SOM 2: Planet Of Magic

By hunny_slin

29.6K 931 125

School Of Magic 2. As the new Princess of Wizardouz Kingdom took over the throne, new threats will arise. Dar... More

POM Prologue
Chapter 1:Long Lost Prisoner
Chapter 2:Dark Dragons
Chapter 3:Trap
Chapter 4:Levinia Kingdom
Chapter 5:Kingdom of Vampires
Chapter 6: To the Mortal World?
Chapter 7:Craving for blood
Chapter 8: Never-ending argument
Chapter 9: Enjoying the Mortal World
Chapter 10: Undiscovered Power
Chapter 11: Irritating Vampire Prince
Chapter 12: Closed Portal
Chapter 13: The Knights
Chapter 14: Everything's gonna be alright
Chapter 15: Maligno's tears
Chapter 16: Prince's help
Chapter 17: Ghouls, the undead monsters
Chapter 18: Invaded
Chapter 19: Dying Game
Chapter 20: Matter of Life and Death
Chapter 21: Crisis
Chapter 22: United Kingdom
Chapter 23: Declaration of the Next War
Chapter 25: Marriage Offer
Chapter 26: Hostaging the princess
Chapter 27: The rise of the Academy
Chapter 28: Love making
Chapter 29: Traitor Wizard
Chapter 30: Ending of Happily Ever After
POM Epilogue

Chapter 24: Wizard Academy

386 20 0
By hunny_slin


Chapter 24: Wizard Academy

"Omg! Ako pipili ng gown mo Xheila!" excited na humanap si Collette ng kung ano sa dressing closet ko. Bilang isang prinsesa, normal nalang sa'kin ang may napakaraming damit. I have multiple of dresses and gowns since iyon ang lagi kong sinusuot tuwing may dadaluhan kami na piging dito sa palasyo. And as a princess, I need to look like a princess everyday kaya kahit na labag sa loob ko ay kahit normal na araw ay napaka-engrande ng suot ko. I don't know, I just want to go back to the times that I am just with my sleeping attire, with no brassiere. That's the best feeling!

"Ang gaganda." Manghang saad ni Raima nang makapasok din siya sa kwarto kung saan punong-puno ng kumikinang na damit.

"My mother prepared them for me." I said. How I miss my mom's presence. Hanggang ngayon kasi ay nasa herbes' crib pa siya dahil medyo nanghihina pa siya. I was worried that my mom would not make it to the palace again...

"How about the silver one?" Turo ni Raima sa isang ball gown na kulay silver sa may dulo. Maagaw talaga nito ang pansin ng kahit na sino sapagkat maliban sa nakalagay pa ito sa isang glass box ay talaga namang kumikinang ito. Good choice Raima.

"Wooooow! That was pretty!" Nagtatalon pa di Collette tsaka nilapitan ang gown. Tube ang style nito at may malaking diamond necklace na kasama. It was really expensive, kung sa mortal world iyan ibebenta. Gawa yan ng isa sa pinakamagaling na wizard stylist dito sa palasyo. She was the personal stylist of my mother and happened to be my personal stylist too. She can make a dress or gown with just flipping with her wand, she is Vani. She was just with the same age with us.

"Make sure to wear that on the Royale Night Xheila." Nakangiting saad ni Raima at dahil nagustuhan ko naman ay tumango ako. What can I do without them?

"I'll wear that. So let's go?" Pag-aaya ko sa labas.

"Xheila! Let me borrow some dress for you sa Royale Ball ng Wizardouz Kingdom okay?" Masayang saad ni Collette.

"Matagal pa 'yon! But anyway, ofcourse. Pumili ka lang." sagot ko sakanya. Every year din ay may Royale Ball na ginaganap ang palasyo and I can say that it was extravagant and amazing. Hindi ko lang alam kung ngayong taon ay magiging pareho pa 'rin dahil may mga nasirang establisimiyento pero unti-unti naman nang naayos. The invader's impact wasn't that simple.

"Yehey!" Collette hugged me kaya niyakap ko rin siya. Ang warm talaga ng personality ni Collette, no wonder pinag-aagawan siya nina Jerr at Kennedy.

"Tama na 'yan! Tara na." Pag-aaya ni Raima kaya lumabas na kami ng kwartong iyon.

"Kamusta na pala ang relationship niyo ni Suho, Raima? Didn't you missed him nung nasa mortal world kami?" I asked Raima while walking down to the hall of the palace.

"Ofcourse I miss him. Pero wala naman akong magagawa because it's his duty. Takot na takot ako nung naiwan niyo kami rito. Pag-uwi namin dala ang gamot ni Ken ay nadatnan ko na silang nasa ganung kalagayan. Wala rin akong nagawa kundi maging bihag dahil hindi ako ganoon kalakas upang malabanan sila. They hurt everyone they can hurt Xheila. Wala silang awa." Sagot ni Raima kaya nakaramdam ako ng lungkot. Wala man lang ako sa tabi nila nung mga panahong kailangan nila kami.

"The day we arrived here ay may napapansin na akong nagmamanman sa labas ng palasyo Xheila. Then after three days ay umatake na sila sa loob. They started breaking the walls of the palace at kahit na nagtayo kami ng glass shield ay nabasag din nila. Unconscious pa si Ken 'non kaya talagang nahirapan din ang ibang wizards dahil isa si Ken sa mga magaling mag-lead sa palasyo. It was really sad Xheila dahil maraming kawal ang namatay upang lumaban." Dugtong naman ni Collette. I just held their hands and smiled warmly to them.

"Don't worry, hindi ko na kayo iiwan. We can make this." Pagpapagaan ko ng loob nila.

"I'm scared about the declaration of the war Xheila." Napayuko si Collette. Biglang sumikip ang dibdib ko. Whou wouldn't be? Everyone's scared of the war dahil marami na namang dugo ang dadanak. Marami na namang buhay ang mawawala... kagaya na lamang ng kapatid ko. My twin, Zhiya.

"The prophecy's not present yet, Xheila. And I'm afraid that you'll be written again." Saad ni Raima tsaka hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Nagawa ko na dati, I can make it again. Okay?" Pagpapagaan ko ng loob nila. This is not the right time for emotional explosion. We needed to be strong to face our fate.

"What if mas malakas sila ngayon? What if they'll use a trick to kill you? We can't manage to lose you, our princess." Raima exclaimed while tears are ready to fall from her eyes pero pinigilan ko na iyon.

"We'll prepare for the war. Preparation that would surely make us win, again." I said.

"How?" Napatingin kami sa mga bagong dating na lalaki. It was Sync who questioned me. Nandito na 'rin sina Suho, Jerr at Ken sa hallway.

"Bakit ganyan ang usapan ninyo? Napaka-seryoso niyo girls." Saad ni Jerr tsaka kinindatan si Collette. Napaka-harot talaga neto.

"What is the preparation you were talking about, baby?" Sync asked.

"Wizard Academy... will rise again to train wizards." I declare. Buong gabi kong pinag-isipan ang desisyong ito at alam kong malaki ang maitutulong ng muling pagbabalik ng Wizard Academy.

Napatahimik ang lahat ng kausap ko at nagtinginan sa isa't-isa. Hindi ko mabasa ang mga reaksyon nila. Hindi ba nila nagustuhan ang desisyon ko? I can't read their expressions.

"Yahoo! Muling magbabalik! I was waitinung for this moment!" Sigaw ni Jerr tsaka pa sumuntok sa hangin.

"I miss my school!" Masayang saad ni Ken.

"That's a very good decision, Xheila. Malaki ang maitutulong ng Wizard Academy para sa preparation natin." Nakangiting saad ni Suho kaya tinanguan ko sila.

"Let's take a sit. Nangangawit akong nakatayo." Pagrereklamo ni Collette kaya umupo kami sa sofa sa sala ng palasyo.

"I need your help guys. As a senior of the academy, I need you all to take lead of the school. Isa kayo sa mga maatasan na magturo maliban sa mga teachers." Sabi ko sakanila na tinanguan naman nilang lahat.

"We got no problem with that, princess. But, nasabihan mo na'ba ang reyna tungkol sa desisyong ito?" Raima asked so I shooked my head. Hindi pa kami nagkakausap ni ina.

"I'll tell her but not now. Hindi pa maganda ang kalagayan niya. Hindi niya pa 'rin alam ang mangyayaring war na hindi pa alam kung kelan mangyayari. We just need to be ready and prepare everything. I'm on my right age already, and with your help ay magagawa ko 'to ng maayos." Saad ko habang isa-isa silang tinitingnan. I saw maligno smiled at me na para bang proud na proud siya sa'kin ngayon. I can feel his warm smile.

"We'll support you no matter what, baby." Sabi ni Sync kaya kinantyawan nila kami. Masyado naman kasing open 'tong boyfriend ko. I was just so lucky to have them in my battle. Nakadadagdag sila ng lakas ng loob ko.

"Thank you, baby. Thank you everyone."

"Let's group hug!" Sigaw ni Jerr.

"Group hug!" Nakisali na rin si Collette kaya nagyakapan kaming lahat.

"Wuhoooo!"

I can make it. We can make it, again. I have these powerful wizard by my side kaya alam kong makakaya namin kahit anong dumaan sa'min. We got this, wizards.

NGAYONG araw ang nasabing Royale Night na gaganapin sa south kung saan dinaraos ang mga malalaking piging na kagay nito. May malaking hall doon at kapag sinabing malaki, ay napakalaki talaga.

Medyo kinakabahan ako dahil paniguradong iba't ibang hari, reyna, prinsipe at prinsesa ang pupunta mamayang gabi. Hindi na ako makapaghintay na makita silang lahat. I know they are on my side at sana'y maging maganda ang kalalabasan ng gabing ito.

Gaya ng napag-usapan ay isusuot ko ang silve ball gown na pinili nina Raima at Collette para sa'kin. Kasalukuyan akong nagpapaayos ngayon at di 'ko maitatangging mas lalong gumanda ang mukha ko dahil sa magagaling na make up artist ng palasyo. My mother always wanted to give me the best she can give. Kaya lahat ng magagaling sa kingdom ay sa'kin nagtatrabaho. Sayang lang dahil kung nandito lang sana ang papa ko ay masasamahan niya ako sa mga ganitong okasyon.

"Napakaganda mo prinsesa." Pumasok sa kwarto ko si Vani, ang gumawa ng silver ball gown na gagamitin ko ngayong gabi at ang gumawa ng halos ng lahat ng mga damit ko.

Napakahinhin ni Vani at talagang nakakabighani ang mga ngiti niya. Hindi ko maitatangging may maipagmamalaki rin talaga siya pagdating sa physical appearance.

"Thanks Vani!" I thanked her. Nang matapos akong ayusan at kinuha na ni Vani ang silver ball gown ko upang tulungan akong magsuot. Then after I wore it ay tumingin ako sa human sized na salamin ko. I look very stunning and splendid.

"Wow." Nasabi na lamang ng mga kasama ko sa kwarto.

Di nagtagal ay lumabas na ako dahil alam kong kanina pa'ko inaantay ng mga kaibigan ko sa baba. Habang bumababa ako sa hagdan ay inaalalayan ako ng mga nag-ayos sa'kin including Vani upang hindi ako matapilok o madapa sa hagdan. My silve gown was paired with a silver heels na kumikinang din dahil napalilibutan ng diamonds.

"Wow! Our princess!" Rinig ko ang boses ni Collette kaya nilingon ko sila. They are all standing in the hall, waiting for me, with a smile on their faces. Nagniningning ang mga mata nila.

"Ang ganda ganda ng prinsesa namin! Huhuhu!" Saad ni Inferno na ngayon ay naka-red tuxedo. He looks so manly with his attire. Colorful ang tuxedo na suot ng apat na Knights dahil naka-yellow tux si Cold, naka-dark blue tux naman si Aero, at naka-pink tuxedo si Lake. Ang gagwapo ng mga knights ngayon huh? But I won't tell them! Baka lumaki ang mga ulo.

"You look stunning princess. Walang panama saiyo ang ibang mga prinsesa." Nakangiting saad ni Lake kaya inirapan ko lang sila habang nakangiti.

"Mga bolero!"

"Nasaan na ang escort mo?" Tanong ni Raima kaya luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko siya makita.

"Sinong escort? Kami ang escort niya!" Pagmamaktol ni Aero kaya binatukan siya ni Cold.

"Si Royal Wizard ang escort niya tanga!" Panenermon ni Cold kaya napakamot na lamang ng batok si Aero.

"Your highness." Napalingon ako sa gilid nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. And there I saw my man wearing a silver tuxedo with a black tie. He looks to stunning, too. Damn. Ang gwapo ng boyfriend ko. How lucky am I to have a boyfriend like him?

"Hala naka-silver din ang Royal Wizard! Ang gwapo niya! Bagay na bagay sila!" Excited na saad ni Collette habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Sync.

Parang nag-slowmotion ang paglalakad ni Sync papunta sa'kin habang may ngiti siya sa labi niya.

Nang makalapit siya ay kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"You look so gorgeous today, my princess." He said. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Thank you. Ang gwapo mo baby." Saad ko sakanya kaya nginitian niya lang ako.

"Shall we?" Tanong niya saka ako iginaya na palabas. Paglabas namin ay nakahanda na ang mga karwahe na sumisigaw rin ng karangyaan. Tatlo ang karwaheng dadalhin namin, isa para sa'min ni Sync, isa para sa mga knights at isa para sa mga kawal na kasama namin.

Sumakay na kami at nagpaalam sa aming mga kasama.

"Bye Xheila! Enjoy kayo!" Pagpapaalam nila sa'min kaya tinanguan ko sila.

Lumipad na ang mga pegasus. Ilang oras lamang ang byahe kaya makakarating kami sa tamang oras.

"I couldn't take my eyes off of you Xheila. Ang ganda mo talaga." Pambobola ng katabi ko kaya hinampas ko siya.

"Ikaw tigil-tigilan mo'ko ah. Nakakarami ka'na." Pakiramdam ko ay namumula na'ko sa sobrang pagpupuri sa'kin ng lalaking 'to.

"I was just telling what I'm seeing. You're the best view I've ever seen." He said.

"Oo na! Tama na, nahihiya na'ko." Sabi ko ngunit tinawanan niya lamang ako.

After how many hours ay nakarating na rin kami sa hall ng Royale Night. Napakalakas ng ingay na naggagaling sa loob at napakaliwanag ng paligid. Ang ganda ng mga dekorasyon at halatang pinaghandaan talaga ang gabing ito!

Inalalayan ako ni Sync sa pagbaba at gaya namin ay napakarami ring karwahe ang kararating lang din. Gaya ko ay napakagaganda rin ng mga kababaihan. Napaka-royal ng gabing ito. Kumikinang ang lahat at maraming pixies ang nagkalat upang magpaulan ng mga kumikinang na pixie dust.

"Let's go inside." Pag-aaya ni Sync kaya pumasok na kami. Pinagtitinginan ang apat na knights na kasama ko dahil sa makukulay nilang damit at sa kakisigan nilang lahat. Baka makahanap pa ng girlfriends ang mga 'to rito.

"Welcome your highness! Your invitations, please." I gave them my invitation as well as Sync. Nang makapasok kami ay walang-wala pa ang kagandahan sa labas.

Nabalot kami ng malakas na ingay at iba't-ibang ilaw ang nagsasayaw sa loob. Ang dekorasyon mula sa itaas ay mga nakasabit na nagkikinangang mga diyamante at may napakalaking chandelier sa gitna. Napakaraming tables na kulay puti at ang bawat tables ay may pagkain at iba't ibang uri ng inumin. This night is so special!

"Nandito rin pala kayo." Kahit na napakaingay ay narinig namin ang nagsalita kaya lumingon kami rito. And there, I saw Kaira with her long-fitted red gown. Kumunot ang noo ko nang tingnan niya ng malagkit si Sync. Bakit ba nakalimutan kong prinsesa rin ang gagang 'to? Mabuti naman at nakaattend siya. Mukhang maayos-ayos na 'rin ang kingdom nila.

"Ofcourse, I'm the highest princess of the Wizardouz Kingdom." I said.

"Hi Royal Wizard." Pang-iignore niya sa'kin. Ugh! So irritating. Di na nagbago.

"Hey." Matabang na sagot ni Sync.

"Oh there you are, Gacx!" Pagbati ni Kaira sa bagong dating na si Gacx. Tiningnan ako mi Gacx ng isang malamig na tingin tsaka tahimik na umalis. Problema 'nun?

"Let's sit." Pag-aaya ni Sync.

"Sa iisang table na tayo umupo." Pag-aaya ni Kaira kaya wala na kaming nagawa. Sinundan namin kung saan umupo si Gacx at umupo na rin.

Ugh, this night is gonna be awkward and irritating. Bakit ba kasi nakakabwisit ang presence ng magkapatid na bampira na 'to?

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 181K 205
Online Game# 2: MILAN X DION
14K 515 25
"Welcome to the bloody SCHOOL CAMP" Date Created: May 03, 2018 Date Completed: May 20, 2018
1.1M 20.3K 72
Join Elesis and her brother, Sieghart together with their allies to find the Light element user to defeat their great foe, The demon Emperor.
795K 21.9K 43
Jessie was just a normal teenage girl until she became 16. Obeyed her parents' wish before they vanished. Is their death is just an accident? Ano kay...