New Friend

By AquariaOnyx

194 2 0

Hi! I'm Kristy. Naranasan ko ang isang misteryosong pangyayari kung saan hinding-hindi ko ito makakalimutan k... More

Author's Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
10
Finale
Epilogue

9

13 0 0
By AquariaOnyx

New Year's Eve (2015)


Hindi maganda ang bagong taon ko. Nagmukmok lang ako sa kwarto at hindi ko gustong makipag-usap sa kahit na sino. Na-stuck pa rin ako sa araw na iyon na kung saan nasaktan ako. Since that day, hindi na siya muling nagpakita pa.

Hindi ko pinahalata  ang aking kalungkutan sa aking mga magulang dahil paniguradong magtataka sila. Hindi ko pa naman sinabi sa kanila ang tungkol sa aming dalawa ni JC. Sa tuwing umiiyak ako ay sinisigurado ko na wala sila sa bahay o di kaya'y naka-lock ang kwarto ko. Ang hirap pala kapag naglilihim.

Naririnig ko ang ingay na nagmumula sa mga fireworks sa labas ngunit wala akong gana na panoorin ang mga ito. Sa halip ay lumabas ako ng silid matapos ayusin ang magulo kong buhok at matamlay na mukha. Pupuntahan ko sina mommy at daddy upang magpaalam dahil gusto kong maglakad-lakad sa labas. Gusto kong mapag-isa muna at isipin ang mga bagay-bagay.

Nasa tapat na ako ng nakabukas nilang pinto pero pinili ko munang manatili sa labas sapagkat narinig ko silang nag-uusap.

"Bakit pa natin sasabihin?", ani daddy.

"Mas mabuting malaman niya. Wala namang masama dun", si mommy naman.

Naramdaman ko ang tensiyon nung sumigaw bigla si dad, "hindi mo ba naiintindihan? May necrophobia siya!"

"Please, let us tell her... Her phobia is just mild. Hihintayin pa ba natin na siya mismo ang makaalam? Mas lalo lang siyang maguguluhan at natatakot ako na mas lumala pa ang takot niya, to the point na mahirap nang ma-overcome ang kaniyang phobia", my mom was pleading to my dad.

Binuksan ko ang pinto.

"But—" napatigil si daddy sa kaniyang katwiran nung mapansin niya ako.

"What's going on?" Naguguluhan kong tanong.

Naalerto sila sa presensiya ko at bakas sa kanilang mga reaksiyon na hindi sila mapakali.

"Anak, kanina ka pa ba nakikinig?" Agad na wika ni mommy.

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay nagbato ako ng mga katanungan."Anong let us tell her? Ako ba ang tinutukoy niyo?"

Don't tell me hindi ako yung tinutukoy nila kanina. I hope they'll not lie to me because if they did, I don't know what to do anymore. I don't like liars around me! I hate people not telling anything! I feel betrayed, worthless and in extreme pain. Ayokong dumagdag pa ang mga magulang ko sa bilang ng mga taong sinungaling. They're my parents for goodness' sake!

Hindi sila nagsalita pareho.

What now? Aren't they going to tell me, are they?

"Mom, Dad... may kailangan ba akong malaman?" Parang may bumara sa lalamunan ko. I forced myself not to cry in front of them. I already had enough.

Nagkatinginan silang dalawa na tila nagdadalawang isip kung magsasalita ba o hindi.

"Anak... ano kase... uhmm", hindi matuluy-tuloy ni daddy ang kaniyang sasabihin. Maybe, nagdadalawang-isip nga siyang sabihin sa akin.

Mom bravely stood up in front of my dad. "Sorry but we have to tell her." Sabi niya.

Pinaupo ako ni mama sa sofa at sumunod naman si papa.

"Anak, makinig ka nang mabuti... Nagkasala kami ng papa mo sa'yo, sana patawarin mo kami. May itinatago kaming lihim mula sa'yo— it has been three years now." My mom confessed.

Wait. What?! Three years ago and no one told me about it. What is this secret that they kept it from me for years now? I'm seriously dismayed to both of them.

Nagpatuloy si mommy, "alam naman natin na may phobia ka sa mga patay and we're trying to help you overcome that fear. We thought that it's best for you not to know about what happened back then so we keep it a secret from you. But then we regretted not telling you. Ayaw ko na may inililihim kami ng daddy mo sa iyo. Sasabihin na namin ito sa iyo ngayon bago pa maging komplikado ang lahat. Kristy, kung ano man ang sasabihin namin sa'yo, please lend us your understanding ears."

At nagsimula na ngang magpaliwanag sila sa akin. Habang nakikinig, halu-halo na namang mga emosyon ang nadama ko. I feel angry, disappointed, and at the same time... guilt.

Totoo pala talaga ang nangyari sa akin noong 2012 nung bagong dating pa kami rito sa Cagayan de Oro. Noon, ipinipilit ko sa aking mga magulang na totoo ang pangyayaring iyon pero ngayon, iniisip ko na sana hindi nalang 'yun naging totoo.

Dismayado ako sa aking mga magulang sapagkat hindi nila ito agad sinabi sa akin. At galit ako sa kanila dahil hindi ko man lang nalaman ang tungkol sa taong nagligtas sa akin noong gabing 'yon. Pero dapat ko ba talaga silang sisihin? Ipinaliwanag nila na nilihim nila ang bagay na 'yon sa takot na mangyari na naman sa akin ang karansan ko noong namatay ang best friend ko. Thus, I feel guilty because I should have been the one hit by that car and not him.

Somehow, I hate myself. Kung hindi lang sana ako tumakas sa bahay ng gabing 'yon, wala sanang mawawalan ng buhay. Alam kong masakit sa pamilya niya ang pagkawala niya. Ramdam ko ito dahil sa pagkawala ng lolo ko. I really hate myself. Paano kung sa mga puntong 'yon, nagluluksa ang pamilya ng sumagip sa akin habang ako, walang kamuwang-muwang? Ni hindi ko man lang nabisita ang puntod niya. Ang saya ko pa nung summer na 'yon tapos lingid sa kaalaman ko, may ibang mga taong nagdadalamhati sa pagkawala ng mahal nila sa buhay.

I tried to compose myself in front of my parents but I failed. I breakdown. Umiyak ako. Humagulgol ako nang napakalakas at ito lang ang maririnig sa apat na sulok nitong silid. Lahat ng aking mga pinagdaraanan ngayon ay ang bawat luhang nag-uunahang umagos sa aking mga mata. Napakabigat ng aking puso— sobrang bigat. Ang gusto ko lang ay lumisan sa lugar na ito.


I'm suffocating. This is the kind of suffocation I'm dying to escape with.


"Anak"

Hahawakan na sana ako ni mommy pero agad akong tumayo.

"Leave me alone and don't try to follow me." I quickly left the room and ran away from them.

I wanted to run from all of them. Or maybe, I just wanted to run from the inescapable pain.

🔹🔸🔹🔸🔹

2:30 a.m.

Kahit na bagong taon na ngayon, tila naiwan ako sa nakaraang taon. Gusto kong bumalik sa mga pagkakataong buhay pa si lolo, noong masaya ako, at noong panahong kontento na ako na hindi alam ni JC na gusto ko siya.

Nandito ako ngayon sa sementeryo. Gusto ko sanang magpasalamat sa taong nagligtas sa akin noon. And I need to overcome this fear kaya hindi ko na ininda pa ang oras ng pagpunta ko rito.

Madilim ang paligid pero natunton ko pa rin ang mausoleum na iyon. Ang pagsagip siguro niya sa akin ang dahilan kung bakit minsan ay dinadala ako ng mga paa ko rito sa mismong lugar na ito.

Kaharap ko na ang lapida niya. Napansin ko naman ang isang pamilyar na bracelet sa tabi ng kaniyang walang larawang picture frame. Kinuha ko ito at may kumawalang luha sa mata ko. Itong bracelet na 'to ang itinapon ko rito nung pasko na siyang ireregalo ko sana kay JC. Akala ko hindi ko na ito makikita pang muli. May nakalagay na 'Kristy loves JC' sa bracelet.

Isinantabi ko muna siya sa aking isipan nung maisip ko ang totoong pakay ko sa lugar na ito. Ibinaling ko ang tingin sa pangalang nakaukit sa lapida.

"Hi Jeff... a-ako nga pala si Kristy..." I let out a heavy sigh. "Ako nga pala ang dahilan kung bakit w-wala ka na." Yumuko ako. Nahihiya ako sa aking sarili.

Nagpatuloy ako and I'm hoping he's listening to me. "Sorry kung hindi mo nakasama ang mga mahal mo sa buhay nang matagal dito sa mundo. I... am really sorry. At thank you talaga sa pagligtas mo sa akin. If you weren't there on that day, baka wala na ako ngayon. Utang ko sa'yo ang buhay ko dahil kung hindi mo 'ko sinagip, hindi ko sana 'siya' makikilala. And if you were here, sabay sana tayo na gagradweyt this school year. Nalaman ko pa na nag-aaral tayo sa parehong paaralan."

Hinaplos ko ang kaniyang lapida. "Sige Jeff, I have to go. Thank you for saving me and sorry ulit. Sana mapatawad mo pa ako."

Napagdesisyunan kong lumabas na nang may narinig akong pamilyar na boses ng isang lalaki.


"Matagal na kitang pinatawad..."


Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses pero wala namang ibang tao sa paligid.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
51.3K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...