CHAPTER 21

139 9 1
                                    

Chapter 21

"Ahh.......ahhhhhhh ang sakit....ahhh sakit...........aa-aray!!!!!....................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... ..................................................................... .....................................................................

ANG SAKIT NG ULO KO!!!!!!!"

Akala nyo kung anong masakit napakasakit ng ulo ko. Wala akong maalala kung paano ako nakauwi kagabi.

"HOY!!!!, ano ba sis? ano ba yang sinisigaw sigaw mo jan? Iinom inom ka kase hindi mo naman pala kaya."

Sermon ni Lance.

"Pa-pano ko nakauwi?"

tanong ko kase wala talaga akong ideya kung paano ako nakauwi.

"Aba! Malay ko sayo nakita na lang kita dito sa sala kagabi. Alangan namang buhatin pa kita sa kuwarto mo.Malaglag pa tayo sa hagdan. Si tita umuwi kagabi tapos umalis din. Buti na lang hindi kayo nag-abot baka gumana na naman ang pagkaOA ng mommy mo. Sabagay palagi naman kayong hindi nagkikita sa bahay na 'to kaya okay lang na gawin mo lahat ng gusto mo."

"Ang sakit ng ulo ko. "

"Ganyan ka hindi ka man lang nag-aya.  Saan naman party ang pinuntahan mo?"

"Party?  party? brokenhearted ako sis! "

"WOW, big word BROKENHEARTED, ni wala ka namang boyfriend paano ka naman makakaramdam nun?"

"Ano ang mararamdaman mo kung yung friend mo eh inahas ka? Na yung lalaking gustong - gusto mo eh boyfriend na nya ngayon kahit na alam niya na patay na patay ka doon sa lalaking yun."

"Bakit ano ba ang nangyari sayo saka sinong kaibigan ba? Sabihin mo sa akin kung sinong babae ang nangahas kay Jomar mo at..." hindi pa siya tapos magsalita ay nagsalita na ako.

"Haha Jomar Jomar Jomar puro nalang Jomar." siya nalang kase ng siya kung bubuksan siguro ang utak at puso ko

siya ang laman nito.

"Oo nga 'teh puro ka nalang kase Jomar eh."

"Hindi na ngayon, nagmukhang tanga lang ako sa kanya." ngayon ko lang napag-isip-isip. Kung tutuusin matagal na akong mukhang tanga sa kanya. Hopyang hopya mga 'teh.

"Ikaw naman kase yeh. Kasalanan mo din naman yan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon." ako pa talaga ang may kasalanan ha?

"Wow salamat ha! Ang bait mo talagang bestfriend." Inirapan ko lang siya.

"Eh sino ba kasama mo kahapon sa pagcecelebrate mo ng pagiging "brokenhearted" mo?"

"Si~si siya ba naghatid sa akin kagabi?" bigla kong pagtatanong kay Lance.

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now