Sanctuary Heart

By kismet0315

144K 4.4K 840

JD Kung sakaling maligaw, Pag-ibig sayo'y hindi na matanaw. Pintig ng puso mo ang tanging daan, Pabalik sa'ki... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
TEASER
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13. 5
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 17.5
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 "The One"
Chapter 21 "THE ONE"

Chapter 11.5

5.3K 160 21
By kismet0315

Jema's POV

Nagising si Jema sa  boses ni Deanna. Ngunit nanatili pa rin syang nakapikit. May kausap ito sa Cellphone alam  agad kung sino ang kausap nito sa kabilang linya. Narinig nya itong nag salita.

"Yes Hon, mag aayos lang ako." rinig ni Jema. "okay hintayin mo ko sa condo mo" rinig nya ulit na sambit nito. "okay, see you bye" huling rinig mula kay Deanna.

Naramdaman nya umalis ito marahil ay pupunta na ng banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Well malamang mag aayos yon kasi anniversary nila. At malamang sa malamang mag di-date sila. "Ano ini expect mo Jema? Suway nya sa isip." wag kanang mag isip. Binabaliw mo lang lalo sarili mo" suway ng puso nya sa isip. "eh, kung itigil mo na yang pag mamahal  kay Deanna mo, para wala na akong isipin!" sumbat naman ng isip sa puso nya. "eh kasalanan mo naman, kung di mo pinapasok yang si Deanna d'yan sa kokote mo eh, di sana tahimik akong tumitibok. Yan tuloy nasasaktan tayo pareho! " hay nako Jema nababaliw kana talaga.

Habang nag tatalo ang isip at puso ng babae ay panay buntong hininga lang ang maririnig sa kwartong iyon.

Tiningnan nya ang alarm clock na nasa table. Almost 5:00pm na pala. Haba ng tulog nya. 

pakapananghalian kasi nila umakyat ulit sila ni baby Uriel sa kwarto. Duon nag lagi ang mag ina. Iniwan kasi nila ito. Umakyat sila sa kwarto habang si Deanna naman ay nasa sala nanunuod. Pagkatapos kasi ng tagpo nila ng umagang iyon ay umiwas na sya ng todo kay Deanna.

Ramdam man ni Jema na bumabalik na ulit ito sa dati. Hindi parin mababago nito ang katutuhanan na may mahal na itong iba . Bukod doon ay may masasaktan silang tao. Lalo pa at ang taong iyon ay walang ginawa kundi mahalin at intindihin si Deanna. Magagawa ba nyang saktan ang taong bumuo ulit sa taong winasak nya? Hindi nya kayang may nakikita syang tao na nasasaktan ng dahil sa gusto nyang sumaya.

Sa isip ng babae siguro kaya ganoon na lang si Deanna sakanya dahil araw araw silang mag kasama kaya naman nababaling minsan ang atensyon sakanya at kay Uriel. Okay lang sa bata pero sakanya ibang usapan na iyon.

Lagi na lang nasa utak ni Jema mas mabuti pa na  sya ang masaktan kesa ang ibang tao. Iyan ang ugali ng dalaga noon pa man.

Naramdaman nito ang pag bukas ng pinto sa banyo. Nakatalikod kasi sya  doon kaya hindi nya ito makita. Bale nakaharap si Jema sa pinto papuntang Veranda. Ng maramdaman na ni Jema ang presensya nito sa loob ng kwarto ay pumikit ulit ito. Ayaw nito na malaman ni Deanna na gising na sya.

Naramdaman ni Jema na gumalaw ang kama at bahagya itong lumubog marahil ay umupo ito sa gilid ng kama. Ramdam nito na  naka titig sakanya ang babae. Gustong gusto na sana nitong tumalikod ngunit hindi nya alam kung paano ito gagawin. Para syang napako sa posisyon nyang iyon.

Tiniis na nga lang nito ang kakaibang nararamdaman sa titig ng babae sakanya. Kahit kasi nakapikit ay ramdam nito na parang may tumititig sakanya. Hihintayin na lang  na mag sawa ito sa kaka titig. Mukhang wala pa itong balak na umalis. Humalik muna ito kay Uriel na kasalukuyang yakap yakap nya habang natutulog. "Bahala ka d'yan Deanna kapag nagising tong si Baby Uriel, ewan ko lang kung makaalis ka pa papunta sa Hon mo"  sa loob loob nya.

Natigil si Jema sa pag iisip ng halikan sya ni Deanna sa noo. Hindi ito masyadong makagalaw. Naramdaman nya na hinahaplos haplos nito ang mukha nya. Bigla  naman syang napakislot. Napasinghap sya sa ginawa nitong pag haplos ng banayad sa kanyang pisngi. Kaya naman wala syang choice kundi imulat nya ang mga mata dahil pinag kanulo sya ng taksil nyang mga mata.

Pag mulat ni Jema ay nakita nitong mataman nakatitig sakanya si Deanna. Patuloy lang nitong hinahaplos ang kanyang mukha. Nag tagpo ang kanilang mga mata. Love and respect iyon ang nakikita nya sa mga mata nito na nagpagulo sa isipan ni Jema. Hindi nya alam kung bakit ganito si Deanna sakanya. Sinasabi tuloy ng kanyang puso na kailangan nyang umasa ngunit iba ang idinidikta ng kanyang isip iyon ay ang huwag ng patuloy na pahirapan pa ang sarili. Sa bawat ganoon kasing mga tagpo nila nararamdaman ni Jema na may roon pa itong nararamdaman sakanya hindi man buo at hindi man katulad ng dati katiting man iyon kahit papaano ay nararamdaman nya na ulit ito. 

Napamaang si Jema ng makita nya itong ngumiti ng ubod ng tamis sakanya. Hinahaplos pa rin nito ang kanyang mukha. Nakatukod na ang mga siko nito sa unan nya. Lalo pa nitong pinaglapit ang kanilang mga mukha. Dahil doon ay kusang napapikit ang kanyang mga mata. Hinayaan nya si Deanna nanatili lang itong nakapikit. Naramdaman muli nito ang paghalik sa kanyang noo. Matagal ni Deanna tinanggal ang kanyang labi sa noo ng nakapikit na si Jema. Hinahaplos pa rin nito ang pisngi ng babae. Pagnaka ay nag salita si Deanna. "Alis muna ako" rinig nyang sabi nito ng ilapit ang bibig ni Deanna sa tenga nya. Wala syang ginawa na reaksyon sa sinabi nito. "bahala ka d'yan pinaasa mo ko na hindi kana aalis" maktol nito sa isip.

Naramdaman ni Jema ang muli nitong pag halik sa kanyang noo at humalik ito sa labi ni Jema mabilis lang iyon.  "aba umisa pa ang loko" reklamo nito

Naramdaman na lang ni Jema ang pag tayo nito. Mga ilang sandali pa ay narinig ng nakapikit na babae ang pag bukas ng pinto at pag sara nito. Indikasyon na umalis na ito.

Matagal ng nakaalis si Deanna ay nakapikit pa rin si Jema. Pilit kasi  nitong tinatanggal ang sakit na nilikha na naman ni Deanna sakanya.  Para iyong tinutusok na naman ng milyon milyong karayom. Isipin lang ni Jema na papunta ito sa kasintahan ay para na syang tino-torture. Yon bang pakiramdam na pinapatay ng dahandahan.

She imagined Deanna's face. Nakangiti ng ubod tamis habang nakatingin kay Sophia. Sa isiping iyon ay kusang tumulo ang taksil na luha ni Jema. Hikbi iyon na tama lang marinig ng kasama. Dahil tulog naman si Uriel hindi nito maririnig. Pasinghot singhot ito.

Upang maibsan nga ang sakit ay niyakap nya ng mahigpit si Uriel. Hindi naman sya nagkamali naibsan ng kaunti ang sakit sa yakap nyang iyon sa bata. Kahit papano ay nawala iyon hindi man lahat. Gumaan man lang kahit papano ang bigat na nararamdaman nya.

Nagulat pa si Jema ng tumunog ang Cellphone nya. Agad nya itong kinuha.

Ate Jia's calling.....

"H-hello ate J-Jia"  pasinghot singhot na sagot nito

"Umiiyak kaba? Tanong agad ng babae na nasa kabilang linya.

" H-Hindi po ate Jia" palusot ni Jema

"Bakit ganyan ang boses mo? May problema ba?" tanong ulit nito na hindi kumbinsido sa sinabi ni jema.

"ah, eh, bagong gising po ako. Parang sisipunin ata ako" sagot ni Jema

"ganon ba? Okay ka lang ba? Yayayain ka sana namin nila Ate Ly lalabas mamaya. Kung masama pakiramdam mo wag na lang mag pahinga kana lang" turan ni Jia kay Jema.

"Hindi po ate okay lang ako. Sasama ako mamaya" agad na sabi  ni Jema sa babae. Gusto din kasi nitong lumabas makalimot at sumaya kahit sa araw na iyon.

"Sigurado kaba? Paninigurado ng babae sa kausap. Nag aalala na baka napipilitan.

" opo ate, gusto ko din po mag relax. Papaalam po ako kay nanay Helen. Sakanya ko po muna iiwan si baby Uriel. " tugon nito sa kausap.

" Bakit si Deanna? For sure naman hindi yon sasama saatin" sabi ni Jia sa kausap.

"Uhm, may importante kasing inaasikaso." pag takip nito sa dalaga.

"Sobrang busy naman kahit sabado, at kahit pagabi" sarkastiko nitong sabi hindi pa rin ito kumbinsido.

Wala ng maisip na dahilan si Jema. Nauubusan na rin syang sasabihin. Nag sisimula na itong manalangin na sana ay matapos na ito sa pag tanong ng tungkol kay Deanna.

Hindi nagtagal ay dininig din ang panalangin nya dahil nagpaalam na ito sakanya.

"oh, sige bye na nga lang. Basta mamaya, ah." sabi na lang nito.

"okay po ate Jia. Bye po See you" paalam na din nya. Nakahinga sya doon ng maluwag.

"but wait, san nga pala tayo?" maalala nitong tanungin. Mag papaalam na kasi hindi pa nya alam kung saan sila.

"'nga pala. Sa resto bar mo pala. Hahahaha, treat mo daw" tatawa tawa nitong sambit.

"ayon, kaya naman pala, hahahaha"  kanting sagot ni Jema

"Oh, sya sige na bye" sabay patay ni Jia ng linya.

Napapailing na lang si Jema ng makita nitong pinatay na ng kausap ang linya.

Anduon pa rin ang pangamba nya sa mga tanong ni  Jia. Alam nito na hindi ito kumbinsido sa mga sinabi nya. Kaya ihahanda na lang ni Jema ang sarili once na mag tanong na ito ulit.

6:00pm paalis na si Jema. Nag paalam na rin ito kay nanay Helen at maging si baby Uriel ay iniwan muna nito sa matanda. Natuwa naman ito dahil naiisipan ni Jema na mag saya. Napansin kasi nito na simula ng dumating sila ng bata sa bahay ay hindi ito ni minsan lumabas kasama ang mga kaibigan nito. Kaya ng mag paalam ito sa matanda ay hindi na nag dalawang isip at oo agad ito.

Ipinaalam na rin nila Jia na papunta na sila. Kaya naman umalis na rin sya at tinungo ang pinag kasunduan nilang lugar iyon ay ang resto bar nya. Dahil week end ay bahagyang maluwag ang kalsada kaya naman mabilis nyang narating ang lugar. Nag park ito ng masigurado na maayon na ang sasakyan nya bumaba na ito. Pinag masdan muna nito ang kabuuan ng kanyang pag mamay-ari. Mula sa labas kita nya ang dumadaming tao. Bigla na lang itong napangiti. Napasulyap pa sya sa taas kung saan naka lagay ang pangalan ng kanyang resto bar. Ang JeDean Haven & Savor Caffè. Kung titingnan sa malayo para itong 'D' na malaki. Ngunit kapagka tinitigan mo ng mabuti ay 'J&D' iyon katulad ng kwintas nya. Ang kaibahan lang ang logo ng restobar ay may  'e' sa loob ng parang D and 'ean' sa labas ng 'D' letter. In short pangalan nilang dalawa ni Deanna na pinag sama. "JeDean Haven & Savor Caffè " napangiti sya ngunit nawala din iyon ng maalala na nasa piling ng iba ngayon ang nag mamay-ari ng letter D na nasa logo.

Natigil lang si Jema sa pag mumuni muni ng may manggulat sakanya mula sa likod.

"Hoy, kanina pa ako nandito hindi mo ako napapansin! " reklamo ng babae na nanggulat sakanya.

"ai, butiki!" pasigaw na bulyaw nya sa babaeng nanggulat.

"aba Jemalyn mukha ba akong butiki? Sa gandu kong to!" sa pag mamayabang nito. Humikot pa sa harap ni Jema at hinawi ang buhok.

"oo sunog na butik hahaha" sabay tawa ni jema

Grabe ka sakin! napaka bully mo. Porket dito tayo sa balwarte mo" reklamo nito.

nakakagulat ka naman kasi Ced. Akala ko kung sino" paliwanag nya kay Celine. Si Celine iyon dahil halos magkasabay lang silang dumating.

"ewan ko sayo, tara na nga kanina pa nag hihintay sila ate Ly!" sabi na lang ni Ced sabay hila sakanya.

Nagpatianod na  lang si Jema sa babae. Pinag bukas sila ng guard. Binati sila. "Good evening po Ma'am Jema, good evening din po ma'am Ced" bati nito sakanila. Kilala na ng mga staff nya ang mga ito. Dahil doon ang tambayan nilang mag babarkada. Buti nga hindi nalulugi ang negosyo nya. Joke lang nag babayad naman ang mga yon. Ngayon lang daw libre ko.

"Good evening din po" sabay nilang bati dito.

"naanduon na po sila sa pwesto nyo" pag turo nito sa mga nag hihintay sakanila.

"okay po salamat" pag papasalamat nito sa guard.

Pag dating  nila sa usual place nila ay agad sila nitong nakita. Halos ma kompleto ang lahat. Jia, Ly, Kyla, Pongay, Dani, Maddie, Kring, Chaira, Pau, Coleen, Michelle, Risa, Mel, Kat, Jules, Maddie kahit si jho nakasama rin. Kulang na lang ng ilang tao buo na yong lahat ng kaibigan nila ni Deanna.

"mamumulubi ka ngayon Jemalyn, hahahhaha" pang asar ni Ced sakanya

"patay!" nasambit ni Jema.

"di nyo pa niyaya buong barkada. Nahiya pa kayo" bungad ni Jema sa mga nakaupo.

"actually naisip na namin yan, kaso may mga lakad din yong iba. Kaya kami lang ang nandito ngayon" sagot ni ate nya Ly sakanya.

"mayaman ka naman pag bigyan mo na kami" sabad ni Pau.

"Oo nga pang gabing sales lang malulugi sayo compared sa forever friendship natin" pangungunsensya naman ni Coleen

"Oo nga eto lan, ayaw mo pa samin pag bigyan" si Risa nabubulol na nag sasalita.

"Hala oorder pa lang po tayo ng alak lasing kana agad" asar ni Dani kay Risa.

"tse wala ako pake sayo basta ako masaya kase kopleto tayo" ganting sagot ni Risa sa nang aasar na babae.

"Ewan ko lang kung maintindihan kapa namin kapag talaga uminom na tayo, hahaha" asar ulit nito.
Inirapan na lang sya ni Risa.

Napapailing na lang si Jema sa mga ito. Nakaupo na sila ni Ced. Malaki ang table ipinasadya talaga iyon  para  sakanila. Dahil madami sila pinasadya iyon na malaki para kapag dumarating ang pag kakataon na tulad nito ay hindi sila mahihirapan. Dahil hindi sa pag mamalabis halos nandoon talaga sila lagi. Kaya naman tama na nagpagawa sya ng para talaga sakanila lang. Nakabukod din iyon sa karamihan kaya may privacy sila. Ngunit kita pa rin ng mga naroon ang mga kumakain  nag iinuman.

Nag bubukas iyon ng 9am  hanggang 3am. 6pm naman ang start ng pupwedeng uminom. Maganda ang tinatakbo ng negosyong iyon ni Jema. Marami na ring empleyado ang restobar. May morning shift, evening shift at shift sa madaling araw. May sarili din acoustic Band ang resto bar ni Jema. Puntahan ito ng karamihan. Mga lovers, broken at tulad nilang mag kakaibigan. Paminsan minsan kapag absent ang female vocalist or sya ang nire-request ng costumers na kumanta ay sya ang nagiging vocalist ng band. Lalo na dati ng nag lalagi sya doon sa resto nya. Halos ito ang pinipili na kumanta.

Kumain na muna sila dahil halos lahat naman hindi pa kumakain. Pag katapos  nilang kumain ay nag simula ng uminom. Nag sisimula na rin na dumami ang mga tao nanduon.  Dahil weekend, sabado  to be exact marami talagang gi-gimmick dahil bukas wala namang pasok. Dahil sa nakabukod sila ng pwesto ay hindi sila naaapektuhan sa dumarami ng  mga tao.

"Naks Jemalyn lakas talaga namin makahatak ng costumers" mayabang na komento ni Kring.

"pano mo nasabi? "  inusenteng tanong ni Jema.

"Tingnan mo naman oh, daming costumers na!" pagmamalaki ni Kring habang tinutok ang kamay sa gawi ng mga tao.

"Baliw! Uminom kana nga lang" nasambit na lang ni Jema sa babae.

"Kaylan pa nawalan ng tao dito? Baliw ka talaga Kring! " sita ni Chaira

"Oo nga Kring alam mo naman na malakas tong Restobar ni Jemalyn and hello" napatigil sa pag salita si Coleen

"Hi!, hahahahahha! " sabay sabay na sambit ng mga kasama sabay tawanan ang mga ito.

Tagal nilang tumawa. Sumakit mga panga ng mga sa pambabara  kay Coleen. Parehas kasi sila ng isip kaya lalo pa silang tumawa.

"oh, ano nga sasabihin mo naputol, eh" pagpapatuloy ni Jules sa naputol na sasabihin pa sana ni Coleen.

"Ai, ewan ko sainyo!" naaasar na sambit ni Coleen sa mga kasama.

"naasar si Coleen oh, hahahha" pang aasar pa ni Pongay

"Inum kana lang dami mo  napupuna." sita ni ate nya Jia kay Pongay. At umakto naman si Pongay na sinarado ang bibig.

"Bakit wala pala sila Tots at Bea? Alam ko basta sa inuman lalo na libre hindi yon nawawala" takang tanong ni Jema.

"Ewan ko dun sa dalawa. Kasama sana sila kaso nong des-oras na ayon nag back out. May pupuntahan daw importante" sagot ni Celene.

"at mag kasama pa si Tots and Bea?" tanong ulit ni Jema.

"oo ata, kasi nong tumawag sakin si Tots na hindi makakasama pati si Bea nag sabi rin." sagot ni Celene.

" pati saamin nag sabi rin" sabi naman ni Dani.

"ai, alam ko na gagawin non mag hahanap yon ng babae." walang emosyon na sambit ni Kat. Dahil doon ay nag sitinginan ang lahat sa babae na huling nagsalita.

"subukan lang nya!" iritang sabi ni Celene.

"Sinusubukan na nga nila" gatong pa ni Jules. Napatingin naman si Jho kay Jules.

"anong tinitingin tingin mo Maraguinot?" pang asar na tanong ni Jules.

"Wala, bawal tumingin?" masungit na sagot nito.

"hahahaha, akala ko may comment ka, eh" habang nakatingin kay Jho ng nakakaloko. Inirapan naman ito ni Jho.

Napamaang na lang ang mga kasama nila. Alam kasi ng lahat ang tungkol kay Jho at Bea dati kaya naman ganon na lang ang reactions ng mga ito ng asarin ito ni Jules.

"Hoy, tama na yan baka magkawatak watak tayo sa mga bangayan nyong yan, hahaha" pag papatigil ni Jia.

"basta ako dito lang sa side ni Jemalyn" saad ni Ate nya Ly.

"Ako din!" sabay na sabi ng MG's, Michelle and Melissa.

"Bakit naman?" kunot noong tanong ni Maddie.

Nagtinginan naman ang tatlo parang pare-pareho ang mga nasa isip.

"Libre!" chorus na sabi ng mga ito.

"Basta talaga mga libre" irap ni Jema. "mamumulubi talaga ako sainyo!"  dugtong pa nito. Tawa na lang ang sinagot ng mga ito.

"Inom na nga lang tayo, para makarami" pang asar ni Jia kay Jema.
Nagsi tawanan naman ang lahat. Habang si Jema napapailing na lang.

Hindi lubos maisip ni Jema kung bakit sila nagtagal bilang magkakaibigan. Sa mga ugali nilang mapang asar at madaling maasar. At idag dag pa na mag kakalaban sila dati sa Volleyball. Na Ipinag lalaban ang kani-kanilang mga schools. Pero sabi nga nila sa loob lang iyon ng Court sila mag kakalaban at kapag nasa labas na ay mag kakaibigan na sila. Kaya naman hanggang ngayon solid pa rin sila.

Mag sisimula na ang acoustic band. Tanaw mula doon na  sinisimulan na ng mga itong mag set sa stages. Babae at lalaki ang vocalist ng banda. Magagaling ito kaya siguro marami din na dayo doon.

Tumatagal pa  ay napaparami na ang naiinom ng mga ito. Maging si Jema ay ganon din. Nag simula na ring tumugtog ang banda. Mga opm iyon kaya lalong ginaganahan ang mga nanduon.

Halos babaeng bukalista ang kumanta na ikinahiyaw naman ng mga nanduon. Sa unang set ay nakalima na itong kanta  ang pang anim at  huling kakantahin ng babae bukalista ang ikinahiyaw ng mga kasama ni Jema kakantahin kasi nito ang Hanggang kailan.

(Note ni Author. 23:37 po sya ng vedio Thank you. Magaganda yong kanta pero eto kase lagi kong naririnig na kinakanta ng mga players hehehe.)

"Hanggang Kailan"
Orange and Lemons

Labis na naiinip

"Oh! " hiyawan ng mga nanduon.

Nayayamot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman
akong magawa

Sumabay na sa chorus ang mga ito. LSS sa kanta.

Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap
kita.

"Swabe!" sigaw ni Dani may pa sipol pa. Nagtawanan naman ang mga naroon. Sumabay ulit ang lahat sa kanta. Rinig din ng magkakaibigan na sumasabay din ang ibang nanduon.

Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama ka muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap
Na tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
At naglalagay ng ngiti
sa mga labi

'Di mapigilang mag-isip
Na baka sa tagal

"Nice one gurl!" sigaw ni Celene sa kumakanta.

"Hala iba din, diba yan ang lagi nyong kinakanta ni Totsta kapag magkalayo kayo. Hahahhaha"  asar ni kyla

"Siraulo to ah, Tosta ka d'yan!" Sigaw ni Celine kay Kyla.

"Ai, hindi pala sya, ikaw pala" asar ulit nito sa babae.

"minsan gusto na kita tanggalin sa friend list ko" yamot na sabi nito. Habang ang iba ay natatawa na.

Mahulog ang loob mo sa iba
Nakakabalisa, knock on wood
'Wag naman sana

"makinig na nga lang kayo, nasa iba ng piling daw sila tots di kayo nakikinig"  pagpapatigil ni Kat.

"hala sya isa din tong bully na to" sabay katok ni Celine sa wood table na nanduon. Aba si Jho kumatok din.

"ano kinakatok mo d' yan Maraguinot?" nakakalokong tanong ni Pau. Tawanan ang lahat.

"Wala sinusubukan ko lang kong matibay to mamaya" palusot nito.

"matibay naman saan?" takang tanong ni Chaira.

"Sa mga malalasing,baka mapagod kapag ginawa nyo na naman pang salo sa mabigat nyong ulo, hahaha" mahabang litanya nito

Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap
kita.
Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama ka muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap
Na tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
At naglalagay ng ngiti
sa mga labi
Umuwi ka na baby
Umuwi ka na baby
Umuwi ka na baby
Umuwi ka na baby
Umuwi ka na baby
Umuwi ka na baby

"sus palusot ka Maraguinot, hindi na sya uuwi sayo. wala namang kayo diba?" turan ni Jules.

"hoy, tama na  yan tapos na  kanta wala ako naintindihan" sita naman ni Risa.

"Kahit naman manahimik kami di mo talaga maiintindihan masyado!" kantiyaw ni Mel. Kahit kaylan talaga pambabara lang alam ng mga ito sa kapwa kaybigan nila. Kaya mag kakaibigan eh, iisa ang takbo ng isip.

Dahil doon ay napuno ng tawanan ang lahat.

Tinatamaan na ng iniinom ang lahat. Nasa harap ulit ang acoustic band. OPM pa rin ang tinutugtog at babae pa rin ang kumakanta. Second set na ng mga ito.

Bitiw
Sundo
Makapiling ka
Tabi
Pangarap lang kita
Ingat ka
Hanggang sa muli

Mga pag kakasunod ng kinanta ng banda ng second set na. Lalo naman silang ginanahan sa mga naririnig na musika. Masaya ang lahat habang si Jema ay tahimik na.

Nagpaalam na ulit ang mga ito at babalik na sa third set and last set ng jamming. Sa bawat pagkatapos ng set nag papatugtog naman ang DJ ng alternative songs para hindi maboring ang mga nanduon.

Ang tahimik ni Jema. Nakakaramdam na kasi ito ng pagka hilo. Iniisip na rin nya kung ano ng ginagawa ni Deanna at ng Girlfriend nito. Tumingin ito sa relo na nasa bisig nya. 11:00pm na pala malapit na mag 12:00am.

Iniisip nito kung umuwi na ba ito. Baka wala pa ito sa bahay nila at baka din doon iyon matulog sa condo ng girlfriend nito. "kasi pinayagan mo pa" sita ng isip nya. "Bakit may karapatan ba akong humindi?" tanong nya sa sarili. "oo kasi diba nagpaalam, so kung hindi mo pinayagan hindi yon pupunta" sabi ulit ng kabilang isip. "as if naman pumayag yon" pag kontra ulit ng isip nya. "ai, ewan!" napalakas iyon na ikinagulat ng lahat at ikinasabay ng tingin nila sa dereksyon ni Jema.

"Problema mo?" tanong ni Jia sakanya

"wala ate Jia" ngumiti ng peke sa babae.

"wala, if I know sya na naman ang iniisip mo. Kahit takpan mo yang si Deanna alam ko na pinapahirapan ka nya" litanya nito.

"Hindi naman po ate" pag tatanggol nya kay Deanna.

"hindi pero ayon ang nakikita namin!" may diin sa bawat salita nito.

"Alam mo Jem kahit hindi mo man aminin nakikita namin. Iba man ang sinasabi ng bibig pero ang mata hindi nag sisinungaling yan" pag dugtong ni ate nya Ly sa sinabi ni Jia.

"kahit katawan hindi nag sisinungaling. Payat mo na" sita ni Jules. Nag sang ayon naman ang lahat.

"sabihin mo na kasi samin ang estado nyo ni Deanna para alam din namin" pag papa amin sakanya ni Jia.

Wala ngang nagawa si Jema kundi ang sabihin sakanila ang lahat lahat. Mula sa umpisa at maging ang deal nilang dalawa. Pati ang pagiging sweet na ipinapakita nito sakanya at kasungitan. Halos lahat sinabi nya maliban sa pagiging marupok nya paminsan minsan. Nahihiya kasi sya baka isipin nito mag papaka tanga sya lalo. Kahit ayon naman talaga ang totoo. At least sya lang nakaka alam.

"ginawa mo yan dahil pa rin sakanya. Sa ikakabuti ulit nya" galit na sabi ni Jia sakanya.

"wala eh, kailangan baka mawala lang yong pinag hirapan nya." malungkot na turan nito kay Jia. Habang ang iba mataman lang na nakikinig sakanila.

"ikaw naman itong nahihirapan. Yong totoo sagutin mo ako. Asaan si Deanna?" maawturidad na tanong ni Ate nya Ly.

Matagal na nakatitig lang si Jema sa nag tanong. Hindi nya alam kung sasagot ba sya dito o hindi.

"ano, tutunganga ka lang ba d'yan?" tanong ni Michelle kay Jema.

"k-kase u-umalis sya k-kanina" sabi ni Jema. Halata na dito ang pag bagsak ng luha.

"and?" dugtong ni Mel.

"k-kase a-anniversary n-nila ngayon" nakayuko na si Jema. Tumulo na rin ang kanina pa pinipigilan na luha.

"oh, ouch! Sambit na lang ng iba. Nasasaktan sila para kay Jema.
Makikita ang galit na itsura ng mga kaibigan nila.

" kaya pala ganoon ang boses mo kanina parang umiyak" pag alala ni Jia ng nag uusap sila sa phone. "sabi ko na may mali, eh" dagdag pa nito.

" humanda sya! bubugbugin ko yon si Deanna pag nag kita kami" banta ni Pongay.

"wag! Nagpaalam naman sya" pakiusap ni Jema dito.

"ai, tanga! Ito dapat yong binubugbog, eh!" inis na sambit ni Kring.

"wala naman kasi akong karapatan" nakayuko na ito habang patuloy lang ang pag tulo ng luha.

"

kahit wala kang karapatan, respeto sana Margarett " galit na talaga si Jia tinawag na sa pangalan nya.

"pero hindi nya mabigay sayo!" galit na  sambit ni Jho

"Sana man lang naisip nya ang mararamdaman mo" si Kyla naman na hindi makapag pigil sa init ng ulo.

"Maayos naman yong pag paalam nya" patuloy parin ito sa pag depensa kay Deanna.

"sinabi nya ba kung san sya pupunta?" tanong ni Jho.

"Hindi, di naman kasi ako nag tanong" patuloy na pag tatanggol nito kay Deanna.

"minsan talaga hindi binibigay ni Lord ang lahat saatin" banat ni Celene.

"bakit naman?" sabay na tanong ng lahat.

"Ganda lang talaga meron sya at talent pero tanga talaga sya guys! " sabi pa nito at sabay batok kay Jema. Pero niyakap din nito si Jema at inalo. Umiiyak na din ito. Kahit ang mga kasama nila umiiyak na rin. Nagsilapitan na ang mga kaibigan nila para yakapin si Jema.

Eto ang maganda sakanila kapag may problema maaasahan ang mga ito. Lalo na sa ka dramahan, tulungan sa mga  problema.

Nagsibalikan na ito sa kanyakanyang upuan at nag siinum ulit pati si Jema. Gumaan na rin ang pakiramdam nya kahit papaano.

Hindi nila napapansin kumakanta na pala ulit ang banda. Sakto yong lalaki na ang kumakanta. Bigla namang natutok ang pansin nya sa kinakanta ng bukalistang lalaki. Hindi pamilyar sakanya ang kanta ngunit parang para sakanya iyon.

Hindi para Sa'yo
by Kithara

Minsan napapagod ang puso
'pag hindi ito pinapakinggan
ng isang taong pilit mong pinaglaban
Kulang pa, hindi pa rin sapat

Tagos hanggang sa kanyang puso ang bawat bigkas ng kanta. "Pagod na pagod na nga talaga ako" sambit nya sa isip. Tumutulo na naman ang luha nya. Patuloy lang ang pag inom nya ng alak. Maging ang mga kasamahan nya doon.

Hanggang dumating ang araw
na wala ka nang maramdaman
Hanggang dumating ang araw,
nag-iisa ka na lang

"kaylan kaya darating yong araw na wala na akong mararamdaman? " tanong nya sa sarili. "kasi sa totoo lang pagod na pagod na ako" patuloy lang ang pag agos ng luha.

Ang mga kaibigan naman nya ay hinahayaan lang syang umiyak. Ramdam kasi nila yong kanta. At alam nito na masakit iyon kay Jema ngunit kailangan nitong marig baka sakaling matauhan.

Isipin mo
Hindi siya para sa'yo
Kayanin mo
May darating para sa'yo

"may darating paba? Kasi si Deanna lang ang lahat sa akin noon hanggang ngayon" patuloy nyang tanong sa sarili.

Ibigay mo man ang lahat-lahat
hindi mo ito makukuhang tapat
Ang pag-ibig na iyong pinangarap
Hindi niya kayang ibalik ng sapat

Lalo pang nasaktan si Jema sa narinig. Dahil totoo naman kahit binigay nya na ang lahat ngunit hindi nito kayang ibalik ang pag mamahal na pinangarap nya para dito. Kasama ang babaeng pinaka mamahal.

Hanggang dumating ang araw
na wala ka nang maramdaman
Hanggang dumating ang araw,
nag-iisa ka na lang

"sana nga dumating ang araw na maging manhid na ako, mawala ang lahat ng nararamdaman ko sakanya at kayanin ko na wala na sya at hindi na ako masasaktan ng ganito" hilam na ng luha ang mga mata ni Jema. Wala pa rin gustong patahanin sya.

Mapanakit din tong mga kaibigan talaga nya. Ma realized lang ni Jema na tama na.

Isipin mo
Hindi siya para sa'yo
Kayanin mo
May darating para sa'yo

Nakatingin lang ang lahat kay Jema.

Huwag kang manghihinayang
Hindi ka niya kailangan
Ilang taong lumaban
Bakit ako lang?

Humagulgol na ng iyak si Jema. Doon na sya nilapitan nila Jia. Niyakap sya ito inaalo. "shuuuu, tama na" pag alo ni Jia kay Jema

"ate Jia masama ba ako? Mali bang pinili ko kung san sya makakabuti?" sumbat nito habang patuloy pa rin ang pag iyak. Umiiyak ang lahat.

Isipin mo
Hindi siya para sa'yo
Kayanin mo
May darating para sa'yo


"No no, wag mong iisipin yan. Hindi lang nya makita ang sakripisyo mo. Kaya nga sabi namin sayo tama na. Itigil mo na yan, pahingahin mo rin sarili mo sa sakit jem. Marami kaming nag mamahal sayo, oh. Pag pahingahin mo yang puso mo sa sakit" naaawang sambit nito.

Tumigil na sa pag iyak si Jema. Lasing na rin ito dahil sa dami ng nainom.

Isipin mo
Hindi siya para sa'yo
Kayanin mo
May darating para sa'yo

Natapos na ang kanta. Hindi na nila narinig na nag sasalita si Jema. Tanging ang pag singhot na lang nito ang maririnig nila.

Biglang may tumawag kay Jema. Kinuha iyon ni Kring.

"Love nakalagay, eh" basa nito sa tumatawag.

"baka si Deanna, yon ang tawagan nila dati, eh" sabi ni Chaira

H-hello Deanns?" bungad  ni Kring sa kausap.

"k-kasi Deanns, a-ano kasi" nag dadalawang isip pa ito kong sasabihin ni Kring yong totoo.

Nairita naman si Jia sa naririnig.
"sino ba yang kring na tumawag kay Jema?" kahit alam na ni Jia kung sino ang tumatawag.

"si Deanna ate Jia" sambit ni Kring.

"akin na nga ako na kakausap" kinuha nito ang Cellphone sa babae.

"Hello Wong" paniguradong mararamdaman nito ang  galit ni Jia.

"H-Hello po a-ate Jia, Si J-Jema po" kabadong tanong ng nasa kabilang linya kay Jia. Habang si Jema nakatulog na sa kakaiyak.

Tumawa ito ng mapait si Jia. Mararamdaman  iyon ni Deanna kahit pa hindi nya ito nakikita. "marunong ka din pala mag alala Wong" madiin na sambit ng babae.

"saan po kayo? sunduin ko na  po sya" ramdam ni Jia ang takot na boses nito. Kaya lalo nyang pinatapang ang bawat sambit nya ng letra.

"Wag na iuuwi na namin si Jema. Wag kana mag abala pa. Nakakahiya naman sayo maiistorbo kapa!" mahabang litanya nito. Hindi na nga  nakapag salita si Deanna.

"Jia tama na yan! Sobra na yang mga lumalabas sa bibig mo"pag papatihil ni Ate nya Ly kay Jia. Pinatay na nito ang linya ng phone ni Jema.

" Jia kailangan mo rin kumalma, kahit pa nasasaktan tayo para kay Jema. Kaibigan pa rin natin si Deanna at hindi mo rin naman siguro nakakalimutan na naging mentor ka nya. Idol ka ng bata at nadon pa rin ang respeto nya sayo" pangaral ni Ly kay Jia.

"Sorry ate Ly" tanging nasambit na lang ni Jia sa babae.

"Tara na iuwi na natin si Jema sakanila, papunta na dito si Miguel, nag pasundo na ako" nasambit na lang ni Jia sa lahat.

Hindi  nag tagal ay dumating na Migz inihatid na si Jema sakanila. Nag sipag uwian na rin ang lahat. Nakita nilang nag hihintay si Deanna sa labas. Hinatid naman sa kwarto ni Migz si Jema at nag paalam na ang mga ito. Bago iyon ay nag usap ng masinsinan si Jia at Deanna bago umalis.

Habang si Jema ay hindi kaya ang katawan. Nararamdaman nya na may nag pupunas sakanya ng katawan. Ngunit hindi nya kayang imulat ang mga mata maging ang katawan nya hindi na miagalaw. Nasobrahan ata  sya sa alak.

Hinubad na nito ang damit nya. Sana walang gawing masama sakanya ang taong nag tatanggal ng saplot sa katawan nya. Kasi wala talaga syang laban sa isip nito. Ramdam na  nya ang lamig dahil nakahubad na sya. Pinupunasan nito ang kanyang katawan.

Ang nasa isip nya sana ay si nanay Helen. Kahit Nakakahiya dahil  anong oras na naistorbo pa nya. Pero wala namang mag mamalasakit sa kanya sa oras na iyon kundi ang matanda lang. Hihingi na lang sya ng paumanhin pag gising nya mamaya. Binihisan na sya nito.

Narinig nya itong nagsalita na ikinagulat nya. ""Love pagod kana ba sakin?" boses iyon ni Deanna hindi sya nagkakamali. Naalala nya yong kanta kanina. Naramdaman nya yong pagod.

Kahit antok na antok na sya at hindi nya magalaw ang katawan nya ay pinilit nyang sumagot sa pamamagitan ng pag tango. Doon din ay umagos ang kanyang luha. Kasabay niyon ang pag tulog nya. Hindi na nya alam ang sumunod na pangyayari.

Ilang sandali pa narinig ni Jema ang pag hagulgol ni Deanna. Bahagya ng nahimasmasan ang babae sa kalasingan. Naawa sya dito kailangan nya itong patahanin. Nahihirapan man gumawa sya ng paraan para patahanin ito at pagaanin ang loob.





Hello kamusta kayo? Hehehe sorry sa matagal na pag update. Di ko kasi magamit wattpad ko nag loloko. Para sa mga nangungulit at  nag ppm sakin ng update eto na po request nyo. Salamat po sa patuloy na pag babasa. Sana nagugustuhan nyo pa rin ang flow ng story. Sorry kung hindi ko nabibigyan ng magandang plot.  Thank you ng marami sainyo. Godbless po sa lahat. Mornight hahahahha 😊😉😊😊😊😴😴😴😴
Hanggang sa muli 😘.

Continue Reading

You'll Also Like

94.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
9K 86 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
11.4K 329 12
BONUS CHAPTERS
196K 8.2K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...