She's A Bad Girl

By Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... More

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 7

80.8K 2K 87
By Sweetmagnolia


                                        *****

"Ikaw na naman. I clearly told you to stop following me," di natutuwang sabi ni Jacob.

Miisha is cornering him and his friend while they're on their way to the parking lot. She extended her both arms to imply that they're not allowed to escape. They stopped. Namewang ang babae at ngingisi-ngising tumingin sa kanila.

"Paano mo nasabing masamang babae ako?" sumbat agad nito. "Kilala mo na ba ako? Oo minsan mo na akong nakitang nalasing but are you judging my whole personality just because of that single incident? You're unfair!" reklamo nito.

Jacob shook his head and ran his fingers thru his hair. Napapalatak at gusto niya na lamang matawa sa kakulitan ng babae.

"You're right, I don't know you well. But based on few times that I met you, nalaman ko na umiinom ka. Naninigarilyo. You're a user because I know na kinaibigan mo lang ang dalawang lagi mong kasama so you can have an easier way to stalk me. You lied about liking me. I also talked to the dean, I learned that you are a deliquent student..."

Di magawang sumabat ni Miisha habang dahan-dahang umamo ang nagtatapang-tapangang mukha. She wanted to deny his allegations pero wala siyang mahagilap na idadahilan sapagkat lahat ng mga sinabi nito ay totoo.

"Sa napakakonting panahong nakilala kita ang dami ko ng nakitang hindi magagandang bagay sayo. Paano pa kaya pag nakilala kita ng matagal? Also, I confirmed to the dean na ikaw nga yung transferee na nirerequire niyang sumali sa mga charitable organizations. I understand your situation but White Lambs is an organization with boundless dedication to it's projects. Thus, we're only looking for dedicated and with pure intentions members. Hindi kami pwedeng basta-basta na lang tumanggap ng miyembrong napipilitan lamang sumali in order to save herself from expulsion."

"You said I'm not qualified because I'm a bad girl. But could it be a sort of qualification too para maging miyembro ng club niyo?" Miisha retorted.

Nagsalubong ang kilay ng dalawang lalaki.

"What do you mean?" tanong ng kaibigan ni Jacob.

Ngumisi si Miisha. "White Lambs has a good reputation not only for charities but for being good servants of God. Puwes, now you have a chance to turn a bad girl into a good person. Dapat nga ini-embrace niyo ang mga kagaya ko para magkaroon kami ng pagkakataong makapagbagong-buhay. Hindi ba mas lalong gaganda ang image niyo kapag nagawa niyong patinuin ang isang kagaya ko?" she challenged.

"J-Jacob I think she has a point," his friend said.

Jacob shook his head in disagreement. "Maraming mga taong nangangailangan ng tulong at umaasa sa organization natin. For that, we need to have a strong core. Papaano pa tayo makakapagsilbi at makakatulong ng mabuti sa labas kung sa loob mismo ng organization natin ay meron nang paralisado? I don't want to take the rist of taking her in, hindi ko isusugal ang magandang kredibilidad ng organization just by saving the ass of a delinquent student."

Miisha quickly pouted. Haist! Ang tigas naman ng lalaking ito. No wonder why he's the leader.

"W-Well.... you have a point too," sagot ng kaibigan ng lider ngunit halata sa mukha na medyo naaawa na rin ito sa bubuntot-buntot na babae.

The two guys attempted to leave. Pero dali-daling lumuhod si Miisha.

"Parang awa niyo! Tanggapin niyo na ako sa club niyo..."

Nanlaki ang mga mata ng magkaibigan. Napahawak sa gitna ng mga kilay niya si Jacob habang tumitingin sa nagmamakaawang babae. He sighed deeply as he sees her desperation.

"Stand-up," he commanded. "I can't be swayed by kneeling."

"Maawa ka, ayokong ma-expelled."

"If you think about it carefully, maybe you and this school are not fated for each other. This kind of university is not suited for a student with your type of personality. Kung sakali mang maexpelled ka, that's a good chance para makapaghanap ka ng hindi gaanong mahigpit na eskwelahan," pagmamatigas pa rin ni Jacob.

Hindi nakatiis ang kaibigan ni Jacob, lumapit ito kay Miisha at itinayo ang babae. "Jacob, why don't you give her a chance."

Huminga ng malalim ang lider. "If I'll take her in, shall I start accepting from now on lahat ng mga nagmamakaawang applikante?"

"Pero iba naman ito Jacob. Most applicants who beg you were female students who only want to get closer to you," katwiran ng kaibigan.

Pinagpagan ni Miisha ang kanyang mga tuhod habang nakatingin pa rin sa lider nang may maamong mukha.

"I won't have a chance to find another school after here. Hindi na ako pag-aaralin ng magulang ko kapag na-expelled pa ako dito. This is my last chance."

Natigilan si Jacob sa narinig. Ilang saglit siyang nag-isip. He stared intently at her face to weigh if she's lying or not.

"There's no such parents. Walang magulang na matitiis ang anak nila. They only want you to study well that's why they said that," di pa rin kumbinsidong sagot niya. "Let's go Kyle," sabay aya niya sa kaibigan.

"I'm not doing this because I still want to study or I'm afraid of my parents!" she exclaimed.

Muling napalingon si Jacob sa babae. Her face is showing different intensity of seriousness. Her eyes look teary and her hands closed into fists habang tuwid na tuwid ito sa pagkakatayo. She's not blinking while looking at him.

"It's because of my friend," napapalunok na sabi nito. " R-Remember that day we met at the karaoke bar? I was with my bestfriend then..." Her eyes gone reddish. "T-That night she was hit by a car in front of that place. She's still alive but her life may never be the same again. Marami siyang mga pangarap na maaring hindi na matupad. But there's one thing that we dream of doing together in the future at gusto kong tuparin ito para sa kanya. However, that dream will no longer come true kapag na-expel ako dito..."

Parehong napapalunok sina Jacob at Kyle habang nakatingin sa nagsasalita. Bakas sa mukha ng mga ito na naantig sa kanilang naririnig.

"...Personally, I don't really care if I get expelled or if my parents will stop sending me to school. But I don't want to give up because of my friend. She's the most important person to me and I'm begging you to give me a chance. Consider it a charity work. Don't think about me, just think about helping a person who almost lost her hope in many things," pakiusap ni Miisha sabay yuko upang itago ang sumisilip na mga luha.

Ilang sandaling tumahimik si Jacob. His toughness is suddenly swayed by what she just said. If this is her reason, maybe there's a bigger chance that she'll not mess up in White Lambs. He cleared his throat habang nakatingin sa babaeng nakayuko.

"O-Okay, I'll give you a chance."

Agad na napaangat ng mukha si Miisha.

"Talaga!" mabilis pa sa pitik ng mga daliri na nagbago ang hilatsa ng mukha nito. Her eyes instantly glowed while making a wide smile.

"Don't get too excited yet," pahabol ni Jacob. " You're still a provisionary member. I'll give you one month to prove your worth and dedication. Kapag naging masipag at mabait ka, you're in. Pero kapag wala kang naging pagbabago, you're out. Is that clear?

Paulit-ulit na tumango si Miisha.

"Clear!" she answered with full excitement. Her smile won't leave her hanggang sa biglang may pumasok sa isipan niya. " Ahh... Jacob pwede bang bigyan mo rin ng chance yung dalawa kung kasama? I don't want to be unfair to them baka isipin nilang I'm working on my own. Masisipag at mababait din sila! " she appealed with a sweet smile.

Natigilan si Jacob. He didn't expect she'll be pleading in behalf of those two girls. "I can't." diretsong sagot niya at agad na lumungkot ang mukha ng kausap. " B-But they can tag along with you in that one month or maybe they can volunteers in some of our activities."

"Talaga!" bilog na bilog ang mga matang bulalas ni Miisha. "Naku! Tiyak na matutuwa ang dalawang bruhang yun!" tila kilig na kilig pang sabi nito sa sarili...

                                     ------

White Lambs Club

President: Jacob Anthony Marcelo

Vice President: Kyle Funtabella

Secretary: Laarni Bridgette Gamboa

"Hmmm...si Kyle at Laarni pala ang dalawang yun. They are all officers no wonder why they're always together," bulong niya sa sarili habang binabasa ang profile ng club. 

Nasa headquarter siya ng nasabing organisasyon at mag-isa lamang siya dito. She received a text to go there during her breaktime. Habang hinihintay kung sinuman ang nagpapunta sa kanya, tumitingin-tingin muna siya sa paligid. Tiningnan niya ang mga nakapaskil na mga larawan ng samu't saring activities at projects ng White Lambs.

"MIIISHAAAA!!"

Nagulat siya sa biglang pagsulpot nina Jesusa at Claribel. Nagliwanag ang mukha ng mga ito at ngumiti ng abot tenga pagkakita sa kanya. Mabilis siyang nilapitan ni Claribel at hinawakan ang kanyang mga kamay sabay na nagtatalon sa tuwa.

"EEEEEE! Totoo ba ang text mong pwede kaming magvolunteers dito sa White Lambs?! Totoo rin ba na tanggap ka na bilang probi member?" napapatiling sabi nito.

Ngumiti siya at tumango.

"OMG! Hulog ka talaga ng langit sa amin Miisha!" sabay tingin nito kay Jesusa. "Jesusa simula ngayon let's appoint Miisha as leader of our Secret Angels sisterhood!"

Jesusa nodded without hesitation. "Oh my god, ibig sabihin nito malayang-malaya na tayong makakalapit kay Jacob," nangangarap na anito.

Tumigil sa paghaharutan ang tatlo nang biglang dumating ang babaeng mala-santa ang ganda. Agad silang pomormal at tumahimik.

"Hi!" bati nito.

"Hi!" Mapagkumbabang bati ng tatlo lalo na si Miisha na yumukod pa.

"I'm Laarni Bridgette Gamboa, the secretary of this club," nakangiting pakilala nito.

"I'm Claribel Lambino!"

"I'm Jesusa Martinez!"

"And I'm Miisha Avenoja!"

"Miisha..."

"Yes Miss Secretary!" alertong sagot ni Miisha sabay taas sa isang kamay.

She quickly approached the officer at may inabot ito sa kanyang papel.

"Jacob asked me to give you this."

Binasa niya ang nakasulat sa papel. Back-to-back na lista ito ng mga grocery items.

"A-anong gagawin ko dito?" takang tanong niya.

"You need to buy those items. We have a feeding program this coming Saturday sa isang orphanage."

"L-Lahat ng mga ito?" nag-aalangang sagot niya matapos mapagtantong imposibleng kakayanin niya ang pamimili nito sa loob ng maiksing oras. Napatingin siya sa kisame.She has a class until six thirty. Bibiyahe pa siya papuntang grocery ng mga thirty minutes. Sandaling oras na lang ang pwede niyang gugulin sa pamimili. Eh bopols pa siya pagdating sa ganitong mga bagay kaya tiyak na matatagalan siya lalo. Baka sarado na ang supermarket hindi pa rin siya tapos.

Bigla siyang inakbayan ni Claribel. "You look worried. We're here remember? The volunteers."

She felt relieved na kusa ang mga itong nag-alok ng tulong. Wala siyang intensiyong obligahin ang dalawang tulungan siya. Gusto niya lang na mapalapit ang mga ito kay Jacob bilang sukli sa mga ginawa nito para sa kanya.

"Thank you," wika niya kay Calribel.

"Here's the money," Laarni gave her some amount.

"Sige. Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko didiretso agad kaming supermarket" masiglang tugon niya habang tinatanggap ang pera.

"Ah by the way, Jacob wants you to clean this place. He especially mentioned that he wants it sparkling," pahabol na sabi ni Laarni bago ito lumabas ng pintuan.

"Ha?!" gulat na sambit ni Miisha. Agad na napatingin siya sa paligid. Hindi gaanong kadumihan ang lugar ngunit hindi rin kalinisan. She only have forty five minutes left in her breaktime. Paano niya pakikintabin ang buong silid?

"Ano pang hinihintay natin? Simulan na natin ang paglilinis!" masiglang aya ni Jesusa.

"Huh? Okay lang sa inyo? Wala ba kayong pasok?" tanong niya.

"May one hour pa kaming break. Let's clean this place and make it sparkle! Siguraduhin nating maiimpress si Jacob," pahayag ni Claribel.

Sinimulan nila ang paglilinis. They laugh and tease in between cleanings. Hanggang sa makaramdam ng pagkahilo si Miisha. Dadalawang oras lang kasi ang tulog niya dahil umaga na naman siya natapos sa pagpipinta. Sinubukan niyang ituloy ang ginagawa ngunit sadyang umiikot ang kanyang paningin.

"Guys, can I take a rest for a while. M-Medyo nahihilo lang ako."

Sabay na napatingin sa kanya ang mga kasama.

"Huh? Namumutla ka nga. What's going on?" nag-aalalang tanong ni Claribel.

"I think it's my eyes. Lately medyo madalas akong nahihilo, lumalabo na ata ang mga mata ko. I guess I need to have eyeglasses," katwiran niya habang pinipilit ngumiti.

"Sige na Miisha magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala sa paglilinis," ani Jesusa.

"Thanks."

Naupo siya sa isang silyang nasa sulok at sumubsob sa armchair. She closed her eyes hanggang sa tuluyan siyang makatulog.

"Miisha..gising. Miisha...Miisha..."

May naririnig siyang bumubulong. She wanted to open her eyes but she's too sleepy. She ignored the whisper.

"Miisha...Miisha.."

Here it goes again. And this time, yumuyugyog na ang paligid niya. Dahan-dahan at hirap na hirap siyang nagmulat ng mga mata. First thing she saw was a men's pants. Namumungay ang mga matang nag-angat siya ng mukha hanggang sa tumambad ang mukha ni Jacob. Salubong ang mga kilay na nakatunghay ito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. Biglang nagising lahat ng parte ng katawan niya pagkakita sa mukha ng lalaki. Dali-dali siyang tumayo and her knee even hit the armchair sa sobrang pagkataranta.

"H-Hi Jacob.." nakangiti ngunit napapangiwing bati niya habang nakahawak sa tumamang tuhod sa silya.

"Naglinis na si Miisha kaya lang biglang sumama ang pakiramdam niya kaya nagpahinga lang muna siya," kusang pagtatakip ni Claribel na noon ay nasa tabi niya.

"Kanina pa ba siya dito?" bulong niya kay Claribel.

"Kadarating lang," bulong nito.

"Gaano na ba ako katagal nakatulog?"

"Mga thirty minutes."

Pagsasabihan sana ni Jacob ang babae pero napansin niyang tila hindi maganda ang kulay ng mukha nito. Mukhang masama nga ang pakiramdam.

He looked around at nakita niyang malinis na ang buong paligid.

"Did you receive the list of groceries from Laarni?" tanong niya na lamang sa halip na pagalitan ang babae.

"Oo, nasa akin na!" gising na gising nang sagot ni Miisha. "Bibili na kami mamaya," nakangiting wika nito.

"You don't look well. Kung hindi mo kaya. You can do the shopping tomorrow," he said.

"Ay hindi kaya ko yan! Tsaka tutulungan naman ako ng mga kaibigan ko. Di ba girls?" halatang nagpapaimpress na sagot nito.

Tiningnan ng ilang saglit ni Jacob ang kaharap.

Biglang naasiwa si Miisha nang mapansing titig na titig ang lalaki sa kanyang mukha.

"You have traces of drools in your face," pagkuway diretsong sabi nito.

Mabilis na tinakpan niya ng mga kamay ang bawat sulok ng bibig at kinuskos itong mabuti.

"Meron pa ba?" kaswal na tanong niya sa lalaki habang ipinapakita ang magkabilaang side ng kinuskos na mga pisngi.

Di sinasadyang natawa si Jacob. This is the first time he encounters a female campus mate who doesn't get concious in front of him...

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 105 8
Ano ang hanap mo sa isang coffee shop? Masarap na kape? Nakaka-addict na sweets? Romantic ambiance? Sight-seeing ng mga pogi? Magandang view ng mga...
756K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
854K 27.9K 34
Standalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2...
5.9M 101K 55
When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved