The Falling Game (EndMira: Ic...

By alyloony

35.5M 725K 170K

Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang... More

Prologue
Chapter 1 *Timi*
Chapter 2 *Transfer Students*
Chapter 3 *Mr. Ice*
Chapter 4 *voice *
Chapter 5 *Rika Forteza*
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (06/14/14)
Chapter 15 (7/7/14)
Chapter 16 (08/18/14)
Chapter 18 (09/07/14)
Chapter 19 (09/16/14)
Chapter 20 (09/29/14)
Chapter 21 (10/03/14)
Chapter 22 (10/15/14)
Chapter 23
Chapter 24 [11/1/14]
Chapter 25 (11/3/14)
Chapter 26 (11/05/14)
Chapter 27 (11/6/14)
Chapter 28 (11/16/14)
Chapter 29 (11/21/14)
Chapter 30 (11/24/14)
Chapter 31
Chapter 32 (12/1/14)
Chapter 33 (12/5/14)
Chapter 34 (12/7/14)
Chapter 35 (12.7.14)
Chapter 36 (12/10/14)
Chapter 37 (12/19/14)
Chapter 38 [Last Chapter]

Chapter 17 (08/27/14)

787K 16K 3.9K
By alyloony

Chapter 17

 

 

[Timi’s POV]

 

“Pwede ba Rika! Tumigil ka na nga ng kakangawa diyan! Kanina ka pa iyak nang iyak eh, ano baaaa!” iritang sabi ko sa babaeng nasa harap ko at ng EndMira ngayon.

            “Ano ba Timi! Ang harsh mo sa kanya!” saway naman sa’kin ni Jasper. “Miss, panyo oh. Wag ka na umiyak. Sayang ang ganda mo,” pag papa-cute niya rito sabay bigay ng kanyang killer smile.

        Jusko. Lumandi na naman ang isang 'to.

            Kinuha naman ni Rika ang panyong inaabot ni Jasper at pinunasan ang luha sa mata niya.

            “S-salamat..”

            “No problem,” mas lalong lumawak ang ngiti ni Jasper. “I have a question. Alam mo ba kung bakit Jasper Yu ang pangalan ko?”

            “Oh shut up Jasper!” pag putol ko doon sa napaka korning banat ng abnormal na ‘to. Hindi na siya nag sawa diyan sa ‘I am only made jas por yu’ na ‘yan. Gasgas na gasgas na sa pandinig ko.

            “Kainis ‘tong si Timi! Panira!” naka-simangot niyang sabi sa’kin.

            “Eh kasi naman Jasper, ang korny na talaga,” natatawa-tawang sabi ni Geo.

        "Hindi lang kayo marunong maka-appreciate!" pag de-defend naman nang pa-cute kong kaibigan sa mais niyang banat.

            Lumingon ako kay Rika, “ano okay ka na?”

            Tumango siya, “o-oo. Salamat Timi ah? Salamat. Akala ko, forever na lang ako ko-kontrolin ni Erin. Pero paano ‘yung mga nalaman niya sa’yo? Paano ‘yung video mo? Paano kung masira ka sa school na ‘to?”

            “Hindi naman sex scandal ang video na ‘yun kaya bahala siyang ipakalat ‘yon, wala na akong paki. Tutal bitch din naman ang tingin ng iba sa’kin dito eh, ano pa bang mag babago?”

            “That’s our Timi!” sabi naman ni Ayen sabay tapik sa balikat ko. “Tama ‘yan. Wag kang matakot sa kanya. We are at your back!”

            “True! At wag kang mag-alala, tutulungan ka namin na makuha si Ice!” dagdag naman ni Geo. “Ano, i-se-set up na ba namin kayo ni Ice?”

            Ngumiti ako, “game ako diyan!! Gusto ko ‘yan! Tapos pag naging kami na ni Ice, my gosh, hindi ko ma-antay ang reaction ni Erin.”

            “Malamang priceless ‘yun!” tatawa-tawang sabi ni Geo.

            “Ire-ready ko na ang camera para ma-capture ko ang momentum na ‘yon at para naman mas matuwa ka nang mapa-ulit ulit mong mapanuod ang priceless niyang expression!” dagdag pa ni Jasper.

            “Pero grabe ‘no? Akala ko sobrang laki lang talaga ng galit niya kay Timi dahil kay David. Hindi ko akalain na from the start, hindi ka na pala talaga tinuring na kaibigan nun,” sabi naman ni Ayen.

            Napailing na lang ako, “ewan ko ba kung ano ang nagawa ko sa taong ‘yun.”

            “S-she’s insecure! I’m positive!” sabi ni Rika.

            Pare-pareho kaming sumangayon kay Rika. Eh wala rin naman talaga akong ibang maisip na dahilan kundi capital I-N-S-E-C-U-R-E.

            “Stop it!”

            Natigilan kaming lahat at pare-parehong napatingin kay William na kanina pa walang imik sa sulok.

            “Stop it, please. Wag niyo siyang husgahan!”

            Napatayo bigla si Jasper at hinarap si William, “seriously bro?! After what she did to Timi?! Don’t tell me may gusto ka pa rin sa babaeng ‘yon? Eh kahit akong playboy eh hindi ko maatim na landiin ang babaeng ‘yon!”

            “Shut up! You don’t know her! Hindi niyo siya nakilala katulad ng pagkakakilala ko sa kanya.”

            Biglang nag pantig ang tenga ko sa sinabi ni William at parang mas lalong uminit ang ulo ko.

            Hinarap ko siya, “bakit? Ano baa ng pagkakakilala mo sa kanya, Wil? Mabait? Pala-kaibigan? Masiyahin? Maalaga sa kaibigan? Ganun ba ha? Then I hate to tell you this, once a upon a time, I also thought that she is a Princess, but it turns out that she is the wicked witch. Para siyang isang ampalayang may vanilla frosting. Unang tingin, akala mo sweet. Hindi mo alam nasa loob ang bitterness.”

            William’s hand balled into fist at kita ko ang inis sa itsura niya. Iniwas niya ang tingin niya sa’kin at nag lakad na lang siya palabas ng music room.

            “Wil, wait!”

            Susundan ko pa sana siya kaya lang pinigilan ako bigla ni Ayen.

            “Hayaan mo muna siya Timi. And you to, Jasper. That guy is in love with her for a long time. Hindi naman mababago ‘yun ng isang iglap lang.”

            Napa-buntong hininga ako.

            William is a special friend of mine. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya kay Erin para magustuhan niya ito ng husto pero alam kong wala akong magagawa sa kung ano man ang idinidikta ng puso niya.

            Pero hindi ako papaya na masira ang friendship namin dahil sa babaeng ‘yon.

            Hindi ko papayagang may sirain na naman si Erin sa buhay ko.

After matapos ang klase, hindi muna ako pumunta sa practice ng banda (shy ako makita si Ice! Mamaya mahalikan ko siya) o sumabay kay Rika pag uwi kahit niyayaya niya ako. Instead, pumunta ako sa coffee shop sa malapit sa school namin para makapag isip-isip.

            Since nilalayuan ko muna ang alak, kape na lang ang titirahin ko.

            Kaya lang, o-order pa lang ako, para na akong na high bigla sa kape dahil sa lalaking papalapit sa’kin ngayon.

            “Hi gorgeous!”

            Crap. Nakalimutan kong nag t-trabaho dito ang lalaking ‘to.

            “Nandito ka ba para dalawin ako?” tanong ni Kite sa’kin nung maka-lapit na siya sabay akbay pa sa braso ko.

            Infairness ah? Ang bilis dumamoves nang isang ‘to.

            “Actually, I totally forgot that you’re working here,” sagot ko sa kanya with a straight face.

            Hindi na ako pwedeng makipag landian sa isang ‘to. Nangako na akong magiging loyal ako kay Ice kahit ang inaaligiran niya ay ang bruhildang si Erin.

            “Ohh, not in a mood? Mukhang mainit ang ulo mo. Tara magpa-hangin tayo! I know a perfect place!” naka-ngiting sabi ni Kite habang tinataas baba pa niya ang kanyang kilay.

            Bwisit na lalaking ‘to oh! Lakas magpa-cute eh! Ba’t ba ang gwapo rin nang isang ‘to?! Nagkakasala ako kay Ice ko eh!

            “Ayoko. Baka hanapin ako ni Mommy at Daddy.”

            “Hindi ‘yan! Maaga naman kita iuuwi eh. At 3pm pa lang oh? Aabot pa tayo sa sunset!”

            “Saan mo ba ako dadalhin? Tsaka ‘di ba may duty ka ngayon?”

            “Nope. Wala akong duty. Dumaan lang ako. Isa pa, hindi ako papayag na hindi ka sumama sa’kin kaya tara na!”

            Bago pa ako maka-hindi, hinila na ako ni Kite palabas ng coffee shop at papunta sa kotse niya.

            “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya nang makasakay kami sa loob.ng kotse niya.

            “Sa Tagaytay.”

            “Sa—what?!”

            He just gave me a killer smile then he started the engine.

~*~

 


            “Oh my gosh!! Ang ganda!!” manghang-mangha kong sabi habang tinitignan ko ang sunset sa Tagaytay mula sa veranda na sa likuran ng Leslie’s at Starbucks.

            Ang tagal ko na ring hindi nakakakita ng ganitong ka-gandang sunset. Hindi kasi mahilig mag travel ang parents ko kaya naman hindi rin ako madalas nakakapag-out of town.

            “Wow. Hindi ko alam na para kang nagiging isang bata pag nakakakita ng sunset,” natatawa-tawang sabi ni Kite.

            Nilingon ko siya at nginitian, “at ikaw naman, hindi ko alam na pag gusto mong magpa-hangin, sa Tagaytay ka dumidiretso. Sosyal ka ha. “

            “Well, malapit lang naman. And the view is great! Sulit ang two hours na byahe. Plus, I am with a very gorgeous girl. Ang swerte ko talaga ngayon, na-solo kita,” sabi niya sabay kindat pa.

            Natawa na lang ako. “Tell me, ilang babae na ba ang nadala mo rito ha?”

            “Ikaw pa lang.”

            “Weh? Seriously?”

            Medyo inilapit ni Kite ang mukha niya sa’kin at binigyan na naman ako nang pamatay na nginiti niya.

            “Seriously, gorgeous. Ikaw ang unang taong isinama ko rito. Kada may nakikilala kasi ako na babae, it’s either sa bar ko sila dinederetso o sa condo ko.”

            Biglang nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya at parang biglang nag init ang ulo ko.

            “Then you mean, dineretso mo na ba sa bar at sa condo mo si Rika ha?!” iritang tanong ko sa kanya.

            “Huh? No! Of course not!” mas lalong lumawak ang ngiti niya. “Nag seselos ka ba kay Rika?”

            “I’m not! Duh! She’s my friend at ayoko lang na idamay mo siya sa mga kalokohan mo.”

            “Wow. Akala ko ba ayaw mo sa kanya?”

            “Hindi na ngayon! Anyway, are you hitting on her? Plano mo rin ba siyang landiin ha?”

            Napailing si Kite pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. “No, gorgeous. Rika’s too nice. I just want to be her friend.”

            I give him a scrutinizing look, “oh really? You want to be her friend? At kelan mo pa gustong kaibiganin ang mga nice girls huh? May gusto ka sa kanya ‘no?!”

            “Gorgeous, stop it. Baka isipin ko talagang nag seselos ka,” nakangiti at iiling-iling niyang sabi.

            Naglakad si Kite papunta sa isang bench at naupo doon. Sinundan ko naman siya at wala pa ring planong tantanan siya. Naupo ako sa tabi niya.

            “Basta ramdam ko, type mo si Rika!”

            “Ikaw kaya ang type ko.”

            Nilingon ko siya at nakita kong naka-tingin siya sa malayo.

            “Eh paano ‘yun, may iba na akong type?”

            “Okay lang. Alam ko namang hindi ka type nun. At mas lamang pa rin ako!”

            “At paano mo masisigurong mas lamang ka sa kanya ha?”

            “Hmmm, siguro ganito.”

            Humarap si Kite sa’kin at nginitian ako nang malawak. Then nagulat ako nang  hawakan ang magkabilang pisngi ko bigla akong hinalikan.

            “There. Mas lamang na ako sa kanya. Nahalikan kita nang hindi ako lasing at ginusto ko talaga,” nakangising sabi niya sa’kin. “Anyway, since nandito na naman tayo, tara kumain nang bulalo. My treat!”

            Tumayo na siya at nag simulang mag lakad papunta sa Leslie’s habang ako, hindi maka-galaw sa kinalulugaran ko gawa nang sobrang gulat.

            Sanay na akong biglang halikan nang isang lalaki.

            Sanay akong makipag flirt.

            Pero ewan ko kung bakit ako gulat na gulat sa ginawa ni Kite.

            Dahil ba ang lambot ng labi niya? Dahil masyadong mabilis at nabitin ako?

            O dahil sa fact na alam niyang si Ice ang gusto ko at….at alam niya na nahalikan ako ni Ice nung na lasing siya?!

            Fuck.

            Paano niya nalaman ang bagay na ‘yon?!

***

#TheFallingGame

#TeamIceTi

#TeamKiTi

Continue Reading

You'll Also Like

19.3M 627K 78
What is the happiest and saddest part of my life? Happiest was the moment he opened his beautiful eyes on me. His eyes that captured my heart, those...
20.1M 838K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
533K 14.4K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
76.5K 92 1
Abigail Valerio doesn't have a lot of friends. She figured its because her classmates thinks she is childish and immature. Abi is used to being the c...