CHAPTER 10

166 13 6
                                    

CHAPTER 10

CLAZEL's POV

Nasaan na ba yun ang bilis naman mawala nun. Siya nga kaya yung nakita ko? Paano namang magiging siya yun impusible yun. Nakatulog naman akong mabuti kagabi kahit stress ako kahapon kase uminon naman ako ng pampatulog ito ba epekto nun grabe!!! Wag naman ganito to, tapos na yung pagpapantasya ko sa kanya ahh naka move-on na rin naman ako. Wag naman na nating ibalik ang masakit na kahapon. :(

*************************************

Itinigil ko na ang paghahanap dun sa nakita ko kanina. Naalala kong babalik nga pala ako sa business center para magpagawawa ng I.D.

Habang sa aking paglalakad papunta doon aligaga pa din ako dahil sa pag-iisip. Hindi ko pinapansin yung mga tao na nakakasalubong ko kahit binabati nila ako ng good morning hanggang sa biglang.......

***BLAG***

Nabunggo ako sa isang bagay dahilan para malaglag yung mga dala kong gamit. Sa pagtingin ko kung ano ang nabunggo ko mali pala ako hindi pala isang bagay ang nakabungguan ko tao pala ito at babae pa nakakahiya naman.

"OUCH!!! ANO BA ARE YOU BLIND PARA HINDI MO MAKITA NA PADAAN NA AKO." Aba ang taray nang lola nyo.

"I'm so sorry miss, may iniisip lang kase ako kaya hindi kita napansin sorry talaga.!" Sabi ko sabay pulot ng mga nalaglag na gamit ko.

"Ah may isip ka pala, kala ko kase tatanga-tanga ka lang talaga hhu". Hirit pa nya uli.

ABA sumosobra na tong babaeng to wag nya sabihing maganda na siya sa lagay na yan ha. Teka nga !!!!

"OKAY, once again miss I'm so sorry kung nabunggo kita ha. Patawad sa nagawa ko ha. Sana patawarin mo ako. Mapapatawad mo paba ako ? Sana naiintindihan mo na, tagalog at ingles na ginamit kong lingguwahe nyan para maunawaan mo. Saka maitanong ko lang ikaw ba may ari ng university na to?"

Nagtitinginan na ang mga tao sa paligid.

Oh ano ka ngayon ateng mahadera tameme ka? Ang sama naman ng tingin mo na parang gusto mo na akong sabunot-sabunutan ah .

Ramdam kong nainis na siya sa sinabi ko. Kagat-kagat na kase niya yung labi niyang napaka kapal ang lipstick.

"I hope you don't mind kung aalis na ako may gagawin pa kase akong mas importante eh sorry talaga ha. Oh one more thing may I remind you na kung hindi naman pala ikaw ang may ari ng nilalakaran mo at alam mong mabubunggo kana ng kasalubong mo at kung gumagana yang utak mo lumihis ka nalang ha." OH sige sino sa atin ang tatanga-tanga :D

Nginitian ko nalang siya yung parang nang-iinis pa para manggalaiti siya sa inis. Aba sino siya para magtaray ng ganun kung tingin niya maganda siya MAS MAGANDA AKO SA KANYA WAHAHA. Ang aga-aga sisimulan niyang gawing badtrip ang araw ko ano siya sinuswerte. Sino ba siya?

??????????????????????????????????????

So nagdiretso

na ako sa lugar na dapat kanina ko pa napuntahan kung hindi lang ako naka encounter ng isang mukhang aswang.

Pagdating ko sa tapat ng pintuan ng business center napansin kong mukhang may tao na sa loob kaya pumasok na ako. Andun na si Kuya na kausap ko kahapon.

"Good Morning!!!" bati ko pagpasok ko sa loob, kay Kuya saka doon sa isang kasama niyang lalake na nakatalikod.

"Oh, good morning din. Ang totoo niyan miss maganda ka pa sa morning."

Nginitian ko lang siya syempre ikaw ba naman sabihan ng ganun hindi kaba matuwa.

"Siya nga pala andito na yung magpipicture sayo."

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Där berättelser lever. Upptäck nu