Averian University: The Bound...

By IricoDale

15.8K 1K 178

Phantom. Mezul Castron grew up always being called by that name. In the Crimson World, it is a term that is b... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: Meet The Prince
Chapter 2: Underground School
Chapter 3: A Part Of Mystic Council
Chapter 4: First Day
Chapter 5: The Duel Between The Pro And The Newbie
Chapter 6: Outside The Battle Field
Chapter 7: Trouble Under The Table
Chapter 8: First Assignment
Chapter 9: Forbidden Gate Of Triad Land
Chapter 10: Missing In Action
Chapter 11: Arriving
Chapter 13: Quiseras Rose And The Soul Suckers
Chapter 14: Mystic Market
Chapter 15: Potion Making
Chapter 16: Potion Of Destruction By The Phantom Girl
Chapter 17: Guild Mark And His Present
Chapter 18: The Fight
Chapter 19: Sick
Chapter 20: An Angry Hell Keeper
Chapter 21: An Underwater Tour
Chapter 22: Regret
Chapter 23: Metal Vessels
Chapter 24: Successors
Chapter 25: Gone Beserk
Chapter 26: Illusionist Tribe
Chapter 27: Favor
Chapter 28: With Him
Chapter 29: Missing Heart
Chapter 30: Fire Festival
Chapter 31: Fallen
Chapter 32: Chase
Chapter 33: Inside Hell
Chapter 34: Search For The Prince
Chapter 35: The Real Beginning
Chapter 36: Monster Within
Chapter 37: Exchange
Chapter 38: Freed
Chapter 39: The King's Sin
Chapter 40: The Comeback
Chapter 41: Hearing
Chapter 42: Make It Right
Chapter 43: Izea

Chapter 12: Milky Berries

309 24 1
By IricoDale

Milky Berries
MEZUL

"RED. I LIKE this place."

"Agree, yung mga puno hindi naglalagas kahit na autumm na."

"Yes, and all of the tree's here has red leaves."

"Where can we start? Masyadong malaki ang lugar na ito."

"Pwede bang tahimik muna?!" Inis kong sigaw kina Ayen na kanina pa bulong ng bulong. Naririndi na ako, eh.

Oo na! Maganda dito sa loob ng Forbidden Gate kahit na nakakatakot at madilim. Pero, bah! Hindi na yata matatapos ang pagka-amaze nitong sina Dino, Zaina, Ayen at Altie.

Parang ngayon palang sila nakakita ng puno na may pulang dahon... shocked lang?

Mga bata talaga---tch.

Anyways...

Nasa bungad palang naman kami ng Forbidden gate. Tinatancha pa namin kung paano mapapabilis ang proseso ng misyon namin. I guess...kalahating kilometro palang siguro ang nalalakad namin buhat kanina.

Mahirap ang buhay dito sa loob. Sobrang taas ng mga puno na umaabot na yata sa ulap. Hindi ako exagerated, ha? Nagsasabi lang ako ng totoo. Iyong mga ugat, sobrang laki na para bang mga burol sa taas.

Yun ang dahilan kung bakit ang bagal ng usad namin.

So far, wala pa naman kaming nakikitang mga delikadong nilalang o hayop sa paligid. Iyon mga normal animals at insects lang tulad ng tutubi, bubuyog, asong lobo, hyeena at iba pa.

We can manage those already kahit na wild sila. Gaya ng sabi ko, nasa bungad palang talaga kami ng gubat. I'm pretty sure that we'll only encounter those when we get at the center of the Forbidden Gate.

Kung nagtataka kayo kung bakit 'Forbidden Gate' ang pangalan ng forrest na ito... Iyon ay dahil sa kadahilanang ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng creepy place na 'to. Obvious naman sa title di ba? Ang 'Gate' na tinutukoy naman ay walang iba kundi ang invicible force na bumabalot sa labas at loob ng gubat na ito.

Sabi kasi doon sa book na nabasa ko kanina... Ang kinatatayuang lupa daw ng Forbidden Gate ay isang napakalaking Magic Circle. Walang may ideya kung para saan iyon ngunit may posibilidad na pwedeng lumipat sa ibang pwesto ang gubat na ito in the near future. At marami pang iba.

Based with the elders...

Ang mga nilalang daw na pumapasok sa Forbidden Gate ay hindi na nakakalabas. Hindi naman ako naniniwala doon kasi hindi naman ako isang ordinaryong nilalang. Just like the prince...

Hindi naman siguro niya kami pababayaan di ba?

Nga pala...sabay-sabay kaming pumasok dito sa loob nina Ayen, Zaina, Dino, Altie at prinsipe Ul. Si Denim, eh, minabuti nang iwan ni Altie sa labas.

Dino can talk to animals.

Kanina ko lang iyon nalaman. Noong inutusan siya ni prinsipe Ul na pakiusapan ang animal monster na pag-aari ni Altie para maghintay pa. Hindi ko nga ma-imagine kung anong feeling ng nakakaintindi ng hayop.

Ano kayang tawag sa animal language?

Ang sabi pa ni prinsipe Ul ay mabuti na daw na maiwan si Denim sa labas para kung sakaling hindi kami makabalik kaagad at may nangyaring masama...

Pwede pa rin kaming balikan ni Denim para iligtas. Sa totoo lang, hindi ko naisip ang bagay na iyon. Mukhang totoo ngang matalino si prinsipe Ul gaya ng sabi noong seatmate ko sa potion class.

He really had the point back then.

After all, Denim is not just a simple animal monster anyway. That animal is a special one because it is a legendary animal monster na bibihira lang kung makita sa mundo namin. Kakaunti lang daw ang bilang nila.

Isa pa, ang mga animal monster din daw ang tanging mga hayop na may kapangyarihan sa magic world. Nagulat pa nga ako ng maging isang simpleng maliit na fox si Denim kanina ng bumalik ito sa little form niya.

I was very amazed...

And so...afraid.

Oo na. Duwag na nga ako kung duwag but---hell! First time kong maka-encounter ng ganon. Kaya hindi niyo ako masisisi. Baguhan ako. Newbie.

Freshmen or kung ano pang gusto niyong itawag. Still.. hindi niyo na mababago ang katotohanan na konti palang ang alam ko sa mundo. At nagsisimula palang matuto. That's life, isn't?

Gets niyo?

"Tigil muna tayo..." sabi ko matapos silang suwayin. Ang sakit na ng mga paa ko at hinihingal na naman ako.

Mas lalong nangalay pa ang mga binti ko kumpara kanina mula sa matagal na pagkakatayo at paglalakad. Nagsipagkibit balikat nalang ang apat habang si prinsipe Ul ay umupo lang sa isang malaking bato sa tabi.

Pagod na din siguro sila.

Hinubad ko ang back pack na dala ko saka naglabas ng libro mula roon. Iyon ay ang potion book ko. I open it on the same page where the Potion of Destruction was written. Binasa ko ang lahat ng ingredients nito saka nag-isip.

Nakalimutan ko kasing basahin kanina.

POTION OF DESTRUCTION

INGRIDIENTS:

Quiseras rose 3 pieces (has 12 petals each flower)

Giant dragon fly slime 2 pieces (extract the slime and put it inside a clear glass bottle. Make sure that the dragon fly's are fresh)

Destructive solution 1 bottle

Magic solution 1 pack (purely powdered)

Rassberry 7 pieces

Raptors saliva 2 tablespoon (put it inside a small glass bottle to keep from drying)

Milky berries 11 pieces (surprised the berries before harvesting. The more they're scared, the more they are effective)

Phantara leaves 6 pieces (dried then powdered before using)

Walong ingridients.

Yung anim, pwedeng makita dito sa Forbidden Gate. Yung iba... We can just buy the solution in the Mystic Market and take it. Fresh naman ang mga tinda nila doon na nanggaling pa sa ibang bayan.

Mas may tiwala ako sa mga tinda nila sa palengkeng iyon kaysa sa mga supply mismo sa Emperor Palace. Sarili kasi nilang gawa ang mga rekadong ginagamit nila sa kusina. Hindi din organic dahil may encantations silang in-apply sa mga tanim.

Di ba?

"Ano bang tinitignan mo dyan, Mezul?" Curious na tanong ni Ayen sabay lakad papunta sa direksyon. Yumuko siya para makita kung ano bang binabasa ko. Hindi ko na siya sinagot kasi nalaman na din niya. "Ano bang plano mo?" Dagdag niya ng hindi ako sumagot.

"Naisip ko kasi na maghiwa-hiwalay nalang tayong anim o mag-grupo sa tatlo para mabilis nating mahanap itong mga ingridients." Nagkamot ako ng batok. " Alam niyo na. That's better than this..." sabi ko sabay senyas ng ibig kong sabihin. Napatango-tango sina Dino, Altie, Zaina at Ayen. Pero kahit ganoon, medyo napa-isip sila.

Kahit naman siguro ako, eh, mapapaisip doon sa suggestion ko. It's really dangerous inside here. Walang mga kasiguraduhan ang buhay namin at pare-pareho kaming na ngangapa.

Bumaling ako kay prinsipe Ul na prenteng nakaupo sa bandang likuran ko kung saan may bato. He jumped off at that big rock and landed beside me. Ni hindi siya natisod o ano pa man. Ang swerte talaga ng may advance agility. Bakit kasi hindi ako lumitaw sa mundong ito ng walang ganoong abilidad?

Ugh. The world is really unfair. Tsk.

"Our top priority here, Mezul---is to arrive at the Emperor Palace in time that all of us are completely safe. We can't risk each life of our members by doing that."

"Pero mas mataas ang tyansa na makakauwi tayo ng maaga kung maghihiwa-hiwalay tayo para mabilis mahanap ang mga sangkap na kailangan natin, prinsipe. In that way... we will only consume a little time and more chance of survival. Malalakas naman kayo di ba? Don't you trust yourselves?" Pangangatwiran ko.

Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin.

"Pero sa ating anim, Mez... Ikaw ang baguhan. Baka ikaw ang mapahamak." Dinig kong wika ni Zaina. Nagkibit ako ng balikat saka nginitian siya ng totoo.

Alam kong pinabango at finilteran na niya ang mga salitang ginamit niya para maiwasang makapagsabi ng kahit na anong word na ikalulubag ng loob ko. So...I'm simply touchè.

And insulted.

Kaya hindi pagmamalasakit ang kailangan ko ngayon!

I don't need concerns but trust. For all I know, Hell Keeper pa din ako. I can manage my self. Kaya ko namang gumawa ng lagusan patungo sa impyerno kahit na wala ang mga kadena ko. Damn---I'm not a kid anymore!

I can surely manage my self. I know it.

"Don't mind me, Zaina. You can all use your wings para hindi kayo mapagod sa kakalakad. Malayo na tayo mula sa bungad ng gubat na ito. Basta pagkatiwalaan niyo nalang ang mga sarili niyo." Sabi ko.

Silence.

"By partner nalang kaya, Mezul? Mas safe yon, eh" Ani ni Dino. Sinang ayunan naman ni Altie iyon sa pamamagitan ng pagtango.

Pagtutulungan na naman ba nila ako?!

"Right. Two is better than one, Castron. Two ingredients per partner." Singit ni prinsipe Ul.

Napatingin naman ako kay Ayen para humingi ng tulong. But she refused to do so... Binigyan niya ako ng isang makahulugan na tingin. Iyong tingin na nagsasabing mas maganda kung by partner nalang ang grupohan.

Wala kasi silang tiwala sa 'kin, eh.

Ito na nga ba ang mahirap kapag hindi alam ng mga kasamahan mo ang tunay mong kakayahan. Lagi kang bi-ni-beybi at kinaaawaan at all times. Pangalawang araw ko palang dugo sa pag-aaral, eh, nase-stress na nga ako kaagad. At hindi pa sa school. Sa mga kasamahan ko pa.

Sana hindi naman lumala.

"Fine. Ganito ang patern ha? Yung pinaka mahihirap na sangkap ay mapupunta sa pinaka malakas na grupo habang yung the rest ay sa pangalawa at pangatlo."

"Mmm."

"Agree."

" That will be fine."

"Maybe...?"

Komento nila.

"Okay," hinarap ko sila. "Sa walo na sangkap rito sa libro ay anim lang ang kukuhanin natin sa gubat na ito. Those six ingredients are Quiseras Rose, Giant Dragon Fly Slime, Rassberries, Raptors Saliva, Milky Berries and Phantara leaves." Ibinigay ko ang libro kay prinsipe Ul na nasa gitna para makita nila Zaina ang laman noon. Kinuha naman niya at mabilis na ipinasa kay Dino.

Mukhang nabasa na niya. I should have known...

"Sa anim na yan ay yung Quiseras Rose at Milky Berries ang pinaka mahirap i-handle. Sa unang mag-partner mapupunta ang mga iyon. Yung apat, mahihirap din pala pero di naman gaano. Ang Raptors Saliva at Phantara Leaves ay para sa pangalawang grupo while the rest will take over the Rassberries and Giant Dragon Fly Slime. Ngayon, since ako ang pinaka mahina...automatic na sa pangatlong grupo ako." Mahabang paliwanag ko pero inilingan iyon kaagad ni prinsipe Ul. Bakit kaya? Don't tell me his against in my plan again?

Sisirain na naman ba niya ang perfect strategy ko?

Hindi sa dini-discriminate ko ang sarili ko, ah?

Tutal sabi naman ni Zaina, eh, baguhan ako kaya naisip ko kaagad na... Dapat, doon ako sa pangatlong group.

Hindi naman pwedeng sabihin ko na---kaya kong ipatapon sa impyerno ang kahit na anong nilalang na gusto kong itapon don kasi yari ako sa mga royalities at council.

I'll blow my cover. Tiyak na sasabunin uli ako. Kaya dapat, panindigan ko na din dapat ang will nila, di ba?

Yun ang umarte ako ng mahina, baguhan at walang masyadong alam.

"Kuya Ulrio is the stongest among all of us here---followed by me." Ani Ayen na ang tinutukoy ay ang prinsipe at ang sarili niya. "Sina Altie at Dino dapat ang pangalawang grupo dahil pantay ang average ng kakayahan nila habang si Zaina ay sa pangatlong grupo dahil kulang ng isang digit ang average niya para---"

"Ahh... Ano yung average?" Pigil ko kay Ayen.

I haven't read or heard about that 'average' thing she's talking about in the student manual that her older brother gave me. Hindi ko pa kasi yun tapos basahin dahil abala ako sa potion book na super kapal.

Saka anong tie? At no pa nga?!

"Ah! Yun yung grade na---"

"Nevermind Ayen, Mezul. You are going with me while Altie and Ayen will going to be partners. As well as Zaina and Dino." Humalukipkip si prinsipe Ul saka nagpatuloy. "The newbie should stay with the strongest Crimson here para hindi siya mapahamak. I know I'm right so that's final."

"Pero, Ulrio---mahirap yung mga sangkap na napunta sa inyo..." sabat ni Dino.

"But Mezul is familiar with the ingredients that we need so I'm sure that she has ways... Maganda talagang magpartner sila." Paliwanag naman ni Ayen.

Ano bang silbi ng bwisit na diskusyon na 'to?!

"Right. One boy and one girl ang patern. Boys are stronger..." Segunda ni Zaina. Inakbayan naman siya ni Dino  na nag-wink pa sa akin. Ang landi talaga niya. Tch.

"Kahit na. Pero mas preferred kong partner si Mezul. Para magka-getting to know each other pa kami---"

"Wag ka nang kumontra, Dino!" Nanggigigil na wika ni Altie sabay kurot sa kanang tenga ni Dino. Putak kasi ng putak. Napabungisngis tuloy kami ng mga girls.

Ang cute lang kasi nila, eh...

"Ah...Aww. Aray naman, bro!" Angil ni Dino saka sinapik si Altie sa ulo. Nang dahil doon ay nabitawan ni Altie ang tenga ni Dino para haplusin ang ulo. Akma pa nga silang mag-aaway ng hilahin ni Zaina at Ayen ang mga partner nila.

Gosh. Kenekeleg ako sa labtem nela. Hahahahahahaha!

Promise. Pag-graduate ko, magtatayo ako ng fans club nila! Yieee!

"Oh, pano ba? Let's seperate here." Maya-maya ay sabi ko.

Nagsipag-tanguan naman silang lahat at nag-ayos ng mga damit. Naglabas din sila ng mga lightstick dahil dumidilim na talaga rito sa loob. Kami naman ni prinsipe Ul ay pinagmasdan nalang sila. After all, our yes are capable seeing in darkness.

We are Hell Keepers, right?

"Gitna kami ng prinsipe tas kayo nila Dino, Zaina ay sa kaliwa. Kanan naman sina Altie at Ayen para masaya. Let's go!!!"

At ayun na nga. Nahiwa-hiwalay nakami.

---

Habang tinatanaw namin ni prinsipe Ul ang papalayo naming mga kasamahan... Nilabas ko na ang pouch na para sa Quiseras rose mula sa loob ng bag ko. Mas mabuti na ang ready kaysa sa mataranta ako mamaya ano?

Baka kasi may sumugod na hayop mamaya tapos mame-mental block ako ng wala sa oras.

"Ano? Hindi mo ba ilalabas ang mga pakpak mo tulad nila?" Tanong ko kay prinsipe Ul maya-maya. Gumamit na kasi ng pakpak sina Zaina para papadali ang misyon nila. Ewan ko lang dito sa prinsipe, ah?

I know, I can't use wings but I can control gravity. Iyon ang ay isa sa mga abilidad na meron ako.

Because of that...palulutangin ko nalang ang sarili ko hindi maging pabigat sa kanya. Mahirap nga lang para sa akin ang kontrolin ang sarili kong direksyon sa paglipad. Buti nalang talaga at may naisip na akong paraan para hindi mahirapan ang partner ko.

I wish, he will not turn down the idea. Baka mapahiya na naman ako sa kanya.

"You don't have wings, Castron. I can't leave you here, ng nahihirapan sa paglalakad at pag-akyat ng mga ugat while I'm flying. Babagal lang tayo." Walang emosyong sagot niya.

Laging monotone ang boses niya at hindi nagbabago. Pag-excited siya, ganyan ang tono ng boses niya. Pag-bored siya, ganyan pa rin. Pag-galit at nasa mood naman siya, wala pa ding pagbabago.

Wala man bang improvement?

"You can't carry me?" Tanong ko. Nagpapasakalye lang. Gusto ko ng kausap kaya pinapahaba ko ang convo namin. Y'know, Prince Ul is my mate. I just can't help myself from acting this way kapag kaming dalawa nalang.

Pakiramdam ko nga... Parang gusto ko mas lumapit sa direksyon niya at...at---

"I can. But I might drop you."

What?

"Okay." I shrugged. Muli kong isinuot ang bag ko.  " Kaya kong palutangin ang sarili ko pero mahirap para sa akin na kontrolin ang direksyong papupuntahan ko. Just hold my wrist when you fly. With that, hindi tayo mahihirapan."

Hindi na siya sumagot pero tumalikod nalang. Unti-unting nagkaroon ng mga linyang kulay silver ang likuran niya at pumormang hugis pakpak.

Titig na titig ako doon habang ito'y unti-unting nagkakaroon ng solid na appearance. Habang tumatagal... paitim na ng paitim ang kulay ng mga pakpak niya. Pero may iba rito.

Medyo nagtaka ako sa way ng pagpapalabas niya ng pakpak at sa itsura nito. Kanina kasi ay na saksihan ko din ng ilabas na noong apat ko pang kasamahan ang kanilang mga pakpak. Sobrang bilis nga ng mga nangyari, eh.

Basta, bigla nalang lumabas ang mga iyon mula sa likod nila ng hindi napupunit ang kanilang mga suot na damit. Ganun din naman kay prunsipe Ul pero walang mga silver linings na lumitaw kina Ayen. It's so fast to be captured by my eyes.

Pero ngayon, mas nakikita ko na ng malapitan ang detalyadong paglabas ng pakpak ni Prinsipe Ul. It's just so fantastic and so magical. I wish, meron din ako niyan just like him. Just like all of the Crimson's.

Sana lang... Sana lang talaga, ay---magkaroon din ako pati noong mga gintong kuko. Ilang taon kaya mula ngayon bago ko sila mailabas?

Kasi, simula ng magkaisip ako ay wala na akong kuko o mga pakpak. Hindi naman iyon nabanggit ni Marisa kasi wala din siyang ideya sa pinagmulan ko.

Hindi rin ako interesado kung sino ba ang mga magulang ko o kung ano ba ang tunay kong pangalan. Hindi ko iyon bi-ni-big deal.

Ang katwiran ko kasi... Mas importante lagi ang present kaysa sa past. Sa lahat pa ng pagkakataon. Tama yon---alam ko.

I don't care about my real identity before Marisa found me and treat me like her own child. I'm sure, my real parents has their reason's why they left me.

At kung simpleng ayaw lang talaga nila ako... Well, I'm still thankful. I'm thankful because---again... Marisa found me and love me well.

Maituturing pa rin naman iyong blessing di ba?

"Make yourself fly..." dinig kong sabi ni prinsipe Ul ng iladlad niya ang kanyang mga itim na pakpak na may kaunting gintong balahibo.

Ang laki nito. Mas mahaba siya kumpara sa mga pakpak nina Dino. Actually, his wings are bigger than him. Those are heavy, do they?

"Ah...okay." sagot ko pagkaraan ng ilang sandali saka sinunod ang utos niya.

Pinalutang ko ang sarili ko pero hindi gaano kataas. I just slightly rose my self para maging magkapantay ang height namin.

Hinawakan niya ang kanang palapulsuhan ko saka ikinampay ang kanyang mga pakpak ng dahan-dahan. When the force is already enough for him to raise us both in the air, lumutang na kami ng todo saka siya lumipad paalis.

Noong una, hindi pa gaano kabilis ang lipad namin. Pero ng makarinig na kami ng iba't ibang mga ungol na hindi ko alam kung saan nanggaling, eh, medyo bumilis na ang lipad namin.

His grip on me is very tight. Sa tingin ko ay never akong mahuhulog kahit na mas bumilis pa kami lalo. After all, Hell Keeper kami pareho.

Kahit na mabilis na ang lipad niya ay nakikita ko pa rin ang bawat halaman, puno, hayop, at insektong nadadaanan namin.

Nagpatuloy lang kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa... May isang napakalakas na alulong ang nagpakilabot sa akin. Sandali kaming tumigil ng prinsipe sa kalagitnaan ng ere. We both roamed our gaze side by side.

Ang lakas pa rin ng alulong. Parang ungol ng aso ang naririnig ko. But where could it be?

"Move!"

Napa-iwas ako ng wala sa oras ng dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig ko ng matanto ko kung bakit ako pinatabi ng prinsipe.

I'm so thankful na nakaiwas ako kaagad... Kasi, baka tumurok na ang mga kuko noong wolf-eagle sa likuran ko. Grabe kasi iyong kuko niya. Parang dagger.

Nga pala...

Ang wolf-eagle ay isang malaking agila namay ulo at buntot ng isang asong lobo. May pakpak ito at hindi biro ang size nito sa laki. And this wolf-eagle in our front?

Mas malaki pa yata siya sa katawan ko, eh. Nanlilisik ang mga matatalim nitong mga itim na mata na para bang atat na atat na siyang mapatay kami ng kasama ko.

Geez, di pa kami nakakalayo---may problema na naman!

Kamalas-malasan naman, oh. Tch!

"Tutustahin ko talaga ang bwisit na ibon na yan kapag nahuli ko siya!" Gulat na histerya ko ng bumuga ng isang malaking apoy ang wolf-eagle sa mismong pagmumukha ko.

Buti nalang talaga at naka-iwas ako ng mabilis dahil mabilis ang mga mata ko.

Promise---tutustahin ko talaga siya! Kung inaalala niyo na hindi apoy ang kapangyarihan ko... Well, I'm going to find another way to burn the bird into ash. I really promise!

Napatingin ako kay prinsipe Ul.

Titig na titig lang siya doon sa nagwawalang ibon at hindi gumawa ng kahit na anong move para mapatay ito. At dahil doon, wala sa sariling ikinuyom ko ang mga kamay ko para maglabas ng isang magic cirlce.

Nakakabanas.

The prince is just standing there on a corner ng hindi umiiwas sa mga pag-atake noong wolf-eagle. Though, hindi naman siya natatamaan kasi naka-barrier na naman siya.

Anong hinihintay niya?

Kamatayan?

Tatlong origami ang inilabas ko mula sa maliit na magic circle na aking ginawa. Tatlong origami lang ang kailangan ko para mapulbos siya.

Siguro...hinihintay nalang ni prinsipe Ul na tapusin ko ang kutong lupang ito kaya hindi siya gumagalaw. So in my pleasure... I'm willing to burn that wolf-eagle into ashes with just a single snap from me.

Tutal, hindi naman gaano kalakas ang mga ibon na tulad niya. Madalas, kahinaan nila mismo ang kanilang sariling mga kapangyarihan.

Anyway, this wolf-eagle that I'm talking about is also an animal monster just like Denim. Pero mahina pa ito sa kanyang lagay dahil bata pa ito.

Mas malaki rin si Denim sa kanya ng apat na beses. And I don't care the fact that it's still young and just starting to learn. Imagine that?

"Don't kill the animal." I heard the prince said. Hindi ko siya pinakinggan o tinapunan man lang ng tingin. Bahala siya dyan, ha!

Nakalutang ako ngayon. Hirap pang gumalaw. Still, pwede ko namang kontrolin ang mga origamies ko by just manipulating the gravity. Ni hindi ko nga kailangang umalis sa pwesto ko, eh.

"Mezul, don't kill it!"

"Para ano? Para ako ang unang matusta sa aming dalawa?!" Sagot ko sa mabilis na pinalapit ang aking mga origami sa wolf-eagle.

Pinaligiran ng mga iyon ang ibon sa aking harapan saka ikinulong ito sa pamamagitan ng isang invisible strings na makikita mo lang kapag tuluyan na nitong nai-gapos ang target.

"I don't mean it like---Mezul!!!"

In my single snap, sumabog ang mga paper origamies ko ng hindi man lang ako nahihirapan. Sobrang dramatic pa nga ng view, eh.

Parang naging papel sa sobrang puti iyong bird then sumabog at nag-produce ng puting usok sa ere. Parang fireworks, haha. And guess what?

The wolf-eagle just burned into ashes ng ganoon kadali!

Easy! Hahahahahahaha!

Napasinghap ako ng biglang hilahin ni prinsipe Ul ang wrist ko at lumipad ng mas mabilis kumpara sa bilis namin kanina. I was so shocked to react.

Basta ang alam ko lang, eh, pataas ang lipad namin. Hindi ko naman kayang dumilat dahil masakit sa mata ang hangin na sumasalubong sa mukha ko.

Ugh.

Kahit gusto kong sumigaw sa sobrang lula, eh, hindi ko magawa kasi speechless nga ako. Ano kayang trip ng gagong---

"I told you not to kill the monster right?! Bakit mo pa rin ginawa?"

"Eh, bakit hindi mo ko pinigilan. For all I know---mas malakas ka ng ilang beses sa---"

"Ugh! Whatever. We need to get the ingredients---as fast as we can bago nila tayo mahanap. You're really a trouble maker!" Inis niyang sigaw.

Gago 'to, ah...

Sinong 'tayo!' ang tunutukoy niya?

"Edi whatever ka din, tch." Pabulong kong sabi saka iminulat ang mga mata ko ng maramdaman kong bumagal na siya.

Napatitig ako sa isang napakalaking puno sa aking harapan. Pagkatapos ay sa baba. Para naman akong nalula bigla dahil sa sobrang taas ng pwesto namin.

With that, I glace at the giant three again in our front. Wala namang kakaiba sa itsura nito dahil kamukha lang din ito ng mga ibang puno sa paligid namay pulang mga dahon.

Napaisip ako.

What are doing here?

"Look at that side." Prince Ul butt in and gestured the direction he was aiming. Mabilis na tumingin ako doon saka nanlaki ang mga mata ng ma-realize ko kung anong mayroon doon.

Naramdaman kong muli akong hinila ng prinsipe papalapit sa kakaibang halaman na nakita niya.

Hindi ito kalakihan.

Para lang siyang singlaki ng isang ordinaryong puno na namumunga ng mangga. Ang kaibahan nga lang, eh, kulay emerald green and dahon nito. No.

The leaves of it were real  and made out of emerald stone. Kumikinang ang bawat dahon nito na pare-pareho pa ang kulay at laki na nasa apat na pulgada.

Maliban doon, mayroon din itong mga berries na bunga ang puno. Hindi kalakihan ang mga iyon at kulay red-violet pa. What the most surprised me is the fact that they have freaking mouths! May mga tinik-tinik din ito sa kanilang bibig na para bang mga ngipin.

Oh my god!

Ito na ba ang mga Milky Berries na tinutukoy sa potion book?! Paanong---

"You seem surprised, Castron. You didn't check their pictures on your book?" He asked, smirking.

"I...Um, I forgot to. Nag-focus kasi ako sa mga function nila."

"I see..." tumango-tango siya---nang nakangisi pa din.

Para na siyang nang-aasar.

O nagdududa.

Hindi ba siya naniniwala sa dahilan ko? Hesitated lang naman ako kasi nakalimutan kong silipin iyong appearance ng Milky Berries. Nasa dulong bahagi kasi ito.

Pero nakakapagtaka lang. Para yatang dumadaldal siya ngayong kami nalang dalawa? Could it be possible because of our bond?

Maybe...

Muli akong bumaling sa puno.

"Sabi dun sa book, nabububay lang ang mga Berries na iyan sa mga lugar na lubhang maingay at nakakatakot. Kailangan pa muna natin silang takutin ng maigi para mas mataas ang level ng epekto nila." Sabi ko.

"That's right. And since I'm the pro between the two of us... Ako na ang mananakot para sa kanila for better result."

Napangiti ako ng hindi ko inaasahan. Talaga lang, ha?

"Sure, make it fast, huh?" I crossed my arms as he let go my wrist.

Lumipad siya papalapit sa ibabaw ng puno saka nag-snap. Isang magic circle ang lumitaw sa paanan niya habang nasa ere pa rin. Ginto ang kulay noong magic circle kung saan may mga kulay violet na usok ang lumilipad pataas.

Noong una ay hindi ko maintindihan kung para saan iyon pero ng makabuo na ng isang mukha ang violet na usok ay unti-unti na akong naliliwanagan.

I'm pretty sure that that image forming above him is his shadow. A shadow  of a Hell Keeper like me.

Noong una ay violet ang kulay noong nakakatakot na shadow niya pero napalitan iyon ng asul ng maglaon.

I'm so scared and already shivering. His shadow is hell-oh-so-creepy!  Isang nakakatakot na mukha pa lang ang pinalitaw niya pero iyong mga balahibo ko sa katawan ay nagsitaasan na lahat.

Asul na mukha ang nakapwesto sa likod ng prinsipe. At napakalaki nito! Doon ko nalang din napansin na umuungol na ang mga Milky Berries sa puno dahil sa takot. Ghad!

Bakit kasi wala pa akong ganon, eh.

"Geez, Ul. Pakibilisan mo ng slight. I'm freezing here already!" Sigaw ko na siyang totoo. Nagyeyelo na sa paligid ko at unti-unti pa iyong kumakalat. Ugh. Hindi pa ba---

"Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!"

Napatakip ako ng dalawang tenga ng dahil sa sobrang lakas ng sigaw. Hindi nagmula sa akin, kay prinsile Ul o kung kanino mang hayop kundi sa mismong mga Milky Berries sa puno.

Kaya kahit na sobrang sakit sa tenga ng sigaw ay napilitan akong buksan ang aking bag. Sandaling nagtama pa ang mga mata namin ng prinsipe bago siya nagmadaling hilahin ang wrist ko para mas lalong mapalapit sa puno.

"Take 12 pieces of it and make it fast also. The dangerous creatures around us might be here in a minute. Go!" Sigaw na naman niya. His shadow also disappeared in just a sec.

Mukhang hindi pa niya talaga kayang patagalin ang paglabas ng inner spirit niya. But at least---kaya niya. Ako nga---di ko pa na papalabas yung sa 'kin kahit isang beses lang. Ang hina ko talaga

"Sabi ko nga!" Inis kong sansala sa kanya sabay pitas ng mga nakakadiring berries na may laway-laway pa at namumuti na sa takot.

Grabe, ang slimy nila tapos hindi pa din sila tumitigil sa pagsigaw. Ang ingay. At para sigurado, kahit na nagmamadali si prinsipe Ul ay ginawa kong 24 pieces ang mga Milky Berries na pinitas ko.

Mabuti na din ang sobra ano? Baka magkulangan kami or manakawan ng ingredients. Sayang ang grade.

Wala na akong pake kung mapuno pa ng yucky slime ang bag ko. Atleast hindi ko na maririnig masyado iyong mga screams at whimpers nila na masaket sa tenga.

Maliliit langsila pero grabe iyong ingay na nilalabas nila. Buti nalang at hindi napuno ang bag ko. May space pa kami para sa Quiseras Rose. Maybe...I should ask another bag to Arliah because of this.

"Tara na." Sabi ko sa prinsipe pagkatapos tapusin ang 'business' ko.

Agad naman niyang hinila ang waist ko saka binuhat ako ng pa-bridal style. Gusto ko pa sanang magprotesta pero binilisan na niya ang paglipad.

Na-shocked ako ng bongga.

I'm sure, he just carried me because we are on a hurry. Wala ng iba pang dahilan. Tama. Kasi baka abutan pa kami ng mga monsters.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 129K 49
when a rich spoiled bad boy Jeon Jung-hoon gets into an encounter with a Muslim girl and they become enemies so he bully her humiliates her and insul...
78.8K 2.2K 25
"๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ข'๐ฏ๐ž ๐ก๐š๐ ๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ , ๐›๐ฎ๐ญ ๐ง๐จ ๐จ๐ง๐ž'๐ฌ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ง๐ข๐ง๐ , ๐š๐ง๐...
86.3K 2.6K 52
What kind was there before the fae we know today? A story where our Inner Circle finds a fairy not a fae. AzrielxOC 18+ First uploaded: 15/9 2023