Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOI...

By LahVern

5.7K 351 85

Meet Clazel Jane Montereal ang babaeng umasa na noon sa pag-ibig. Hanggang kailan kaya siya aasa pa? More

Mr.SleepyHeadz and Me
CHAPTER 1 *Palusot #1 UNFINISHED BUSSINESS
CHAPTER 2 (isip-isip)
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5 (Brand New)
CHAPTER 6
CHAPTER 7 (Sakay na !!!!!!)
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15 (Oh its Saturdate) ^_^ PART 1
CHAPTER 16 (Oh it's Saturdate)~_~ PART 2
CHAPTER 17 (Utak Lamok)
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20 (TANGA 2X)
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
Chapter 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
*Letter for my Readers*
Chapter 28

CHAPTER 23

130 9 3
By LahVern

Chapter 23

TJ's POV

Mahirap mag-abang ng masasakyang jeep ngayon. Andito parin kasi kami ng babaeng ito sa sakayan ng jeep. Puro punuan kase, pila-pila na ang labanan sa pagsakay. Mahirap makipagsiksikan. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya siguro iniisip niya kung ano-ano kaya ang mga nagawa niya habang lasing siya. Kung alam lang niya nakakatawa talaga siya.

"Anong tinitingin tingin mo dyan? Chonggo!"

"Bakit mo ba ako tinatawag ng ganyan? Sa itsura ko na to ganyan tinatawag mo."

"Bakit gusto kita tawaging Chonggo eh.  Saka baka nga gustong gusto mo pa yung mga pinaggagagawa ko habang lasing ako."

"Oh bakit yan na naman yung topic mo? Para ka namang lasing. Ang usapan lang kung bakit mo ko tinatawag na... (tingin muna sa kaliwa at kanan tapos  bulong kay Clazel)  Chonggo tapos yan na naman. Kung alam mo lang na sinabi mong ang gwapo gwapo ko harapan pa. Gusto mo pa nga atang makipagpalit ng mukha sa akin yeh. "

"Well kung nasabi ko man yun. Sorry hindi yun bukal sa loob ko kase lasing ako ng mga panahon na yun. Saka ngayon binabawi ko na. Hindi ka gwapo no. Kaya ka nga siguro iniwan ng girlfriend mo eh nakahanap siya ng mas higit sayo."

"Sabi mo eh. So binabawi ko na din yung sinabi ko na sexy ka. Ang taba mo na kaya kesa noong una kitang nakita."

"Ang sama-sama mo."

Ang sarap niya asarin.

==================================

CLAZEL's POV

Naiinis na ako sa kanya.

Pasakay na kami ng jeep. Pinauna niya ako. Umupo ako kung saan yung hindi kami magiging magkatabi. Nakakaasar na. Akala ko pa naman tuloy-tuloy na yung hindi namin pagbabangayan nag-paused lang pala tapos play na naman. Akala niya.

Sa tapat ko lang siya umupo. Siksikan na naman. Dusog ng dusog yung katabi ko. Nakangisi naman si Chonggo. Iniirapan ko naman siya. Nagsoundtrip naman si loko saka pumikit matutulog na naman siya mabuti nga.

Umandar na yung jeep. Inaantok na din ako. Pumikit muna ako. Ang likot-likot naman ng katabi ko. Imbis na makakatulog ako makakapanapak ata ako ng manyak ngayon. Nakadikit kase yung kamay ng lalaking katabi ko sa balikat ko. Unti na lang parang nakaakbay na. Loko to ah.

Hindi ko muna kinausap kase nakapikit din baka natutulog din nagkataon lang na ganoon ang pagkakalagay ng kamay niya tapos siksikan pa. Napansin kong nakadilat na si Chonggo at nakatingin sa akin. Napansin ata niyang hindi ako komportable.

"Gosh".

Napapikit ako at gusto ko na lang itulak tong katabi ko. Bigla na lang kase siyang humawak sa hips ko. Ngayon alam kong manyak talaga to kase nakadilat na siya pero yung kamay niya nasa hips ko parin. Jowa ko ba siya? Gwapo lang siya pero ang manyak niya. Ayoko naman gumawa ng eksena dito. Tinatry kong alisin yung kamay niya pero ayaw alisin. Pumara na si Chonggo, para makaalis ako sa pangmamanyak nitong lalaking ito inabot ko na yung barya para sa bayad ko. Saka ko sinundan si Chonggo kahit hindi pa naman talaga dun kami dapat bumaba. Hindi ko alam kung bakit bumaba na rin dun si Chonggo.

Pagkababa ko hindi ko makita si Chonggo. Nagulat na lang ako ng may humawak sa puwitan ko.

"Ano ba? Kanina ka pa ah."

"Tara miss sumama ka na lang sa akin. Mas magugustuhan mo yung gagawin ko mamaya."

"Ang bastos bastos mo."

"Yan ang gusto ko mukhang palaban. Gusto ko kase yung pinahihirapan ako."

Hinigit niya yung kamay ko.

"Teka saan mo ba ako dadalin?"

"Sa lugar kung saan ka liligaya."

"Hoy saan mo dadalhin yang girlfriend ko? "

Agaw eksena si Chonggo.

"Girlfriend mo ba to? Pare pahiram muna. Ang ganda yeh."

" Gag∅ ka pala eh, sinabi ko na ngang girlfriend ko yan.  Pag sa akin sa akin lang ayoko ng may kahati."

TUGSH*******

********TUGSH

"Ano ba tama na!"

****tugsh

pak*****

"please tama na." pagsusumamo ko dahil natatakot na ako sa mga pangyayari.

"oh ano?  Lalaban ka pa? Loko ka wala kang galang sa babae." nakakagulat pinagtanggol ako ni Chonggo.

Ginulpi niya yung bastos na lalake para sa akin. Mukhang natakot na kaya nagtatakbo na palayo. Nilapitan ako ni Chonggo.

"Oh ano okay ka lang ba?" tanong ni Chonggo.

"Oo, teka napuruhan ka ata."

"Ano ba sa tingin mo? Nakikita mong dumudugo na nga. Ang sakit!!!!. Tsk sa mukha pa. Kasalanan mo to."

"Bakit sinabi ko bang tulungan mo ko?"

"So ngayon kasalanan ko pa kung bakit nasapak ako ng pangit na yun?"

"Wow, hiyang hiya naman yung lalake na yun sa kagwapuhan mo." Kahit may point siya gusto ko siyang inisin gantihan lang haha :P.

"Ewan ko sayo. Sana pala hinayaan na kitang dalin kung saan ng lalaking yun." nagwalkout nagalit si Chonggo.

"Hoy, iiwan mo ko dito?. Joke lang naman yun."

Hindi niya ako pinapansin.

"Hoy, Chonggo"

Hindi pa rin lumilingon at hindi ko pa rin siya sinusundan. Iiwan talaga ako nitong lokong to. Teka nga.

"Tulong.......... tulong ......rape.....ra~~~~" tingnan lang natin kung hindi ka bumalik dito.

"Rape......rape...........aba, kamoteng lalake yun hindi na nga bumalik."

Uuwi na nga ako gabi na, kaya naglipana na naman mga manyak dito panigurado. Mamaya bigla na lang ako hatakin magkatotoo pa yung isinisigaw kong rape dito. Nainis na nga ata yung lalaking yun. Sorry naman. Pero may concern pala siya sa akin, sabagay remember siya kasama ko nung nalasing ako pero hindi siya nagtake advantage sa akin. Hindi nga ba? ewan ko lagi naman kasi niya ako pinagtritripan.

"Ay kamote ....... "

Hala sino tong nanghila sa akin? ito na ata yung totoong rapist. Lagot ako nito. Hawak niya ako sa bibig hindi ako makasigaw.

Pero binitawan din naman niya agad kaya nagmakaawa na ako.

"Huwag nyo po ako gagawan ng masama parang awa mo na po. Ibibigay ko po lahat ng pera ko."

**********krukrukrukru***********

Hindi nagsasalita? ? Ano to pipi?

*****-*krukrukrukru*******

"Hindi ko kaylangan ng pera mo. Akala ko ba may nangrarape sayo. Pa sigaw sigaw ka pa diyan. Asa ka naman na meron magtatangka. Kung meron man parang yung kanina nakahitit lang ata ng katol yun. Bangag eh." si Chonggo pala kaya pamilyar yung amoy ng kamay mabango hindi mabaho kasi kung tambay lang yung hindi ganun kabango yun.Haha naisip ko lang naman.

"Ang sama mo talaga. Pero sige na nga kasalanan ko na kung bakit ka nasapak. Salamat sa pagliligtas may side pa lang ganyan yung Chonggong kagaya mo hindi ko inexpect yun. Tara na gamutin na natin yang sugat mo." :3

Bumili ako sa drugstore ng pwedeng ipanggamot sa sugat niya sa pisngi.

"Ano ba ang tagal mo naman. Wala ka pa bang balak umuwi gabi na. Dapat kase iniwan na kita kanina. Ang hirap pa naman maghanap ng masasakyan."

"Opo teka lang gagamutin lang naman natin yang sugat mo no. Halika ka na nga dito nang magamot na at ng makauwi na tayo. Lumapit ka na dito."

"Bilisan mo lang ha."

"Oo, umupo ka na dito. Ang arte naman nito. Inaamin ko naman na kasalanan ko ang lahat. Hindi ko lang maintindihan kasalanan na pala ang pagiging maganda ngayon tsk tsk tsk." sinasabi ko yan pagkaupo niya at habang ginagamot ko siya.

"Aray, ang sakit naman!"

"Bakit may sugat bang hindi masakit? Tiisin mo na lang. Ano ba wag mo nga akong titigan. (iwas agad ng tingin) Tingnan mo na pati ikaw aminin mo nagagandahan ka talaga sa akin. Alam mo kung hindi ko talaga alam na gusto mo parin yung ex mo iisipin kong ipinipilit mo lang talaga yung sarili mo sa akin eh. Saka hindi ko alam  kung totoo ba talagang mabait ka o may kapalit lahat ng ginagawa mo para sa ibang tao. Oh ayan okay na tara na."

"Ipinipilit??? Assuming ka talaga no."

"Nagpanggap ka pa kase kanina na girlfriend mo ko pwede namang hindi di ba? Pwede na mang-iligtas mo ko nang hindi ka nagpapanggap."

"Hindi mo ba alam na isang karangalan yun para sa maraming babae. Yung iba nga lapitan ko lang sasabihin na sa iba na may relasyon kami."

"Wow, tama na nga yan pagod na ako gusto ko nang makauwi. Ang problema natin gabi na mahirap na maghanap ng jeep na hindi puno ng sakay. Mag-aabang na lang tayo o sasakay na tayo ng tricycle? Mukha naman kasing mandarugo yung mga driver dito."

"Ayan ang dami mong sinabi may jeep na mukhang hindi puno. Tara sumakay na tayo. Huwag ka na kasing papansin para hindi ka pinapansin ng mga masasamang tao ngayon."

Sumakay na kami sa nagdaang jeep. Oo nga hindi puno ng sakay. Ganun parin si Chonggo tutulog-tulog habang

naka earphone, magkatabi kami ngayon.

**************************************

Nakarating na kami sa babaan.

"Sige bye kilala ko naman na yung mga tricycle driver dito. Kaya makakauwi na ako ng maayos."

"Okay hindi ko naman tinatanong."

Aba loko to ah.

==================================

A/N: Update update din nagkaoras na kahit mahigpit ang schedule ko.

Last week may pinuntahan kase akong debut. Next week hindi na ako pupunta sa isa pa. Malayo eh at baka ma-OP lang ako. Anyways gagamitin ko na lang yung time na yun para mag-isip ng para sa story na ito..

Sana basahin parin ninyo. ^_^ maraming salamat at GOD bless us all. ^_^. vote and comment if you want.

PS: maganda at gwapo ang magvovote at magcocomment.

Continue Reading

You'll Also Like

560K 28.6K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
1.2M 51.8K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
766K 41.2K 103
an epistolary