Not Like In The Movies (COMPL...

By LushEricson

90.2K 1.7K 48

May dalawang pangarap ang stand-up comedian na si Beauty: ang maging isang sikat na personalidad at ang mapan... More

Walang Himalaaa!
Kung Ikaw Ay Isang Panaginip (Wenn Deramas)
Katarungan para kay Ka Dencio!
Sabeeel... This Must Be Loooveee
Romcom Moments
Bona (Lino Brocka)
Romcom Moments
You're nothing, but a second rate...
Akala mo lang wala! Pero meron, meron, meron!
One More Chance (Cathy Garcia Molina)
Sabeeel... This Must Be Love... 2
Kaya kong Abutin ang Langit (Maryo J. Delos Reyes)
Bona 2 (Lino Brocka)
You're My Boss (Antoinette Jadaone)
Hindi ko kailangan ng tissue, I don't need tissue, don't judge me!
Every Romcom Ending Ever

Kung saan at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan

4.4K 91 0
By LushEricson

"YOU'RE special, Beauty. You really are."

Iyon ang paulit-ulit na sinabi kay Beauty ni Gavin habang nakasakay na sila sa van nito. Pagkatapos na pagkatapos ng press conference ay hinanap siya ni Gavin at nag-apologize agad sa kanya. He said that he felt like shit because he didn't admit his relationship with her. Sinabi niya na wala namang kaso iyon sa kanya.

Pero nahalata yata nito na bumaba ang tingin niya sa sarili niya dahil sa nangyari dahil panay ang paalala nito sa kanya na espesyal siya.

"Bakit ba hindi ko puwedeng aminin na girlfriend ko si Beauty?" inis na sabi ni Gavin kay Lolita, na kasama nila sa conference kanina. Nakaupo ito sa unahan, katabi si Mang Rupeng. Nasa likod naman silang dalawa. "I mean, mahilig naman ang mga fans sa gano'ng kuwento 'di ba? Sa artista na na-inlove sa non-showbiz na babae."

Lolita sighed. "That's partly true. That's partly bullshit, too. May mga fans siguro na magugustuhan iyon pero siguradong meron ding hindi. Gusto mo bang may magalit diyan sa girlfriend mo? There's a chance that she would be bullied on the cyber space, too. Would you like that?"

Ganoon na lang ang pag-iling ni Gavin.

"Saka hindi naman 'yon ang main concern natin." Hindi pa pala tapos si Lolita. "Nakita mo naman, sinisimulan nang ipakilala sa mga tao ang love team niyo ni Ivana. Ginagawan na kayo ng intriga ng press para maraming mag-abang ng pelikula niyo. Kapag umamin kayong dalawa ni Beauty, masasayang ang effort na 'yon."

Bumagsak ang mga balikat ni Gavin. Ilang sandali itong hindi nakapagsalita. Hindi na rin siya kumikibo.

And then she felt him move closer. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito, pinasandal sa dibdib nito. The warmth of his body was enough to ease her pain—but not to make her stop thinking bad about herself. It didn't stop her on feeling inadequate for Gavin. Yup, that was the word. She was inadequate.

"I'm so sorry," bulong nito sa kanya. "Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari. At maniwala ka, nasasaktan din ako. When I saw the hurt expression in your eyes in the conference... I feel like I'm going to be crazy." He gave her a light kiss on the ear. "Sorry na kailangan mong pagdaanan lahat ng 'to, para lang sa 'kin..."

Hinarap niya ito, hinaplos ang pisngi nito at pilit na ngumiti. Pagkatapos ay umiling siya. "Oo. Nasaktan ako kanina. Pero okay na okay na ko ngayon, kasi nandito ka na," wika niya.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. May bumakas na kasiyahan sa mukha nito, dahilan para kuminang ang mga mata nito. Mukhang nagustuhan talaga nito ang sinabi niya. "Damn it. I'm so in-love with you."

"Me too," she said.

Niyakap siyang muli nito, at hinayaan na lang niya ito. She could feel that Gavin is in-love with her. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan nito iisipin na espesyal ang common na babaeng tulad niya? At paano kung mauntog na lang ito isang araw, at bigla na lang siyang iwan? Bigla na lang nitong ma-realize na may mas karapat-dapat pa dito bukod sa kanya?

That thought made her shudder.

LALONG tumindi ang nararamdaman ni Beauty na pagiging "inadequate girlfriend" kay Gavin habang lumilipas ang mga araw.

Bihira siyang pasamahin ni Gavin sa mga mall tours nito para i-promote ang pelikula nito. Alam siguro nito na mahihirapan lang silang pareho lalo na kapag may song number ito na kasama nito si Ivana. Kailangan kasi nitong umarte na tila nabibighani ito kay Ivana sa mga song numbers na 'yon.

Lalo ring nakadagdag sa insecurity niya ang kabi-kabilang articles sa mga tabloids at na nagsasabing may chemistry sa pagitan nina Gavin at Ivana. That they were a match made in heaven. May nag-predict pa na hindi raw malabong main-love ang magka-love team sa isa't-isa dahil pareho namang single ang mga ito. Iniiwasan na tuloy ni Beauty na magbasa ng diyaryo. Hindi na rin siya nanonood ng mga showbiz talk shows.

Sumama siya sa red carpet premiere ng pelikula ni Gavin. Hindi magkamayaw ang mga fans sa pagsigaw ng pangalan ni Gavin. Mukhang kinikilig pa ang mga iyon dahil magkasabay na naglalakad sa red carpet sina Gavin at Ivana. Samantalang siya, nakatungong naglalakad kasama ang mga crew ng pelikula, katabi si Lolita.

I'm not the one sharing his spotlight... sabi niya sa isip niya, habang nasisilaw sa sunod-sunod na flash ng camera. Damn it, I'm not even in the spotlight!

Natapos ang pelikula na hindi niya naintindihan ang istorya. Hindi kasi niya kayang panoorin si Gavin na may nilalambing na iba—kahit pa sabihing pelikula lang 'yon. Hindi rin nakasama si Gavin sa kanya pag-uwi dahil pupuntahan pa pala itong interview sa isang late night talk show at hindi na siya nito pinapasama.

Habang nakasakay sa taxi ay naka-receive pa siya ng text galing sa lalaki.

Sorry, hindi ako nakasabay pauwi. Hayaan mo, babawi na lang ako next time. I love you, penoy. J

Minabuti na niya na 'wag nang mag-reply. Hindi kasi niya alam ang sasabihin niya. Sinabihan niya ang taxi driver na dumiretso na lang sa Laptrip comedy bar. She needed the company of her friends.

Mukhang hindi pa rin nakakabangon ang Laptrip dahil tila tinitipid pa rin ang mga dekorasyon at maagang natapos ang palabas. Tuwang-tuwa naman siyang sinalubong nina Valyena at Queen Laki-faah. Nakita siguro ng mga ito na wasted siya at mukha siyang tanga kaya hinila siya ng mga ito sa dressing room.

"Sige na, i-splook mo na ang problema mong 'yan, sister," sabi ni Valyena.

And she did. Sinabi niya lahat ng mga insecurities niya, at ang mga tumatakbo sa isip niya tulad nang hindi siya sapat at nararapat para sa isang Gavin Acosta at baka sa huli ay maghanap din ito ng iba. Nagtitiwala naman siya sa mga ito na hindi ng mga ito ipagkakalat ang relasyon nila ni Gavin kaya wala siyang itinira kahit isang detalye. Nang matapos siyang magkuwento ay matinis na tumili ang dalawa at kulang na lang ay sabunutan siya.

"Ano bang nangyayari sa 'yo, ate?" theatrical na react ni Valyena, sapu-sapo pa ang noo. "Nasa'n na 'yong Beauty Molina na kilala namin? 'Yong malakas ang loob? 'Yong may kakapalan ang fez? 'Yong maraming pangarap?"

"Ibalik mo siya! Ibalik mo siya!" pagda-drama din ni Queen Laki-faah, na para siyang sinasapian. Pagkatapos ay biglang sumeryoso. "Bakit naman nawala ang self-esteem mo, ate? 'Di ba, your partner is supposed to bring the best in you? Pero bakit nagiging ganitey ka? Nagiging nega ka. Nagiging insekyora ka."

"Kung kayo naman ang nasa lugar ko, baka wala rin kayong magawa," depensa niya. "Ano namang special sa 'kin 'di ba?"

Hindi na nakapagsalita ang dalawa. Tila hindi rin alam ng mga ito kung ano ang sasabihin sa kanya. Parang lalo tuloy siyang made-depress. Mabuti na lang at niyakap siya ng mga ito, kung hindi ay baka bumunghalit na siya ng iyak.

"Gusto ko sanang sabihin na special sa 'yo ang sense of humor mo, pero hindi ko naman alam kung may additional ganda points sa mga lalaki ang babaeng may sense-of-humor," bulong pa ni Valyena sa kanya. "Alam mo naman, baklita ako. Pero isa lang ang ina-assure ko sa 'yo. Kapag bigla kong naramdaman na gusto ko na lang maging straight, liligawan kita."

"Ako rin liligawan din kita," segunda ni Queen Laki-faah. "Mas madali kaya ang buhay ng mga straight na lalaki kaysa sa 'min."

Natawa siya sa pinagsasabi ng mga ito. "Yuck, mga bakla. Hindi ko ma-imagine. Saka, hindi ko kayo sasagutin, if ever. Hindi ako tomboy."

Nagkatawanan na rin ang mga ito. Patuloy ang nga ito sa pag-comfort sa kanya hanggang sa kahit paano ay sumaya na rin siya. Maya-maya pa ay ang mga ito naman ang nagkuwento sa kanya tungkol sa problema ng mga ito. Listening to other people's problems was therapeutic for her. Kahit paano ay nakalimutan niya ang sariling problema niya.

By that time, she was not aware that in the next few days, she would receive the most painful blow on her heart.

NAGKAROON ng engrandeng party ang buong staff ng pelikula ni Gavin at imbitado si Beauty. Kahit paano ay masaya naman si Beauty sa pagtatagumpay nang pelikula ni Gavin. Kaya nga lang, dahil din sa tagumpay na 'yon, kaya lalong ipinagpares sina Gavin at Ivana. May fans club na ang mga ito. Lalo nang hindi nila maaring aminin ang relasyon nila.

"Nasaan ba ang boyfriend mo?" bulong ni Valyena sa kanya, habang naggagala ang mga mata nila sa conference hall ng isang hotel na naging venue ng party. Isinama niya ito at si Queen Laki-faah para naman may makausap siya sa party na iyon.

"'Ayun o," sabi niya, itinuro si Gavin na nakikipag-usap sa mga may edad na babaeng bisita na halatang mga mayayaman. Nakasuot ng mga nagkikislapang alahas, at halatang binanat ang mga mukha dahil tila nahihirapan nang kumurap. "Hindi naman kami magkasabay na pumunta rito. Nauna siya. Alam ko namang magiging busy siya rito kaya 'wag na natin siyang isorbohin."

Sakto namang napatingin sa kanila si Gavin. Agad may sumilay na ngiti sa mga labi nito at bahagyang kumaway ito sa kanila. Napakaway naman silang tatlo rito. Akmang lalapitan sila nito pero hinawakan ito sa braso ng isang babae na kausap nito. Mukhang may crush pa ang sosyal na matrona kay Gavin dahil gusto nitong masolo ang atensyon ng lalaki.

"Tumigil na kayo sa kakakaway, mga bruha," wika niya, dahil napansin niyang kumakaway pa rin ang mga kasama niya. "Sinosolo na siya no'ng matandang 'yon."

Natawa si Queen Laki-faah. "Advice lang friend, ingatan mo talaga ang jowawis mo. Baka regaluhan 'yan ng Porsche ng matrona."

"Totoo 'yan," salo ni Valyena.

She instantly felt bad. Siya, siguradong hindi makakapagbigay ng mga mamahaling regalo kay Gavin kung hindi siya mananalo sa lotto. Isa na naman iyon sa kakulangan niya bilang girlfriend nito.

Inilibot niya ang mga mata sa venue ng party. She was feeling worse. Nagkalat ang mga magagandang babae na nakasuot ng mga mamahaling gown. Iyong tipong mga friend ni Solenn Heussaff at Raymond Gutierrez sa Facebook. Mga 'it' girls. Samantalang siya, kung hindi pa siya binigyan ni Gavin ng gown na isusuot niya, malamang hindi siya magkakalakas ng loob na dumalo. Ang mga friend niya sa Facebook, sina Valyena at Queen Laki-faah, na kanina pa natitingnan ng masama dahil nakasuot ng mga gown na weirdo na nga ang hitsura, halata pang mumurahin.

Nauulinigan din niya ang pinag-uusapan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Si Picasso. Italian cuisine. Mga mamahaling tatak ng red wine. Things she didn't give a shit about. In short, she was simply... out of place.

"Hello there, assistant," may narinig siyang bumati sa kanya.

Sabay-sabay silang lumingon nina Valyena sa nagsalita. Palapit sa kanila si Ivana, kasama ang mga kaibigan nito. They were all holding glasses of red wine with mocking smiles on their faces. It was like a cheesy American movie about high school. Nalanghap niya ang mamahaling pabango ng mga ito at para siyang masusuka.

"Baka puwede mo naman akong ikuha ng biscuits sa buffet table," wika ni Ivana sa nang-iinsultong tono. "Masakit na kasi ang paa ko eh. I'm sure Gavin wouldn't mind naman."

"Aba't impakta pala 'to..." sabi ni Valyena pero tinapik na niya ito para mapahinto ito.

"OMG!" maarteng sigaw ni Ivana, sapo ang dibdib. "You heard that girls? The assistant's freaky faggot friend called me impakta. That's so funny."

Sabay-sabay na mahinhing nagtawanan ang mga ito, takip-takip ang mga bibig. Tumawa naman ng nakakaloko si Queen Laki-faah, iyong katunog ng tawa ni Chucky doll, para inisin ang mga ito.

"C'mon assistant," sabi ni Ivana sa kanya. "Pakikuha na kami ng biscuits."

Hindi siya papaya na ma-bully siya nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Eh kung ayoko?"

"But why? Isn't that your job?" umarte ito na tila gulat na gulat. "Grabe ka naman ha. Hindi ka na nakuntento na nagdala ka ng mga circus performers dito, hindi mo pa ko sinusunod."

Bigla ang pagsulak ng galit sa dibdib niya. Sumosobra na ito. Hindi na niya matatanggap ang pang-iinsultong ginagawa ng mga ito sa kaibigan niya. Walang karapatan itong gawin iyon. Pero nagpakatimpi-timpi siya. Hindi niya gugustuhing makagawa ng pangit na eksena sa party ng pelikula ni Gavin. Mukhang ganoon din naman ang iniisip ng mga kaibigan niya dahil tahimik pa rin ang mga ito.

"Hindi mo ko assistant," malamig ang tono na sabi niya.

"That's true. You're Gavin's assistant. Kaya ka nga siguro nakadalo dito, dahil sa kanya. I bet you really can't afford to buy that gown. So siguro ibinili ka pa niya. Ikaw siguro ang pumili niyan 'no? Ang mahal mahal kasi niyan eh. Ang suwerte mo naman sa amo mo. Ang bait bait niya sa 'yo," pagpapatuloy ni Ivana, ine-emphasize ang salitang 'amo.' Matalim na rin ang titig nito sa kanya.

Bumaling si Ivana sa mga kaibigan nito. "You know what, girls, 'yong babaeng 'to, may ambisyosa syndrome. Nahahalata ko naman na may crush 'to kay Gavin eh. As if papatulan siya ng amo niya 'no. Just look at her."

"And her type of friends," salo ng isang kaibigan ni Ivana na mukhang na-overdose sa glutathione.

Muling nagtawanan ang mga ito.

"You know what, assistant, let me serve you a piping hot dish of 'this is what it is.'" Humalukipkip si Ivana sa harap niya. "Sundin mo na ang mga utos ko. Alam mo kung bakit? Kasi, ako ang magiging future girlfriend ng amo mo. Duh? Obvious naman na type niya 'ko. Lagi ko kaya siyang nahuling nakatingin sa 'kin. Sabagay. Sino ba namang lalaki ang aayaw sa 'kin?"

Tila hindi na nakapagtimpi si Valyena. "Hoy, para sabihin ko sa 'yo, girlfriend na ni Gavin si Beauty."

Hindi na niya nasaway si Valyena sa sinabi nito. Pero pinagtawanan lang naman nina Ivana ang sinabi ni Valyena. As if iyon na ang pinaka-absurd na bagay na narinig ng mga ito.

It's happening. Ganito naman talaga ang mangyayari sa 'kin kapag sinabi 'kong boyfriend ko si Gavin, 'di ba? I would be ridiculed.

Nang makabawi si Ivana sa pagtawa, dumukwang ito at inilapit ang mukha nito sa kanya. Tinitigan siya nito na parang isa siyang peste. "Siguro nga napagkaka-interesan ka niya ngayon, assistant. Siguro nga gusto ka niya ngayon. Pero alam kong darating din ang panahon na maiintindihan niyang mas bagay ako sa kanya. Because you know what? I'm every man's dream. I'm perfect. And you?" Dumako ang bibig nito sa tainga niya para bulungan siya. "You're one worthless piece of ambitious shit."

Doon na tuluyang nasagad ang pagtitimpi niya. Parang nagdilim ang paningin niya sag alit. Bigla niyang binigwasan ang mukha ni Ivana. Bumagsak ito sa sahig. But she was really angry. Kinubabawan niya ito at hinila ang buhok nitong pinaayos pa sa mamahaling salon. Tumili nang tumili si Ivana pero hindi ito makaganti sa kanya. Tinuruan siya ng mga magulang niya kung paano lumaban.

Ang mga natulalang kaibigan ni Ivana ay nag-react na, tinulungan ng mga ito ang babae. Pero hindi rin nagpatalo sina Valyena at Queen Laki-faah. Nakipagsabunutan din ang mga ito sa mga kaibigan ni Ivana para tulungan siya. Nagkakagulo na. Nagtitilian na ang mga bisita. May paulit-ulit nang sumisigaw ng "Secutiry! Security!"

Dumating naman ang mga security guard. Agad silang pinaghiwalay ng mga ito. Hinihingal siya, habang si Ivana ay magulo na ang buhok, gigil na gigil na pinagmumura siya. Kahit ang gown nito ay wala na sa ayos.

Doon nakalapit sa kanila si Gavin. "What's happening?"

Pagkakita pa lang ni Ivana dito, yumakap na dito ang babae. Umiyak ito sa dibdib ng boyfriend niya. Mukhang hindi naman alam ni Gavin kung paano magre-react.

"It hurts Gavin, it hurts," pagda-drama ni Ivana. Hindi niya alam kung bakit sa pagkakataong ito ay napakahusay nitong umarte. "Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko diyan sa freaky mong assistant. Tinanong ko lang naman kung nag-e-enjoy siya sa party." Humagulgol si Ivana at hinigpitan ang yakap kay Gavin.

"Sinungaling 'yang impaktang 'yan!" sigaw ni Queen Laki-faah. "Siya ang unang nang-away!"

Pero mukhang walang naniniwala sa kanila. Masasama ang tingin ng mga tao sa kanila. Mas pinaniwalaan ng mga ito si Ivana. Alam niya kung bakit ganoon ang iniisip ng mga tao. Una, dahil halatang napuruhan nilang magkakaibigan ang grupo nina Ivana. Pangalawa, dahil silang tatlo ang mga naiiba sa lugar na 'yon.

"She's lying, Gavin. She's not telling the truth," garalgal ang tinig na sabi niya, nangingilid ang mga luha. "'Wag kang maniwala sa kanya."

Hindi nakapagsalita si Gavin. Naging abala ito na patahanin ang umiiyak pa ring si Ivana. The sight broke her heart. Isang bisita ang nagsabi sa security guard na ilabas na silang talo sa party. Hilam ang mata niya sa luha habang hinihila sila palayo sa party na iyon. Nakikita niyang nakatingin si Gavin sa kanya. And he looked as if he was disappointed at her.

She felt like she just died. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
12.1M 13.5K 5
She loves Dominic and he has no idea at all. Stephanie grew up loving her brother's best buddy, Dominic Saadvera. Despite his status in society and n...
419K 22K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.