My Teacher's Daughter

By ImACrazyGirl24

178K 4.3K 457

MHMP Serie II: She is Vanessa, the beautiful daughter of Jennifer and Frederrick Demesa. And he is Drexel Jon... More

My Teacher's Daughter
MTD 1
MTD 2
MTD 3
MTD 4
MTD 5
MTD 6 Part 1
MTD 6 PART 2
MTD 7
MTD 8
MTD 10
MTD 11
MTD 12
MTD 13
MTD 14
MTD 15
MTD 16
MTD 17
MTD 18
MTD 19
MTD 20
MTD 21
MTD 22
MTD 23
MTD 24
MTD 25
MTD 26
MTD 27

MTD 9

6.5K 151 8
By ImACrazyGirl24

"Mga dude! Pusang gala!! Tulong!" Sigaw ni Drexel sa apat. Napatigil ang apat sa pagkwekwentuhan nila at tinignan nila si Drexel na parang bored na bored sila. "Wag nyo kong tignan ng ganyan! Tutulungan nyo ako sa ayaw at sa gusto nyo!" Sabi ni Drexel at umupo sa harap nung apat.

"Yun naman pala ee. Bakit mo pa pinapaalam samin kung hindi mo din naman pala hihingin at sagot namin?" Sabi ni Karson. Wala sya sa mood mag-mala musical. Gawa yun ni Luigi, dahil pinakain sya nito nung isang araw ng bawang, may balat pa.

"Ano ba kasi yun ha? Tense na tense ka ah!" Tanong ni Skyler.

"Pare! Nababaliw na ba ako?" Tanong nya dun sa apat at nag-katinginan ang apat na parang nag-iisip.

"Oo." Sabay-sabay na sagot nung apat.

"Hindi yun Pare!" Inis na sabi ni Drexel. "Baliw na ba ako.. kung... mag-kagusto ako kay Tombs?" Dahan-dahan nitong tanong. At katulad ng pagkakasabi nya ay mabagal ding na-absorb ng apat ang sinabi ni Drexel. "Huy!" Untag ni Drexel sa apat.

"TALAGAAA??!" Sigaw nung apat makalipas ang ilang minuto. Nagulat naman si Drexel dahil sa sigaw nung apat, napatalon pa sya ng kaunti dahil sa gulat.

"Oo nga!!" Sagot ni Drexel.

"Haha! Sabi na nga ba at kakainin mo din ang mga sinabi mo ee." Pang-aasar ni Skyler. Minsan lang yan mang-asar pero hard pag nang-asar.

"Oo na. So tulungan nyo nga ako." Pag-babalik ni Drexel sa totoong dahilan kung bakit nya binulabog ang apat.

''Ee ano ba kasi ang magagawa naming tulong sayo LoverBoy?'' Mapang-asar na tanong ni Luigi tsaka sila humagalpak ng tawa na apat, habang si Drexel ay nakatingin lang sa apat na ngaon ay halos mawalan na ng hininga sa kakatawa.

''Tapos na ba kayo?'' Seryoso nitog tanong kaya napatigil ang apat at sumersoyo.

''Sorry Pare.'' Sabi ni Karson at umubo. ''So ano ba ang gagawin mo?'' Tanong nya.

''Well, I want to ask her out on a date kaso baka hinid pumayag ee.'' Simula ni Drexel.

''Oh! Ee ikaw kaya si Drexel Jon Servantes! Walang makakatanggi sayo no!'' Sai ni Jonas pero napailing si Drexel.

''Hindi Pare!! Iba si Vanessa, hindi ko sya madadaan sa mga diskarte ko. Iba na 'to! Kumbaga sa video games, nasa last game na ako, pinaka mahirap na level na!'' Sabi ni Drexel.

''Oh, edi daanin mo sa paraang base sa kanya.'' Sabi ni Skyler kaya napatingin sa kanya si Drexel.

''Paano?''

''Never pa syang nagka-boyfriend diba?'' Tanong ni Skyler at tumango naman at apat dahil sa isip nila ay hindi pa nga talaga ito nagkaka-nobyo dahil sa sobrang protective ng tatay at kuya. ''So that means, wala pang nagpapakilig sa kanya.'' Dagdag pa nito.

''Dude, deretsohin mo nalang kami, hindi ka namin ma-gets ee.'' Sabi ni Karson at napakamot sa ulo.

''Love letter!'' Sabi nito at tinignan sya ng mga kasama nya na parang may singkwenta syang ulo ngayon.

''Ang baduy Pare!'' Sabi ni Drexel at umiling.

''Oo nga! Sobrang makalum!'' Sabi pa ni Jonas.

''Oo luma, pero iba na kasi ngayon ee. Kadalasan ngayon, pag may gusto sa text nalang sinasabi. Para maiba, gawan mo ng letter.'' Explain ni Skyler at napaisip naman si Drexel.

''You have a point there.'' Sabi nito at napatango pa. ''Pero paano kung hindi sya pumayag?''

''Isa lang ibig-sabihin nun.'' Pambibitin ni Luigi dun sa apat.

''Ano?''

''Hindi ka pa nanliligaw.. BUSTED KA NA!'' At tumawa ito. Sinamaan sya ng tingin ni Drexel dahil sa sinabi nya, na parang any moment now ay ready na syang balatan ng buhay si Luigi. ''Joke lang Pare, di ka naman mabiro ee. Hehe.'' Bawi nya at nag-peace sign pa.

''Pero paano nga kung tanggihan nya?'' Tanong ulit ni Drexel.

''Nasasayo na yun, kung pipilitin mo sya o rerespetuhin mo nalang ang naging desisyon nya.'' Sabi ni Skyler.

''AHA! ALAM KO NA!'' Sigaw ni Drexel ng magka-idea sya na parang may lumabas pa na bumbilya sa ulo nya, pero pundi na kaya kailangan ng paltan.

''Ano?''

***********

''Yes Mom! That's it, the pink one.'' Sabi ni Vanessa sa Mommy nya na kausap nya ngayon sa phone.

''Okay, si Manang Leni nalang ang pagdadalhin ko ha? Kailangan ko ng pumasok sa office ee.'' Sabi nii Jenni sa kabilang linya.

''Okay Mom, thank you!'' At pagkatapos mag-paalam sa isa't-isa ay biinaba na nya ang tawag tsaka tnago sa bag nya ang phone. Tinawagan nya ito dahil nakalimutan nyang dalhin ang report na ginawa nya kagabi.

Papunta sya ngayon sa locker nya, hindi nya kasabay ang kuya ny dahil may practice ito sa basketball, habang si Clara naman ay may group project pa, habang ang tatlong lalaki ay hindi nya alam kung nasaan, inisip nya na baka busy ito, o wala pa sa school.

Nang makarating sa harapan ng locker nya ay napakunot ang noo nya ng makita ang isang pink rose na nakadikit sa locker door nya. Kinuha nya yun at tinignan ang maliit na card na nakasabit dito.

''Good Morning :)'' Yun ang nakalagay sa maliit na card. Hindi nya alam pero napangiti nalang sya at inamoy ang bulaklak. She finds it really sweet, kahit na hindi nya alam kung kanino galing sa rosas na iyon.

Inisang tabi na muna nya ang rosas at binuksan ang locker nya, nagulat na naman sya ng may mahulog dito na black na envelope. Napaisip sya kung nakatanggap ba sya ng death threat, prang yung sa mga palabas sa TV.

''Hindi naman siguro.'' Bulong nya sa sarili bago pulutin ang envelope. Binuksan nya ito at binaba.

''Hoy Tomboy! Oo ikaw nga. Ikaw lang naman ang Tomboy na kilala ko ee.'' Napailing si Vanessa ng mabasa ang first line ng sulat, alam na nya kung kanino ito galing. Pero hindi nya mapigilang mapangiti kahit na nga ba tinawag sya nitong Tomboy sa sulat, diba dapat naiinis sya? ''Natanggap mo ba yung rose? may nag nag-nakaw na? Nako! Mapapatay ko pag may ibang kumuha nun.'' Natawa sya sa nabasa, dahil na iimagine nya ang mukha ni Drexel habang sinasabi yun. ''Kung wala naman,okay! Good. Nagustuhan mo ba?'' Kahit wala naman dun si Drexel ay tumango sa habang nakangiti pa din. ''So ito na nga, ako'y sumusulat sa iyo para iaparating ang isang mensahe. Malalim diba? Di ko din kinaya ee.'' Natawa na naman sya sa nabasa, nag-mumukha na syang baliw duon pero wala syang pakialam. ''Seryoso na talaga! Natatandaan mo pa nung natalo kita sa racing?'' Napakunot ang noo ni Vanessa sa nabasa. 'Anong meron dun?' Tanong nya sa isip. ''Well, we had a deal. Na kapag-natalo ang isa, ay may isang dare or something. Sabii ko sayo pag-iisipan ko muna, at ngayon napa-isipan ko na.'' Napalunok si Vanessa, kinakabahan sya. Paano kung mahirap ang ipagawa nito sa kanya? ''I want YOU.'' Nanlaki ang mata ni Vanessa ng mabasa yun. ''..You. Me. Date. This Saturday. Bawal tumangi, pag-tumanggi ka. Tomboy ka talaga at naiilang ka saakin kasi SOBRANG GWAPO KO.'' Nakahinga sya ng maluwag ng malaman yun pero napairap sa bandang huli. 'Ang hangin talaga!' Sabi nya sa isip at napairap na naman. ''-FROM YOUR GWAPONG GWAPONG BEKS NA SI DREXEL JON SERVANTES.'' Natawa sya dahil sa nabas nyang 'Beks'. ''P.S. CAPS LOCK PARA INTENSE!'' Napailing sya at tiniklop ito. Kumuha sa ng papel at nag-sulat duon.

***

''Kalma Bro! Mapapagalitan ka ni Coach nyan ee.'' Sabi ni Luigi at tinapik si Drexel sa balikat. ''Focus man!''

''Oo na! Psh.'' Sabi nya at pilit na nag-concentrate sa practice nila. Hindi kasi sya makapag-focus dahil alam nyang by now ay baka nakita na ni Vanessa ang rosas at sulat na nilagay nya kanina sa locker nito. Kinakabahan sya sa magiging reaction nito, paano kung hindi pumayag si Vanessa at sabihing iba nalang ang hilingin nito? Edi napahiya nya. Paano kung umiwas si Vanessa pagkatapos tumanggi, edi kawawa na sya. Paano ku--

''DREX!!'' Sigaw ng mga kateam mates nya nilingon nya ang mga ito pero iba ang sumalubong sa kanya.

''Ayos ka lang Pare?'' Tanong ni Jerrick ng malapitann nya si Drexel na ngayon ay nakahilata sa sahig.

''Vanessa?'' Napakunot ang noo ni Jerrick ng tawagin nito ang kakambal nya.

''Huy! Ayos ka lang ba? Kamukhang-kamukha ko ba talaga ang kakambal ko?'' Tanong ni Jerrick at dun naman natauhan si Drexel.

''A-ah, ayos lang ako.'' Sabi ni Drexel at agad na tumayo, pero napahawak sya sa ulo nya ng bigla syang nahilo.

''Coach! Dalhin namin sa clinic.'' Sabi nila Karson.

''Isa nalang sa inyo ang sumama. Nakakapag-lakad pa naman si Servantes ee.'' Sabi ng Coach nila.

''Hindi Coach! Tignan nyo.'' And with that, hinila nila si Drexel kaya napahiga ulit ito.

''WHAT THE?!'' Sigaw ni Drexel.

''Buhatin na namin Coach!'' Sigaw ni Jonas at hinawakan nya ang kanang kamay ni Drexel, habang sa kaliwa naman si Karson.

''Anong ginagawa nyo?'' Tanong ni Drexel. Pero hindi sya pinansin ng apat. Instead, hinawakan ni Luigi ang kanang paa nya at sa kaliwa naman si Skyler.

''BYE!!'' Sigaw nilang apat at binuhat na si Drexel papalabas ng GYM habang nag-pupumiglas ito, pero isa lang sya at apat sila kaya hindi sya makapalag.

''Anong problema nyo?'' Inis na tanong ni Drexel ng makatayo sya. Binaba sya ng apat sa gitna ng hallway.

''Seriously Pare? Vannesa?'' Tanong ni Luigi at ginaya pa ang pagkakasabi ni Drexelsa pangalan nito kanina.

''Baka magkahinala si Jerrick, bakuran agad si Vanessa.'' Sabi ni Skyler.

''Ee ano naman? Uso naman ang over de bakod ah!'' Sabi nito kaya nabatukan sya ni Jonas.

''Seryoso Drex! Ikaw na nga an tinutulungan namin ee.'' Seryoso nitong sabi.

''Oo na! Pero, papatunayan ko naman na malinis ang intensyo ko kay Vanessa. Kaya no worries!'' Sabi nya at nag-lakad na.

''Saan ang punta?'' Sigaw ni Karson.

''Sa klase! Ito lang ang subject na magka-klase kami kaya I wont miss it.'' Sagot ni Drexel at kinawayan nalang ang apat.Tumakbo na sya pabalik sa GYM at agad-agad na dumeretso sa shower room. Nag-shower sya sandali at nag-bihis na din agad.

''Ayos na ako!'' Mabilis na sabi ni Drexel sa Coach nila bago pa ito makapag-tanong.

Agad syang tumakbo sa locker nya para ilagay duon ang bag nya at kunin ang gamit nya for the class. Ang bilis nyang kumilos na akala mo ay mauubusan sya ng oras sa mundo. Tumakbo sya papunta sa class room nila at agad hinanap ng mata nya si Vanessa pero nalungkot sya ng hindi makita duon si Vanessa. Halos lahat ng ka-blockmates nila ay nandun na, pero wala pa din si Vanessa. Nagbunting hininga sya at nag-lakad papunta sa upuan nya. Sinumsum nya ang mukha nya sa armchair, thinking na iniiwasan na sya ni Vanessa kaya hindi ito papasok ngayon sa class nila.

''Ang tanga mo Drex!'' Bulong nya sa sarili nya at napa-ungol nalnag sa sobrang inis at umupo ng ayos, pero nagulat sya ng makita si Vanessa na nakatayo sa harap nya at nakangiti pa ito.

''Good Morning!'' Bati ni Vanessa, napatulala naman si Drexel at hindi agad nakapag-salita. ''May problema ba?'' Takang tanong ni Vanessa.

''Ha? Wala.Wala.'' Sabi nya at umiling pa.

''Okay.'' Yun lang ang sabi ni Vanessa at umupo na sa tabi nya. Tinignan nya ito tas balik sa papel at balik na naman kay Vanessa habang seryoso lang itong nag-aadvance reading.''Baka naman makulong ka nyan.'' Nagtaka si Drexel sa sinabi nito. Nabigla sya ng tumingin ito sa kanya at ngumiti ng pagka-tamis-tamis. ''.. nakaw ka ng nakaw ng tingin ee..'' Natatawa nitong sabi. Napaiwas naman ng tingin si Drexel at tumingin sa labas.

''Haha! Are you seriously blushing right now?'' Tawang tanong ni Vanessa.

''H-hindi ah! May nangyare kasi sa practice kanina.'' Pag-dadahilan ni Drexel na hanggang ngayon ay hindi pa din makatingin kay Vanessa.

''Talaga? O kinikilig ka lang dahil sakin?'' Pang-aasar ni Vanessa.

''Bat naman ako kikiligin sayo? Hindi nga kita magugutuhan ee, kiligin pa kaya.'' Seryosong sabi ni Drexel at hinarap si Vanessa. Nakita nyang unti-unting naglaho ang ngiti nito, pero maya-maya lang ay ngumiti din pero halatang peke at pilit lamang.

''Oo nga pala! We're freinimies.'' Sabi ni Vanessa at umiwas ng tingin. ''Nga pala..'' May inabot ito sa kanyang papel at bumalik na ulit sa pag-babasa. Kinuha naman ni Drexel ang papel na inabot sa kanya ni Vanessa at binasa.

''Yes! :D'' Pagkabasa ay napatingin sya kay Vanessa na ngayon ay nagbabasa at walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nya.

''Sht!'' Sabi nya bigla ng marealized nya ang sinabi kanina.

''Vanes---''

''Good morning class.'' Naputol ang sasabihin ni Drexel ng biglang pumasok si Rick.

At nag-simula na ang klase na hindi na sya ulit kinausap o tinignan man lang ni Vanessa.

'Ang tanga mo talaga Drex! Kung ano-ano kasi sinasabi ee!!'

*****

''Niyaya ka nya? FOR REAL?'' Excited na tanong ni Clara at Charmaine kay Vanessa matapos maikwento ang nangyare kaninang umaga.

''Oo nga! Nakinig ba kayo sa kwento ko kanina?'' Natatawang tanong ni Vanessa.

''Ay teh! 'to na yun. May gusto na talaga yang si Drexel sayo!'' Hysterical na sabi ni Charmaine at niyakap ng mahigpit ang unan ni Vanessa.

''Psh. Hindi yun magkakagusto sakin!'' Bitter na sabi ni Vanessa at sumimangot.

''Ay ang nega mo teh!'' Sabi ni Clara at binato ng unan si Vanessa.

''Talaga naman ee!''

''Ay bakit mo sya pinapangunahan?''

''Siya na kasi ang nagsabi. Bwisit na lalaking yun! May pa-rosas at letter pa syang nalalaman, para ano? Paasahin ako? Psh.'' Inis na sabi ni Vanessa at pinag-susuntok ang unan na hawak nya, iniisip nya na si Drexel yung unan na yun.

''Ay paasa nga! Pero malay mo indenial lang?''

''Kahit ano pa yun bwisit pa din sya! I hate him, but then I like him-- AHHHHH! THIS IS SO CONFUSING!!!'' Sigaw ni Vanessa at nagulat silang tatlo ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Vanessa.

''Bakit kayo sumisigaw? May nangyare ba? Ayos lang kayo?'' Sunod-sunod na tanong ni Jerrick ng makapasok sya sa kwarto ni Vanessa.

''Ang OA mo talaga kahit kailan.'' Sabi ni Clara at binato ng unan si Jerrick at sapul sa mukha!

''Bakit ba kasi kayo sumisigaw ha?'' Tanong ni Jerrick pagkatapos ibato nya pabalik kay Clara ang unan, natamaan din 'to kaya binato din pabalik sa kanya pero this time ay nakaiwas na sya.

''Wala!! Labas ka ditoo! Girls talk 'to and don't you even dare to eavesdrop.'' Tulak ni Vanessa sa kuya nya at bago pa ito makapag-salita ay sinarado na nya ang pinto tsaka ni-lock.

''What am I going to do? I'm doom.'' Sabi ni Vanessa at napaupo nalang dun habang nakasandal sa pinto.

''Don't jump into conclusion. Maybe you thought wrong about it, maybe he likes you too. I mean, he wouldn't had put some effort on writing a letter for you if he doesn't like you, right?'' Mahabang sabi ni Charmaine.

''Maybe! Maybe! Lagi nalang Maybe! Pwede bang yung sagot na sigurado?'' Frustrated na sabi ni Vanessa.

''Well, we can't answer that. We are not Drexel.'' Sabi ni Clara at nilapitan ang bestfriend para i-comfort.

''Ganto ba talaga? Ang hirap, nababaliw na ako.''

****

''SINABI MO YUN?!'' Sigaw ni Skyler kay Drexel. Napatango naman ito bilang sagot kaya nabatukan sya ni Luigi.

''Paking tape ka Pare!'' Sigaw din ni Luigi.

''Sorry naman! Alangang sabihin kong kinilig nga ako diba? Ang bakla nun!'' Reklamo ni Drexel.

''Pakyu ka Dude! Anong bakla dun? Gusto mo yung tao malamang lang na kiligin ka dun.'' Sabi ni Skyler. Minsan lang yan mag-mura pero hard din pag nag mura.

''Oo na! Psh. Hindi naman siguro sya aatras sa date namin sa sabado diba?'' Tanong nya dun sa dalwa. Wala naman kasi sila Jonas at Karson, may mga ibang ginagawa. O inutusan lang ng nanay nila.

''Bahala ka! Malamang nag-dadalwang isip na yun ngayon kung makikipag-date pa ba sya sayo o ano.'' Sabi ni Luigi at naging busy sa phone nya.

''Wag naman sana! Huy tulong!'' Sabi ni Drexel sa dalwa pero hindi na sya pinansin ng dalwa dahil busy na ito sa kakatext.

''Wag kang mag-alala. Pupunta yun, sure ako!'' Sabi ni Skyler at ngumiti.

''Sana, dahil pag hindi. Hahanap kayo ng paraan para matuloy yun!'' Napailing nalang ang dalwa dahil nagiging bata na naman si Drexel. Minsan lang 'to mabaliw sa isang babae, kaya naman pag may gusto ito ay todo suporta silang apat. Pag-aanga-anga ee makakkuha lagi ng batok sa kanila. Katulad nalang nagyon, dahil sa sinabi nito kay Vanessa kanina.

''Ulul mo! Pinag-sasamantalahan mo na ang pagtulong namin sayo. Basta make her special on that day, dahil kung hindi. Ee babye Vanessa kana!'' Sabi ni Luigi. Inirapan naman sya ni Drexel at tinuon nalang din ang pansin sa phone nya.

Nagkatinginan naman si Luigi at Skyler tsaka ngumiti sa isa't-isa. Alam naman kasi nilang pupunta si Vanessa sa date nila ni Drexel, katext nila si Clara at Charmaine ee. Tinatakot lang talaga nila si Drexel dahil ang torpe nito masyado.

-------------------------

Laaah! Dapat kanina pa 'to pero may ginawa pa ako ee. Hahaha.

Soo.. May pasok na kami and medyo busy ako. Yeah medyo lang naman ee. Kaya hindi ko alam kung every weekend pa din ba ako makakapag UD katulad ng dati or pag may time nalang ako? Hindi ako sure! Basta aangan nyo nalang :)

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
1.9M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
50.5K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...