CHAPTER 18

121 8 0
                                    

Chapter 18

CLAZEL's POV

Nakakainis mang isipin na ginamit lang niya ako para pagselosin yung bruhang babaeng yun, mas naging okay naman na yung feeling ko ngayon. Ewan ko ba dahil siguro medyo nabigyan ng kasagutan yung mga tanong ko. Nakakahiya man isipin na ang buong akala ko ay may gusto siya sa akin, eh bakit ba kase yun ang akala ko eh. Sabi nga sa kanta ng Brownman Revival na "marami ang namamatay sa maling akala."

kaya in short wag assumera baka ikamatay mo agad yan 'teh.

Kinakain ko na 'tong mga prutas na dala ni Chonggo ngayon. Iba't-ibang prutas ang nakalagay sa basket. Ang sweet naman pala ni Chonggo may pa prutas prutas pa. Anyways thanks for that. Kaylangan ko talaga yan. Kung tatanungin nyo ako if inis parin ako sa kanya abay Oo parin ang sagot ko. Aba hindi naman ako makukuha sa isang basket ng prutas lang. Sana nagtry siyang gawin dalawa baka sakali.

Pero naguguluhan ako. Anong tulong naman kaya yung hinihingi niya? Kasalanan ko naman kase yun eh pinaalis ko siya agad hindi ko man lang pinagpaliwanag if para saan yung tulong. Eh bigla nalang kase humihingi ng pabor bakit hindi pa naman kami totally OK ahh.

Siguro gusto niya humingi ng tulong para magbalikan sila nung bruhildang Sam na yun. Well, paano pa mangyayari yun may boyfriend na ata siya. Pero kung ikukumpara gwapo nga yung lalaking boyfriend ni bruha pero mas gwapo naman si Chonggo dun para sa akin. Wala lang, hindi naman dahil sa nasuhulan ako ng prutas yun lang naman ang sa tingin ko.

Hindi na ako nagtataka bakit niya nalaman kung saan ako nakatira siguro sinave niya nung nasa kanya yung i.d. ko.

Andito parin ako sa sala ng biglang dumating si Lance.

"Oh sis bakit bukas na yung pinto saka bakit may prutas kana saan naman galing yan?" may pagtataka niyang tanong.

"Ahh may nagdala lang nito kanikanina lang bago ka dumating. Gusto mo?"

"Sige okay lang. Eto pa nga oh bumili pa ako ng apple dahil sabi mo bilhan kita ng prutas."

"ahmm salamat sige kakainin ko din 'toh."

Naglilihi lang ang peg. wahaha!!!!

###############################

TJ's POV

Nagtataka kase ako kung bakit hindi pumapasok yung babaeng yun. Ilang araw narin siyang absent. Naisip ko tuloy na baka dahil sa nangyari noong sabado kaya ayaw niya pumasok, dahil ayaw niya ako makita.

Alam ko namang may kasalanan ako.Ayaw ko namang sa txt lang ako magpaliwanag sa kanya baka lalo pang magalit yun kaya naisip ko na puntahan na lang siya sa bahay niya. Alam ko naman kung saan yun address niya nilagay ko kaya sa notepad ko ang mga impormasyon about sa kanya para may alam ako sa taong tutulong sa akin sa mga plano ko. Di ba wais to.

Habang naghahanda papunta sa bahay ng babaeng yun iniisip ko kung ano ang magandang ibigay sa kanya peace offering ba. Hindi naman kase ako sanay na may kaaway akong babae. Kung si Sam lang to flowers lang ang katapat nito. Yun kase laging binibigay ko sa kanya pag may tampuhan kami ako laging nauuna makipag-ayos. Natutuwa naman siya pagbibibigyan ko siya nun. Baka naman kasi pagbinigyan ko ng flowers yung babaeng yun kung ano pa ang isipin niya. Saka tingin ko naman mas effective lang talaga yung flowers kung girlfriend mo ang pagbibigyan mo nun. Ang kaso hindi ko siya girlfriend at mukhang hindi kami magiging friends.

Tinxt ko muna si Drake kung ano pwede ibigay sa isang babae na hindi ko naman girlfriend na pang peace offering . Tapos wala din siya maisip. Hindi ko nga alam if bakit isang basket ng prutas ang nabili ko siguro nadaan ako sa sales talk nung nagtitinda.

Nagpunta ako sa bahay niya kahit na hindi ko alam ang magiging reaksyon niya. Pero nung nandoon na ako wala namang naglalakihang aso na handang lumapa o humabol sa akin. Wala naman din siyang nakahandang kanyon o itak.

Yun nga lang ayaw niya talaga ako makita. Ang sakit ng pagkakaipit ng kamay ko sa pinto, dumudugo kaya. Lakas ng impact ng pagsasara niya eh.

Tinamaan naman ata siya ng kaunting kunsensya kaya pinapasok niya ako sa loob ng bahay. Ang akala ko pa naman ay tutulungan niya akong gamutin ang dumudugo kong kamay nang ibigay niya yung first aid kit aba papanuorin lang pala ako kung papaano ko gagamutin ang sarili kong kamay. Syempre naman mahihirapan ako. Sino nagsabi na madali yun. Alam ko namang nasisiyahan yung babae na yun na makita akong nahihirapan.

tsk tsk tsk .....

Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya. Ang sakit kaya ng kamay ko. Gusto ko lang naman magsorry eh. Hindi ko nga alam if bakit pa ako magsosorry kiss lang naman ang nangyari. OA lang siya magreact. Ang dapat ko lang naman ipagsorry ay yung pagdamay ko sa kanya sa plano ko.

Nagulat ako sa pag-ako niya na siya na ang gagamot ng kamay ko kahit alam ko na minamaliit niya ako dahil hindi ko magamot yung sugat ko. Sinabayan pa niya ng pagtatanong kung bakit ako nagpunta sa bahay niya. Noong nasabi ko na yung dahilan nainis na lalo siya.Ang pagkakita pa nga lang niya daw sa akin ay sumasama na ang pakiramdam niya at dahil sa may sakit daw siya lalo pang sumama ang pakiramdam niya.

Pero ang sabi niya halata naman daw nagselos si Sam ng makita nito na kasama ko siya. Ang ibig sabihin kung nagselos siya may feelings parin siya para sa akin. Di ba? Mag-agree kayo para tumaas ang confidence ko.

So kailangan ko talaga ang tulong ng babaeng to. Kaya sana naman pumayag na siya.

Ang masaklap lang ay pinaalis na niya ako agad. Pipilitin ko na lang siya sa ibang araw.

***************************************

@School

Pumasok na ako. Present na ako sa attendance.

"Good Morning class" bati ni Sir Jomar.  Ang tagal ko ring hindi narinig ang boses niya at makita ang gwapo niyang mukha.  "Ohh Ms.

Montereal bakit ngayon ka lang pumasok? Anong nangyari?  Well mamaya mo na lang

sabihin ang excuse mo kase kaylangan na nating mag-umpisa ng klase. Ok ba?" tumango na lang ako na ang feeling ko parang magkahalong disappiontment at excitement.

Disappointed ako dahil parang hindi man lang niya ako na miss. Parang hindi man lang niya gusto alamin yung dahilan bakit ako absent. Bakit kaylangan mamaya pa kung pwede namang ngayon na. Di ba? Ginawa pang-excuse na magstart na ng lesson eh 10 minutes pa bago magtime ng pagstart. Hay na ko!!! Excited naman ako dahil makakausap ko siya mamaya.

"Okay class kamusta naman kayo? bago tayo magsimula ng klase gusto ko humanap muna kayo ng kapartner nyo para sa gagawin niyong activity."

"Sir~sir ano po ba yung gagawing activity pwede po ba kayo na lang

ka partner ko?" Nako taghigad na naman mga dre. Itong classmate kong mukhang aswang na sabog ang blush-on.

"Hindi pwede dapat classmate nyo ang partner niyo." tama nga naman uunahan pa ako nito akin lang si Jomar.

Bakit ganun wala na akong ka partner it means si Jomar na partner ko wahaha ako ang nagwagi !!!! tentenenen.

"Sir wala na po akong partner." Yes!!!

××××××××××××××××××××××××××××××××××

A/N: Siya lang ang walang kapartner na masaya pa.

Bumabagyo Guys. Mag-ingat tayong lahat keep safe.

Bumabagyo na Summer parin sa story ko. Ito lang free time ko masama pa ang lahat ng panahon. Sana umalis na ang bagyong Glenda.

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now