My Teacher's Daughter

By ImACrazyGirl24

178K 4.3K 457

MHMP Serie II: She is Vanessa, the beautiful daughter of Jennifer and Frederrick Demesa. And he is Drexel Jon... More

My Teacher's Daughter
MTD 1
MTD 2
MTD 3
MTD 4
MTD 5
MTD 6 Part 1
MTD 7
MTD 8
MTD 9
MTD 10
MTD 11
MTD 12
MTD 13
MTD 14
MTD 15
MTD 16
MTD 17
MTD 18
MTD 19
MTD 20
MTD 21
MTD 22
MTD 23
MTD 24
MTD 25
MTD 26
MTD 27

MTD 6 PART 2

7K 160 7
By ImACrazyGirl24

"Hoy! Anong ginagawa nyong apat?" Sigaw ni Jerrick sa apat na nakaupo lang. Tinignan sya ng apat na may nanlulumong mga mukha.

"Pare, nagugutom na kami. Hindi nyo man lang ba kami papakainin?" Tanong ni Karson na parang mamamatay na sya sa sobrang gutom. Napailing naman si Jerrick dahil sasandali pa lang na tumutulong ang apat gutom na agad ang mga ito.

"Pasok kayo sa loob. Andun si Tita Krissa, sabihin nyo nalang na gutom kayo. Papakainin na niya kayo." Sabi ni Jerrick at parang mga hindi gutom na nagtakbuhan ang apat papasok ng bahay.

"Saan pupunta ang mga yon?" Tanong ni Rick sa lalaking anak.

"Nagugutom daw ee." Sagot naman ni Jerrick at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng mini-stage duon.

"Kayo po ba si Tita Krissa?" Tanong ni Jonas sa babaeng nag-hihiwa ng bread.

"Yes, why?" Tanong ni Krissa at tinigik ang ginagawa tsaka tinignan ang apat na binata sa harapan nya.

"Nagugutom na po kasi kami. May makakain po ba dyan?" Walang preno at hiya na tanong ni Karson. Gustom na gutom na kasi sya. Wala ng hiya hiya.

"Oo naman. Ayan oh! Kagagawa ko lang ng mga sandwich tas nasa ref yung juice." Sabi ni Krissa sa apat.

"Salamat po." Sabi ni Skyler, busy na kasi ang tatlo sa pagkain. Akala mo isang taong hindi nakakain kung lantakan ang sandwich. "Hoy! Mahiya naman kayo, hindi lang para sa inyo yan." Baling nito sa tatlo na parang may balak na ubusin lahat ng sandwich.

"Nako sige lang! Pakabusog kayo, madami pa naman." Sabi ni Krissa sa tatlo kaya parang mga batang benelatan nila si Skyler.

"Hi Tita!" Bati ng kapapasok lang na si Victoria. Napatigil naman ang tatlo sa pagkain at napatitig kay Victoria. "Sino sila Tita?" Tanong nito ng mapansin ang apat.

"Kaibigan sila ni Jerrick." Sabi ni Krissa.

"Hi po!" Nakangiti nitong sabi. At nabulunan ang tatlo dahil sa ginawa nitong pagngiti, ganda ee! "OMY! Are you okay?" Natatarantang tanong ni Victoria sa tatlo. Habang si Skyler na katabi lang ng tatlo ay walang ginagawa, hindi man lang nya naisip na abutan ng tubigang tatlong kaibigan, imbes ay naiiling lang ito.

"Ah, oo ayos lang kami." Sabi ni Luigi na halata namang nagpapacute kay Victoria. Kaya nabatukan sya ni Skyler.

"Tumigil ka nga, kayong tatlo! Ang bata pa nyan. Sumbong ko kayo kayla Jerrick ee." Sabi ni Skyler sa tatlo.

"Ah, sige. Labas na ako ulit." Paalam ni Victoria ng makakuha na sya ng bottled water.

"Tapos na po kami! Salamat Tita!" Sabi ng tatlo ang nag-uunahan pang lumabas. Naiiling nalang si Skyler dahil nababaliw na naman ang tatlo nyang kaibigan. Feeling nya talaga sya lang ang normal sa kanilang barkada. Well 1 and a half, dahil half normal half abnormal si Drexel.

"Ikaw? Hindi ka ba tapos?" Tanong ni Krissa kay Skyler.

"Hindi pa po. Hayaan nyo na po yung tatlong yun, ganun po talaga yung mga yun." Sabi ni Skyler kaya natawa nalang si Krissa.

"Anong ginagawa nyo?" Napatalon sa gulat ang tatlo ng biglang may nagtanong sa kanila nyan. Tinignan nila ito at nakitang si Matthew lang pala.

"Hindi mo ba nakikita Pare? Inaayos namin 'tong table." Sabi ni Jonas na hindi nakatingin kay Matthew.

"Oo nga pare!" Sagot naman ni Karson na hindi din nakatingin kay Matthew. Nagtaka naman si Matthew kung saan nakatingin ang mga ito kaya sinundan sya. At nakita nyang nakatingin ito kay Victoria na ngayon ay kausap si Annika.

"Ang ganda ba?" Tanong ni Matthew sa tatlo.

"Oo! Sobrang ganda!" Sagot ni Luigi at napatango nalang ang dalwa.

"Mga gago! Kapatid ko yan!" Sigaw ni Matthew at isa-isang binatukan ang tatlo.

"Aray ko!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo habang nakahawak sa mga ulo nila.

"Salamat Pare!" Sabi ni Skyler at tinapik sa balikat si Matthew.

"Psh. Umayos kayo ha?" Sabi pa ni Matthew bago iwan ang mga ito.

"Bata pa kasi ee." Natatawang sabi ni Skyler sa tatlo.

*************

"Anak, may nakalimutan ba kayo today?" Tanong ni Jenni sa dalwang anak na babae.Nagkatinginan si Vanessa at Janessa tsaka tinignan ang Mommy nila.

''Wala naman Mom.'' Sagot ni Vanessa.

''Diba an---ahck!'' Natigill si Drexel sa sasabihin ng sikuhin sya ni Vanessa sa tiyan.

''Anong sabi mo Drex?'' Tanong ni Jenni pero umiling lang si Drexel dahil namimilipit pa din sya sa sakit.

''Tara Mom! Paayos natin ang hair natin.'' Aya ni Janessa at hinila na si Jenni papunta sa B.O.B. Hindi yan yung kumakanta ha? It means Beauty Of Bautifulness. (Not my idea -.- it's my sister's. Hahaha)

''Ang brutal mo talaga kahit kailan!'' Inis na sabi ni Drexel kay Vanessa, tinignan sya nito habang nakataas an kilay.

''Hindi ko naman gagawin yun if it wasn't for yoou BIG MOUTH!'' Sabi ni Vanessa.

''Bakit ba ang sungit mo na naman? Kanina lang na kausap kita ayos pa naman tayoo. Tas ngayon nagiging amazona ka na naman?'' Hindi sya pinansin ni Vanessa, imbes ay binilisan nit ang paglalakad.

''Kasi gusto ka ng kapatid ko. Psh.'' Bulong ni Vanessa ng masigurado nyang mmalayo na sya kay Drexel.

''I never understand girls.'' Nasabi nalang ni Drexel sa sarili at sinundan na ang mag-iina. Pagdating nya dun nakita nyang inaasikaso na ang tatlo ng mga tauhan duon.

''Good Morning Sir! Ano pong gusto nyong haircut?'' Tanong ng Bakla na lumapit kay Drexel.

''Ah hindi po! Kasama ko po sila.'' Sabi ni Drexel at tinuro sila Jenni.

''Why don't you get a haircut too Drex? Mahaba na din ang buhok mo.'' Sabi ni Jenni ka Drexel.

''Nako Tita! Wag na po, wala po akong dalang pambayad ee, next time nalang po siguro.'' Sabi ni Drexel at napahawak pa sa batok nya

.

''Ako na ang bahala dun! Sige na, kesa naman mag hintay ka ng matagal dyan.'' Sabi ni Jenni kay Drexel. Tatanggi pa sana ito pero hinila na sya ng bakla papunta sa isang upuan na katabi ni Vanessa. Tinignan sya ni Vanessa at inirapan sya, napailing nalang si Drexel.

''Anong gusto mong style Pogi?'' Tanong ng maggugupit kay Drexel. Kinuha naman nya ang magazine at pumili. Ng makapili ay pinakita na nya sa magguguit sa kanya at inumpisahan na syang gupitan.

''Naks! Gwapo natin Kuya ah!'' Puri ni Janessa kay Drexel ng makita ito. Ngumiti naman si Drexel kay Janessa at nag-thumbs up dito.

''Wala namang pinagbago. Psh.'' Singit ni Vanessa kaya napatingin dito si Drexel. Napatulala nalang si Drexel ng makita si Vanessa. Pinaikli nito ang hanggang bewang na buhok, na ngayon ay hanggang balikat nalang at pinalagyan ng side bangs tsaka pinakulayan ng brown.

''Ganda no?'' Napatingin si Drexel kay Jenni na ngayon ay nasa tabi na nya at may pang-asar na ngiti sa mukha.

''Po?'' Patay malisyang tanong ni Drexel. Natawa naman si Jenni dahil duon.

''Nahuli kitang nakatulala kay Vanessa. Type mo anak ko no?'' Pang-aasar pa ni Jenni dito.

''Hindi po tita!'' Mabilis nitong tanggi kaya napakunot ang noo ni Jenni. ''I mean.. yes she's beautiful. Kahit na lagi nya akong sinusungitan at lagi syang nakasimangot pag ako na ang kaharap nya. Kaht laging kunot ang noo nya, kahit na laging ang haba ng nguso nya kasi inis na inis na sya sakin, kahit na inis na inis sya sakin.. she's beautiful.'' Sabi ni Drexel at hindi na nya namamalayan na nakatitig na naman sya kay Vanessa. Habang si Jenni ay ang laki-laki ng ngiti dahil sa narinig nya mula kay Drexel.

''So type mo nga?'' Tanong ni Jenni kaya napatingin sa kanya si Drexel.

''Hindi nga po Tita. Narinig mo ba yung sinabi ko?'' Balik tanong naman ni Drexel.

''Yes! And you just described how beautiful my daughter is.'' Sabi ni Jenni habang inaalala nya ang mga sinabi ni Drexel. At parang nabuhusan ng malamig na tubig si Drexel ng marealized nya ang mga sinabi nya.

''Ah Tita! It's not--'' Pero pinutol agad sya ni Jenni.

''Sariling bibig mo na ang nagbuking sayo. Type mo ang anak ko. Tsk-tsk. Dinadaan pa sa pang-aasar ee.'' Sabi ni Jenni at nailing pa tsaka pinuntahan ang dalwa nyang anak. Napakamo naman sa batok si Drexel at sinundan na si Jenni.

"Mom kain po muna tayo ha?" Sabi ni Vanessa na nakatingin lang sa phone nya habang naglalakad sila.

''Oh sige.'' Sagot nalang ni Jenni. Malungkot sya dahil kanina nya pa hinihintay na batiin sya ng mga anak nya, asawa nya, mga kaibigan nya. Pero wala itong natanggap kahit isang bati mula sa mga ito, naisip nya baka nakalimutan na ng mga ito ang anniversary nila ni Rick, na kahit si Rick ay nakalimutan na din.

''Are you okay Mom?'' Tanong ni Janessa ng mapansing malungkot ang Mommy nya.

''Of coure! Tara kain na tayo.'' Sabi ni Jenni at ngumiti na ulit.

Si Vanessa naman ay katext ang kuya nya na kanina pa sya kinukulit din. Tanong ng tanong kung ano ang ginagawa nila, nasaan sila, at madami pang tanong.

''Hanggang sa phone ba naman nakakunot ang noo mo? Papanget ka nyang lalo.'' Sabi bigla ni Drexel kay Vanessa. Tinignan sya ni Vanessa at inirapan. ''Sungit mo talaga! Ano bang ginawa ko sayo ha?''

''Wala! Stop annoying me!'' At tumakbo na si Vanessa pero malas sya dahil hindi nya nakita ang caution na 'wet floor'. Kaya naman nadulas sya.

''Awe..'' Bulong nya at humawak sa balakang nya.

''Vanessa! Are you okay?'' Tanong ng humahagos na si Drexel.

''Nadulas na ako, are you seriously asking me that?'' Inis na tanong ni Vanessa.

''Ate! What happened to you?'' Tanong ni Janessa ng makalapit sila ni Jenni.

''Van naman! Mag-ingat ka kasi!'' Sabi ni Jenni habang tnitignan ang anak.

''Uh? Why don't you guys just help me stand up?'' Tanong ni Vanessa sa tatlo.

''Ako na po Tita!'' Sabi ni Drexel at inalalayan nya si Vanessa na makatayo. Pero agad na napaupo si Vanessa ng kumirot ang balakang nya, at dahil nakakapit sya kay Drexel ee nasama ito sa pagbagsak nya.

''Masakit..'' Naluluhang sabi ni Vanessa at napapikit ito sa sakit.

''Tita, I think we should bring her to the hospital.'' Sabi ni Drexel kay Jenni pero umiling si Vanessa.

''Masisira ang plano ni Dad.'' Bulong ni Vanessa kay Drexel. Nang-aalinlangan naman na tinignan ni Drexel si Vanessa and he finally give up.

''Ako nalang po pala ang magdadala sa kanya Tita.'' Sabi ni Drexel.

''No! I'll come with you guys!'' Kontra ni Jenni.

''Mom! Kaya na naman sigurong alagaan ni Kuya Drex si Ate. And besides gutom na talaga ako Mom!'' Pagdadahilan ni Janessa, dahil alam nya ding pwedeng masira ang plano ng Daddy nila.

''I'm fine Mom! Sige na.'' Paninigurado ni Vanessa sa Mommy nya.

''Call me when you guys get here okay?'' Bilin ni Jenni at hinalikan ang anak sa noo tsaka sila umalis ni Janessa.

''Can you stand up or I'll carry you?'' Tanong ni Drexel kaya nabatukan sya ni Vanessa. ''Ano ba? Para saan yun?!''

''Shunga ka ba? Hindi nga ako nakatayo kanina diba?'' Inis na sabi ni Vanessa.

''Kanina yun! Malay ko ba ngayon.'' Pamimilosopo ni Drexel kaya hinampas sya ng hinampas ni Vanessa. ''Oo na. Oo na!'' Sabi ni Drexel tsaka nya binuhat si Vanessa. Dapat lang no! Para na silang tanga dun na nakaupo sa sahig, sa mall pa ha!

''Psh. Stupid!'' Bulong ni Vanessa na narinig naman ni Drexel pero dinedma nalang nya ito at binilisan ang paglalakad papunta sa parking lot.

*******************

''Jerrick! Anong ginagawa mo dyan? Tapos mo na ba yung pinapagawa ko sayo?'' Tanong ni Rick ng makita nyaito.

''Opo Dad! Tapos ko na.'' Sagot ni Jerrick, ng mapansin ni Rick na nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa phone.

''May problema ba anak? Nagaway kayo ni Charmaine?'' Tanong ni Rick.

''Hindi Dad! Si Vanessa kasi ee, ayaw ma reply sa texts ko.'' Sumbong ni Jerrick.

''Ee baka naman kumakain yung mga yun, hayaan mo na muna.'' Sabi ni Rick at tinapik sa likod ang anak.

''Hindi Dad eh! Parang may mali. Tatawagan ko na nga!'' Sabi ni Jerrick at dinial na ang number ni Vanessa.

''Hello?'' Sgaot ni Vanessa sa kabilang linya.

''Bakit hindi mo snasago ang mga text ko?'' Bungad ni Jerrick dito.

''Ee kumain kami ee. Sorry naman.'' Sabi ni Vanessa.

''Asan na kayo? Ano ng ginagawa nyo?'' Sunod-sunod na tanong ni Jerick.

''Nasa CR ako. Sila Janessa pumunta silang Bershka.'' Sabi ni Vanessa at nakahinga naman ng maluwag si Jerrick sa narinig.

''Okay sige sige! Ingat nalang kayo.'' Sabi ni Jerrick at nagpaalam na din.

''Oh diba? Kaya tara na sa loob.'' Sabi ni Rick.

**

''Ayos lang naman sya.Mawawala din ang sakit basta inomin nya lang itong pain reliever na 'to for a week. Then lagyan nya ng cold compress ang parteng masakit for 15 minutes every 4 hours.'' Sabi ni Doctor. Nagpasalamat si Drexel dito at umalis na din agad ito. Lumapit naman agad sya kay Vanessa na ngayon ay nakadapa at hinihilot ang balakang nya.

''Anong sabi ng Doctor?'' Tanong ni Vanessa at tinignan si Drexel pero agad ding iniwan, nakadapa sya. Mahirap ang posisyon nya pag tinignan nya pa ng mas matagal si Drexel.

''Sabi nya, hindi ka na daw nakakalakad pa. Forever ganyan ka na daw.'' Seryosong sabi ni Drexel.

''WHAT?!'' Sigaw ni Vanessa at naangat nya bigla ang katawan nya kaya ang ending.. ''AAAAHHH!'' Sigaw nya dahil biglang tumunog ang balakang nya na naging dahil ng lalong pagsakit nito.

''Ano ka ba!? Bakit ka biglang gumalaw?'' Medyo pasigaw na sabi ni Drexel kaya napatigil sa pag-inda sa sakit si Vanessa. Dahil nagulat sya sa biglang pag-taas ng boses nito.

''Ano? Masakit pa ba?'' Tanong ni Drexel na ngayon ang hinihlot ang balakang nya.

''Hindi na.'' Sabi ni Vanessa. ''Pero.. seryoso? Hi-hindi na ako makakalakad?'' Tanong ni Vanessa, tinignan sya ni Drexel at nakita nyang naluluha ito.

''Ha? A-ah... niloloko lang kita. Wag kang umiyak.'' Natatarantang sabi ni Drexel. Napatingin naman sa kanya si Vanessa at matagal syang tinitigan. Parang hindi pa na-aabsorb ng utak nito ang sinabi ni Drexel.

''ANO?! WALANG HIYA KA TALAGA! MAPAPATAY KITANG BAKLA KAAAA!!'' Ang malakas nitong sigaw na rinig mula sa labas, sa kabilang room, or hanggang kabigalng ibayo din ata? Hindi ko na sure ee. Masyadong malakas.

''Huy, kalma ka lang.'' Sabi ni Drexel.

''Humanda ka talaga sakin! Pag ako gumaling, kakatayin kita.'' Sabi ni Vanessa habang ang sama ng tingin kay Drexel. Napalunok naman si Drexel dahil sa takot na baka nga totohanin ni Vanessa ang sinabi nito.

Lumipas ang oras ay nagstay pa dun si Vanessa, hindi sya pwedeng umuwi ng bahay nila na hindi nakakalakad. Kaya sinigurado nila na pwede na syang makalakad paglumabas na sya ng hospital. Hindi naman sya iniwan ni Drexel, ito pa nga ang humihilot sa balakang nya hanggang sa nakatulog na sya. Kaya nawala din ng kaunti ang sakit, salamat na din sa tulong ng pain reliever na binigay ng Doctor sa kanya.

''Tara na! Sunduin na natin sila Mommy, baka malate tao ee.'' Sabi ni Vanessa habang dahan-dahang bumababa sa hospital bed. Nilapitan sya ni Drexel at inalalayan.

''Kaya mo na ba talaga? Baka lalong mamaga yan.'' Sabi ni Drexel, tinignan sya ni Vanessa at nakita nito ang pag-aalala sa kanya.

''Oo kaya ko na. Tara na.'' Sabi ni Vanessa at iniwas ang tingin. Nag bayad na sila, buti nalang at dala ni Vanessa ang credit card nya kaya yun na ang pinambayad nya.

Agad silang pumunta sa Mall para sunduin si Janessa at Jenni. Sakto namang kalalabas lang ng dalwa ng makadating sila dun, agad na bumaba si Drexel para pagbuksan ng pinto ang dalwa at pumasok na ang mag-ina sa loob.

''Ayos ka na ba Ate?'' Tanong agad ni Janessa sa Ate nya ng maka-upo na sya ng ayos sa passenger seat.

''Oo, wag nyo ng sabihin kay Daddy at Kuya yung nangyari. Baka mag-wala yung dalwa ee.'' Sabi ni Vanessa sa kapatid at mommy nya.

''Pano kung malaman din nila? Edi lagot tayong tatlo?'' Sabi ni Jenni.

''Hindi yan Mom, nakakalakad na naman ako ee.'' Dahilan ni Vanessa at ayun! Nag-drive na si Drexel papunta sa bahay nila Vanessa.

-----

''Ready na lahat?'' Tanong ni Rick. Tumango naman ang lahat, tumingin sya sa wrist watch nya at nakitang mag-alas 7 na. ''Nasaan na daw sila?'' Tanong ni Rick kay Jerrick.

''Malapit na daw sila Dad.'' Ecxited na sabi ni Jerrick. Kinabahan naman si Rick sa narini, akala mo magpro-propose pa lang sya kay Jenni kung kabahan. Ee 21th anniversary na nga nila, but I guess ganun talaga pag mahal na mahal mo ang isang tao. Kahit sobrang tagal nyo ng nagmamahalan ee kinakabahan ka pa din ng sobra dahil sa taong yun.

''RICK ANDYAN NA SILAAA!'' Sigaw ni Blake. Sino pa ba ang laging nasigaw sa kanilang lahat diba? Agad naman silang mga nagsi-pwesto at hinintay nalang na makapasok sila Jenni.


''SURPRISEE!!!!!'' Sabay-sabay nilang sigaw ng makapasok na si Jenni at nasa likod nito ang tatlo. Sakto namang sigaw ng lahatay ang pagsabog din ng fireworks, confetti, ang pag play ng music at ng Slide Show sa malaking screen sa mini stage. Nandun silang lahat, si Rick ang nasa pinaka-unahan habang si Skyler ay nakaluhod hawa ang banner na may nakasulat na 'HAPPY'. Si Jonas, Karson at Luigi naman ay nakaluhod din habang hawak ang banner na may nakasulat na 'ANNIVERSARY'. Talagang pinag-handaan ee.

''Happy Anniversary Hon.'' Nakangiting sabi ni Rick, lumapit sya kay Jenni at hinalikan ito sa pinsge tsaka inabot ang boquet of red roses.

''Oh my God!'' Ang tanging nasabi ni Jenni habang nakatingin sa mga taong nandun. ''Sino sila?'' Tanong nya bigla at tinuro ang apat na nag-hahawak ng banner.

''Hon naman ee! Yun talaga ang napansin mo?'' Maktol ni Rick na ikinatawa nila.

''Panira ka ng moment Gurl!'' Sigaw ni Eriyan.

''Napansin ko naman lahat ee. Pero yung mag-hire ka pa nang taga-hawak ng banner? Iba na yun.'' Sabi ni Jenni, napakamot naman sa ulo si Rick.

''Estudyante ko yang mga yan, na kaibigan nila Jerrick.'' Sagot ni Rick. Ngumiti naman ng malaki si Jenni at hahalikan na sana nya si Rick sa labi pero umiwas ito.. ''HOY DREXEL! BAKIT NAKAPULUPOT YANG KAMAY MO SA ANAK KO?!'' Sigaw ni Rick ng makita nya nakapulupot ang kamay ni Drexel sa bewang ni Vanessa.

''DAD! SERIOUSLY? ANG GAND NA NG MOMENT SINISiRA MO EE!'' Sabi ni Janessa sa Daddy nya.

''Hoy lumayo ka nga kay Vanessa!'' Sabi pa ni Rick. Nagkatinginan naman si Vanessa at Drexel. Hindi pwede, kailangan ng suporta ni Vanessa.

''Bayaan mo na muna yang mga yan.'' Sabi ni Jenni at hinila si Rick tsaka ito hinalikan ng buong puso.

''WOOHOO! PARTY NA!!!!'' Sigaw ni Vince.

''Gusto kong umupo.'' Sabi ni Vanessa kay Drexel kaya tumango ito at inalalayan hanggang sa makapunta sila sa isang table kung saan nakaupo sila Victoria.

''Wow Ate! Ganda natin ah, boyfriend mo?'' Mapang-asar na tanong ni Victoria.

''Hindi, tumigil ka.'' Sabi ni Vanessa habang masama ang tingin nya kay Victoria, natawa nalang naman si Victoria.

''Ayos ka na ba?'' Tanong ni Drexel ng makaupo na si Vanessa.

''Oo, salamat.'' Sagot ni Vanessa at ngumit sya dito. Isang ngiti lang din naman ang sinagot ni Drexel at umupo sa tabi ni Vanessa.

''PARE! SAAN KA GALING?!?'' Sigaw ni Karson ng makita nya si Drexel.

''Bakit ka sumisigaw? Nasa ibang planeta ba ako?'' Inis na tanong ni Drexel.

''Wala, pero saan ka nga galing? Bakit kasama mo si Vanessa? Nag-date ba ulit kayo? Ayiiee! Kayo na ba? Kelan pa? Bakit--'' Natigil sa katatanong si Karson ng pasakan sya ni Luigi ng tissue sa bunganga.

''Ang ingay Pare. Tama na, daig mo pa ang manok sa umaga ee.'' Sabi ni Luigi. Sinamaan sya ng tingin ni Karosn tsaka binato sa kanya ang tissue na pinasak nito sa bibig nya. Yuck!

''Kadiri kayo! May laway pa oh!'' Sabi ni Jonas na lumayo sa dalwa.

''Anong ginagawa nyo dito?'' Tanong ni Vanessa sa apat.

''Tumulong kami, tinext kami nila Jerrick ee.'' Si Skyler na ang sumagot dahil busy ang tatlo sa pag-haharutan.

''Ahh..'' Sabi nalang ni Vanessa.

''So bakit nga kayo magkasama?'' Tanong ni ulit ni Karson na parang hindi titigil hanggat hindi nya nalalaman kung bakit magkasama ang dalwa.

''Ee bored daw sya, tas tinawagan nya ako at sai nya sama daw sya samin nila Mommy.'' Sabi ni Vanessa.

''Bored ka? Ee bakit hindi kami tinawagan mo?'' Tanong ni Jonas.

''Ee malay ko bang hindi naman pala kayo busy.'' Dahilan ni Drexel at tumingin sa ibang direksyon.

''Ang sabihin mo.. gusto mo lang talagang makasama si Vanessa.'' Sabi ni Luigi na parang patay malisya lang sa sinabi nya.

''Psh.Mga pinag-sasasabi nyo?'' Tanong ni Drexel. Tinignan nya ang apat at nakitang ang lalaki ng ngiti ng mga ito, yung ngiting parang mga baliw. At alam na nya ang iniisip ng mga ito. ''Tigilan nyo ako.'' Sabi ni Drexel kaya natawa na ang apat. Habang si Vanessa ee naguguluhan sa pinag-uusapan ng lima.

------------------------------

Not sure if may Part 3 pa 'to. Hahaha abangan nyo nalang XD

May napapansin na ba kayo? Hmm..

Continue Reading

You'll Also Like

28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
114K 7.1K 5
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...