New Friend

By AquariaOnyx

194 2 0

Hi! I'm Kristy. Naranasan ko ang isang misteryosong pangyayari kung saan hinding-hindi ko ito makakalimutan k... More

Author's Note
Prologue
1
2
4
5
6
7
8
9
10
Finale
Epilogue

3

14 0 0
By AquariaOnyx

First Day of School (3rd yr.)

"Naku! Male-late ka na anak! Wake up", yinugyog ako ni mommy.

Kinusot ko ang aking inaantok pang mga mata. Matamlay akong bumangon saka nag-unat. Nilingon ko ang alarm clock at kumunot ang aking noo.

"Mom... 4:30 a.m. pa lang." Humikab ako at ipinikit ang mga mata.

Napadilat ako sa gulat nang hilahin ako ni mommy palabas ng kwarto.

"Your breakfast is ready kaya magmadali ka ng maligo upang hindi lumamig ang pagkain mo. Go!" Sabay abot ng tuwalya at  itinulak ako palayo.

Talaga 'tong si mommy, excited much.

Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa ginawa niya.

As I was walking along the corridor, nakasalubong ko si grandla na naka-pink na pantulog. Ang cute niya tignan!

"Good morning grandla!" Bati ko sa kaniya sabay flash ng smile.

"Uy, apo! Good morning pud. Tarunga ang first day sa klase, ha?" [Uy, apo! Good morning din. Pagbutihin mo ang first day sa klase, ha?] Hinaplos niya ang buhok ko.

Tumango lang ako bilang sagot. "Sige la, maliligo muna ako." Nagpaalam muna ako sa kaniya at tumakbo patungong bathroom.


6:25 a.m.


"Bye mommy, daddy, grandla and grandlo!" I waved them goodbye.

Ikinabit ko ang shoulder bag sa aking balikat at nagsimulang tahakin ang daan patungong eskwelahan. Walking distance lang naman.

Nasa sidewalk na ako nang maalala ko 'yung gabing may kinukuha akong bola sa gitna ng daan. Hindi ko lang maalala kung panaginip lang ba talaga 'yun o totoo pero sabi kasi ng mga magulang ko na panaginip lang daw 'yun... which is, pwede ring malabo maging hindi totoo.

"Urrrggghh... Ang gulu-gulo ko naman! 'Wag mo na nga 'yung isipin Kristy—", napatigil ako nang may bola ng basketball na tumama sa ulo ko. "Awwww...", reklamo ko sabay himas sa parte na masakit.

In a blink of an eye, nakita ko ang isang lalaki na sa pagtatantya ko ay kasing-edad ko lamang. Tumakbo siya sa aking harapan upang kuhanin ang bola.

"Hala! Sorry. I'm really sorry! Are you hurt?" Pag-aalalang tanong niya.

"Hi-hindi naman", pero sa totoo lang ay masakit 'yung ulo ko.

Inayos ko ang aking buhok para kunware okay lang talaga ako.

"Tagalog ka?" Ta's kinamot niya ang kaniyang batok. Aweeeeee, how cute!

"Taga-Manila kase ako but don't worry, alam ko naman ang mga simple bisaya words." Nginitian ko siya.

"Ganun? Uhmm... Sorry talaga natamaan ka ng bola ko. Sige, mauna na'ko. Pupunta pa kasi ako sa school."

"Hey! Dungan nalang ta. Didto raman akong eskwelahan" [Hey! Sabay nalang tayo. Dun lang naman 'yung paaralan ko], itinuro ko ang paaralang mga ilang hakbang nalang ang lapit sa amin.

"Diha man pud ko ga-eskwela. Ta, dali na!" [Diyan din ako nag-aaral. Tara, halika na!], masaya niyang wika.

I think I'm having a new friend here in Cagayan de Oro. Well, it's called the City of Golden Friendship for a reason.


Maaga pa naman kaya umupo muna kami sa botanical park nitong school. Nagkwe-kwentuhan na kami ng kahit ano pero hindi ko pa alam ang pangalan niya habang siya, alam na niya ang name ko.

"Matanong ko nga, ano ba ang pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.

Biglang tumunog ang bell ng ikatatlong beses, hudyat upang kami ay magsipasok na sa aming mga classrooms.

"Sige Kristy, mauna na'ko. Ikaw din, kasi time na. Mahuli ka pa sa klase dahil sa ating kwentuhan." Tumawa siya at pagkatapos ay tumakbo na papalayo.

"Hey, wait! Anong pangalan mo?!"

Haaaaay... Naiwan ako rito nang hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Napaka-importante na ang pangalan ang una kong itanong sa kaniya pero hindi ko man lang nagawa.

Nagkibit-balikat nalang ako at hinanap ang magiging classroom ko.

Section A - 4. Hmmm... Kristy Mersen.

Nakita ko ang aking pangalan sa listahan na nasa labas ng silid. 'Eto na nga ang room ko.

Nag-introduce lang ang aming mga teachers sa kanilang mga pangalan at pati na rin sa subjects na kanilang ituturo sa amin. Kami rin ay nag-get-to-know-each-other.

"Class dismiss and don't forget to keep safe at huwag tatawid sa kalsada nang hindi naka-alerto sa daan. Get me class?" Wika ng subject teacher namin na si Ma'am Perci.

"Yes ma'am", sagot naman ng aking mga kaklase.

Kadalasan sa mga classmates ko sa bagong paaralan ay mga old students. Sa palagay ko nga, ako lang ang transferee.

"Baka mangyari sa inyo ang nangyari sa ka-batch niyo", huling sabi ni ma'am bago lumabas sa silid-aralan.

Nung break time, nanatili akong nakaupo sa aking upuan at nagpaiwan din ang katabi kong si Sheena kaya kinausap ko nalang siya.

May gusto rin akong malaman.

"H-hey", panimula ko.

Medyo nauutal pa ako dahil sa hiya.

"Hello", ngumiti siya na parang anghel. Ang ganda niya, tsong!

"May itatanong lang sana ako. Sino 'yung tinutukoy ni Ma'am Perci kanina na ka-batch natin?" Lakas-loob kong tanong.

Biglang umiba ang aura niya. I can see imaginary brightness around her and couple of hearts in her eyes.

"Ahh, 'yun. He is Jeff Castillas, number one crush ng campus at pinakamagaling na varsity player ng school. Kyaaaaaah!"

Tumili siya dahil sa kilig.

Talaga lang ha. Akala ko quiet girl ang isang 'to pero okay na rin naman kausap. Tss...

"So, anong nangyari sa kaniya?" Pagpapatuloy ko.

Nawala ang sigla sa kaniyang mga mata at napalitan ng kalungkutan.

"Namatay siya nung summer, nabundol daw ng isang SUV... Huhuhu. Crush ko pa naman 'yun", nagbabadyang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

"Ganun ba? Teka, wala ka bang kaibigan?" Kanina ko pa kasi siya napapansin na mag-isa lang.

"Actually meron at sila ang leaders ng fans club namin for Jeff. Kaso nang malaman nila na patay na si Jeff, they were nowhere to be found. Hindi na kami nagkikita-kita at nawalan na rin kami ng communication sa isa't isa", nagpakawala siya ng buntong-hininga at ramdam ko na mas nalungkot siya dahil sa sinabi.

Is it just me or it really sounds hilarious when her friends gone missing after their campus crush died? So, I guess they're just friends for fangirling's sake.

"Awww, don't be sad. Friends nalang tayo", I winked at her with a genuine smile on my lips.

Inabot ko pa ang kamay ko sa kaniya at nag-shake hands kaming dalawa.

"Sige ba", she grinned happily.


🔹🔸🔹🔸🔹


4:47 p.m. (at the park)

'Di ko pa feel umuwi kaya umupo muna ako sa isang bench na nasa loob ng parke na malapit lang sa bahay ng grandparents ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata.

I face the sunset while closing my eyes. I feel my surroundings as well.

"Hi Kristy, eto oh!"

Agad kong idinilat ang aking mata dahil narinig ko ang aking pangalan. Nagulat ako dahil ang lapit ng kaniyang mukha na nakaharap sa akin habang may dala-dalang dalawang popcorn.

Hindi pa rin niya inibsan ang distansiya nung hindi ko pa kinukuha ang popcorn na kaniyang inaabot.

"Hey, ikaw pala. Thanks", inabot ko ang popcorn. Mabuti naman at medyo dumistansiya na siya after kong kunin sa kaniya ang pagkain. Awkward kaya ng position ko kanina. Or rather say, ang awkward ng pagmumukha ko habang hindi masyadong makatingin sa kaniya. "Hali diri, lingkod sa akong tapad." [Hali ka rito at tumabi ka sa akin.] I tapped the vacant seat beside me the moment I recovered from an awkward situation.

"Sige, salamat." Ngumiti siya saka naupo. "Ngano naa paman ka diri?" [Bakit andito ka pa?] Tanong niya agad sa akin.

"Alam mo na, explore C.D.O.! Eh ikaw, abi nako'g niuli na ka?" [Akala ko umuwi ka na?], binuksan ko ang popcorn na ibinigay niya saka kumuha ng isa at nginuya.

"Diri man gud ko ga-stay when I was still —"


Silence.


Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya sana.

"When you were still???" I asked out of curiosity with a hint of slight impatience waiting for his answer.

Lumingon siya sa akin at tinignan ako sa mga mata. "When I was still young."

"Aaaaaaaaah", ani ko sabay tango. "May itatanong pa sana ako sa'yo."

"Hm? Ano 'yon?" Nginitian niya ako.

Why is he so gorgeous?

"Ano ba ang pangalan mo?"

Tumayo siya.

"Uy, I have to go na pala. Sige Kristy, bye!" Nagpaalam siya at tumakbo palayo.

Wow. That was... unexpected.

Ang unfair naman, alam niya pangalan ko pero 'di ko alam pangalan niya. Hmp!

"Ano ba 'yan! Pangalan na nga lang, hindi ko pa makuha!"

Continue Reading

You'll Also Like

260K 11.2K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
159K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
279K 17.3K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...