He's Not Just My Boss (Publis...

By beachbumpenguin

17.7M 274K 15.6K

Now available in Shopee and all bookstores nationwide. Please grab a copy for only P150.00.☺️ More

He's Not Just My Boss
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XX2
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
Epilogue
Published Book Details
HNJMB Book Giveaway!
HNJMB Book Giveaway 2
HNJMB Book Giveaway 3

X

368K 5.6K 291
By beachbumpenguin

Chapter Ten
 
   
"What do you want, Wayne?" tanong ni Warren nang nakahanap na kami ng mauupuan.

Ang daming tao sa Jollibee. Nagyaya na nga si Warren na kumain kami sa iba pero ayaw ni Wayne. Wala kaming nagawa kaya naghintay na lang kami ng matatapos kumain.

"Do you really need to ask that, tito? Syempre chickenjoy!" sagot ni Wayne na nakangisi.

Ngumisi pabalik si Warren bago ibinaling ang tingin sa akin. "Ikaw, Mary Claire?"

"Gano'n na lang rin." Ngumiti ako nang tipid.

Kumunot ang noo niya bago tumango at naglakad na patungo sa counter.

"My tito walks like a god, don't you think tita? He's really hot. Look at those girls po, they can't keep their eyes off my tito!" komento ni Wayne habang nanliliit pa ang mga mata sa panunuri.

Tumawa ako ng pagak. Tama nga si Wayne. Tutok na tutok nga ang mga mata ng mga babae kay Warren. Para kasi siyang artista o model sa sobrang kakisigan. Matangkad, well-built ang katawan, kulay-tsokolate ang bilugang mga mata at buhok, matangos ang ilong at ang kanyang mapupulang labi ay mistulang nang-eengganyo ng halik.

Sanay na ko sa mga matang nakatutok sa kanya tuwing nasa labas kami, simula pa nung highschool. Sadyang mabilis makakuha ng atensyon ng mga babae si Warren noon pa man.

"Hindi ka po ba nagseselos, tita?"

What?

Tumawa ako. "Ang dami mong alam. Alam ba ng parents mo na puro love yang laman ng batang isip mo? Dapat studies lagi ang iniisip mo."

Sinimangutan niya ako. "My dad knows I like this certain girl po. But I can't tell this to my mom. Not yet."

Umiling-iling na lang ako habang natatawa.

"I ordered soup and extra rice for you, Claire, hindi ka mabubusog sa in-order mo lang." ani Warren habang inaalis ang mga pagkain sa tray at binibigay samin ni Wayne.

Ngumuso ako."Busog na 'ko sa kinain natin kanina, hindi ko mauubos 'to."

Nag-isang linya ang kilay niya, "Uubusin mo yan." usal niya bago bumaling kay Wayne, "They have three Spiderman toys on their kiddie meal. I didn't know what you like so I bought them all." saad niya na nagdulot ng panlalaki ng mga mata ng bata.

"Really? Wow! Thanks, tito." Masayang wika ni Wayne habang punong-puno ng pagkain ang bibig.

"Ubusin mo rin yang pagkain mo." Natatawang sabi niya bago bumaling sakin at pinagtaasan ako ng kilay. "Kumain ka na."

Umiwas ako ng tingin at nagsimula na ring kumain.

Pagbalik namin sa bahay nila Wayne ay nandoon na ang parents niya. Mga alas syete na rin ng gabi kasi kami nakauwi.

"Hey kid! Did you have fun?" tanong ni Liam sa anak niyang nakasimangot at ayaw ng umalis sa pagkakahawak sa kamay namin ni Warren.

"Obviously, you did." natatawang sabi ni Liam. "Wayne 'wag kang magpapahalata d'yan! Halika na nga dito." sabi niya ulit nang nanatili lang si Wayne sa tabi namin.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Lian at Warren.

"Anong ipapahalata?" takang tanong ko.

Humalakhak si Liam. "Wag niyang ipapahalata na hindi kami mabuting mga magulang kaya ayaw niya nang bumalik." Ngumisi siya at tumawang muli.

Nakita ko ang pagsimangot ni Wayne. "Where's my baby brother?" seryosong saad niya.

Sabay-sabay kaming natawa sa pagmamaktol ni Wayne.

"Ang kulit talaga, may pinagmanahan! " natatawang wika ni Lian.

Umiling-iling si Warren habang nakangisi. "It's getting late. We have to go."

Lumuhod siya para magkapantay sila ni Wayne, "Don't miss me too much, Wayne." nakangisi pa ring sabi niya bago ito hinalikan sa ilong.

"'Kapal." ani Wayne na ikinatawa ni Warren.

"Bye po. Yung promise niyo po, ah? Wag niyo pong ibe-break yun." ani Wayne nang bumaling naman siya sakin.

Inisip ko pa kung ano yung tinutukoy niya at ngumiti na lang ako nang naalalang yung Dance Central pala na pinangako ko sa kanya. "Kapag wala ka ulit bantay, ask your mom or dad to tell me."

Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. "Really po?" tanong niya na sinagot ko ng tango.

"Yes!" sigaw ng bata na nakataas pa ang dalawang kamay sa ere. Genuine talaga ang ngiting nakaplaster sa kanyang mukha. Nakakatuwa na napalapit ako sa kanya sa loob lang ng ilang oras.

"Tama na 'yan, oy! May pasok ka pa bukas." sabi ni Liam habang inaakay na si Wayne papasok. "You stink, kiddo, you need a bath. Yan, pa-help?"

Kinuha ni Lian si Wayne mula kay Liam habang kumakaway ang bata sa amin. "Ba-bye po!"

Kumaway kami pareho ni Warren at tumalikod na.

"Drive safe, bro." Narinig ko pang sabi ni Liam bago isinara ang pinto.

 
"We'll go to Laguna tomorrow around 9:00 in the morning." sabi ni Warren ilang minuto makalipas nang nakasakay kami sa kotse niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Monday na bukas, 'di ba? Workday na yun." naguguluhang sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay at bumaling saglit sakin bago tumutok ulit ang mga mata niya sa daan. "I have a business meeting with Mr. Tan tomorrow remember?"

"Bakit ba kasi ako yung sinasama mo, eh pwede naman si Kevin na lang? Pang-office table lang ako, okay? Kahit nga si tito Win hindi ako sinasama sa business meetings niya, eh." sabi ko nang naalala ko kung ano ang tinutukoy niya.

"Ayoko siyang kasama. Ikaw nga ang gusto ko." sabi niyang halata ang pagpipigil ng inis.

Napanganga ako sa sinabi niya.

Gusto niya ako o gusto niya akong kasama? Kahit ano sa dalawa ay masarap pakinggan eh.

"I mean, I'm comfortable with you around. Sanay na tayo sa isa't isa. Heck, I can fart a thousand times inside my car without you complaining! Kapag si Kevin, baka magresign yun sa trabaho and I don't want that to happen. He's an effective employee." Paliwanag niya na sumira sa pagpapatasya ko. Humalakhak pa siya ng nakakaloko.

Hinampas ko siya sa braso sa inis. "Para mo na ring sinabing wala akong kwentang secretary!" sabi ko sabay irap.

Peste ka! Pwede ka namang hindi na magpaliwanag eh! Papayag na ako kahit hanggang dun lang sa ikaw ang gusto ko part ng line mo kanina ang sasabihin mo!

"Of course not! And besides you're not just my secretary." dahilan niya.

Napatigil ako.

Say it, Warren. Say it. I'm your girlfriend, right? Nawalan lang tayo ng komunikasyon. Naaksidente ka siguro sa America at nawala ang ibang parte ng alaala mo sa isip mo kaya ka nagkakaganyan..

Gusto ko sanang sabihin kaso wala akong lakas ng loob para gawin iyon.

"Oo na. Sasama na ko, tumahimik ka lang diyan." bumuntong hininga ako. Bawat linyang lumalabas sa bibig niya ay sinasaktan ako.

Nakita ko ang pagngisi niya mula sa gilid ng aking mga mata.

"Hindi mo ba itatanong kung ano ka sakin bukod sa pagiging secretary ko?" tanong niya kapagkwan.

Humarap ako sa kanya at umirap. "Ano?"

Girlfriend, Warren. Girlfriend mo ako.

Ngumisi siya at lumingon saglit sa akin. "My crybaby that I love to bully." Humalakhak siya.

"Che!" sabi ko sabay bato sa kanya ng tissue dispenser na nahagip ng mga mata ko sa dashboard ng kotse niya.

Wala, Claire. Wala na talaga kaya 'wag ka ng umasa.

"Aray! Masakit yun ah!" reklamo niya.

Inirapan ko siya bago humalikhip at inisandal ang ulo ko sa windshield. "Manahimik ka d'yan, ah." Wala kasi akong maisip na pambawi sa kanya.

"What? Totoo naman, eh." patuloy niyang pang-aasar.

Dakilang mapang-asar talaga si Warren. Madalas lang siyang tahimik at seryoso pero grabe siya kapag nangulit. Parang may five years old kang iniintindi tuwing naka-on ang kulit mode niya.

"Tigilan mo nga ako, Warren!" naaasar kong sabi.

Pikon akong bata noon kaya laging ako ang ngumangawa sa aming dalawa. Tuwing nag-aasaran kami ako lagi ang talo, at ang magaling na Warren ay hindi tumitigil sa pang-aasar hangga't hindi ako umiiyak. Pero masarap naman sa pakiramdam dahil niyayakap niya ako at inaalo kapag umiyak na ko. Siguro paraan niya lang 'yon para makakuha ng yakap sakin.

Bumuntong hininga ako ulit at itinigil na ang pag-iimagine.

Ayoko ng umasa. Last na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

10K 342 70
"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka n...
355K 940 15
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
17.2M 236K 71
WARNING Jejemon alert! I wrote this way back 2015; many typos. Ang mapaglarong tadhana ay pina-tagpo ang dalawang taong magkaiba. Pero sila'y pinag-h...
1.3M 46.2K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...