[MMME II] Journey To Forever

Door hyunjiwon_sg4ever

700K 8.7K 1.1K

Do happy endings really exist? Meer

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 27 [Reposted]
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Hyunji's List (Part I) and Letter of Appreciation
Hyunji's List (Part II)
Epilogue
Special Chapter #1
Coming this 2015
Questions and Trivia
Special Chapter #2
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5
Another Book?
Survey!

Chapter 18

12.8K 144 15
Door hyunjiwon_sg4ever

Akala ko susukuan ko na to eh, but yeah. Hahaha. Nagbunga naman ang mga luha ko’t nakapag-update na rin after one month! Di ko talaga kinekeri ang mga mangyayari. </3

Thank you po sa inyo guys! Kayo ang motivation ko. <3 Hihihihi!

***

Chapter 18

-Natalie’s POV-

 

“Dapat di ka na lang sumama eh, dapat nagpahinga ka na lang sa bahay” baling sakin ni Lyle, pagpasok namin sa elevator.

Napanguso na lang ako at tumingin sa sahig, kanina niya pa ako kinukulit na hindi na lang daw dapat ako sumama sa kanya kesyo baka raw mastress ako, mapagod, mainip ganyan. Mas nagpapanic pa siya kesa sakin, eh pakiramdam ko naman ayos lang ako.

“Okay lang ako” sabi ko habang nabaling yung atensyon ko sa magkahawak naming kamay, magmula kasi nung pumasok kami rito ay hindi na niya ito binitawan.

“Our meeting will start in an hour, pagpasok natin ng opisina baka di na kita mapagtuunan ng pansin. Tss, dapat talaga nagpaiwan nila. Pwede naman kitang sunduin mamaya” sabi niya ulit sabay tingin sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung maiirita o matutuwa ako sa kinikilos ng Bebe ko ngayon, masyado na kasi siyang sweet, although sweet naman na siya sakin parang mas nagiging sobrang sweet siya ngayon na sobrang nakakapanibago. Hindi talaga ako sanay sa masyadong sweet na Lyle, parang ngayon gustong bumalik siya sa dati. Yung Lyle na masungit at inaaway ako. Pero err, bakit ko naman gustong ibalik yung ugali niyang yun?

“Ayos lang talaga ako Lyle, alam ko naman yung gagawin mo eh” nakangiti kong sambit sabay tingin sa kanya. Tsaka huh, heto kaya yung plano namin ni Dominic! Kaya dapat lang na nandito ako.

“Why so stubborn? Hindi kita mababantayan dun, mag-aantay ka na naman sakin ng matagal…” napayuko siya pagkasabi niya nun

Napataas ako ng kilay sa ginawa niya. Sobra talaga akong naninibago sa mga kinikilos niya. Baby anong nangyari diyan sa daddy mo at nagkakaganyan na siya ngayon? In fairness namimiss ko rin yung pagiging masungit niya. Ewan ko ba kung bakit gusto kong bigla siyang magsungit ngayon.

“Ano ka ba siempre alam ko naman yun at naiintindihan ko. Of course ikaw ang kailangan dun noh? Tsaka ayaw mo nun andun kami para suportahan ka?” sabi ko sa kanya habang nakangiti and with that he looked at me at nag-aalinlangang ngumiti. Kumunot yung noo ko “Ano ka ba naman, kaya ko naman eh!” masigla kong sabi sabay pisil sa ilong niya.

“Pero kasi—“ hindi ko na pinatuloy pa yung sasabihin niya.

“Alam mo namimiss ko yung pagsusungit at pang-aaway mo sakin” nakanguso kong sambit habang nag-iiwas ng tingin. 

“Really? Baka hindi mo magustuhan kapag sinungitan at inaway kita ngayon Bebe Ko” he said while grinning.

“Kelan ko ba nagustuhan yung pagsusungit mo aber?” amok ko sa kanya, nakangiti lang siya ng makahulugan sakin.

“Uhm, ngayon? You’re the one asking me to do it” aniya sabay ngisi, loko talaga tong lalaking to!

"Eh kasi naman eh, okay lang talaga ako kaya wag ka na masyadong mag-isip okay? Mag-focus ka na lang muna sa meeting"

Hindi na siya nakapagsalita pa nung tumunog.yung elevator, napatingin ako roon at nakita itong bumukas. Mauuna na sana akong humakbang palabas ng maramdaman ko yung kamay ni Lyle na humawak sa kanang kamay ko.

"Let's go" yun na lang yung sinabi niya sabay simulang lumabas ng elevator.

Dire-diretso lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa opisina niya. Grabe gusto ko nga sanang batiin yung mga kakilala ko dito at kausapin sana sila pero wala eh, hatak-hatak ako netong lalaking to.

“Gusto mo bang kumain? O baka may gusto kang inumin?” tanong niya pagka-upo ko sa couch, naglakad naman siya papunta sa may table niya at tsaka umupo sa swivel chair.

“Okay lang ako,” yun na lang yung sabi ko tsaka tinignan yung phone ko para icheck yung mga messages. Nakatanggap ako ng texts galing kay Dominic at Ma, they are both saying their good luck sakin para sa meeting mamaya. Nireplyan ko naman sila at pagkatapos ay sumandal ako tsaka ko pinikit yung mata ko. Inaantok ako. Kakayanin ko bang makipagsabayan sa kanila mamaya?

Idinilat ko ulit yung mga mata ko at tumingin kay Lyle, abala siya ngayon sa pagtitingin ng mga kung anu-anong papel na nasa mesa. Napaisip ako kung matutulungan ko ba siya dito sa ginagawa namin ni Dominic, I mean, he’s smart and clever it’s very impossible na wala siyang idea sa mga nangyayari sa company nila ngayon. At impossibleng wala siyang idea na ako ang nag-invest dito. Imposible naman ata na clueless siya sa mga nangyayari.

Bumuntong hininga na lang ako at tsaka tumingin sa phone kong nag-vibrate, nakita ko yung text ni Ma na puntahan ko raw siya sa opisina niya mamaya. Ipinatong ko yung phone sa mesa at tsaka ibinalik ulit yung tingin ko sa asawa ko na abala na sa pagbabasa ata ng mga papel sa harapan niya.

Ang daming sumasagi sa isip ko ngayon. Naalala ko na may competition pa, parang gusto ko tuloy mag-quit doon. Iniisip ko yung mga sinabi ni Dominic, at siyempre di ko maiwasang hindi makaramdam ng takot. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Yneh at kung anong mga plano niya. Yes I admit na natatakot ako nung una sa possibility na pwede niya pang maagaw sakin si Lyle, pero ngayon mas natatakot ako hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa anak ko.

Kaya ko ba?

Pinakiramdaman ko yung baby sa tiyan ko. Grabe hindi ako makapaniwala na magiging mommy na talaga ako.

“Stop staring Bebe Ko, you’re distracting me”

Bigla akong natauhan nung marinig ko yung boses niya. Sinimangutan ko siya at pinagtaasan ng kilay.

“Huh?”

“Kanina mo pa ako tinitignan, hindi ako makapagconcentrate you know. Tsaka bakit ka nakahawak sa tiyan mo? Hindi ka ba makapaniwala na magkakaanak na tayo? O gusto mong gawin natin yang kambal?”

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Kinuha ko yung throw pillow na malapit sa akin at tsaka binato sa kanya. Langya siya! Nasalo naman niya yun at tsaka siya tumawa nang malakas. 

“Ewan ko sayo!” singhal ko sabay kuha ulit ng throw pillow tsaka ibinato ulit sa kanya na sapol sa mukha niya. 

Naiinis ako grabe, lakas din ng trip ng taong to eh no? Masama bang titigan siya?

Buti na lang at hindi nagliparan yung mga papel sa mesa niya sa ginawa ko.

“Tss. Paano ba yan? Inistorbo mo na ako. Di na ako makakapagconcentrate dito. Ano ng gagawin natin ngayon?” sabi niya habang nakangising naglalakad papunta sa pwesto ko bitbit yung dalawang throw pillow na binato ko sa kanya.

“Wala tutunganga tayo dito” I sarcastically said tapos ay inirapan siya “Baliw ka ba? Siyempre kailangan mong gawin yang gagawin mo para mamaya, yun ang dapat mong gawin, wag kang maarte! Tsaka kung nadidistract kita sana sinabi mo para lumabas ako di ba?”

Tatayo na sana ako nung bigla niya akong hatakin kaya napaupo ulit ako. Hinarap niya ako sa kanya pagkalapag niya nung dalawang unan. Tinignan niya ako ng seryoso kaya napaiwas ako ng tingin. Minsan talaga hindi ako sanay sa pagiging polar bear niya. Tss. 

“Yun nga eh,” he held my chin and made me look at him “when you’re around I’m distracted and when you’re not around I’m also distracted because of thinking of you. You’re my greatest distraction, alam mo yan” aniya habang seryosong nakatingin sa akin.

Bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya. At pakiramdam ko ay nagblush ako don. Lakas talaga ng epekto niya sakin!

“Tsaka alam mo namang baliw na ako di ba? Baliw na baliw sayo…” he said with a seducing tone na naging dahilan para pangilabutan ako.

“Sira ka—“ di ko na natuloy yung sasabihin ko nung bigla niya akong halikan. Bigla atang lumipad sa outer space yung utak ko at hindi ako makapag-react agad. Agad din siyang lumayo sakin. Nabitin ako dun ah?

“Lalaki kaya siya o babae? Tsaka sino kaya yung magiging kamukha niya? Ano kayang ipapangalan natin sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Lyle.

Tinignan ko siya at nakatingin siya sa may tiyan ko. Di ko maiwasang mapangiti ngayon. He’s curious about our baby which I find cute, kaya lalo tuloy akong napangiti.

“Lyle! Baliw ka talaga eh no?!” sigaw ko sabay hampas sa kanya. Paano ba naman eh bigla niyang isinoot yung kamay niya sa ilalim ng blouse ko para pakiramdaman yung tiyan ko. Loko talaga to!

Paano na lang kung may biglang pumasok at makakita ha? Edi iisipin nilang minamanyak niya ako di ba?

Nagulantang ako at kinilabutan nung hinaplos niya pataas-baba yung tiyan ko. Feeling ko nga umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha eh!

“Kung lalaki siya for sure gwapo siya tulad ko, at kung babae siya for sure kamukha niya ako” aniya habang nangi-ngiti na parang baliw. Sinapak ko naman siya sa braso. Loko talaga to! Ano yun puro kanya lang?

“Aba ayos ka rin ah? Wag lang sana niyang mamana yung ugali mo! Lalo na yung pagiging babaero mo! Psh!”

“Hayaan mo siya, pag naman nakilala niya yung babaeng tinadhana sa kanya titiklop din yan at magbabago”

“Kahit na ba!—“

Hindi ko na natuloy yung sasabihin niya nung bigla niya akong halikan sa noo. Natigilan ako dun at parang ewan na lang. Hindi ko alam kung saan ako magfofocus eh, sa labi niyang nasa noo ko o sa kamay niyang nasa may tiyan ko.

“Possible palang maging ganito kasaya yung isang tao no?” mahinang sambit niya sa noo ko. Napatingala ako sa kanya at nakita ko namang tumingin siya sa akin. Ibinaba niya yung mukha niya hanggang sa magkadikit yung noo at ilong naming dalawa. Oh my!

“Oo naman,” sabi ko at tsaka pumikit. This is illegal!

“I love you” sabi niya sa akin. Napangiti na lang ako at tumango. Naramdaman ko yung isa niyang kamay sa may pisngi ko.

“Mahal din kita…” I replied.

And with that I’m the one who closed the distance of our lips. Humiwalay din naman ako sa kanya pero hinatak niya pa yung ulo ko palapit sa kanya pero umiwas ako. Napasimangot naman siya.

“Yung meeting! Tsaka tanggalin mo nga yang kamay mo sa tiyan ko! Minamanyak mo naman ako eh!”

“Ayoko nga, ikaw naman yung minamanyak kaya okay lang” 

 “Sira!”

“Pakiss na dali! Binitin mo ko eh!”

“Ewan ko sayo!”

“Dali na!”

“Kanina ka pa ah!”

Inilapit niya yung mukha niya sa akin. Pagbibigyan ko ba siya? Hmmm, sige na nga. Unti-unti ng lumalapit yung mukha kaya napapikit na lang ako.

“Mahal kita” sabi niya “Mahal na mahal kita, hindi ako mapapagod na sabihin to sayo Nat”

Napangiti na lang ako sa sinasabi niya. Nararamdaman ko na malapit ng magdikit yung mga labi namin ng…

“Lyle!”

Napahiwalay kami sa isa’t isa at napatingin dun sa pinto. Si Yneh.

“Fck! WHAT?!” Iritadong sigaw ni Lyle.

“Magstastart na yung meeting, sorry for ruining your moment”

***

Vote| Comment| Be a Fan

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

2.8M 80.8K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
4.4M 75.3K 68
Istorya kung saan babae ang nanliligaw sa lalaki. Goodluck to Mika Mendoza!
125K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...