CHAPTER 23

130 9 3
  • इन्हें समर्पित: madz_04july
                                    

Chapter 23

TJ's POV

Mahirap mag-abang ng masasakyang jeep ngayon. Andito parin kasi kami ng babaeng ito sa sakayan ng jeep. Puro punuan kase, pila-pila na ang labanan sa pagsakay. Mahirap makipagsiksikan. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya siguro iniisip niya kung ano-ano kaya ang mga nagawa niya habang lasing siya. Kung alam lang niya nakakatawa talaga siya.

"Anong tinitingin tingin mo dyan? Chonggo!"

"Bakit mo ba ako tinatawag ng ganyan? Sa itsura ko na to ganyan tinatawag mo."

"Bakit gusto kita tawaging Chonggo eh.  Saka baka nga gustong gusto mo pa yung mga pinaggagagawa ko habang lasing ako."

"Oh bakit yan na naman yung topic mo? Para ka namang lasing. Ang usapan lang kung bakit mo ko tinatawag na... (tingin muna sa kaliwa at kanan tapos  bulong kay Clazel)  Chonggo tapos yan na naman. Kung alam mo lang na sinabi mong ang gwapo gwapo ko harapan pa. Gusto mo pa nga atang makipagpalit ng mukha sa akin yeh. "

"Well kung nasabi ko man yun. Sorry hindi yun bukal sa loob ko kase lasing ako ng mga panahon na yun. Saka ngayon binabawi ko na. Hindi ka gwapo no. Kaya ka nga siguro iniwan ng girlfriend mo eh nakahanap siya ng mas higit sayo."

"Sabi mo eh. So binabawi ko na din yung sinabi ko na sexy ka. Ang taba mo na kaya kesa noong una kitang nakita."

"Ang sama-sama mo."

Ang sarap niya asarin.

==================================

CLAZEL's POV

Naiinis na ako sa kanya.

Pasakay na kami ng jeep. Pinauna niya ako. Umupo ako kung saan yung hindi kami magiging magkatabi. Nakakaasar na. Akala ko pa naman tuloy-tuloy na yung hindi namin pagbabangayan nag-paused lang pala tapos play na naman. Akala niya.

Sa tapat ko lang siya umupo. Siksikan na naman. Dusog ng dusog yung katabi ko. Nakangisi naman si Chonggo. Iniirapan ko naman siya. Nagsoundtrip naman si loko saka pumikit matutulog na naman siya mabuti nga.

Umandar na yung jeep. Inaantok na din ako. Pumikit muna ako. Ang likot-likot naman ng katabi ko. Imbis na makakatulog ako makakapanapak ata ako ng manyak ngayon. Nakadikit kase yung kamay ng lalaking katabi ko sa balikat ko. Unti na lang parang nakaakbay na. Loko to ah.

Hindi ko muna kinausap kase nakapikit din baka natutulog din nagkataon lang na ganoon ang pagkakalagay ng kamay niya tapos siksikan pa. Napansin kong nakadilat na si Chonggo at nakatingin sa akin. Napansin ata niyang hindi ako komportable.

"Gosh".

Napapikit ako at gusto ko na lang itulak tong katabi ko. Bigla na lang kase siyang humawak sa hips ko. Ngayon alam kong manyak talaga to kase nakadilat na siya pero yung kamay niya nasa hips ko parin. Jowa ko ba siya? Gwapo lang siya pero ang manyak niya. Ayoko naman gumawa ng eksena dito. Tinatry kong alisin yung kamay niya pero ayaw alisin. Pumara na si Chonggo, para makaalis ako sa pangmamanyak nitong lalaking ito inabot ko na yung barya para sa bayad ko. Saka ko sinundan si Chonggo kahit hindi pa naman talaga dun kami dapat bumaba. Hindi ko alam kung bakit bumaba na rin dun si Chonggo.

Pagkababa ko hindi ko makita si Chonggo. Nagulat na lang ako ng may humawak sa puwitan ko.

"Ano ba? Kanina ka pa ah."

"Tara miss sumama ka na lang sa akin. Mas magugustuhan mo yung gagawin ko mamaya."

"Ang bastos bastos mo."

"Yan ang gusto ko mukhang palaban. Gusto ko kase yung pinahihirapan ako."

Hinigit niya yung kamay ko.

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें