I am courted by a GHOST! ON-H...

By justanordinarygirl17

16.9K 391 125

anong mararamdaman mo kung may manliligaw kang ubod ng gwapo at pinapangarap ng lahat? pero pano kung ikaw... More

I am courted by a ghost
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
Chapter 5
chapter 6
Chapter 8
chapter 9- bestfriend
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13- first day as lance's fake girlfriend
chapter 14 - sam and lance
chapter 15-sam and lance part 2
chapter 16 - Samantha's lovestory
chapter 17- Samantha's love story part 2
chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
author's note
chapter 24
chapter 25
chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
chapter 32
Chapter 33

chapter 7

569 13 0
By justanordinarygirl17

Chapter 7>>> the search is on

"okay ito ang una nating gagawin, pupunta tayo bukas sa presinto." Siguro naman nakafile sa prisinto ang kaso nya at sana may may suspect na sila sa pagkamatay ni benji o baka nga nahuli na nila ang nangholdap sa kanya.

"diba may pasok ka bukas? Tapos may trabaho ka pa sa gabi?" tanong nya sakin.

"half day lang ang klase ko bukas tapos gabi pa naman ang duty ko sa heaven's café kaya may oras pa tayo para pumunta sa presinto." Sabi ko sa kanya habang hinuhugasan ang basong ginamit ko.

"okay, bukas na lang natin pag-usapan ang iba pa nating gagawin. sa ngayon magpahinga ka muna mukhang pagod na pagod ka na e." tama ba yung narinig ko? concern sya sakin? O feeler lang talaga ako?

Sa sobrang gulat ko sa biglang pagkaconcern nya sakin, hindi makapaniwalang napatitinig lang ako sa kanya.

"ano! Wag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi naman ako ganun kasama. Alam ko naman na pagod na pagod ka na." may tinatago na ganitong side pala itong si benji. Ang sweet lang.

"okay fine! Hindi ko na ququestionin yang biglang bait mo sakin, basta bukas wag na wag kang pupunta sa university at hindi ako makapagconcentrate sa klase ng maayos." Palala ko sa kanya habang papasok ako sa kwarto ko.

"alam ko naman na nakakadistract talaga itong gwapo kong mukha, pero ano naman ang gagawin ko dito sa apartment atsyaka ikaw lang ang nakakakita at nakakakausap sa akin." grabe abnormal talaga ang isang to'. Kanina sweet at concern na concern sakin tapos ngayon balik na naman sa pagiging mahangin nya.

"sinong may sabi na gwapo ka? kapal naman ng mukha mo! At sino naman ang hindi madidistract kung may katabi kang madaldal!" pero tama din naman talaga sya na nakakadistract naman talaga ang gwapo nyang mukha. Pero wag na lang natin sabihin dahil lalaki lang masaydo ang ulo nyan.

"alam ko naman na lagi mong tinititigan ang mukha ko, kaya wag ka ng mahiyang sabihin sakin na nagwawapuhan ka sakin sanay na ako sa ganyang reaction. " proud na sabi nya.

"ANONG LAGI! Minsan lang naman!" ang exaggerated naman nya! Minsan lang nama... OMG! Wait! Parang umamin na din ako sa kanya na tama yung akusa nya sakin. Pero totoo naman talaga, pero kahit na nakakahiya! Lintik na bibig to! Nilaglag pa ako!

"see! Umamin ka din na tinititigan mo ang gwapo kung mukha!" mas proud na sabi nya. Yan yung sinasabi ko e, mapuri lang ng konti lumalaki kaagad ang ulo.

"Che! Bahala ka dyan matutulog na ako." Tinalikudan ko na kaagad sya para hindi na nya ako maasar pa. pero dahil sya si Benjamin de ocampo hindi nya ako tinigilan kakaasar hanggang makatulog ako.

At gaya ng pinagusap namin pagkatapos na pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na kaagad kami sa presinto para magtanong kung nahuli na nila yung pumatay kay benji o di kaya kung may suspect na sila.

"diba sabi ko sayo wag kang pupunta sa school!" galit na sabi ko sa kanya. Ilang beses ko sya sinabihan kagabi kahit kaninang umaga na doon na lang sya sa apartment pero dahil mas matigas pa sa semento ang ulo nitong bugok na to hindi nya ako sinunod at tumabi pa talaga sakin buong klase.

"hindi naman ako maingay ha!" sabi nya habang sumusunod sakin sa paglalakad. Nilalakad lang kasi namin ang presinto, sayang din ang pamasahe no! kahit 7 lang yun, pandagdag na din yun sa baon ko bukas.

"kahit na! ilang beses kita sinabihin kagabi at kaninang umaga! buti na lang at kahit papaano may naintindihan ako." Pero grabe ang ginawa kong concentration para lang pumasok lahat ng tinuturo samin na walang mukha ni benji o ni devin akong naiisip. Kung alam nyo lang kung gaano kahirap mapalibutan ng mga gwapo. Para kang nasa hell and the same time nasa heaven, HOT na mga ANGEL.

"wala nga kasi akong magawa sa apartment ko!" nakasimangot na sabi nya.

"correction apartment ko." kung makakanya naman ng apartment ko parang sya nagbabayad ng upa nun ah.

"akin naman talaga dapat yun kung hindi lang ako nabaril."seryosong sabi nya. Napapansin ko lang tuwing napapag-usapan namin yung kamatayan nya lagi syang nagiging seryoso. Siguro hanggang ngayon hindi parin nya tanggap na patay na sya. Sino ba nga namang gustong mamatay ng maaga?

"so ibigsabihin bago ka namatay doon ka din nangungupahan?" tanong ko sa kanya.

"yun nadali mo din! Kaya hindi lang yun apartment mo, apartment ko din yun, apartment natin!" masayang sabi nya. Okay confirm bipolar nga po sya, hindi pala mas tamang sabihin ay multipolar sya! Ang bilis kasi magshift na emotions, kanina nakasimangot, tapos seryoso tapos ngayon masaya na naman sya. Mga sintomas ng pagiging abnormal.

"nandito na pala tayo." Sabi nya ng makarating na kami sa presinto. Sa sobrang daldal nya hindi ko na namalayan na nandito na pala kami.

"magandang tanghali po!" nakangiting bati ko sa pulis sa front desk.

"magandang tanghali din iha, anong matutulong ko sayo?" tanong sakin ng pulis na mukhang nasa 50 years old na, namumuti na kasi ang ilan sa mga buhok nya.

"tatanong ko lang ho sana kung anong update dun sa kaso ni Benjamin de ocampo?" tanong ko sa kanya.

"ahhh yung bang nabaril sa Lourdes nung isang buwan?" pasimple naman akong tumingin kay benji para kumpirmahin kong sya nga yung tinutukoy ng pulis. Mabilis namang syang tumango kaya sumagot kaagad ako.

"opo sya nga po yun." Magalang na sagot ko.

"kaano-ano ka ba nya iha?"tanong nya sakin.

"ahmmm..." ano bang sasabihin ko klase, kapatid, kapitbahay, girlfriend o asawa.

Napailing naman ako sa mga naiisip ko, seriously girlfriend! Asawa! Talagang dapat nasa choices yun?

"kaibigan, tama kaibigan po ako ni benji!" mabilis na sagot ko sa pulis.

"ahh ganun ba iha, sya maupo ka muna dyan at hahanapin ko lang ang files nya." Sinunod ko naman yung sinabi nya at tiningnan lang syang naghahanap sa mga cabinet nilang punong-puno ng mga folders.

"sa wakas nakita ko din." Mayamayang sabi nya habang hawak-hawak ang isang folder na feeling ko ay kay benji na kaso.

Binasa nya iyon sandali bago umupo sa harapan ko.

"nako ineng sinirado na ng korte ang kaso ng kaibigan mo wala kasing witness na nakakita sa pangyayari at malinis ang ginawang pagpatay sa kanya wala kaming nakitang kahit anong pwedeng maging ibedensya." Tumigil muna sya ng sandali bago magsalita ulit.

"At magiisang buwan na nga ding walang pumupuntang kamaganak nya dito para magsampa ng kaso, wala nga ding kumuha sa bangkay nya kaya si mayor at ang pinapasukan nyang unibersidad na lang ang nagpalibing sa bangkay ng binatang iyon. Sa katunayan nga nyan ikaw pa lang ang unang pumunta dito sa presinto para magtanong sa kaso nya." Sabi sakin ng pulis habang binabalik na ulit ang folder sa lalagyan. Napatingin naman ako kay benji na ngayon ay nakatungo, alam ko na malungkot sya sa kanyang narinig kasi walang kahit anong pwedeng makatulong samin para mas mabilis namin mahanap ang pumatay sa kanya.

"ahhh ganun ho ba, sige salamat na lang ho." Sabi ko sa pulis at nagsimula ng lumabas sa presinto.

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot saming dalawa habang naglalakad kami papuntang apartment. Wala ni isa samin ang nagsalita simula ng lumabas kami sa presinto. Gusto ko man icomfort sya kaso hindi ko naman magawa kasi hindi ko alam kung papaano ko sya kakausapin.

Nakarating na kami sa apartment pero wala pa din samin ang nagsasalita.

"pano ba yan, wala ng matutulong satin ang mga pulis." Pagbabasag nya sa katahimikan namin. Buti na lang talaga at nagsalita na sya kasi nagiging awkward na ang atmosphere namin kanina.

"wala ka bang nakakagalit o naging kaaway bago ka nabaril?" tanong ko sa kanya. Kasi pwede din naman may nag-utos lang na papatayin sya tapos parte lang ng plano nila ang holdapan effect para maligaw ang kaso.

"hindi ko alam,pero sa pagkakatanda ko wala naman ako nakaaway." Sabi nya habang pilit na inaalala kung may nakaalitan nga ba sya.

"hindi mo ba talaga na mumukaan kahit isa duon sa nagholdap sayo?" tanong ko ulit sa kanya.

"Parehas na nakamascara ang nangholdap sakin kaya di ko sila namukhaan pero may tattoo ang isa sa kanila sa kanang kamay." ano ba yan, tanging tattoo lang sa kanang kamay ang clue namin.

"aghhh ano ba yan mukhang mahihirapan tayong hanapin ang mga pumatay sayo." Inis na sabi ko. nakakafrustrate kasi gusto kung tumulong kay benji kaso hindi ko na alam kung papaano.

"wag kang mag-alala masyado. sabi nga sa komersyal sa tv, wag kang aayaw! Think positive!" sabi nya habang ginagaya ang tuno sa ni robin padilla sa komersyal. Napakaunpredictable talaga ni benji dapat nga sya itong mafrustrate kasi hindi pa umuusad ang kaso nya pero ito sya kampanteng mahahanap namin ang pumatay sa kanya. Siguro dapat tularan ko sya! Tama think positive! Mahahanap din namin sila. Kaya namin to!aja!

"mamaya na lang natin ulit pag-usapan paano natin hahanapin ang killer mo baka malate pa ako sa duty ko sa heaven's café." Sabi ko sa kanya habang inaayos na ang gamit ko.

Bago pa ako tuluyang makalabas sa apartment humarap ulit ako sa kanya. "utang na loob benji! Wag ka ng pumunta sa café, hintayin mo na lang ako dito."

Nadaan naman sa pakiusapan this time si benji at hindi talaga sya nagpakita sa café kinana. Mabuti na lang at hindi sya napagpakita sakin at nakakasawa na din makita ang mukha nya buong araw. Okay fine! I lied again! Sino bang magsasawang tingnan ang gwapong mukha ni benji?

Ang totoong dahilan? natatakot ako. Natatakot ako sa kanya. hindi dahil multo sya o dahil patay na sya, natatakot ako kasi baka mahulog ako sa kanya at hindi yun pwedeng mangyari kasi alam ko na ako lang ang masasaktan sa huli.

"sa wakas dumating ka na din! Ang tagal mo ata ngayon?" tanong kaagad sakin ni benji pagkapasok ko sa apartment.

"aww snob!" malungkot na sabi nya habang hawak hawak ang puso nya. Sinadya ko kasi syan hindi pansinin at dumiretso na sa kwarto ko kaagad kasi nga diba habang maaga pa dapat mapigilan kong mafall sa kanya.

Hindi naman ako manhid, napakalaki ng chance na mahulog ako kay benji. Ikaw ba naman laging makasama ang isang gwapo at makulit ewan ko na lang kung di ka magkaroon ng kahit konting feelings.Ayos pa sana kung buhay pero sa sitwasyon ko patay na sya.

"hindi mo talaga ako papansinin?" malungkot na sabi nya sakin pagkalabas ko sa banyo.

"pwede ba benji, pagod ako." Seryosong sabi ko sa kanya habang naglakad na papuntang kama para makapagpahinga na din ako.

"sorry!" nakayuko nyang sabi sakin. Bigla naman akong nakonsenya.

"sige magpahinga ka na, good night!" sabi nya sakin bago sya tumalikod. Bigla ko naman naalala yung sinabi samin kanina ng pulis tungkol sa pamilya nya.

"...At magiisang buwan na ding walang pumupuntang kamag-anak nya dito para magsampa ng kaso, wala nga ding kumuha sa bangkay nya kaya si mayor at ang pinapasukan nyang unibersidad na lang ang nagpalibing sa bangkay ng binatang iyon sa katunayan nga nyan ikaw pa lang ang unang pumunta dito sa presinto para magtanong sa kaso nya."

Wala ba syang pamilya?

At dahil mukhang hindi ako patutulugin kakaisip kung may pamilya nga sya. Hindi ko na pigilan tanungin sya tungkol dito.

"teka lang benji!" pigil ko sa kanya. Dahan-dahan naman syang humarap sakin na may nakakalokong ngiti sa mukha nya.

"sabi na nga ba at hindi mo ako matitiis."nakangiting sabi nya habang lumalapit sakin.

"may tatanong sana ako sayo?" seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ko na pinansin ang unang nyang sinabi dahil ayoko ng pahabain pa ang usapan namin.

"kung tatanungin mo kung bakit ako gwapo? Well hindi ko din alam kung bakit pero scientifically gwapo lang talaga ang genes namin." Dapat talaga masanay na ako sa pagiging conceited nya.

"meron ka bang pamilya?" ditersong tanong ko sa kanya at hindi na pinapansin ulit ang mga banat nya.

Nawala naman ang ngiti sa mukha nya at napalitan ng seryosong itsura nung sinagot nya ako ng "Oo may pamilya ako."

"kung ganon bakit sabi ng pulis walang kahit isang kamaganak mo ang kumuha sa... sa bangkay mo?" nag-aalangang tanong ko sakanya baka kasi sensitive na topic na ito sa kanya.

"nasa probinsya kasi sina inay at itay... " pagsisimula nya.

"magtatatlong taon na din ng huling makita at makausap ko sila. Magcocollege ako nun ng umalis ako sa bahay at pumunta dito sa Batangas dahil sa offer na scholarship sakin." Malungkot na sabi nya.

Napansin ko naman na parang nagaalanganin sya ikwento sakin yung ibang bagay kaya magsasalita na sana ako na ayos lang kahit hindi nya sabihin ng ituloy nya ulit ang kanyang kwento.

"mahirap lang kami. dalawa lang kaming magkakapatid at nabubuhay lang kami sa konting pananim nina inay at itay na mga gulay sa likod ng bahay namin. Ako lang nakapasok sa paaralan saming magkapatid kaya nung makagraduate ako ng highschool naghanap kaagad ako ng scholarship para sa college dahil alam ko hindi na kaya nina itay ako paaralin." Tumigil naman syang sandali para bang pinipigilan nya ang kanyang emotion.

"Isang araw masaya akong umuwi sa bahay para ibalita sa kanila na may nahanap na akong full scholarship kaso hindi iyon nagustuhan nina itay. Sapat na daw ang nakatungtung ako sa paaralan at maalam na bumasa at sumulat, hindi ko na daw kailangan ng diploma dahil hindi rin naman ako makakasiguradong makakakuha ako ng trabaho, mas mabuti pa daw na tumulong na lang ako sa kanila sa bukid at siguradong may kita pa doon." Grabe naman ang magulang ni benji, samantalang si tatay ginagawa nya ang lahat mapagtapos nya lang ako sa pagaaral.

"kaya umalis ako sa amin,para kasi sakin iba parin kapag nakapagtapos ka. Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi ako babalik sa probinsya hanggang wala akong diploma at maayos na trabaho." Hindi ko akalain na sa likod pala ng masayahing mukha ni benji ay may pinagdadaanan pala syang malaking problema.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko o kung ano ang dapat kung sabihin pagkatapos kung marinig ang kwento nya. nabunutan ako ng tinik ng biglang bumalik ulit ang masayahing mukha ni benji.

"O gabi na matulog ka na! yang eyebags mo magiging maleta na!" nakangiting sabi nya habang naglakad na ulit papaalabas.

"good night cath! Dream of me!" huling sabi nya bago tuluyang umalis.

Pagkatapos ko malaman ang kwento ni benji mas lalo kung gustong tulungan syang bigyan ng katarungan ang kamatayan nya.

Kaya wag kang magalala benji! Hindi ako titigil hanggang mahanap na din natin sila.

Mahahanap din natin ang mga pumatay sayo benji!

The search is on


Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...