba ito sa ilong, sincere o pinapakonsensiya lang siya for his willingness to give her a reward although he's unhappy about the result.

Bumalik si Kyle sa mesa na bitbit ang tray ng biniling pagkain para sa kanya.

"Thank you," nakangiting bigkas niya.

"You're welcome."

Jacob quickly butted in. "Oo nga pala Miisha. Laarni will help you study in Philo."

Ngumiti si Miisha at agad na nagliwanag ang mga mata niya. "Really?!"

Kiming tumango si Laarni. "Jacob convinced me and I think I'll enjoy the tutorial session just like them," mahina at nakangiting pahayag nito.

"Salamat! Nakakahiya naman mag-aaksaya ka rin ng oras para sa akin. Saka okay lang ba sayo na gabihin umuwi?"

"Don't worry. Helping someone is not a waste of time," katwiran nito. "Okay din lang sa aking gabihin since sinusundo naman ako ng driver everyday. Ia-adjust ko na lang ang oras ng sundo ko pag may study session tayo," malumanay na pahayag nito.

"Miisha can we asked something in return for the favors we do for you?" ika ni Jacob.

"Sure as long na kaya kong gawin, why not?" she answered amicably. "What do you want me to do?"

"Can you make a portrait of Laarni?" sagot ni Jacob.

Natigilan si Miisha sabay napatingin sa kiming babae. Laarni smiled at her with a begging face.

Di agad siya makasagot. Kahit kailan ay wala pa siyang niregaluhan ng paintings niya. Maliban kay Kathleen, she never painted for anyone else. It's true she's a prideful artist kaya aminado siyang ipinagdadamot niya ang talentong ito. She valued it so much that she can't even afford to give it as gifts or freebies to anybody.

"I heard from Jacob that you're such an amazing painter. And it's been my longtime fancy to have my own portrait."

Tinimbang niya ang sitwasyon. If she agreed to it, masusuklian niya ang mga nagawang pabor ng mga ito sa kanya at mapapasaya niya pa ang tatlong officers ng White Lambs. Mas magiging malaki ang chance nya na maging permanenteng member ng club. Her work will serve as bribe.

"Sure. No problem!" biglang siglang sagot niya.

Laarni's eyes beamed. "Really?! Wow thank you Miisha!"

Napansin niyang natuwa rin si Jacob sa sinabi niya.

"Medyo pila pa ang gagawin ko for my major subjects. When do you want to have your portrait?" malugod na tanong niya.

"It's up to you. I don't want to disturb your schedule. Kung kelan ka free doon mo na lang gawin. Do I need to model?"

"Hindi na. All I need is to memorize your face," may ngiting sabi niya.

"Wow you must really be a genius painter!" puno ng paghangang pahayag ng babae.

"Hindi naman," she uttered humbly.

When she felt that their conversation was over, she stood up. Binitbit niya ang tray ng pagkain.

"Where are you going?" Jacob reacted.

"Lipat na ako ng table," kaswal niyang sagot.

"Why do you have to transfer, ayaw mo ba kaming makasabay kumain?" dagdag pang sabi nito.

"Hindi naman sa ganun. Kaya lang darating sina Claribel at Jesusa baka magtampo ang mga iyon kapag di ko sila sinamahan."

"Okay, but don't forget our study session later. Laarni will be teaching you for the first time so you better be there," paalala nito.

"Yes. Sige alis na ako." Tiningnan niya ulit si Kyle. "Thank you ulit sa pagkain ha. I'll enjoy this. Sa susunod ako naman ang manlilibre sayo."

"I'll be looking forward to that," he answered smiling.

"Sige na umalis ka na kung lilipat ka ng table," pagtaboy sa kanya ni Jacob.

Inirapan niya ang binata. Kanina niya pa nahahalata ang pagsusungit nito. Anong magagawa niya kung bagsak siya sa science? Eh sa hanggang doon lang muna ang kaya ng utak niya. Sa susunod kapag nakapasa siya ipagduduldulan niya talaga sa pagmumukha nito ang resulta!

                                ------

"Aristotle, Plato, Socrates, Descarte, Thomas Aquinas, Confucios are among those greatest philosophers of all time..."

Nakatanga lamang si Miisha habang pinagmamasdan si Laarni. Hindi siya naniniwalang may nilikhang perpekto ang diyos pero ngayong kaharap niya nang malapitan ang babae parang meron yatang nakalusot na isa. Bakit ganito ito kaganda? Walang pintas lahat ng parte ng mukha. Maganda ang mga mata, matangos na maliit ang ilong, full and red lips, rosy cheeks, mapuputi't pantay-pantay ang mga ngipin, at tila walang pores sa kinis ang mukha. Parang gatas ang kutis, maiitim at makintab ang mahabang buhok and has a well-sculpted body. Totoong tao ba talaga ito o isang fictional character lamang sa nobela? Maganda. Matalino. Mabait. Matangkad. Seksi.

Hindi siya mahilig mag-admire ng kagandahan ng kapwa babae especially those who loves to wear makeup. But as an artist, when she sees a real beauty she really appreciates it. And Laarni is an epitome of real beauty in her taste.

"Miisha... what's wrong?" puna ni Laarni sa pagkakatulala niya.

"Is she day dreaming again?" sabat ni Jacob na noon ay nasa katabing desk nila who's also studying on his own. "There you go again with that bad habit. Kaya hindi gaanong nagsisink-in sa isip mo ang nirereview dahil lagi na lang lumilipad yang utak mo," pagalit nito.

May continuation pa rin pala ang pangit na mood nito.

Sinimangutan niya ang lalaki. "I'm not day dreaming. I'm staring at Laarni's face."

Tumaas ang kilay ng kausap. "Why would you stare at her imbes na sa libro at mga notes mo?"

"I-I'm memorizing her face since I'll make her a portrait."

"I told you not to mix your artistic feels during tutorials," iritableng wika nito.

"So easy for you to say that because you're not an artist," katwiran niya.

"Guys stop arguing," malumanay na saway ni Laarni. "Miisha let's continue with the lesson now. If you want to memorize my face I can let you do it some other time. Sabihin mo lang kung kelan mo gusto," maamong dagdag nito.

Ngumiti siya sa mabait na kaharap at inirapan naman si Jacob. "Okay na Laarni. Sige ituloy na natin ang pagrereview. Pasensiya ka na, ang ganda mo kasi nakakadistruct," pabirong sabi niya

.

She started taking the lesson seriously until they were distructed by a phone call. Kay Jacob na naman. Inasahan niyang lalabas na naman ito but surprisingly he didn't leave the room. He answered it right there and then.

"Hello."

Was it her girlfriend?

"Nasa White Lambs ako....I'm with them... I'll go with you after here. Okay. Bye," maiksing pakikipag-usap nito.

Pareho silang napatingin ni Laarni sa lalaki.

"It's Kyle. May lakad kami tonight," he voluntarily explained after seeing their curious faces.

So it wasn't the girlfriend? Kaya naman pala hindi ito lumabas.

Itinuloy niya ang seryosong pagrereview hanggang sa napagod na ang utak niya sa pagbabasa. She's tired pero ganadong-ganado pa rin si Laarni sa pagtuturo sa kanya.

"Ah-eh Laarni can we stop now? Malayo pa kasi ang uuwian ko at magcocommute pa ako," excuse niya.

"Jacob is it okay if we stop now?" paalam muna ng babae sa leader.

Tiningnan muna siya ni Jacob. Agad siyang umarteng pagod na.

"Yeah. Miisha is right, malayo pa nga ang uuwian niya," sang-ayon ng lalaki.

Dali-daling niligpit ni Miisha ang mga gamit bago pa man magbago ang isip ng lalaki. Tumayo agad siya para magpaalam.

"Paano mauuna na ako sa inyo. Marami pa akong gagawin sa bahay," masiglang sabi niya.

"Go ahead. I'll stay with Laarni, hinihintay niya pa ang sundo niya."

"Sige. Bye Laarni! Thank you!" ngiting-ngiting kaway niya.

Nagmamadali siyang lumabas ng silid at para na naman siyang nakalaya sa hawla na siyang tipikal na reaksiyon ng mga taong  napipilitang mag-aral. Nilakihan niya ang mga hakbang sa pag-aalalang baka pabalikin na naman siya ni Jacob, parang may pagkasadista pa naman ang mood nun ngayon.

"Shit!"

Napamura siya pagdating niya sa gate. Nakalimutan niya ang dala niyang rinolyong canvas. Mapipilitan siyang bumalik ng White Lambs dahil kailangan niya yun ngayong gabi. Binatukan niya muna ang sarili at saka mabigat ang mga paang bumalik sa quarter ng club.

Bukas pa rin ang ilaw nito, halatang naroroon pa rin ang dalawa. Binuksan niyang maiigi ang medyo nakaawang lamang na pintuan.

"Sorry-" biglang nahinto ang masayang bungad niya. Para siyang sinampal pagkatapos ay binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Naabutan niyang masayang nag-uusap sina Jacob at Laarni....habang magkahawak ang mga kamay.

Her mouth remained wide open samantalang napatanga din ang dalawa sa biglaan niyang pagsulpot. At nang makabawi siya sa matinding pagkagulat, napapahiya siyang ngumiti.

"I-I forgot my canvas tube."

Nagmadali siyang pumasok ng silid at agad-agad na dinampot ang naiwang gamit. Ngumiti siya sa dalawa at pinilit magkunwaring hindi apektado sa nakita. 

"I'll go ahead. Thanks again," paalam niya.

Before she turned away, nakita niyang bumitaw si Jacob sa pagkakahawak sa kamay ng babae. Lumabas siya ng silid and only by then she starts to feel the pain. The hurt she felt by hearing the news from her father that Jacob is in a relationship is not on the same level with this one. Mas pinupunit ang dibdib, mas masakit at parang mas malakas ang sampal sa kanya. Iba pala ang epekto ng narinig lamang kesa personal mo itong makita.

Binilisan niya ang paglalakad habang paulit-ulit na humihinga ng malalim. 

"MIISHA!" Jacob yelled.

Itinuloy niya ang paglalakad at nagkunwaring walang narinig. She heard footsteps behind her hanggang sa maramdaman niya na lang na may humigit sa braso niya.

"Can we talk?" Jacob said worriedly.

Lumunok siya at pasimpleng yumuko. She couldn't face him right away. Nag-aalala siyang baka mapansin nito ang naiiyak niyang reaksiyon. Crush mo lang yan...crush mo lang yan. You don't have the right to overreact. Paulit-ulit niyang paalala sa sarili habang nilalabanan ang nararamdaman. She feels like crying but she doesn't want to embarrass herself in front of him. Nang medyo maibsan ang sakit ng pinipigang dibdib saka niya lamang lakas loob na tiningnan ng diretso sa mukha si Jacob. Parang may malaking bara sa lalamunan niya pero pinilit niya pa ring magsalita ng normal.

"Para saan?" kunway nakangiting tanong niya.

"About what you saw..." nag-aalalang sabi nito.

She chuckled. "What about it? I don't mind at all. Hindi ko ugaling makialam sa personal na buhay ng ibang tao," natural na paliwanag niya.

"No. I want to explain. I don't want you to get the wrong impression. Please let me talk to you," pakiusap nito.

She needs to pull off her act. Dapat magmukha pa rin siyang cool at hindi apektado. She can't display any sign of bitterness.

"Okay if you insist... Although, I think there's no need for that," may ngiting sabi niya.

"Thank you. I'll drive you home now," he said with relief.

"Then how about Laarni?" kunot noong tanong niya.

"Dumating na ang driver niya. Pwede mo ba akong hintayin sandali. Ihahatid ko lang siya sa sasakyan?" Nakikiusap pa ring tono nito.

"Sure."

Bumalik si Jacob sa silid ng White Lambs while she remained standing in the hallway. Di niya alam kung bakit siya pumayag. Marahil ay gusto niyang marinig mula mismo sa lalaki na mali ang iniisip niya. That what she saw was a mere friendly gesture.

Lumabas ang dalawa sa quarter ng club and she was shocked again. Magkahawak-kamay pa rin ang mga ito. Muling nag-alboroto ang sakit sa kanyang dibdib.

She's not having a wrong impression. The two of them are definitely a couple!

Tiningnan niya sa mga mata si Jacob and he looked back at her in a way that he's confirming her thoughts. Dumaan ang mga ito sa harap niya at nahihiyang tumingin sa kanya si Laarni. Nginitian siya nito at bahagyang yumukod. Kahit hinihiwa ang dibdib, she managed to smile back.

Naghiwalay lamang ang mga kamay ng dalawa nang marating ang bahagi ng gusali kung saan maaring may makakita na sa kanilang ibang tao. Hinabol niya ang mga ito ng tingin habang tinitiis ang mga karayom na tumutusok sa kanyang dibdib.... She remained speechless and immovable hanggang sa tuluyan na siyang naiwang mag-isa sa tahimik na pasilyo.

Continue Reading

You'll Also Like

81K 1.4K 36
Love at first sight. Isang pangungusap na ginagawang katawa-tawa ng iilan. Pero, para sa kay Grysa Montecrisanto, totoo ang love at first sight. Nal...
2.7M 59.9K 37
May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT POP FICTION.
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
16.5M 341K 42
│PUBLISHED│ Be ready for her trippings. The little devil, Fancy Jewel Abellano. Copyrighted Pinkyjhewelii, 2014