When Pogi Meets PoGay

By StoryOfABadboy

307K 7.2K 764

Masakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa... More

Characters
Chapter 1: Aeron
Chapter 2: Facebook
Chapter 3: The Past (1)
Chapter 4: The Dream
Chapter 5: Black, White and Gray
Chapter 6: Streetfood
Chapter 7: Potter Boys
Chapter 8: Weird
Chapter 9: Angel
Chapter 10: With Him
Chapter 11: Song Of A Broken Hearted Man
Chapter 12: Revelation of Truth
Chapter 13: Bad News
Author's Note
Chapter 14: Confession
Chapter 15: The Clash of the Potter Boys
Chapter 16: Plan to Reveal
Author's Note
Chapter 17: Memories
Chapter 18: Feelings
Chapter 19: One Night
Chapter 20 : Revelation
Chapter 21: Answers
Chapter 22: Explanation
Author's Note
Chapter 23: The Request
Chapter 24: Threat?
Chapter 25: That's Why
Paumanhin (Author's Note)
Chapter 26: Why?
Chapter 27: Devin and Aeron
Chapter 28: Brother
Author's Note
Chapter 30: Pain
Chapter 31: Tears
Chapter 32: Till The End
Chapter 33: How Painful Love Is?
Chapter 34: Too Much Pain
Chapter 35: The Comeback (I)
Announcement
Chapter 36: The Comeback (II)
Chapter 37: The Comeback (III)
Chapter 38: I'm Yours
Chapter 39: The Ring
Chapter 40: You're My Brother
Chapter 41: Father And Twin Brother
Chapter 42: Useless Boyfriend
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: Can't Touch You
Chapter 45: Now or Never
Chapter 46: Happily Ever After
Chapter 47: Going Back
Chapter 48: Another Problem
Chapter 49: The End
Chapter 50: When Pogi Meets PoGay
Announcement
Louie Villegas

Chapter 29: GD, Aeron and Mr. Unknown

4.5K 129 27
By StoryOfABadboy

★Jake★

Kararating lang ni Natel. Inutusan ko na siyang magbihis para tumulong sa akin mamaya sa pagluluto. Ako naman ay abala sa paglilinis ng aking kwarto. Ang gulo kasi ng kwarto ko eh. Niligpit ko lahat, tinago ko lahat. Lalong lalo na yung pictures namin dati ni Matheo.

Kamusta na kaya siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung nakita ko siya kanina. Inis na inis ako sa pagmumukha ni Archie kanina. Pero nung narinig ko yung boses niya, bumilis ang tibok ng puso ko. Gaya ng dati. Noong kami pa. Ang laki ng ipinagbago niya. Tumaba siya ng konti, pumuti, at mas lalong naging kaakit-akit.

Paano kaya kapag hindi kami naghiwalay? Kami pa rin ba hanggang ngayon? Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko noon, ni hindi ko man lang siya pinakinggan.

Flashback

Wala akong pakialam kung maaksidente man ako ngayon. Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong malaman ang katotohanan.

3:30 am pa lang pero nakatanggap ako ng isang tawag mula kay Nikki. Sinabi niyang icheck ko daw ang aking messenger dahil mayroon daw akong dapag makita. Agad ko naman itong binuksan. Pagtingin ko sa message niya, may isa itong sinend na video. Hindi ko pa man ito napiplay pero kinakabahan na ako.

Pagkaplay ko ng video, kita ko ang dalawang lalaki na naghahalikan. Istorbo. Ginising pa niya ako kung porn lang naman ang isesend niya. Biglang tumayo ang lalaking nakapatong sa isa. Nagulat ako dahil sa taong nakahiga. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero hanggang kailan pa. Bumuhos man ang aking mga luha pero nagmadali akong bumaba para puntahan siya.

Nandito na ako sa kaniyang condo. Na sa akin ang duplicate niya kaya hindi na ako kumatok pa. Nagmadali akong nagpunta sa room. Pagkabukas ko ay wala akong nakita kundi kadiliman. Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa aking harapan sina Matheo at Bjorn na natutulog ng nakahubad. Dahil sa galit ay hinila ko si Bjorn. At pinagsusuntok. Wala akong pakialam kung makapatay man ako ngayon.

"Lexus," sabi ni Mico na nagising na. Tumayo siya. Wala siyang saplot. Tinignan niya ang kaniyang katawan.

"No, Lexus it's not what you think," sabi niya. Biglang kumulo yung dugo ko.

"Kailan pa Matheo?" galit kong tanong sa kanya. Yayakapin niya sana ako kaso itinulak ko siya.

"Katawan lang pala ang naging habol mo sa akin," galit na sigaw ko sa kanya. Lalabas na sana ako ng makita ko ang picture frame sa table niya. Kinuha ko ito ay hinagis kaya ito nabasag. Tinanggal ko rin ang regalo niyang bracelet at itinapon sa basurahan niya.

End of Flashback

"Kuya, baba na. Magluluto pa tayo," sigaw ni Natel na nasa aking pintuan. Panira ng drama. Nagfa-flashback yung tao eh. At aba matindi, bihis na bihis kala mo may engrandeng handaan.

Dinalian ko na ang pagliligpit para tulungan si Natel. Siguro nagtataka kayo kung bakit siya yung nagluluto. Well, may mga maids kami kaso mas gusto ko pa rin yung luto ng kapatid ko. Nag culinary arts na lang sana siya kaysa sa engineering. Pang professinal kasi ang cooking techniques niya eh.

Ayaw ko sana siyang samahan sa pagluluto kaso nagpumilit. Pinakiusapan ko na yung mga maids namin na ayusin at linisan nila yung garden kasi doon kami kakain mamaya. Baka may magtatanong sa inyo kung bakit hindi sa pool area? Wala kaming pool. Instead kasi na swimming pool eh, nagpalagay na lang kami ng garden. Ayaw kasi naming mangyari pa yung nangyari sa kanya noong bata pa siya.

Nasa Ilocos kasi kami non. Nagbakasyon kasi sina Dad at Aeron noon. Inutusan ako ni Dad na bantayan muna siya. Patakbo-takbo siya sa may gilid ng pool (7-feet) ng bigla siyang nadulas. Bigla akong nataranta. Hindi rin kasi ako marunong lumangoy eh. Hanggang sa may isang batang tumalon sa may pool para saklolohan ang kapatid ko. Umiiyak, si Natel noong nai-ahon na siya sa pool. Napagalitan pa ako kay Dad dahil hindi ko daw tinitignan yung kapatid ko.

Napag-alaman ko na yung sumagip noon kay Aeron ay anak ng isang staff namin. Ton-ton daw ang pangalan. Ewan ko lang kung real name niya iyon. Bilang kapalit ay si Dad yung nagpaaral sa kanya. Tapos ipinasok din ni Dad yung tatay niya sa company namin. Kapag nagbabakasyon kami sa Ilocos ay si Ton-ton ang palaging kalaro ni Aeron.

Napadami na naman ako ng kwento dahil sa swimming pool na yan. Biglang nagring yung doorbell. Mukhang nandyan na sila. Agad kong binuksan ang maindoor. Sa wakas, dumating na rin sila. Malapit na ring matapos si Natel sa pagluluto.

Kita ko sa peripheral vision ko na tinititigan ako ni Matheo. Ibinaling ko ng paningin ko sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

Jake. Bakit ka ba nagkakaganito.

.

★Natel★

Nandito na kami ngayon sa garden. Habang kumakain kami ay sinasabayan namin ito ng kwentuhan. Tawa doon, tawa dito. Dahil na rin sa magkaharap kami ni Devin. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Ang gwapo niya ngayong gabi. Katabi ko si Archie. Kanina pa siya naglalambing pero ewan ko lang, parang wala ng effect yung ginagawa niya sa akin. Siguro dahil na rin sa nakita ko. Hindi ko pa siya kinakausap doon kasi umaasa ako na mali yung inig sabihin ng nakita pero. (A/n: Hays ang tanga mo Natel. Nakita mo na ngang may kasama siyang iba tapos sasabihin mong baka nagkamali ka lang ng hinala. ISA KANG DAKILANG MARTIR)

"Ang sarap ng luto mo Natel," sabi ni Kean. Bakit niya alam na luto ko?

"Mas masarap pa itong luto mo kaysa sa kinainan nating restaurant kahapon," sabi ni Kean. If I am not mistaken, may gusto siyang ipahiwatig.

"Kinainang restaurant?" tanong ni Archie.

"Yup. Doon sa bagong tayong restaurant malapit sa may McDonalds. Actually sa McDo sana kami kakain pero nag-aya si Natel na doon na lang kami kakain. Nakaka-awkward nga eh, mukhang parang exclusive na kainan lang yon for couples. Hahaha ang daming nagsusubuan.," sabi ni Kean na tumatawa. Alam kong nagpaparinig siya. Ako naman, pangiti-ngiti lang. Ewan ko pero para bang hindi makaimik si Archie sa sinabi ni Kean. Si Devin, Leiyan at Mico ay clueless parin sa kung ano ang ipinapahiwatig ni Kean. Si kuya naman ay nag-aabang kung ano ang susunod na mangyayari. Natapos na kami sa pagkain ng naisipan nila na pumasok na kami sa loob dahil magmomovie marathon daw sila. Si Devin ay nagpaiwan dahil may tatawagan daw siya. Pero 15 minutes na ang nakalipas, hindi pa rin siya pumapasok, kaya naisipan kong lumabas upang tignan siya.

Ayun, nag-iisang nakaupo sa may bench. Malalim ang kaniyang iniisip. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya o hindi. Kusa na lang gumalaw ang aking paa patungo sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa kaniyang tabi.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at binigyan ng hilaw na mga ngiti.

"Wala, may naaalala lang ako," sabi niya.

"Let me guess. Aeron?" tanong ko sa kanya.

"Hindi," sabi niya.

"Eh, ano?" tanong ko. Bigla na lang niyang hinawakan ang aking mga kamay. Bumilis ang tibok ng aking puso.

"Ikaw," sagot niya. Pilitin ko mang gumalaw ngunit natulala ako dahil sa sinabi niya. Mayroon siyang kinuha sa kaniyang bulsa saka niya ibinigay sa akin. Isa itong nakafold na papel. Agad ko itong binasa.

I AM GD

Y

an yung nakasulat. Kung gayon siya pala yung palaging nag-iiwan ng note sa upuan ko. Kung gayon, siya rin yung nakita kong lalaki na nakatalikod kanina sa field.

"Pero bakit?" tanong ko.

"Bakit GD? Akala mo siguro noon ay si Gino? Gwapong Demonyo. Diba yan yung first impression mo sa akin diba. Siguro noong inaasar kita, iniisip mo na sana Devil na lang ang pangalan ko," sabi niya. Ewan ko pero bakit niya alam?

Bigla na lang niya akong niyakap. Gusto kong kumalas pero hindi ko magawa. Bagkus ay niyakap ko rin siya. Ramdam ko na nababasa ang aking balikat. Umiiyak siya. Tumagal ang aming yakapan dahil ni isa sa amin ay ayaw kumalas.

"Kaya pala hindi mo na ako masyadong pinapansin dahil may bago ka na," sabi ng isang boses. Napatayo kami sa aming narinig at paglingon namin sa aming likuran ay nandoon si Archie.

"No, Archie. It's not what you think," sabi ni Devin. Agad na kwinelyuhan ni Archie si Devin saka niya sinuntok. Natumba si Devin at kita kong dumudugo ang kaniyang labi. Tumakbo ako patungo kay Devin.

"Archie ano bang problema mo," galit na sigaw ko sa kanya.

"So, siya ang kakampihan mo. Kung sabagay, pinagpalit mo na ako," sabi niya. Agad ko siyang sinampal. Nandito na rin sina kuya at iba pa naming kasama.

"Huwag mong ilagay sa akin ang isyu dahil hindi ako ang nanloloko. Bakit Archie ha, akala mo hindi ko alam. Akala mo siguro hindi ko alam kung saan ka pumunta kahapon. Tinawagan kita kaso may sumagot na busy ka. At ang masakit pa roon, babae ang sumagot," galit na sabi ko sa kanya.

"Yun lang," sabi niya. Binigyan ko ulit siya ng isang napakalakas na sampal.

"Sa tingin mo, hindi kita nakita kahapon. Kitang-kita ko Archie kung paano mo subuan si Anne. May paholding hands pa kayong nalalaman. Kailan pa? Nauna ba siya?" galit na tanong ko sa kanya. Bumubuhos na rin ang aking mga luha.

Agad na binigyan ni Kuya ng isang napakalakas na suntok si Archie. Akmang susuntukin pa sana siya ni kuya pero napigilan siya ni Mico at nailayo naman ni Kean si Archie.

"Pinagkatiwalaan kita Archie tapos gagaguhin mo lang itong kapatid ko. Ipinaubaya ko siya sa iyo tapos gagaguhin mo lang. Bakit ha? Anong nagawa sa iyo ng kapatid ko?" galit na sabi ni kuya.

"Wala, ginamit ko lang naman siya," sagot ni Archie. Biglang kumulo yung dugo ko sa narinig ko.

"Ginamit ko lang naman siya para saktan si Devin eh," dugtong niya. Agad na sinuntok ni Devin si Archie. Ako naman ay nagtataka kung bakit nasali sa Devin.

"Hayop ka. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ha," galit na sabi ni Devin kay Archie habang sinusuntok niya ito. Inawat ito ni Kean.

"Bakit nasali si Devin sa usapan? Bakit mo ako ginamit para saktan niya?" naluluhang tanong ko na may pagtataka. Walang umimik.

"Sagutin niyo ako. Bakit?" sigaw ko.

"Archie, umalis ka na," sabi ni kuya. Halatang may ayaw siyang mabunyag na sikreto.

"Walang aalis hanggat hindi nasasagot ang tanong ko," galit na sabi ko sa kanila. Tumayo naman si Archie.

"Bat di mo tanungin sa kuya mo," sabi niya saka siya naglakad papalayo. Bago siya lumabas ng gate ay lumingon siya sa akin.

"Good night Aeron," sigaw niya saka siya lumabas. Yumuko si kuya at pumatak naman ang luha ni Devin.

"Sagutin niyo ako," sabi ko sa kanila. Wala pa ring sumagot.

"Kuya," humahagulgol na ako dahil alam ko na mah malaking sikreto silang itinatago sa aking pagkatao.

"I'm sorry kung naglihim ako sa iyo," sabi ni kuya at pumapatak na rin ang kaniyang mga luha.

"Ikaw at si Aeron ay iisa," sabi ni kuya. Aeron? Ang taong sinasabi nilang kamukha ko. Ang taong sinasabi nilang kaugali ko. At ang taong minahal ni Devin. Tumingin ako kay Devin at humahagulgol na rin siya.

"Nagkaroon ka ng Selective Memory Loss noong naaksidente ka. Nawala ang ilang mga ala-ala mo at isa si Devin sa nalimutan mo," sabi ni kuya.

Yayakapin sana ako ni Devin kaso umiwas ako.

"Pare-pareho kayo. Sinamantala niyo ang sakit ko. Ginawa niyong isang laruan ang buhay ko," sigaw ko sa kanila habang humahagulgol ako. Hindi ko na kaya pa ang mga nangyayari. Inilabas ko ang aking cellphone. Alam kong isang tao lang ang makakatulong sa akin ngayon. Dinial ko si Mr. Unknown. Biglang may tumunog. Tumingin ako kay Kean dahil sa kanya nanggagaling ang tunog. Lumapit ako sa kanya. Ako na ang humugot ng cellphone sa bulsa niya. Siya. Siya pala si Mr. Unknown. Mas lalong akong humagulgol sa aking nakita.

"Tinuring kita na isang tunay na kaibigan," galit na sabi kay Kean.

Tumakbo ako papalabas ng gate. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Niloko nila ako, nilihim nila ang aking pagkatao. Lumalabo ang paningin ko. Ewan ko kung ano ang dinadaanan ko. Bigla lumiwanag ang paligid at nakarinig ako ng isang napalakas na busina.

Diyos ko, kunin niyo na ako. Ayoko ng mabuhay pa kung ang aking mundong ginagalawan ay puno pala ng kasinungalingan.

____________________________________
End of Chapter 29

Tapos na ang mid-terms. Balik wattpad na.

Anyways kamusta ang rebelasyon? Hays sorry Natel kung aalisin na kita sa story. Joke lang.

Marami pa kayong dapat abangan sa mga susunod na kabanata ng

When Pogi Meets PoGay
StoryOfABadboy

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 460 59
Original Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderf...
92.8K 2.2K 115
Ranked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brother...
46.4K 3.4K 51
(Updates once or twice a week) Dahil sa isang napakatraumatikong insidente na nangyari sa buhay ni Adrian Evans sa pananatili niya sa bubong ng kany...
263K 2K 7
[EDITING] Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo siyang nahulog sa huli dahil maliban sa a...